CHAPTER 2

Lila




"Ate alis na ako!" Sigaw ko para marinig niya ako mula sa Kuwarto niya.

"Oo, alis kalang. Huwag ka ng babalik pa!" Balik niya ring sigaw sa akin. Napairap nalang ako bago lumabas ng bahay at isinarado ang pinto.

Galit parin siguro dahil kanina lang ay hindi ko siya nabilhan ng gusto niyang pagkain. Buntis nga naman oh.

Nag-abang na ako ng taxi at ng makasakay ay isinaad ko sa Driver ang address kung saan ang kompaniyang pinapasukan ko. Sana naman hindi masyadong busy ang kompanya ngayon dahil PUYAT ako ngayon. At dahil iyon kay Ate.

Nang makarating ng kompanya ay agad na akong pumasok at binati ang mga katrabaho bago pumuntang department kung saan ako nakapuwesto.

"Magandang umaga." Bati ko pagkalabas ng Elevator.

"Gandang umaga rin Lila." Ani ni Georgia. Ang kasundo ko sa kanilang lahat.

"Marami ba ngayong gagawin?" Tanong ko at pumuntang table ko. Buti naman at walang masyadong nakalapag na papeles.

"Wala naman. Good mood ata ngayon ang manager natin." Ani nito at tumayo sa tabi ng table ko.

Hmm? Goodmood ba kamo? First time 'yon ah.

"Ano kaya ang nangyari sa kaniya?" Tanong ko habang inaayos ang lamesa.

"Baka may kadate na." Mapagbiro niyang ani.

"Possible." Kibit balikat na ani ko. Singgle kasi iyon kaya super sungit pagdating sa aming mga empleyado ng kumpanya. Ang lakas rin ng loob dahil pinsan niya ang Boss namin.

Buti nga at hindi siya nasusumbong sa boss. Kahit naman na pinsan siya ng Boss ay wala parin siyang magagawa kung tanggalan siya ng trabaho.

"Sige mukhang ayaw mo naman makipag-kuwentuhan eh." Ani niya bago tinalikuran ako.

Babaeng 'to. Hindi na nasanay na ganito ako magsalita. Pero tama naman siya, wala ako ngayon sa mood lalo na at lumalaro sa isipan ko ang pangyayari kaninang madaling araw.

Napilig ko ang ulo ko ng magsimula na akong mawala sa katutuhanan. Grabe naman kasi ang ganda niya. Parang nakakainggit na nakakainlove. Hala siya ಠ_ಠ.

Anyways. Nagsimula nalang akong magtrabaho at doon nalang ipinokus ang sarili at isipan.

[Lunch Break]

"Sissy sabay tayo!" Napalingon ako kay Keya ang pinakanakakairitang babae sa departaminto ko ng tawagin niya ako.

Patakbo siyang pumunta sa akin at agad na niyapos ang mga braso ko. "Anong sabay?" Ani ko dito at nagsimula ng maglakad. Ganon din siya.

"Sabay sa pagkain Sissy. Ano ba 'yan ang slow mo parin." Maarteng ani nito.

Napailing na lamang ako. Lunch break na namin ngayon at papunta kaming Cafeteria ng kompaniya. Wala na akong oras para lumabas dahil marami pala ang mga papeles na tatapusing gawin. Pabitin ang manager namin.

"Nga pala, kamusta kayo ng bf mo?" Maya maya ay tanong ko dito. May boyfriend siya na manluluko, panget naman. Iwan ko ba kung bakit iyon naging bf ni Keya eh ang ganda ganda naman niya, tapos manluluko iyon. Tsk tsk. Ang lagi naman niyang rason kapag sinasabihan namin ng 'hiwalayan mo na' ay 'mahal ko siya eh'. Grabe. Swerte na nga ng lalake na iyon tapos manluluko pa.

May time nga na nahuli ko siyang may kahalikang iba tapos no'ng sabihin ko kay Keya, hindi siya naniwala. Tsk tsk.

"Hmm, I was planning na maki pag-break up na dahil sawa na ako sa panluluko niya." Napahinto ako at tiningnan siya ng may gulat sa mukha.

"Talaga?" Tumango siya bago sumimangot. Nagsimula akong muli maglakad.

"Buti naman at naisipan mo na." Tumango tango lang siya at nagkuwento ng iba pang mga bagay bagay na tinatanguan at pinapakinggan ko nalang.

Nang makapasok sa Cafeteria ng kompanya ay agad na akong bumili ng makakain. I just order sandwich and a cun if sprite.

"Iyan lang ang kakainin mo?" Nakangiwing tanong ni Keya ng makaupo na kami sa table na napili naming p'westuhan.

