Special Chapter
Adonis Pov
Humanda talaga sa akin itong babaeng nasa tabi ko ngayon. Napangisi ako sa aking sarili dahil nakasimangot siya habang patuloy ang seremonyas sa kasal namin.
Hindi ko na kasi napaghandaan ang pang-beauty niya. Inuna ko kasi na makalap lahat ng taong importante sa aming dalawa.
Isa pa, ang tagal kong naghanap sa kanya. Halos mahalughog ko na ang buong Asia para hanapin siya. Halos mabaliw na ako kaiisip kung saan siya nagtago. Iyon pala, dito lamang siya.
Tinitigan ko siyang mabuti habang mataman siyang nakikinig sa pari kahit nakabusangot. Napangiti na ako dahil siya pa rin talaga ang Diyosa ng buhay ko. Ang Diozzang minahal ko at minahal ako kung sino ako.
I love everything about her. At wala akong babaguhin doon. Hindi ko kailanman hahayaang baguhin niya ang kanyang sarili. Doon ako na-in love. Doon ako nahumaling sa kanya at nahulog ng husto. Mahal na mahal ko si Diozza.
Naalala ko tuloy ang unang tagpo naming dalawa.
Hinila ko ang kamay kong inamoy niya. Ang weird ng kaibigan ng pinsan ko. Nakakatakot ang mga ipinipukol niyang tingin sa akin. Para niya akong sasakmalin anumang oras.
Wala pa naman akong ganang lumaban ngayon kaya baka maging willinhlg victim lang ako kapag nagkataon.
Tinawag ko si Cresia na pinsan ko.
"Akala ko ba mag-iinuman tayo. Bakit parang ibinubugaw mo ako kesa painumin?" Tanong ko kay Cresh na napailing. Agad naman niyang nilapitan ang kaibigan niyang pakindat-kindat pa sa akin.
Maganda siya. Malaman pero hindi naman nakabawas iyon sa ganda niya. Iyon lang ang weird niya talaga. Malandi na parang hindi naman. Ha! Ewan.
Uminom lang ako nang uminom. Wala akong paki-alam sa mga kasama ko. Wala e, masakit ang puso ko. Akala ko kasi naiintindihan ako ni Crystal at ang sitwasyon ko. Pero hindi pala, hiniwalayan niya ako dahil mas ginusto.l kong mamuhay ng mahirap. Gusto kong kumayod at kumita sa sarili kong pamamaaraan.
Sa umpisa, sinuportahan niya ako. Pero hindi soya nanatili. Iniwanan din lang ako dahil hindi na niya kaya. Ayaw niyang maghirap.
Madali akong malasing sa totoo lang. Kaya naman hindi ko namalayan kung ano ang nangyari sa gabing iyon. Nagising na lamang ako na may mabigat na nakadantay sa aking hita.
Maliwanag ang buong kuwarto dahil hindi napatay ang ilaw. Kaya naman paglingon ko sa aking kaliwa, bumulaga sa akin ang mukha ng ipinakilalang Diozza ng pinsan ko.
Natawa ako dahil nakabuka ang bibig nito habang tulog na tulog. Nakangiti akong dahan-dahan na inaalis ang paa nito sa hita ko. Pero takte! Mas niyakap niya ako at idinikit ang katawan sa akin.
"Pagkain o boyfriend?"
Nakunot ang noo ko nang marinig ko siyang magsalita. Muli ako lumingon sa kanyang mukha na ngayon ay malapit na sa mukha ko.
"Hmmm, puwedeng boyfriend na may pandesal?" sagot nito sa sariling tanong. Lumawak tuloy ang ngiti ko sa labi. Ang cute niya. Sarap din lamutakin ang pisngi niya.
Ngayong napagmasdan ko siya, hindi lang pala siya maganda. Parang may kung anong puwersa na humihila sa akin na titigan siya. May kakaiba akong nararamdaman pagdating sa kanya. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko, kahit na halos hindi na ako makahibga sa bigat niya.
Nagpasya akong sundan si Crystal. Gusto kong muling maayos ang pagsasama namin. Hindi naman niya siguro basta-basta itatapon na lamang ang pinagsamahan namin. May plano na rin na kasal pero naudlot iyon dahil na rin sa katigasan ng ulo ko.
