CHAPTER 1
Huna (Hyu-na)
Pagkagising ng umaga ay agad na akong bumangon at nagpalit ng damit, manipis pero malaking puting damit at leggings. Para hindi makita ang secret ko.
Kinuha ko narin ang Tumbler ko na may lamang tubig ng makababa sa kusina. At bago makalabas ng bahay ay kinuhanan ko muna ng lace ang alaga kong aso na si Lila, isang golden retriever at mahigit isang taon ko na siyang inaalagaan.
Nakita ko lang siya noong sinamahan ko ang kaibigan ko sa Shelter Dogs House dahil nagta-trabaho siya doon. Parang isang linggo lang nga siya noong nakita ko siya doon, naawa ako kaya kinuha ko na.
"Lila come." Tawag ko kay Lila at lumabas siya mula sa kuwarto ko. Paglapit niya ay inilagay ko na ang lace niya sa collar niya bago na kami lumabas ng bahay. Nang maisarado ang pinto ay nangsimula na akong mag-jogging kasama si Lila na Routine namin tuwing 5:00 am ng umaga.
Kunti palang ang gising na mga tao at tahimik pa ang paligid kaya napakasarap lumakad o mag-jogging dito. Nang makarating sa park ay naupo na muna ako para makapagpahinga dahil kanina pa ako nagjo-jogging. Tinanggal ko muna ang lace ni Lila sa kaniyang collar para makapaglaro naman siya sa mga kapwa niya aso dito sa park.
Uminom ako mula sa Tumbler ng tubig habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad at mga kasama ko ring nagja-jogging. May iba namang inilalakad ang mga aso nila at ibang alaga, may ibang nagba-bike o skate at kung ano-ano pa.
Unti-unti ng lumiwanag kaya napagdisesyunan ko ng tumayo at umuwi. Tinawag ko na si Lila at muling ikinabit ang kaniyang lace bago muling nag-jogging pabalik sa bahay namin.
Ngunit sa kalagitnaan ng mapayapang mahinahong pagtatakbo ko ay may bigla nalang tumamang bato sa ulo ko na ikinahinto ko naman at ikinadaing. Takte, mga walang isip na ba ang mga tao ngayon at dito pa talaga nakuhang maglaro sa may maraming tao?
"Ouch!" Ani ko ng hawakan ang natamaan kong noo. Piling ko bubukol ito dahil sa laki rin ng batong tumama sa akin.
"Hala sorry po!" Napalingon ako sa harapan ng may babaeng boses ang nagsalita. At... isang babaeng napakaganda ang bumungad sa akin.
Lila POV
"Lala. Lala gumising ka please?... Lala." Nagising ako dahil sa nakakairitang boses na kanina pa tumatawag sa akin.
"Tumigil ka." Ani ko sa antok na boses at humarap sa kabilang direksyon. Wala akong planong bumangon ngayon dahil pahinga ko ngayong araw at hindi ako makakapayag na may sumira lang noon. Tsaka ang aga-aga pa ata nitong manggising eh.
"Lila, gumusing kana please? Lila. Lila. Lila." Irita akong umupo at inis na tiningnan ang buntis kong Ate na si Ate Ilianna.
"'Te naman natutulog 'yong tao eestorbuhin mo. Nakakainis kana huh." Ani ko at kumamot sa ulo. Buti at hindi niya binuksan ang Ilaw sa kuwarto ko kundi kanina pa sumakit mata ko.
Napanguso naman siya dahil sa sinabi ko. "Nagugutom kasi ako eh. Hindi mo na ba ako love at naggaganiyan kana?" Ani nito na maluha-luha pa ang nga mata. I hate it when my Ate is like this pero wala tayong masabi sa isang buntis na katulad niya.
"Fine. Ano bang gusto mo?" Tanong ko. Nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya.
"Ahm, I want to eat tomato and Chocolate bar tapos icecream narin." Ani nito habang nakangiti. Nagbuntong hininga nalang ako at bumangon na mula sa pagkakaupo.
"Sige. Hintayin mo nalang ako dito." Ani ko at kinuha ang jacked, cellphone at pitaka sa study table ko bago lumabas ng kuwarto. Naramdaman ko namang sumunod siya hanggang sa Front door ng bahay.
"Ok. Ingat ka." Ani nito.
"Hmm." Tanging saad ko nalang at nagsimula ng maglakad papuntang Groceries store na malapit-lapit lang sa amin.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone at nakitang 5:01 palang ng umaga. Hayst, iyan kasi eh, nagpapabuntis nalang sa ibang lalake. Pero kahit na hindi ko nakilala ang nakabuntis sa ate ko ay mahal ko parin naman siya at tanggap ang ipinagbubuntis niya.
Wala na kaming magulang dahil sa maaga silang namatay dahil sa isang aksedente na hindi namin inaasahan. Buti nalang at may naiwan si Papa na Companya na nakapangalan na kay Ate at ako muna ang nag-aasikaso kaya hindi kami naghihirao ngayon.
Ngayon ay linggo at wala akong trabaho kaya pahinga. Kaso kailangan namang ready tuwing gabi o madaling araw dahil kay Ate. She is 7 months pregnant now, at hindi pa namin alam ang gender dahil surprise daw sabi niya. I hope na Babae iyon dahil I hate Mens. Except sa Daddy ko pero kung maging boy naman ang gender, ok lang naman, mamahalin ko parin naman bilang isang pamangkin.