Tumango nalang ako at napailing. Kahit kaylan talaga napaka arte niya pati rin sa pagkain, gusto dapat kung ano ang dapat na kainin sa ganong oras ay 'yon ang masusunod. Tsk tsk.

Nagsimula nalang akong kumain at nakita ko namang ganon din siya hanggang sa matapos na ang oras ng lunch break namin at balik na naman sa trabaho.

UWIAN na at saktong tapos narin ang sa mga ginagawa ko. Isinukbit ko na ang bag ko at napaunat nalang ng makatayo mula sa pagkaka-upo.

Grabe kahit na sa pag-upo nakaka pagod parin. Maghapon ba naman kasing nakaupo eh.

"Georgia mauna na akong umuwi huh." Paalam ko sa kaniya ng madaanan ko ang table niya. Tumango naman siya.

"Oo sige na at may tatapusin parin akong trabaho." Ani ko tumango nalang ako at matapos halikan ang pisnge niya ay umalis na ako.

Pagkababa sa building ay dumeretso agad ako sa kabilang side ng kalsada upang doon mag abang ng masasakyan.

Habang nag-aabang naman ay may biglang tumabu sa akin na tao na hindi ko naman pinansin at tumingin tingin lang sa mga dumadaang mga sasakyan.

"Ehem." Napalingon ako sa katabi kong tao at...

Para akong hihimatayin ng bumungad sa akin ang maganda niyang mukha at lali na ang mga mata niya. Sheyt, totoo ba itong nakikita ko? Na-bless ata ang eyes ko.

"Ahm, Ms.?" Nabalik ako sa ulirat ng kumaway-kaway siya sa harapan ko. Napakurap kurao naman ako.

Nakakahiya!

"S-sorry. May kailangan kaba?" Tanong ko nalang para lihisin ang pagkapahiya.

Siya kasi ang babaeng aksidenteng natamaan ng sinisipa kong bato. Grabe, Coincidence lang ba ito o sinadya talaga ni tadhana?

"Wala naman. Nakita lang kitang pamilyar sa akin kaya nilapitan kita at totoo nga talagang pamilyar ka sa akin." Ani nito at may kasamapang pamatay ngite. Tingin ko anytime mahihinatay ako.

Kailangan ko nabang tumawag ng ambulance in advance?

Naalala ko ang noo niyang natamaan ng bato kahapon, kaya tinanong ko siya.

"Ok na ba ang noo mo?" Nag-aalalang ani ko dito. Baka kasi ma-infection hindi natin alam. Mas mabuting nakakasiguro kesa sa maghintay kung anong mangyayari.

Saglit naman niyang hinawagan ang noo niyang may maliit na galos bago ako nginitian at sinagot. I think I'm loosing some oxygen.

H-help. Ack ×-×.

"Ok na rin. Hindi na masakit." Ani nito ng nakangite. I compose my self bago humingi ulit ng tawad sa kaniya.

Nakakakonsensya kasi.

"Pasensya na talaga kahapon ah. Hindi ko talaga sinasadya iyon. Sorry ulit." Patawad ko. Ngumite naman siya.

Tama na please, mababaliw na ako:)

"No it's ok as I said. Ano nga palang ginagawa mo dito? Mukhang dito ka nagtatrabaho ah." Pag-iiba nito ng topic.

Napalingon naman ako sa kaharap naming company building kung saan ako nagtatrabaho. Tumango ako bago sumagot.

"Oo, diyan ako nagtatrabaho. Uwian na namin ngayon kaya nandito ako at naghihintay ng p'weding masakyan." Sagot ko naman ng nakangite, syempre white teeth ako 'no.

"Ganon ba." Tatango tango niong ani.

"Ikaw, bakit ka nandito. Nagtatrabaho kaba somewhere ba malapit dito or napadaan kalang." Balik na tanong ko sa kaniya.

"Napadaan lang ako." Sagot niya tumango tango ako at bahagyang tinalikod ang ulo sa kaniya.

Napangite ako sa sobrang kilig at nakagat na lamang ang labi.

Ano ba iyan, sobrang kilig na 'to. Abot na ba ito hanggang mars? O kulang pa? Ehhhh, ano ba!

Ang cute kasi ni —

Ang lakas kong kiligin sa kaniya hindi ko pa pala alam ang pangalan. Takte naman o, baka mamaya maghiwalay kami ng daan at hindi na magkita. Ayaw ko naman 'yon(;´༎ຶٹ༎ຶ') baka my chance. Try lang naman!

Hinarap ko siya at saglit muling napatitig ng madatnan ang postora niya.