Iyon lang, nagambala ang lahat pati na rin ang damdamin ko noong sumulpot muli sa harapan ko si Diozza. Alam kong narinig niya ang pag-uusap namin ni Crystal. Likod pa lamang niya ay nakilala ko na.
Lalong naging magulo ang lahat nang dumating ang isang balita sa akin. Ipinagkakalat daw ni Diozza na magsiyota kami. What the?
Galit na galit talaga ako.
"Is that so? Then what's the big deal having me cornered here? Puwede mo naman palang i-deny at sabihing ilusyunada ako. Na bakit ka naman papatol sa pangit at matabang tulad ko!"
Like what did she say? Iba rin talaga itong babaeng ito. Napatda ako nang itulak niya ako mula sa pagkakacorner sa kanya. Napahilot ako sa aking sentido. Talagang sumakit ang ulo ko sa kanya.
Pero ano bang magagawa ko? Nandito na eh. At sa mga nakikita kong mukha ng mga estudyante sa paaralang ito. Mukhang magiging tampulan pa siya ng mga tukso. Napahugot ako ng malalim na hininga bago siya hablutin at pinasalikop ko ang aming mga palad.
"I'm saving your ass too!"
Ewan ko pero nang biglang magningning ang mga mata niya at lumiwanag ang hilatsa ng kanyang mukha ay para bang may umusbong na damdamin sa aking puso.
Masaya akong nakikita siyang masaya. Kaya nang yayain ko siya sa aming first monthsarry at firts date, natuwa ako dahil iba siya. Mayaman siya pero hindi siya maarte. Magaan siya kasama at masaya ang bawat araw.
Noong lumuha siya matapos ang masinsinang pag-uusap namin sa paghahanap niya ng boyfriend, parang may tumusok sa puso ko.
Ayaw kong makita siyang umiiyak.
Kakaiba si Diozza. Siya lamang ang babaeng nakapagpalabas ng maraming emosyon sa aking pagkatao. Napapasaya niya ako, napapalungkot at naiinis pero higit sa lahat napapaselos niya ako. Umiinit talaga ang ulo kapag may nakikita akong umaaligid sa kanya. Kaya noong pumayat siya at binago ang sarili, nagalit ako at sinabotahe ko ang pagpapayat niya. Pinakain ko siya nang pinakain para bumalik lamang siya sa dati. Hindi na kailangan na pumayat siya, tutal mahal ko naman na siya. Hindi na niya kailangang humanap ng iba.
That's why in our fifth monthsarry, gusto kong itama ang lahat. Gusto kong magsimula kami sa tama. Hindi iyong panggap lamang. She deserve to be courted tapos ay mahalin ng buong-buo. Mamahalin ko siya kung sino at ano man siya.
Pero isang pangyayari ang pumigil sa akin para magawa iyon.
"Anong ginawa mo Adonis?" galit at kinuwelyuhan ako ni Joseph. Ang doctor na pinsan ko, na alam kong may gusto kay Crystal noon pa man.
"Wala akong ginawa. Sinabi ko lang na wala na siyang babalikan pa. Hindi na kami magkakabalikan pa!" Walang emosyong saad ko na lalong ikinangitngit niya ng galit.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa kuwelyo ko at sapilitang inalis iyon.
"Alam mo kung anong pinagdadaanan niya! Bakit mo ginagawa ito sa kanya?" Mababanaag ang pag-aalala sa mukha ni Joseph. Napabuntong hininga ako. "Stay with her. Sa lahat ng tao ikaw ang kailangan niya." Mapait na ika nito na ikinailing ko.
"No! Hindi ko iyon magagawa. May mahal na akong iba. At ipaglalaban ko iyon. Hindi ako papipigil sa iyo o kahit kay Crystal!"
Nanlilisik ang mga mata niyang tumitig sa akin. May pagbabanta.
Pero nang masaksihan ko kung paano magwala si Crystal. Kung paano nito saktan ang sarili ay naawa ako. Oo awa na lang talaga. Kaya naman kahit labag sa loob ko, sinabi ko kay Diozza na maghintay siya. Alam kong pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa kahit pa i-deny niya iyon. Nararamdaman kong mahal niya ako.
