Chapter 28 Fight Round 2

Pasalampak na nakaupo kami sa side ng kalsada habang kinakausap ng mga pulis sina Bryan at Eula. Katabi ko si Adonis na nag abot sa akin ng tubig. Sa tabi naman niya ay sina Cresh at yung gwapo na hindi pa niya pinakikilala. Basta ang alam ko ito yung may ari ng cafe. Sa tabi ko naman ay si Mart at Mahinhin na nagtatalo na naman ng kung anong bagay.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Adonis at ginagap ang aking kamay. Nanindig ang balahibo ko sa batok. Kami na talaga for real pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.

Pinisil niya ang kamay ko dahil sa matagal kong pagkakatitig sa aming kamay. Nilingon ko siya at nginitian. Hindi lang yata ang katawan ko ang mataba ngayon, pati puso ko tumataba dahil sa pagmamahal na ipinapakita sa akin ni Adonis.

"Sorry guys, nadamay kayo sa gulo!" hingi agad ng paumanhin ni Eula sa amin nang makalapit sila ni Bryan. Katatapos lang nila kausapin ang mga pulis. Nagsitayuan kami. Niyakap namin si Eula. Ako, si Mahinhin at si Mart. Nanatiling nakatayo at nakamasid ang apat.

"Teka nga, ano ba talaga ang nangyari?" biglang tanong ni Mahinhin at humiwalay sa pagkakayakap. Napatango naman ako at hinuli ang mga mata ni Eula.

Napanguso ito at parang naumid ang dila. Nagpadyak-padyak at umiwas ng tingin.

"Matigas ang ulo ng kaibigan ninyo eh!" singit ni Bryan sa amin. Nagkatinginan kami. Agad akong nag iwas ng tingin dahil nahiya ako sa kanya. Napakagat tuloy ako sa labi. Alam kong alam na niya ang tungkol sa amin ni Adonis. Pero wala siyang sinasabi, mas nakatuon ang pansin niya ngayon kay Eula. Para pa ngang galit ito. Nagtaka tuloy ako lalo kung anong meron sa kanilang dalawa.

"Hindi ko sinabing sundan mo ako." Reklamo agad ni Eula. Nagkatinginan kami ni Mahibhin. Nagkibit balikat ito.

"Ano'ng meron?" hindi ko mapigilang tanong. Mataman na nakatitig kay Eula na ayaw pa rin magsalita. Si Bryan ay napapabuntong hininga na lamang. Marahas ang kanyang paghinga, alam kong nagpipigil siya ng kung anong damdamin.

Kinilabit ko si Eula, napapitlag siya dahil sa ginawa ko. Magbubuka na sana siya ng bibig nang magsalita si Cresh.

"Una na ako, may trabaho pa ako bukas. Pet, text na lang kita." Tumango ako. Inalalayan siya ng gwapong lalaki at pinagbuksan ng pinto ng kotse nito.

Napalabi ako dahil hindi man lamang niya nakuhang ipakilala yung gwapong may blue eyes.

Ginagap ni Adonis ang kamay ko. Nahiya ako at medyo nahila iyon dahil biglang napunta doon ang tingin ni Bryan. Pero agad din namang nag iwas ng tingin doon.

Nang bigla na lamang niyang hawakan sa kamay si Eula. Nanlaki ang mga mata namin nina Mahinhin, pero huwag kayo, mas malaki ang mga mata ni Eula dahil sa gulat sa ginawa ni Bryan na paghawak.

"Umuwi na tayo!" yaya ni Bryan kay Eula.

Nagtaasan ang mga kilay namin dahil sa narinig. Like what daw? Uwi!

Weh! Bakit parang iisang bahay sila uuwi. Ano iyon? Sila na? Live in sila? Wow hanep ha, nauna na pala itong si Eula kaysa sa amin! The fudge bar! May lihim itong babaeng ito eh.

Kinurot ko siya sa tagiliran dahilan ng pagngiwi niya. Hinila rin niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Bryan. Tapos matalim siyang napatingin sa akin at umirap.

I was taken aback by that sudden change of mood by her.

"No thank you, ayaw kong unuwi sa bahay," napanguso ako sa sagot ni Eula. Napalingon ako kay Bryan na nagdilim ang mukha.

"Hmmm, pakipaliwanag ito please?" Turan ni Mahinhin

"Mga echosera kayong palaka! Wala," sabi ni Eula at balak mag walk out. Pero nahila siya ni Bryan pabalik.

"Sabi kong umuwi na tayo. Napakatigas talaga ng ulo mo!" galit na saad nito kay Eula.

Nagpalipat lipat ang tingin namin sa kanila. Alam niyo iyon para akong nanonood ng live drama romance. Yung bidang babae pakipot at yung bidang lalaki naiinis na sa bidang babae. Gusto kong maupo, tapos may popcorn sa kamay at manonood lang.

