Chapter 34

On the job training is coming. From March to May ang training namin then ga-graduate na kami. Business Administration ang kurso namin dahil wala lang, trip lang naming mangbabarkada!

Charotera! balak talaga naming magtayo ng restaurant na magca-cater ng healthy eating, healthy living. You know naman, sa side namin ni Mart na payatot at ako na Diozzang sexy fat mama!

Sa loob ng restuarant ay may part naman na beauty products, peg naman iyon ni Mahinhin at sa taas naman ay Gym na peg ni Eula, kaya alam n'yo na kung bakit siya sexy!

Sana lang talaga makagraduate kami, kasi naman panay absent ang inatupag namin sa nakaraang buwan.

Katatapos lamang naming magfill-up ng mga forms for applying. Iniwan ako ng barkada dahil may mga lakad. As usual magkasama na naman si Mahinhin at Mart. Si Eula, kasama ni Bryan na mukhang may something din sa buhay.

Inamin sa akin ni Bryan na ginamit niya lang ako para mapalapit kay Eula. Ang street food na idea ay galing kay Eula. May pagtatampo ako sa una pero humingi na siya ng tawad. Pinatawad ko naman kasi nga may naitulong naman siya for me to get Adonis back. Nainlove yata ang loko simula noong magsama sila sa iisang bahay. Slow si Eula pero alam kong the same feelings sila. And I will support them, katulad ng suportang natanggap ko sa kanila. Kahit na kay Mart at Mahinhin ay suportado namin sila, kahit pa nga ang weird pa rin na ang dating lalamya-lamya at may pitik sa daliri eh biglang naghahabol sa isang maharot na charot!

Nasa labas na ako ng gate at hinihintay si Manong Ben. Hindi ko kasama si Adonis ngayon kasi may importante daw na haharapin. Yes! It's been a week na palagi na lamang siyang busy. Kaunting time nga lamang ang nailalaan niya sa akin.
Iniintindi ko na lamang siya at lalong minamahal. May malaki akong tiwala sa kanya.

Dumating si Manong Ben at pasakay pa lang nang tumunog ang cellphone   ko. Nakunot ang noo ko nang makita na si Eula ang tumatawag.

"Guess what?" Bungad niya na ikinataas ng kikay ko. "Oh wait, knock-knock muna!" Sabi niya ulit na nagpairita sa akin. Gusto ko siyang patayan ng cellphone ng marinig ko naman si Bryan sa kabilang linya.

"Just tell her!" Biglang lumutang sa paningin ko ang imahe ni Bryan na napatampal sa noo at problemado sa kaibigan kong sinto-sinto.

"Knock-knock muna!" Singhal nito sa kabilang linya. Alam kong hindi para sa akin iyon.

"Who's  there?" Malamya kong sagot.

"Adonis!" Bulaslas niya. Napakagat ako sa aking labi. "Hey, I said A-do-nis!" saad niyang madiin ang pagkakabigkas niya sa pangalan ng boyfriend ko. Bakit bigla akong kinabahan.

"Just tell me," madiin kong sabi. Kasalukyyan na kaming bumabiyahe pauwi.

"Ang KJ!" Palatak ni Eula na ikinapaikot ng mata ko. "Nandito kami ngayon sa San Lazaro Hospital!"

Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko. Sinasabi ko na nga ba at may nangyari. Kanina pa kasi na wala siyang text o tawag sa akin. Nanginginig tuloy ang kamay ko  na nakahawak sa cellphone ko.

" Ano'ng nangyari sa kanya? Okay lang ba siya? Is he conscious? Tell me?" Sunod-sunod kong tanong. Naninikip ang dibdib ko sa matinding kaba. Hindi ako halos makahinga. Gumaralgal na ang boses ko at talagang maiiyak na ako.

"Hala siya oh! Hindi lang KJ ang OA pa."

"Just fucking tell me!" Bulyaw ko na.

"Eula, just give me the phone. Ang gulo mo kasi kausap!" rinig kong ika ni Bryan.

"Excuse me?" Ani Eula na alam kong sinusungitan na naman si Bryan.

"Eula! Just tell me!" Mas malakas na sigaw ko. Napabaling tuloy ang tingin sa akin ni Manong Ben.

"Okay! okay, just don't shout. Hindi pa ako nakakapagreport baka mabingi na ako. Listen..."

Mataman kong itinutok ang cellphone sa teynga ko. Inayos ko itong mabuti para mapakinggan ang sasabihin ni Eula.

"Nandito kami ngayon, nakatago sa isang halaman sa hospital at nakasilip sa isang bukas na kwarto..."

"Oh come on!" Tinig iyon ni Bryan.