Nang makapasok dumeretso ako sa icecream section at kumuha ng one gallon caramel flavor cake pagkatapos ay dumiretso na ako sa Vegetable section para kumuha ng magagandang klase ng Kamatis dahil kung hindi ay aartehan na naman ako ng Ate ko na 'yon. Pumunta narin ako sa Chocolate section at kumuha ng limang bar of dark chocolate at chips for me bago pumunta nang counter para magbayad. At salamat dahil ay wala pang masyadong tao ang nasa loob kaya hindi ko na kailangang pumila, mabilis lang rin akong nakabayad at naglalakad na ako pauwi ngayon.
Pasikat na ang araw at Parami na ng parami ang mga tao at sasakyang dumadaan sa kalsada. Napabuntong hininga nalang ako, dapat talaga ay pahinga tuwing linggo eh pero dahil trabaho lang ang iniisip ng iba at pera para sa pamilya ay hindi na sila nagkakatime para mamahinga.
Napahinto ako ng may biglang bumangga sa mga binti ko pagtingin ko sa baba ay nakita ko ang nakaupong bata sa maduming seminto na malapit ng umiyak. Nataranta naman ako kaya umupo ako at hahawakan na sana siya para humingi ng patawad at patahanin narin kaso may biglang humablot sa kaniya na isang babae. Nanay niya ata.
"Anak ok kalang ba?" Nag-aalalang tanong nito tumango naman ang bata at niyakap siya sa Leeg bago tumayo ang Ina. Maghihingi na sana ako ng tawad matapos tumayo ng maunahan na niya ako sa pagsasalita.
"Ano ba iyan Miss, alam mo namang may bata sa dinadaanan mo hindi mo man lang iniwasan at hindi mo pa tinulungan." Ani niya na medyo may pagkainis pa ang boses salubong rin ang mga kilay niya na ikinakunot ng noo ko.
Sasalita pa sana ako para itama siya kaso umalis na siya sa harapan ko at pumunta sa isang park. Tae, wala akong ginawang masama!
Inis nalang akong nagpatuloy sa paglalakad.
"Kainis. Hindi ko naman sinasadya." Ganon naba ang mga tao ngayon? Hindi man lang nila hintayin na nagpaliwanag ang nagkasala bago akusahan ng masama. Inis kong sinipa ang maliit na bato para doon ibunton ang galit.
Nakaka insulto lang hah. Parang nga siya ang may kasalanan kasi bibitaw-bitawan niya ang Anak niya tapos kung madidisgrasya sisisihin niya pa ang inosente. Tsk, nakakairita.
Malakas kong sinipa ang medyo malaking bato na nasa harap ng paa ko para doon ibuhos lahat-lahat ng galit ko sa nangyari kanina.
"Ouch!" Nanlalaki ang matang tumingin sa harapan paralang makita ang isang babae may kasamang aso na dumadaing habang takip-takip nito ang palad sa noo. Nako po! Natamaan ko yata siya.
"Hala Sorry po!" Agad na patawad ko at lumapit sa kaniya. Nako naman Lila, tatanga-tanga ka kasi eh.
Tumingin siya sa akin at ako naman ay nagsorry ulit bago tiningnan ang noo niyang namumula. Ang lakas ba talaga ng paglapag ng bato sa noo niya? Piling ko bubukol iyon, natatawa tuloy ako.
"Ang ganda mo naman." Bulong nito na ikinatingin ko sa kaniyang matang kanina pa pala nakatingin sa akin. Naramdaman ko ang pamumula ng pisnge ko na dahilan para lumayo ako ng kunti at umiwas ng tingin. Hindi ba siya galit? At nakuha pa talagang i-complement ako.
"K-kung ayos kalang. Aalis na ako." Ani ko at nilampasan siya narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko na nilingon at umuwi nalang. Nakakahiya naman kasi iyon, hindi pa naman ako sanay na kino-complement, alam ko namang maganda ako eh.
"Bakit ngayon kalang?" Napalingon ako kay ate na nakaupo sa sofa habang nanonood ng cartoon sa TV na ikinailing ko nalang. Hayst, buntis talaga.
"Wala. Ang haba kasi ng pili." Pagsisinungaling ko. "Oh ito na pagkain mo." Ani ko at inabot sa kaniya ang binili ko pero kinuha ko muna ang akin bago iaabot sa kaniya. Ngumuso naman siya at tumayo.
"Hindi na ako gutom. Tagal mo kasi, ilagay mo nalang sa ref at mamaya ko kakainin. Inaantok pa ako." Ani nito alng nakasimangot bago humikab at tinalalikuran na ako para pumunta sa kuwarto niya.
Napatanga naman ako dahil doon. Gigising-gisingin ako tapos hindilang rin pala kakainin itong pinabili niya sa akin? Tae naman naistorbo pa ang mahimbing kong pagkakatulog. Inilagay ko nalang sa Ref ang pinamili at ang chips ko bago bumalik ng kuwarto at pabagsak na inihiga ang katawan sa kama. Hayst, tutulog na muna ako.
Ngunit maya-maya habang busy sa pag-iisip para makatulog ay bumalik sa akin ang babae kaninang natamaan ng batong sinisipa ko. Nag-guilt ba ako kaya ko siya naiisip? Hindi ko naman sinasadya iyon ah.
Pero infernes ang ganda niya at medyo gwapo rin. Makalaglag panty. Ano ba 'tong iniisip ko? Makatulog nalang nga. Last encounter nalang rin naman itong araw na ito dahil hindi na kami magkikitang muli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top