Kaya lang, hindi ko pala kayang makita siya na nililigawan ng iba. Hindi ko pala kayang umiiyak siya dahil sa akin. Hindi ko talaga kayang mawala siya. Lalo pa at may nangyari na sa amin.
I arranged everything. Kinausap ko ang kanyang mga magulang at mga kaibigan na may galit sa akin. Ipinakilala ko na rin siya kila papa at Tita na agad naman siyang tinanggap. We settle everything and promise them that I will not hurt Diozza.
I thought everything is in place. Pero gumawa na naman ng gulo si Crystal. Ang masaklap nakita ni Diozza. Naiipit ako. Ipit na ipit ako dahil sa akin pa rin nakakapit si Crystal. Sa aking pa rin siya dumidepende.
"Hindi porke't sinabi kong hindi ako maghihintay ay magbabago ang nararamdaman ko. Na maghahanap ako ng iba. Hindi ako maghihintay para mas makapokus ka kay Crystal at para hindi mo ako isipin."
Fuck! That's why I love her so much. Napakabusilak ng kanyang puso. Kahit na nasasaktan na siya. Pilit siyang nagpapakatatag. Mas lalo pa yatang nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili.
Akala ko lang pala dahil iniwanan niya ako at tinaguan. Lalong naghimutok ang butse ko nang malaman kong buntis siya.
Paparusahan talaga kita , Diozza
Paparusahan ko siya sa pagmamahal kapag nahanap ko siya. Halos mabaliw na ako sa paghahanap sa kanya. Wala akong ginawa kundi halughugin ang Japan o kalakip na bansa. Madali ko lang siya dapat mahanap eh! Ilang buwan na pero hindi ko talaga siya makita.
Baby, I miss you. Nasaan ka na ba?
I found her. Halos maiyak ako habang nakakatitig sa post ng trabahador namin na pinadala para sa seminar sa Canada. Gusto kong pilipitin ang leeg nito dahil sa paraan ng paghawak niya sa magiging asawa ko. Yes! Pakakasalan ko na agad si Diozza para hindi na makawala. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa.
Ginagap ko ang kanyang kamay pagkatapos naming mag-I do. Nang tumingin siya sa akin ay may ngiti na ang kanyang labi.
"You may kiss the bride," sambit ng pari.
"Kiss daw baby," bulong niya. Tapos ay may pakindat pa. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang pisngi niya at kinintalan ko siya ng nagbabagang halik. Tumagal iyon, namiss ko siya ng sobra at isa ito sa parusa niya. Ayaw ko pa sanang itigil iyon kung hindi lang nagsigawan ang mga taong saksi sa aming kasal.
"Hay naku! Ituloy 'nyo na lang iyan sa kuwarto!" Sigaw ni Mart.
Nang lumingon kami halos nagsi-alisan na sila. Natawa ako at napakamot sa ulo.
"Baby," tawag sa akin ni Diozza at pinaglalandas ang daliri sa aking braso. Mapungay ang kanyang mga mata. "Tara, ituloy raw natin sa kuwarto!" Saad niyang may landi.
Napangiti ako at inakbayan siya.
"Mamaya na baby. Kain muna tayo bago ikaw ang kainin ko." Pagpatol ko sa kanya. Pinamulahan siya ng mukha at hinampas ako sa balikat.
Napahalakhak ako habang inaakay na siya palabas sa function room. Proud na proud akong ibalandra sa mga tao na siya ang asawa ko. Ang babeng nagbigay kulay sa aking mundo. Siya ang Diyosa sa buhay ko.
"I love you."
"I love you too."
Muli ko siyang kinintalan ng halik.
IN LOVE, SIZE DOES NOT MATTER. IT'S THE HEART THAT LOVES UNCONDITIONALLY
-----------------------------------------------------------
*Next ay kuwento naman nina Mart at Mahinhin. Kung napatawa kayo ni Diozza. Tiyak na mapapatawa kayo ng dalawa. Kita tayo ulit sa Confidently Beautiful 2. M and M.*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top