Chapter 29 His past
Nasa isang lomihan at gotohan kami na bukas ng 24 oras. Lomihan iyon ni Aling Susan at suki kami roon. Malapit ito sa paradahan ng mga bus na papunta sa ibat ibang lugar.
Kasama ko sina Adonis, Eula at siyempre ang maarteng si Bryan. Suwerte niya talaga at hindi ako naging girlfriend niya. Kung hindi araw araw kong makikita ang tila nandidiring mukha niya, dahil araw araw kong dadalhin sa isawan o lomihan.
Wala siyang choice kundi sumama sa amin dahil ayaw pang umuwi ni Eula. Sina Mahinhin ay tuluyan na talaga kaming iniwanan.
Napilit din namin kumain si Bryan ng Lomi ni aling Susan. Nasa dulo kaming parte ng maliit na pwestong iyon. May iilang upuan at mesa. Sa mga mesa ay may patis at toyo na nakalagay na. May mangilan ngilan ding taong nagkakainan.
Pinasadahan ko ng tingin si Bryan at Eula na magkatabi. Napangisi ako dahil kita mo nga naman, mukhang may something sa kanila talaga.
Sa totoo lang natutuwa ako. Parang nagbabago kasi itong si Bryan eh, noong una talaga gusto ko siyang patayin. Literal na gusto ko siyang sakalin at balatan ng buhay sa tuwing makikita ko siya.
"Eat," pukaw ni Adonis sa pagmamatiyag ko sa dalawa. Napalingon ako sa kanya. Binigay niya ang itlog mula sa kanyang goto.
Napalabi ako
"Pinapataba mo ba ako lalo?" tanong kong kunwaring nagtatampo.
"Mas gusto ko ang dating katawan mo, Diozza," sabi niya. Inirapan ko siya. Pero infairness yung kilig ko talaga to the highest level na. Mukhang mahirap ng abutin nina Mahinhin o nina Eula.
"Daganan kita diyan eh," pagbibiro ko. Naalala ki noong nagkilitian kami sa kwarto ko. Unang pakilala ko sa kanya kay mama. Doon ako sinita ni mama dahil baka daw mapatay ko siya. Naku ako naman yata ngayon ang mapapatay sa kilig dito. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.
"So ikaw ang dadagan ganoon?" Saad niyang nakangisi.
Halis maibuga ko ang kinakain ko sa sinabi niya. Napakalawak pa ng ngiti niya sa labi. Ganoon din si Eula na naibuga ang iniinom na tubig kay Bryan.
"Sorry," sabi nito at inabutan si Bryan ng napkin.
"Kayong dalawa, maglalandian na naman kayo. Ilugar niyo nga!" Singhal sa amin ni Eula. "Hoy Adonis, nga pala baka pwede mo nang ibalik itong si Bryan sa school. Pagraduate na tayo," dagdag ni Eula at bumaling kay Adonis.
Napatungin ako sa kanya. Napakamot siya sa ulo at tumawa.
"Hindi ko naman siya pina expell ah. Kinausap ko na ang director sa school," sabi niya na kumindat sa akin.
Oo nga pala, hindi pa ako nalilinawan about sa pagkatao niya. Pati kayo di ba? Gusto niyo rin malaman. Pero paano ko ba itatanong? Hindi ak9 makaapuhap ng salita na pwedeng ibato sa kanya.
"Sinadya mo bang magpanggap na mahirap, Adonis?" biglang tanong ni Eula, sabay sipa sa mga paa ko sa baba ng mesa.
Tumawa siya at umiling. Tumingin muna sa aming tatlo na talagang interesado sa sasabihin niya.
"Mahirap talaga ako," panimula niya na ikinataas ng kilay ko. Ginagap niya ang aking kamay at nagpatuloy.
"Mahirap kami ng nanay ko. Lumaki ako sa squatter area. Bata pa lamang ako, natuto na akong magbanat ng buto. Maglako ng kung ano-ano. Tumuntong ako ng highschool, pinasok ko ang construction para matustusan ang pangangailangan namin ni Mama. Naging sakitin kasi ito at halos hindi na makapagtrabaho." Nalungkot ako sa nalaman, lalo na noong malungkot siyang tumitig sa mga mata ko at pilit na ngumiti. "Noong namatay si Mama, at pa-graduate na ako ng highschool, biglang nagpakita ang tunay kong ama," sabi niya at suminghap saglit ng hangin at tumikhim. Alam kong nahihirapan siyang magkwento tungkol sa buhay niya. Makikita ang lungkot sa mga mata niya. Kaya naman nanahimik lang kami nila Eula at nakinig lang.
"Hindi ko siya matanggap, sila ng asawa niya na patuloy na sumusuyo sa akin. Gusto nila ako kunin at pag aralin. Tinanggihan ko sila at nagsumikap ako para sa sarili ko," saad niya. Inabot na muli ang baso ng tubig at uminom doon. Ganoon din ang ginawa ko. "Nagbago lang ang lahat ngayon..."pabitin niyang saad at sumulyap sa akin.
Napakunot noo ako at napalabi.