Ako man ay napapikit na lamang at humigpit ang hawak sa cellphone. Kapag nakaharap sa akin itong si Eula talagang binatukan ko na nang bonggang-bongga. Kaasar lang talaga eh.

"Straight to the point, Eul!"

"Tse! Eh ang chikabebes mo ito noon eh." Nalito na ako sa pinagsasabi ni Eula. Kung sino ang tinutukoy niya. Ako ba o iba.

Nagpapasalamat pa rin ako dahil nandoon si Bryan. Nasabi niya ang gusto kong sabihin.

Narinig ko ang malalalim na buntong hininga ni Eula bago ulit magpatuloy. Nailiko na rin ni Mang Ben ang sasakyan. Papunta na kami sa hospital.

"Okay, kanina kasi habang nagmo-mall kami. Nakita namin si Adonis sa isamg jewellery shop. Babatiin ko sana kaya lang parang nagmamadali  kaya sinundan namin. Guess what who's with him right now?"

"Crystal?" Patanong na sabi ko. I not really sure pero siya lamang ang pumasok sa isip ko kaya hindi na ako magpaligoy-ligoy pa.

"Tumpak! Korekorekek!" Muling bulaslas ni Eula na para bang nanalo  ng lotto. "So nakabantay kami rito.  May tiwala ako sa jowa mo pero doon kasi sa malanding linta na ex nitong si Bryan, wala! Baka ahasin ang jowable at papalicious Adonis mo."

Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit pa nga may kaba pa rin naman sa aking dibdib. Bakit ba ako kinakabahan na nagtatagpo nga sila? Dahil ba sa nalaman kong naging mag-fiancee sila noon. Wala na kasi akong time tanungin noon iyon kay Adonis. Naging maganda kasi ang takbo ng lahat lalo na noong nakilala ko ang mga magulang niya.

"Malapit ka na ba? Nangangawit na kasi ako sa pagyuko rito para hindi kami ma-spot-an!"

May narinig akong humalakhak kaya alam kong kakaiba ang ayos ng kaibigan ko habang naglalaro ng detective Conan.

"Wait! Wait! No! No!"

Ibababa ko na sana ang cellphone ko noong marinig iyon mula kay Eula.

"Eula?" Nanunuyo ang lalamunan ko habang hinihintay muli itong magsalita.

"They were kissing!" Pahayag nito na nakapagpatigil sa paligid ko. Napailing ako doon. "Naghahalikan sila!" Muling ulit na bulaslas ni Eula at napupuno na ng galit ang kanyang boses.

"Stop!" Tinig iyon ni Bryan. Alam kong pinipigilan na nito si Eula para sumugod.

Napaawang ang aking labi habang pilit pinoproseso ang sinabi ni Eula. Bigla ang pagdaan ng mga tanong sa aking isip. Nang makarating kami sa hospital ay halos liparin ko na ang pagitan nang kinalalagyan ko at kung nasaan sila. Nagmamadali akong  tinahak ang sinabing lugar ni Eula.

I was about to reach them nang mamataan ko na nakatayo na si Eula. May kaharap itong nakapang-doctor na gown. Hindi ko ito makilala dahil nakatalikod ito sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit. Himala na hindi man lamang ako nakagawa ng anumang ingay mula sa paghakbang.

"Sino kayo at bakit ninyo sinusubaybayan si Adonis or maybe Crystal?"

Napatigil ako dahil pamilyar ang boses nito. Kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ng lalaking pinsan ni Adonis.

Siya namang pagtagpo ng mga mata namin ni Eula. Napalingon tuloy ang nakatalikod na lalaki sa gawi ko.
Nagulat ito sa una nang makita ako pero agad din namang sumilay ang ngiti sa labi niya. Nang-uuyam na ngiti.

Ako man ay nagulantang nang makumpirma na siya nga iyon. So doctor pala ang lalaking balahura ang ugali!

"Oh well, Hi Diozza!" bati niya. Nagtataka ang mukha nina Eula at Bryan dahil sa pagbati na iyon ng lalaki. "Kaibigan mo ba sila?"

Tumango ako at dahan-dahang lumapit. Agad akong dinaluhan nina Eula at Bryan. Hinawakan ako ni Eula sa braso habang umakbay sa akin si Bryan.

Siya namang paglabas ni Adonis at Crystal sa loob ng hospital room.

Nanlaki ang mga mata ni Adonis at namutla. Ako naman ay pinilit na huwag magpakita ng anumang emosyon. Kahit pa nga ba masakit na masakit ang puso ko ngayon at parang pinipiga, pinipigilang tumibok.

Mapait akong ngumiti sa kanya. Pagkatapos ay tumalikod sa kanilang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top