Chapter 17 Valentine's day

Parang ang bagal nang paglipas ng araw. Lalo lang akong nasasaktan sa bawat araw na makikita o makakasalubong ko si Adonis kasama ang girlfriend niyang si Crystal.

Super proud si Crystal habang kasama at nakakapit sa braso ni Adonis.
May mga usap-usapan din na nagkapalit daw kami ng boyfriend ni Crystal.

Which is not true dahil hindi ko naman boyfriend si Bryan. At hindi naman ito nanliligaw. Kahit na nararamdaman kong may pahiwatig siya sa bawat kilos niya.

Hindi ko alam kung bakit niya ako pinag-aaksayahan ng panahon niya.
And I can't stop thinking na maaaring pinagpupustahan ako. O kaya naman ay ginagawang pampalipas oras lamang ni Bryan. Kung ano man iyon, ayaw ko nang pag-aksayahan pa ng oras para isipin.

It was a Valentine's day celebration sa school. May mga program pero hindi kami sumali. Pawang tagapanood lang kami.

May picture booth kaming nadaanan habang naglalakad. Hinila ko silang tatlo doon. Gusto kong magtabi si Mart at Mahinhin pero ayaw talaga nila. They were civil to each other pero ramdam ko ang malaking gap nila sa isa't isa. Na palaisipan pa rin sa amin ni Eula.

Nang may lumapit kay Mahinhin at nagbigay ng bulaklak. Malaki ang ngiti sa labi ni Mahinhin at nagpasalamat. Kahit noon naman ay talagang ito ang lapitin ng lalaki.

Tumikhim si Mart na ikinapawi ng ngiti ni Mahinhin. Kunot noong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Nang biglang lumapit sa akin si Ali, isa sa barkada ni Bryan. Nagbigay ito sa akin ng isang red rose.

Tinanggap ko iyon. Agad din itong umalis. Tahimik lang naman ang tatlo kong kaibigan at nakamasid lang sa akin.

"Tara!" yaya ko ulit para magpatuloy na kami sa pamamasyal.

Muli kaming naglakad. Nang si Ariel naman ang lumapit at nagbigay muli ng bulaklak.

Nagtaka na ako.

Tumingin ako sa aking mga kaibigan.
Si Eula na alanganing nginitian lang ako. Naglakad muli kami at si Jerome naman ang lumapit.

Medyo pinagtitinginan na kami ng mga tao. Kilala si Bryan at barkada nito sa buong campus.

"Ano 'to?" Hindi ko na napigilang tanong kay Jerome pero nginitian lang ako saka na umalis.

Ganoon din ang sumunod na pangyayari. Pito sa barkada nito ang
nagbigay sa akin ng bulaklak.

Nakarating kami sa gitna ng mga building kung saan ginaganap minsan ang mga activities kung maganda ang panahon. There is a heart shape made of petals. At nandoon sa gitna si Bryan, may hawak itong bouquet of red roses at isang teddy bear.

Nangatog ang aking tuhod dahil sa akin sila nakatingin. Bigla na lamang lumayo sa akin ang aking mga kaibigan. Nasa likod ko sina Jerome at in-eskortan nila ako patungo kay Bryan. I'm hesitating lalo na at halos nanonood ang lahat.

Noong naroon na rin ako sa heart shape ay iniwanan nila ako kasama si Bryan na nakangiti.

"For you," sabi niya at iniabot ang dala-dala. Nagdalawang-isip akong abutin iyon pero natakot akong ipahiya siya kaya tinanggap ko.

"Thank you, but..."

Nang biglang naghiyawan ang mga nakapaligid sa amin. Confetti and balloons are going down from the rooftop of the fourth floor building.

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa isang tarpaulin na bumaba mula roon.

Diozza maganda
Can you be my girlfriend

Iyon ang nakalagay sa malaking tarpaulin.Tumingin ako kay Bryan na nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot.

Hindi ako makapagsalita.
Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. My eyes darted to the far side of Engineering building.

I met Adonis eyes that darted on to me also. Hindi ko mabasa ang emosyong nasa mga mata niya. Halo-halo kasi ang nakikita ko roon.

He's mad at the same time ay parang nagmakaawa ang mga mata nito na nakatitig sa akin. Napahaplos ako sa kuwintas na binigay niya.My heart hurts. I really miss him a lot.