Wow, kinikilig ako, pero wait ah...nasaan na ako sa kuwento ko. Bakit parang sila na ang bida..na etstapwera na kami dito ah.

"Iyang katigasan ng ulo mo ang nagpapahamak sa atin eh. Sinabihan na kitang huwag lumabas at huwag tumuloy sa blind date na iyan!" Sigaw nito kay Eula.

Napanganga kami sa narinig. Ano daw?

Biglang isinara ni Adonis yung bibig kong nakabuka pa.

"Baka pasukan ng langaw," ika niya at napangiti. Napasimangot tuloy ako at napabuga ng hangin.

Napabaling tuloy silang lahat sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Eula?" sabi kong may pagbabanta sa tingin. Lumapit siya sa akin na naniningkit ang mata. Nang bigla na lang niya akong sabunutan.

"What the..." hindi ko naituloy iyon dahil hinila siya nina Mahinhin. Pero grabe, ang sakit ng anit ko.

"Anong problema mo ha! Ako kaaway mo ha, ako!" Pinandilatan ko siya habang hawak ang aking buhok. Yumakap sa akin si Adonis para pigilan ako sa pagsugod kay Eula.

Kanina lang ang ganda ng yakapan tapos sinabunutan ako. Walangya, sakit talaga ng anit ko eh. Parang nakalbo ako. Ilan kayang buhok ang nahugot dahil sa pagkakasabunot? Ipakalkal ko kaya kay Adonis at ipabilang ko yung natanggal na buhok. Pagbabayaran din ng buhok nitong si Eula. Kahit buhok niya sa baba di ko patatawarin!

"Kasalanan mo!" Sabi niya sa akin. Naluluha na.

"Ano?" tanong ko. Papasugod na naman. Siyempre kunwari lang iyon. Mas lalo kasing hinigpitan ni Adonis yung yakap niya para pigilan ako. Sina Mahinhin naman at Mart ay nasa gitna at nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Eula. Hawak siya ni Bryan sa braso.

"Tsk, akala ko ba ako ang slow sa atin! Mukhang ikaw yata ang pagong sa pagiging makupad ang utak!" Muli niyang saad. Hindi na siya nakasigaw pero may diin iyon.

Napabuntong hininga ako ng marahas at napakuyom ng palad

"Shhh, calm down,Mine," napabaling ako kay Adonis sa pagtawag niya sa akin. Yung mata ko nagtwinkle twinkle tapos parang may mga flowers sa paligid ko. May sweet music din akong naririnig. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang kamay ko.

Ang saya na sana ng biglang may tumama sa katawan ko.

"Huwag ka ngang mag daydream diyan." Nakasimangot na saad ni Eula.

The heck, paanong nabato niya ako ng sandals niya? Nasaan sina Mahinhin at Mart? Bakit hindi nila nakita iyon at ng napigilan nila si Eula.

Inilibot ko ang paningin ko. Nakita ko silang paalis na.

"Hoy!" Sigaw ko sa kanila.

"Huwag kasi masyadong pda diyan. Tuloy hindi alam kung ano naibabato sa inyo!" Sigaw ni Mahinhin. Nag ba bye naman si Mart sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay.

Matalim kong tinitigan si Eula na nakangisi sa akin. Si Bryan ay nagkibit ng balikat pero mukhang nagpipigil ng tawa. Sinipa ko pabalik ang sandal ni Eula.

"Gising ka na ba?" Sabi niya sa akin na may pang uuyam. Anong problema ng babaeng ito?

"Ginawa ko sa iyo?" sigaw ko, bigla siyang lumapit sa akin. Nagulat ako dahil bigla akong binitawan ni Adonis.

Ano yun gusto niyang masabunutan ako ulit? Gusto niya kaming pagsabungin ng Eula. Nagtataka akong napatingin sa kanya.

Nakangiti siyang ininguso ang nasa harap ko.

Napapitlag ako nang muling bumaling kay Eula. Nakangisi na ito sa akin at nakalahad na ang kamay.

"Happy for you Diozza. Nahanap mo na rin ang prinsipe mo," sabi niya. Tumingin siya kay Bryan na napakamot sa ulo. "Buti na lang hindi mo sinagot yung isang damulag dito na pakialamero sa buhay ng may buhay!" sabi niya pinaparinggan si Bryan.

Nakangisi si Bryan na nilapitan si Adonis. Naglahad din ng kamay.
Nakipagkamay si Adonis sa kanya.

"Hello, Diozza! Nangawit na kamay ko dito oh!" Sinimangutan ko si Eula at tinapik pababa yung kamay niya. Kainis! Pinagtitripan ba nila ako.

Yumakap si Eula sa akin.

"Miss kita bes...." imbes na yumakap hinawakan ko yung buhok ko. Baka sabunutan ulit ako eh. "Love you," sabi niya.

"I love you," Adonis mouthed noong tumingin ako sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top