"Anong dahilan?" tanong ko. May bahagya akong ideya. Pero gusto ko sa kanya manggaling.
"It's because of you, Diozza," malamlam ang mga matang nakatitig siya sa akin. Ako naman ay pilit na pinipigilan ang luha.
"Bakit?" Sabay naming tanong ni Eula.
"Bakit ginawa mo ngayon at hindi noon?" Dagdag naman ni Bryan na nagtataka rin.
Tumawa si Adonis.
"I don't know too. Iba lang siguro ang charm ni Diozza sa akin," sabi niyang nagbibiro. Pero hindi ako natutuwa.
"Dahil ba sinabi kong ayaw ko ng mahirap," mahina kong tanong. Nahihiya ako.
Umiling siya.
"No. Hindi dahil doon." Bumuntong hininga siya. "Siguro dahil natakot akong mawala ka ng tuluyan sa akin. Natakot akong layuan mo ako at magpatuloy ka na wala ako sa tabi mo."
Napalabi ako at tuluyang tumulo ang luha ko.
"Bakit hindi mo ginawa kay Crystal, hindi ba't ang pagiging mahirap mo ang dahilan kaya kayo naghiwalay?" Sabi ko mula sa paghikbi. Iniharap niya ang mukha ko sa kanya at pinahid ang luha ko. Saka pinisil ang magkabila kong pisngi.
"Siguro mas mahal lang talaga kita kaya pinili kong lunukin ang pride ko at tanggapin ang pamilyang noong pa man ay nakasuporta na sa akin," sabi niya. Itinagilid niya ang kanyang ulo at tinaasan aki ng kilay. "Sinabi kong huwag kang umiyak dahil sa isang lalaki..."
"Bakit, bawal kang iyakan? Eh mahal kita eh," putol ko sa sasabihin niya. Muli niyang pinisil ang mukha ko.
"Ayaw kong iiyakan mo ako o ibang lalaki man,Diozza. Your tears are precious kaya huwag mong ibuhos iyan sa akin o kaninuman."
"Hay naku, Adonis. Ilang beses nang humandusay iyan at nag iiyak dahil sa iyo. Ngayon mo pa pipigilang umiyak!" sabad ni Eula sa amin. Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa. Matalim niya akong tinitigan.
"Mahal mo e, di iyakan mo. Ang luha hindi lang naman nagpapakita ng kahinaan, na nasasaktan ka. We tend to cry naman kapag sobrang saya natin, sa sobrang saya ng puso. Naiiyak nga tayo kapag galit at naiinis tayo sa isang taong super mahalaga sa atin 'di ba?" sabad naman ni Bryan.
Napatingin kami sa kanya. Ang lalim nun ah! Nagtataka ako dahil ang laki-laki talaga ng pinagbago niya. May ganoon bang tao? Ang bilis naman magbago ng ugali. From a jerk to like this! Nakakainlove siya ah. But ofcourse, not for me. May Adonis na ako eh.
Napansin ko ang pag iiba ng kulay ng mukha ni Eula. Pinamulahan ito ng mukha na pilit tinatago sa pamamagitan ng pagyuko.
Tumingin ako kay Adonis na nagkibit balikat lamang. Nakabaling na ang tingin niya sa akin.
"Ano ba talaga ang meron sa inyo?" usisa ko. Kating kati na akong malaman ang palaisipang ginagawa nila. Palaisipan sa akin ang mga kinikilos nila.
"Wala!"
"We live together in one house."
Magkasabay nilang saad. Biglang nag iba ang hilatsa ng mukha ni Eula sa sinabi ni Bryan.
"Anong sinasabi mo?" tanggi ni Eula at akmang tatayo na naman. Mukha na siyang walk out queen nito. Pero siyempre agad naman napigilan ni Bryan at hinila siya ulit paupo.
"My Dad and her Mom, nagpakasal na kaya sa iisang bahay kami pareho," saad ni Bryan na ikinasinghap ko ng hangin. Nanlalaki ang mga mata kong bumaling kay Eula. Napakagat labi ito.
"So you're brother and sister now," palatak ko, gulat na gulat pa rin.
"No!" Sabay nilang saad. Malumanay ang pagkakasabi ni Bryan samantalang pasigaw ng kay Eula.
Humagalpak ng tawa si Adonis kaya naman nakatikinlm ito ng matalim na titig kay Eula. Siniko ko siya para tumigil sa pagtawa.
"So ano kayo? On?" Nakataas ang kilay na tanong kong muli.
Hindi umimik si Eula. Bryan tap his fingers on the table. Pinaglalaruan iyon, nang bumaling siya ulit ng tingin kay Eula.
"I care about her, lalo na at nagrerebelde siya sa pagpapakasal ng mommy niya sa Daddy ko," sabi ni Bryan. Lalong napaismid si Eula.
"Hindi mo kailangan gawin..."
"I want to!" Putol niya sa sasabihin pa sana ni Eula. Naguguluhan ako sa kanila.
And this Bryan infront of me. Grabe, bakit ganito ito ngayon? Nagbago na talaga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top