CHAPTER 27 Fight
Mabilis kaming nagtungo sa bar na sinabi sa amin ni Eula. Pagdating namin ay nagkakagulo na sa loob. Hinanap ng aking mga mata ang kaibigan ko.
Sa likod ko ay si Adonis at Cresia. Humiwalay sa amin sina Mart at Mahinhin para madaling mahanap si Eula.
Grabe, may mga nagsisigawan. Hindi na sila makontrol ng mga security o bounce ang mga iyon. Sa dami ba naman ng nagkakagulo. Agad akong hinawakan ni Adonis at iniharang ang katawan nito sa aming dalawa ni Cresia.
Mausok sa loob at medyo nakakahilo dahil sa mga taong nagtatakbuhan. Tapos naroon pa ang amoy ng iba't ibang alak at sigarilyo.
"Ano ba itong pinasok ni Eula, bakit siya napunta sa lugar na ito?" Bulaslas ko dahil na rin sa matinding pag-aalala sa kanya.
Magkahawak kamay kami ni Cresia habang nakahawak naman ang isang kamay ko sa laylayan ng damit ni Adonis, habang papalapit kami sa loob. Nang bigla na lamang may humila kay Cresia. Napalingon kami ni Adonis.
Hawak ngayon noong lalaking guwapo na may-ari ng cafe si Cresia na mukhang gulat na gulat.
Mukhang kinakabahan pa si Cresia at pilit inaabot ang kamay ko.
Hahawakan ko sana ang kamay niyang iyon nang bigla ulit nagkagulo at naglabasan ang ibang mga tao. Tuloy napahiwalay kami ni Adonis kay Cresia.
Hinila ko ang laylayan ng damit ni Adonis para makuha ang atensiyon niya. Lumingon naman siya sa akin at seryoso.
Napanguso ako.
"Huwag na lang kaya tayong tumuloy, baka mapano tayo," sabi kong nababahag na yata ang buntot.
Magsasalita na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pareho pa kaming napatingin doon. Tinanguhan niya ako hudyat na sagutin ko iyon.
Tinakpan ko ang isang teynga ng isang kamay at ang cellphone ay nasa kaliwang teynga ko.
"Hello!" Sigaw ko dahil maingay.
"Diozza!" Sigaw din sa kabilang linya. Si Mart iyon. "Nandito kami sa taas. Nandito si Eula at Bryan. Kailangan namin ng tulong..."
Naputol ang tawag niya. Nakakunot noo akong sumulyap kay Adonis na naghihintay ng sasabihin ko.
"Sa taas," turo ko sa may hagdan papuntang taas ng bar. Napatanong ako sa sarili kung bakit magkasama.si Bryan at Eula. Inignora ko muna ang katanungang iyon. "Kailangan daw nila ng tulong."
Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. Patakbo kaming pumanhik sa second floor ng bar.
Napakapit ako ng mahigpit kay Adonis dahil sa nakita. Pinapalibutan ng mga limang lalaki sina Mart, Mahinhin, Eula at Bryan. Nakaharamlng ang katawan ng dalawang lalaki sa mga kaibigan kong babae.
"Ang lalakas ng apog niyong kalabanin kami ah!" Sabi ng medyo matabang pandak. May dala itong tubo. Nakangisi ang mga kasamahan. Iyon siguro ang lider nila.
"Dito ka lang ha," saad ni Adonis sa akin at tinitigan ako sa mata. Alam niyo yun mga bhe, may babala sa mga titig niya pero napakacaring ng pagsasalita niya. Ayaw niya akong mapahamak.
Juice ko, maiihi pa yata ako nito sa kilig. Bawal pa naman makilig ngayon dahil sa sitwasyon.
Tumango ako at nagtago sa gilid.
Nanlaki ang mga mata ko nang manduhan ng lalaking mataba ang kanyang mga alipores. Nakangisi ang mga ito na umatake kila Mart at Bryan.
Napasigaw sila Eula at Mahinhin. Siya namang biglang pagbagsak ng isang metal na upuan sa gawi ng mga kalaban. Natamaan ang isa at napatingin sila kay Adonis na may isa na namang buhat na upuan para i-itsa sa kanila.
"Putang-ina, may dumagdag pa!" Sigaw nung mataba. "Gago ka..." sumugod ito kay Adonis. Todo pikit ako noong may kasama itong sumugod. Sumugod na rin ang dalawa kina Bryan at Mart.
Napatutop ako sa bibig dahil dalawa ang sumugod kay Adonis. Initsa niya ulit yung upuan na hawak niya pero nailagan nung dalawa. Inihampas nung mataba ang tubong hawak kay Adonis.
Nailagan naman iyon ni Adonis tsaka niya tinadyakan yung may hawak ng tubo. Nabitawan nung mataba iyon.
