Crystal clear

Nagising ako sa isang magandang umaga. Nag-inat ako habang nakapikit pa rin ang mga mata. Nang magmulat ako napangiti ako sa kwartong bumungad sa akin. Sky blue ang kulay ng dingding. Walang masyadong kagamit-gamit kundi isang side table nakapatong doon ang lampshade. Isang pandalawahang sofa. May mounted na TV sa dingding. At may masarap na Adonis sa tabi ko.

Napahagikgik ako at pinagmasdan siyang natutulog sa tabi ko.

Hmmm..huwag green minded, walang nangyari sa amin. Kahit balak niya akong rape-in, hindi ako pumayag. Kailangan magpakipot muna ng lola ninyo para hindi naman masyadong maibaba ang bandera ng pagkababae nating mga babae at binabae!

Nagtitigan lang kami kagabi hanggang makatulugan ang isa't isa.

Ooppss naniwala ba kayo? Muli akong napahagikgik nang maalala ang mga kaganapang kasabik-sabik kagabi.

Paano ba naman kasi, napagod yata ako sa kakatawa sa pangingiliti niya sa akin. Ang sarap kasing inisin, ang sarap ding pikutin para akin na siya at maitali ko na nang tuluyan. Gusto ko laging haplos ang six packs niyang pandesal.

Oh so yummy na napapakagat labi na lang ako sa pag-iimagine. Nakapikit ako habang binasa ko ang aking labi at pinagpapantasyahan ang aking Adonis. Hinahaplos ko ang kanyang abs sa hangin, pababa nang pababa.

"Anong ginagawa mo?"

Napabangon siya at naupo. Nakapikit pa ang mga mata niya nang humarap sa akin. Bumangon rin ako paupo.

"Gutom ka na ba?" Pupungas-pungas na tanong niya. Ang gwapo-gwapo talaga kahit bagong gising. Gusto kong tanungin kung pwedeng siya na lamang ang almusalin.

"Pwede iyong pandesal mong matigas!" Pabebe kong bulong. Nilabas ko ang dila ko sa side ng bibig ko.

Pumikit siyang muli pero ang kamay niya ay nagtungo sa laylayan ng damit niya. Napangisi ako noong hilahin niya pataas ang kanyang t-shirt hanggang dibdib.

Napakamasunurin naman ng bebe ko!

Napalunok ako at natakam sa bumalandrang abs sa harap ko. Yung mata ko ay nagkorteng puso! Maniwala kayo korteng puso talaga kasi tumalon yung puso ko doon dahil sa pinaghalong kaba at excitement. Tatlong beses akong lumunok habang dahan-dahan na inaabot para mahaplos ang abs ng aking jowa. In slow motion talaga na pinaglandas ko ang aking daliri doon. Ninamnam ang bawat katigasan ng kanyang pandesal.

Nang bigla niya akong yakapin at daganan. Humiyaw ako sa gulat at nagpumiglas. Napatigil lamang ako noong kintalan niya ako ng halik sa labi.

Pagkatapos ay tumayo na siya sa side ng kama.

"Dito ka lang, magluluto lang ako ng almusal," malambing niyang saad at nagsimula ng maglakad.

"A-do-nis!" Tawag ko na ikinalingon niya. Pagapang ako patungo sa paanan ng kama. "Grrr!"

Kinagat ko ang aking labi. Napatawa siya at napahimas sa kanyang batok.

"Babe, hindi mo bagay maging aso. Baboy pwede pa!" Pang-aalaska niya na ikinasimangot ko. Binato ko tuloy sa kanya ang unan na nahawakan ko. Bago siya tamaan ay nakalabas na siya sa pinto.

Muli akong nahiga! Naiinis pa rin. Hindi porke't perfect siya ganun na niya ako alaskahin.
Pero sabagay, minahal nga niya ako na mataba eh. Kaya alam kong perfect din ako sa kanya.

Nakatitig ako sa kisame at nag-iisip ng gagawin sa araw na ito. Hindi kami pwedeng manatili ni Adonis dito sa bahay niya dahil baka magahasa ko siya. Kailangan may mga tao para makaiwas ang isip ko sa kademonyohan. Bawal magkasala. Bawal din baliin ang tiwala ng mga magulang ko.

Pumayag si mama na magspend ako ng weekend kay Adonis. Oh 'di ba, supportive ang mudra! Hindi dahil malandi kaming dalawa ha, o kaya hinahayaan niya na makisama ako sa lalaki. Hindi namin pinopromote ang maagang paglandi na lumalagpas sa limitasyon. Bilang babae kailangan pa rin nating itayo ang ating bandera.