Nakapamulsa siya habang nakatingin sa daan. Grabe, tapos idagdag mo pang matangkad siya. Sino ka diyan boy?

"Ahh, Ms." Tawag pansin ko dito.

"Hmm?" Lingon niya sa akin.
Hindi ko na papalampasin ito. Kailangan kong malaman ang ngalan mo! Sa lalong madaling panahon!

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Kapal ng mukha ah?

Pero pagkakataon ko na ito eh. So iga-grab ko na.

"Oh, I forgot to introduce my self to you." Oo nga eh.

"Ako nga pala si Huna Madrigal." Madrigal? Hindi hindi. Baka magkaparehas lang pero hindi magkaano ano.

Inilahad niya ang kamay sa akin na ikinakilig naman ng kalubluuban ko.

"Ako naman si Lila Joaquin." Matapos kong sabihin iyon ay nakipag kamay ako sa kaniya. Shake shake shake.

Pero sheyt 'te! Ang lambot ng arm, parang anak mayaman. Baka nga. Ang laki pa ng kamay huh. Hindi naman siya na sibrang laki ano. 'Yong ano lang, nag mukhalang kasing malaki kasi sa maliit long kamay.

Nakita kong napakunot ang noo niya na ikinataka ko ngunit sandali lamang iyon at muli siyang ngumite sa akin.

Binitawan na niya ang kamay ko na ikinadismaya ko. Sayang naman.

"Mukhang kanina kapa naghihintay ng masasakyan dito ah." Ani niya maya maya. Tumango naman ako.

"Oo eh. Halos wala na nga akong mapara kasi ang daming tao ngayon." Ani ko ng mahina.

"Gusto mo hatid na kita." Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng sabihin niya iyon.

OA mo naman heart. Kalma lang magiging atin rin iyan.

Eh?

"Hindi na nakakaabala lang ako." Weh? Ayaw mo talaga?

"Ihatid na kita. And I want to be friends with you sana. Nakakatuwa ka kasing kasama." Friends lang? Pwedi namang jowa. Nag ha-hire ako eh. Charot!

"Really? Sige kapag nahatid mo na ako, friends na tayo." Dali mo namang pumayag pero sige na nga.

Ehe.

[5 Months later]

"Ate Lila! Ate Lila!" Nilingon ko naman ang isa sa mga katrabaho ko na papalapit sa table ko.

May dala dala itong mga papelis na alam ko na kung anong pakay niya sa akin. Hayst, iuutos na naman niya ito sa akin. Takot kasi kay boss eh. Base kasi sa mga chismis ay masungit daw si Boss kaya karamihan sa amin ay natatakot na lumapit sa kaniya o pumuntang opisina.

Hindi ko pa ito nakikita kaya hindi ko pa alam kung totoo ba ang haka haka ng mga katrabaho ko.

"P'wedi po bang kayo na ang maghatid nito sa opisina ni Boss?"

"Ayaw. Ayaw." Agad na tanggi ko at tinalikuran siya. Muli kong binalik ang atensyon sa computer ko at nagtipa-tipa sa keyboard.

Lagi akong tumatanggi sa kanila kasi inaabuso nila ako eh. Alam ko naman na ako ang pinakamabait at matibay ang loob dito sa departaminto namin pero ayaw ko naman silang sanayin sa gano'n kong ugali. Baka mamay abusuhin pa nila, mahirap na.

"Ate Lil sige na, please." Hindi ko siya pinansin. Bahala sila diyan, kala nila.

"Sige na Ate. Ibibili kita ng Book favorite wattpad story mo."

"Akin na iyan at ako na ang maghahatid. Nga pala, TRIS ang bilihin mo hah? 'Yong exclusive." Ani ko bago walang lingon na umalis at sumakay ng Elevator.

Eh kung iyon naman pala ang kapalit why not hindi ba? Nakalibre pa ako. May mae-earn rin pala ako sa pagiging matibay ang loob, Hahaha.

Sumagi sa isip ko si Huna. Emegesh kinikilig ako! Before I forget ko tell you all. It's been five months na at katylad nga ng inaasahan ay naging magkaibigan kaming dalawa.

Although hindi ko pa siya kilala ng husto alam ko naman na mabait at mapagkakatiwalaan siyang tao. She always drive me home kapag naabutan niya akong nag-aabang ng sasakyan sa harap ng kompaniya eh.

For the past Months. I grew my feelings for her. Itong heart ko kapag nakikita siya ay akala mo lalabay na sa kulungan grabe.