"Diozza?" napabaling ako sa tumawag sa aking pangalan. Si Bryan na naghihintay na ng sagot ko.

Muli akong sumulyap kay Adonis. My heart hurt once more nang makita kong hinihila na siya ni Crystal palayo. Crystal is holding a bouquet of pink roses and a chocolate. Siguro ay bigay iyon ni Adonis.

"Can we talk privately; please." bantulot kong saad.

Napatigil ng saglit si Bryan sa sinabi ko. But then he smile at me and nod.
Bigla niya akong inakbayan.

"My girl wants us to talk privately. So excuse us." Namula ang mukha ko sa kanyang ginawa.

Nakarating kami sa isang classroom na bakante. Dahil nga busy ang lahat sa programs.Naupo ito at mas pinili kong tumayo na lamang.

"Salamat sa effort." patiuna ko.

He just look at me. Naghihintay ako ng sasabihin niya pero wala akong narinig.Kapagdaka'y sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya. Umiling lang ako.

"Natatakot ka ba sa akin?" tanong niyang mataman na nakatitig sa akin

"Hindi, bakit ako matatakot?" Tugon ko.

"Then come here and sit beside me." utos niya.

Huminga muna ako nang malalim bago tinungo ang upuan sa tabi nito. Humarap siya sa akin ng makaupo na ako.

"Bakit mo ginagawa ito? If you're doing this para pagselosin si Crystal, hindi ka magtatagumpay. Hindi ka na niya mahal." dire-diretso kong tanong bago pa man uli siya makapagsalita. Ayaw kong gamitin niya ako.

Mukha siyang gulat na gulat.
Tapos ay tumawa ito na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

"If you're thinking that I'm using you to have her back. Your wrong..."He paused and look me into my eyes.
Mukha naman siyang seryoso

Bigla na lang akong kinabahan. At hindi mapakali habang naghihintay nang karugtong ng sasabihin niya.

" I. Like. You!" He said.

My jaw drop at napailing ako.

"It's true Diozza, I like you."

Hindi pa rin ako naniniwala.
Mukhang nabasa naman niya ang saloobin ko.

"Ano'ng puwede kong gawin para pumayag kang maging girlfriend ko?"

My heart skip a beat. Hind dahil may nararamdaman ako sa kanya. But because it's the firts time na may lalaking harap-harapan na nagsasabing gusto ako at gusto akong maging girlfriend.

"Ni hindi ka nga nanligaw sa akin, girlfriend agad? Hindi ako easy to get no!" pagtataray ko para itago ang kabang nararamdaman.

Nanindig ang balahibo ko sa kanyang pagtawa.

"Mali pala ang nailagay sa tarpaulin." bigla siyang sumeryoso.

Napaismid ako.

"Kung ayaw mo 'di huwag. Sanay ka kasi na nakukuha ang gusto mo sa isang iglap, puwes ako hindi! Paghirapan mo muna ako." pagtataray ko. "At sa tingin mo ba madali paniwalaan ang bagay na ganito. Na biglang magbabago turing mo sa akin. The almighty Bryan Del Mundo likes Ms. Porky!" sarkastiko kong saad saka napanguso. Siya naman ang napailing. Medyo nahiya pa sa huling sinabi ko, napakamot sa kanyang batok.

I have an unsual feeling about him. Oo at may duda pa rin ako sa kanya. But why I feel like I can trust him.
Pati ba pagkilatis ko sa tao namamali na ako?

Tumayo ako pero bigla niyang pinigilan ang mga kamay ko
Napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin din sa akin.

"Then...can I court you?" Malamlam ang mga matang tanong niya sa akin.

Napalunok ako.

So ano na Diozza?Liligawan ka daw?
Tumango na lamang ako.

###############$$$$$$$$$$$$$$Teaser
Confidently beautiful M&M

M&M?
minsan sweet - chocolates (M&M bar)

minsan meat- process food(M&M process meat)

pero kadalasan

asot pusa!

si Mart na dating Martha na Mart na ngayon..Ang gulo!!!

Si Mahinhin  na playgirl noon pero mahinhin na ngayon..

gulo talaga!!

Paano kung mainlove ang isang bakla sa isang pakawala?

happy ending ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top