Iba-iba ang uri ng mga magulang. Sa side ni mama, open minded lang siya dahil may malaking tiwala siya sa aming dalawa ni Adonis. May nangyari oo, pero dahil.l iyon sa alak at bugso ng damdamin. Kaya kahit natikman na namin ang isa't-isa, hindi na kami lumagpas pa sa kisiing at cuddling. Doon ako lalong napamahal kay Adonis dahil nirerespeto niya ako at mga magulang ko. Kahit pa nga nilalandi ko na siya at panay ang kalabit ko.

Bigla akong tumayo. Tumambad tuloy ang katawan ko noong maalis ang kumot. Napasimangot ako dahil ang katawan kong seksi ay parang suman na nabalutan ng t-shirt at pajama. Halos hindi ako makatulog kagabi kasi sanay talaga akong matulog na panty lang ang suot.

Bumukas muli ang pinto ng kwarto. Tumambad ang jowa kong gwapo.

"Babe, labas lang ako para bumili ng itlog," paalam niya. Ngumisi ako at nilapitan siya.

"Eh kung iyang itlog mo na lang kaya ang almusalin ko," malambing kong sabi habang papalapit sa kanya. Tinaasan niya lamang ako ng kilay.

"Hindi kita kayang paligayahin kung nabati na ang itlog, Diozza!" Seryoso niyang turan. As in seryoso mga beshie. In serious face and serious tone. Humalukipkip pa ang loko kaya napatigil ako sa paglapit. Sinimangutan ko siya.

"Pwede naman raw egg, pero dapat walang hotdog!" Biglang niyang sabi na napapatawa na. Mabilis akong muling lumapit sa kanya at hinampas siya sa braso. Marunong talaga siyang sakyan ang mga kalokohan ko.

Hinuli niya ako at niyakap. Muling hinalikan sa labi.

Sandali! Sandali hindi pa pala ako nagmumog!

Bigla akong naalarma at naitulak siya.

"Sige bumili ka na," pagtataboy ko sa kanya at dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto dire-diretso sa banyo.

Nagtoothbruah ako at nagbihis ng, as usual t-shirt at Short. Hindi na po pekpek short.

Nag-aayos ako ng kama ng marinig kong tumunog ang doorbell.

Nagtaka ako pero agad din naman pumunta sa pinto. Maaring nakalimutan ni Adonis ang susi kaya siya nagdoorbell. Nakangiti kong binuksan iyon.

Nagulat nga lamang ako nang ang bumungad sa harap ko ay isang babaeng nakadamit panghospital. Katulad ko, napawi rin ang ngiti nito sa labi nang makita ako.

"Bakit ka narito?" Galit na sigaw ni Crytsal sa akin. Kakaiba ang aura niya. Hindi ako nakahuma ng bigla niya akong hablutin at sabunutan.

Pilit kong hinihila ang buhok ko mula sa kanyang pagkakahawak. Takte! Anong meron sa buhok ko bakit lagi na lang nasasabunutan. Maikli na nga ito pero ito pa rin lagi ang napupuntirya! Kailangan ko na bang magpakalbo!

"Bitawan mo ang buhok ko, Crytsal!" banta ko. Malaki ang katawan ko sa kanya at kayang-kaya ko siyang ibalibag. Pero nakokonsensiya ako. Lalo na sa nakita kong kalagayan niya.

Payat ito at nangingitim ang ilalim ng mata. Para bang wala sa katinuan. Bigla akong nilukuban ng takot sa dibdib. Paano nga ba kung nababaliw na nga ito. E 'di mas nanganganib ang buhay ko dahil hindi niya kontrolado ang kanyang isip. Dahil doon, binigyan ko siya ng suntok sa tiyan. Mahina lang iyon pero napaigik siya sa sakit. Ngunit hindi pa rin binibitiwan ang hawak niya sa buhok ko.

Binigyan ko pa siya ng mas malakas sa una. Doon na niya ako nabitiwan pero takte, nakita ko ang maraming buhok sa kamay niya. Mukhang makakalbo nga ako sa lagay na ito.

Nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa akin. Papasugod na sana ulit ng may pumigil sa kanya. Napaawang ang labi ko ng makita si Adonis na hawak si Crystal sa beywang habang inilalayo ito sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top