Paano man daw kasi, napaka gentle woman ni Huna, dagdag pang napajaganda at lagi akong binibigyan ng ngite.

Ack! 'Wag please!(;´༎ຶٹ༎ຶ') joke.

So 'yon nga. And this feeling which is admiration for her turn to love. Yeah, hindi kayo naduduling dahil talagang Minahal ko na siya. Secretly nga lang. Pero ok na 'yon.

Bago sa akin ang nararamdaman ko na ito dahil nga first time kong makadama ng ganio pero sure na talaga akong love Ito.

Kung minsan nga ay kapag nagbobonding kami, iniisip ko na jowa ko siya at nagd-date kami eh.

Woooo! Kasama na ako sa mga feelers!

Ka feeler ko 'd'a? Hahahha. Pero atleast sa kaniya.

Nabalik lang ako sa ulirat ng bigpang nagtunog ang Elevator, hudyat na nakarating na ako sa pupuntahan kong Floor which is ang office ng aming Boss.

Grabe eh. Napakayaman. Ang buong floor kasi na ito which ang pinakalast, ay office talaga ng Boss. As in sa kaniya. Syempre Boss siya eh.

Pumasok ako sa loob at namangha nalang sa bumungad na opisina. Grabe kalinis.

Plain lang siya pero napaka elegance ng whole Room. Most of the Accessories na naka-display ay kulay gray, white and black. Grabe!

Muntik pang malaglag pa nga ko kanina hahaha.

"Boss?" Tawag ko ng wala akong naabutang tao na naka upo sa isang napakalinis at net na lamesa. Grabe.

May nakalagay na parang shape ng malaking toblerone na kulay gold sa lamesa. May nakapangalan doon at siguradong si Boss iyon.

"Hu—"

*Ting*

Napalingon ako sa Isang Elevator which is ang Boss Elevator means na siya lang ang p'weding gumamit, ng magtunog iyon.
Si Boss na ata ito eh.

Inayos ko ang uniform ko at ang postura ko. Nang magbukas iyon ay nagulat nalang ako at naparelax ng lumabas doon si Huna. Huh? Anong ginagawa niya dito?

Nakasuot siya ng gray na Tuxedo na talagang bumagay at lalong nagpagwapo sa kaniya. Hala si Heart! Nagwawala na naman. Kailangan na talagang pakainin ng pagmamahal ni Huna eh. Joke

Nakayuko lamang siya sa kaniyang Cellphone kaya hindi niya pa ako napapansin.

Teka nga kasi, anong ginagawa niya dito?

"Huna?" Takang ani ko. Umangat naman ang ulo niya at agad na magtama ang paningin naming dalawa. Gulat niya akong tiningnan.

"Lila? A-anong ginagawa mo dito?"

"Hindi. Ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo. Anong ginagawa mo dito?" Hindi parin makapaniwalang tanong ko dito.

Napakamot naman siga ng kaniyang ulo at umiwas ng tingin.

"Ano kasi."

***

"Ano? Bakit naman hindi mo sinabi. Nakakahiya at ito pa huh, Boss kita at empleyado mo ako." Ani ko dito matapos malamang siya pama ng Boss namin at ang may-ari ng kumpaniyang pinapasukan ko.

Napakamot muli siya sa kaniyang ulo. "Sorry na." Ani nito.

Argh, bakit ba mahal ko siya? Kainis.

Wow, magalit ka naman self parang mag-jow kayo ah.

"Ok lang 'yan. Ito nga pala oh, galing sa departamento namin." Ani ko at binigay sa kaniya ang papeles.

"Hmm. Pero bati naba tayo?" Syempre oo naman. Ayt! Dapat pabebe muna eh para suyuin niya ako, Ack!

Hindi kayo magjow beh.

"Oo naman. Sige mauuna na ako. Kitakits nalang." Paalam ko dito at agad na tumalikod. Kailangan ko naring bumalik sa departamento baka mapagalitan pa ako.

Pinindot ko ang floor ng department namin bago hinintay na magbukas ang elevator.

Bigla, ay nahigit ko na lamang ang hininga ng bigla akong pinaharap ng isang tao at isang bagay na malambot na dumampi sa noo ko ang tuluyang nagpasabog sa puso ko.

"Sige. Ingat ka." Ani nito. Wala sa sariling napatango ako at pumasok sa elevator.

Sa loob ay pinoproseso ko pa ang kaninang ginawa ni Huna sa akin.

D-did s-she r-really k-kiss m-me?

Utal yarn? Pero hindi. Dapat ganito. Kilig yarn? Teka 'yong puso mo tumatakas na! Mukhang nakawala ata sa sobrang lakas ng gabog eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top