Nahagip ng mga mata ko sina Eula at Mahinhin na tumatakas habang nakikipag suntukan si Bryan at Mart.
"Psstt...!" Sinitsitan ko sila pero mukhang hindi nila ako naririnig. Inulit ko iyon kaya napalingon sila sa akin.
Lihim ko silang kinawayan kung saan ako nagtatago. Dahan-dahan naman silang lumapit sa akin at nagyakapan kami.
Nanginginig sa takot si Eula. Ayaw ko munang mag-usisa kaya pinahid ko na lamang ang luha niya sa mata. Napabaling ako kay Adonis. Nahanap ng mga mata namin ang isa't isa. Sumenyas siyang umalis na kami habang busy pa siya sa pakikipagtuos sa dalawang ugok.
Kinakabahan man para sa kalagayan niya, pati na rin kina Mart at Bryan. Nagkukumahog kaming pumunta sa safe na lugar. Kaya lang hindi pa man din kami nakakalayo. Humarang na sa amin yung natamaan kanina ng upuan ni Adonis.
"Saan kayo pupunta!" Nakakalokong ngisi ang nasa mukha nito. Napakapit sa akin sina Mahinhin at Eula, nagtago sa likod ko.
Mga walang hiya sila mga bebes! Ginawa akong taguan porke't malaki ang katawan ko sa kanila.
"Hindi ko kayo hahayaang makaalis. Tang ina niyo, magbabayad kayo sa ginawa niyo sa akin!"
Nanginig ang buong kalamnan ko sa tinuran niya. Papasugod na siya kaya nagtakbuhan kami. Nagkahiwa-hiwalay kaming tatlo. Sa dinami dami ng hahabulin niya, ako talaga ang nagpagtripan. Grabe pa naman ang bilis ng takbo ko.
"Siyete!" Bulaslas ko dahil nacorner niya ako. Wala na akong matatakbuhan. Pader ang nasa harapan ko.
Humarap ako, malapit na siya sa akin. Ang laki ng ngisi sa labi.
"Akin ka ngayon!" humalakhak na parang demonyo ito.
Lagot ako...
"Diozza, remember your boxing!" Isang sigaw ang nakapagpakalma sa akin. Boses iyon ni Adonis. Hinanap ko siya. Nakikipagbunong braso pa rin sa isang kalaban. Napatumba na niya yata ang isa.
I stand like Manny Pacquia. I move my body like how he moves. I sway left and right. I did the foot work too and my hands are in a knuckles ready to do the jabs. Nakataas ang mga kamay ko malapit sa mukha ko. To protect my face.
Boksingera talaga ang dating ko mga beshie. Kulang na lang talaga yung ring.
Biglang humalakhak yung kalaban ko. Para bang isa akong joke sa kanya.
Really? Tinaasan ko siya ng kilay at tumigil sa ginagawa. Hiningal ako roon mga bhe!
"Akala mo matatakot ako sa iyo dahil diyan!" patuya niyang saad.
"Akala mo hindi kita kayang patumbahin, kalbong gurang!" Balik na tuya ko.
Biglang nanlisik yung mga mata niya at susugod na sana sa akin.
"Wait!" sigaw ko sa kanya na ikinatigil niya. Yung kamay ko nakahamba para iharang. Yumuko ako at napakapit ang isang kamay ko sa tuhod ko. Hinihingal talaga ako. I exhale and inhale. I repeat it three times. Pagkatapos, I ready again my self for a depense. "Okay, I'm good. I'm ready," pagkasabi ko pa lang iyon sumugod na siya.
I give him one two punch! Pinalad akong nakaconnect sa mukha niya ang suntok ko.
Napaatras siya at napangiwi. Dumugo yata ang ilong niya.
"Pwe!" Dumura siya. "Tang ina mo, hindi na ako makikipaglaro sa iyo. Humanda ka!" Galit na galit na saad niya pasugod ulit sa akin.
Sino bang nakikipaglaro? Hindi ako ang alam ko. I did the one two punch again pero siyete! Nailagan niya.
Padamba na siya sa akin kaya napapikit ako,inaasahan ang katawan niya sa katawan ko. Pero naramdaman ko na lamang siyang tumumba sa harap ko.
Minulat ko ang aking mata, nakita ko si Mahinhin at Eula, may dalang tubo. Pinukpok nila ito kaya tumba.
"Okay ka lang, Diozza?" Tanong ni Mahinhin na wala nang takot sa mukha. Medyo kampante na at may yabang sa mata. Siya kasi ang may hawak ng tubong ipinampukpok.
Lumingon kami kila Adonis, Mart at Bryan. Isa-isa na rin nilang napatumba ang mga kalaban nila.
Agad silang lumapit sa amin. Siya namang pagdating ng mga pulis, kasama nila si Cresia at iyong poging may blue eyes.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top