Confession 5
Hindi ko maiwasan na kabahan ng saglit nang makita ko ang mukha ni Ivory.
Anong ginagawa niya rito?
"I saw you,"seryosong saad nito at lumapit pa sa akin. Sobrang lapit na namin sa isa't isa na pati sarili naming hininga ay maririnig na namin.
Una niyang hinawakan ang dibdib ko pagkatapos ay dumaan ang kamay nito sa bulsa ng jacket ko.
Nagulat ako nang bigla niyang kinuha mula sa bulsa ng jacket ko ang isang bagay na ginamit ko kanina. Isang kutsilyo.
"Saw me what?" tanong ko sabay titig sakaniya at umismid. Hindi ko pinahalata na sobra akong nagulat sa pagsulpot niya sa lugar na ito.
Itinutok niya sa akin ang kutsilyo at idinikit sa leeg ko kaya napaangat ako ng aking ulo. Napangisi ako at napalunok dahil dito.
Nakita ko itong itinagilid ang kaniyang ulo ng bahagya at tiningnan ako ng nakakunot ang noo at nakataas ang isa niyang kilay. Hindi ko din maiwasan na makita ang ngisi na gumuhit sa kaniyang bibig.
Inilapit niya ang kaniyang bibig sa may bandang tenga ko at bahagya ko nang nararamdaman ang pagdampi ng bibig niya sa kanang tenga ko.
"I saw what you did to that girl," bulong niya sa may tenga ko. Ibang-iba ang tono ng kaniyang boses 'di gaya sa nakasanayan kong marinig mula sakaniya.
Tinulak ko siya at hinablot ang kamay niya at hinawakan sa may pulsuhan nito at inikot agad ito upang mabitawan niya ang kutsilyong hawak.
Natumba siya at kaagad niya sanang kukunin ang kutsilyo pero inapakan ko na ang kaliwang braso niya at diniin ang paa ko pa upang hindi na nito maabot ang kutsilyo.
Napangisi ako nang makita ko ang kaliwang kamay niya na pilit na inaabot ang kutsilyo na malapit lamang sakaniya ngunit hindi nito maabot dahil sa pagkakaapak ko sa kamay niya. Alam kong masakit ito para sakaniya dahil sa diin ng pagkakaapak ko sa kamay niya.
Yumuko ako upang kunin ang kutsilyo at itinutok sakaniya. Isinampal ko ng mahina ang patag na bahagi ng kutsilyo sa magkabilang pisngi niya.
Lumawak pa lalo ang ngisi ko nang matanto kong madadagdagan na pala ang bilang ng mga papatayin ko.
"You are a nosy person aren't you? What are you even doing here?" tanong ko rito at ipinadaan ang kutsilyo sa kaniyang mukha. Nakita kong napapikit ito nang dumaan ang kutsilyo sa may mata niya banda.
Malamig, matalim at nakakamatay ang kutsilyong hawak ko ngayon kaya tingnan ko lang kung hindi pa siya kabahan rito.
Nagulat ako nang makita ko ulit ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Ni hindi ko ito nakitaan ng kahit anong kaba o takot. Tanging walang ekspresyon lang na titig ang ibinigay niya sa akin.
"Kill me," utos niya sa akin sabay ngisi.
I haven't seen anyone not so afraid when being threatened by death.
"Why aren't you afraid?Of course I will kill you."Sabi ko at idiniin pa lalo ang kutsilyo sa leeg niya. Nanginginig na ang kamay kong may hawak ng kutsilyo at pati na din ang aking ngipin na nagkikiskisan na dahil gustong-gusto ko nang kitilin ang kaniyang buhay.
Nakita kong dumurugo ang kaniyang leeg dulot ng talim ng aking kutsilyo kaya nadagdagan ang pagkatakam ko na patayin siya.
"I have nothing to lose!So why would I be afraid?" saad nito at nagawa pang tumawa ng malakas.
Nabitawan ko ang kutsilyo na hawak ko nang marinig kong tumawa ito at nang makita ang kaniyang matang walang emosyon o kahit ano.
Nagulat ako na bigla niya itong kinuha nang mahulog ito sa may gilid ng ulo niya at inilapit at itinutok na naman sa akin.
Bumangon ito at tumayo. Napaluhod ako ngayon habang may kutsilyong nakatutok sa aking leeg.
Itinagilid niya ang kaniyang ulo ng bahagya at ngumiti. Nagulat ako nang baliktarin niya ang hawak sa kutsilyo at inilahad ang hawakan nito sa akin.
Tumango ito na parang sinisenyasan ako na kunin ang kutsilyo.
Nakita ko din na ang higpit ng pagkakahawak niya sa talim ng kutsilyo kaya kaagad na tumulo ang dugo mula sa kamay niya. Sa sobrang talim ng kutsilyo ko ay hindi na ako magtataka kung bakit nagdurugo ang kaniyang kamay ngayon.
"I have an offer, Ciel." Napatingin ako sakaniya at nakangiti pa din ito.
Offer?
"Offer? What offer?" tanong ko at kinuha ang kutsilyo na ibinigay niya sa akin.
Nakita kong kinuyom niya ang kanang kamay niyang duguan at kaagad namang nadagdagan ang pagdurugo ng kaniyang kamay dahil sa higpit ng pagkakuyom nito ngunit ang ipinagtataka ko ay wala man lang itong sakit na nararamdaman base sa kaniyang mukha na nakangisi lamang.
"You want to kill me right?" tanong nito at lumapit pa sa akin at may kinuha na naman sa bulsa ko.
Isang panyo na gin
Pinunasan niya ang dugo na nasa sugatan niyang kamay at itinali ito ng mahigpit upang mapigilan ang pagdurugo.
Napabuga ako sa sinabi niya.
" I need a month, "wala sa sarili nitong sambit habang tinatali ang panyo sa kamay niya.
" 1 month? Anong pinagsasabi mo diyan? "tanong ko rito at natawa ng mahina.
Hindi ko alam na napakabaliw pala ng babaeng ito.
"Give me one month to finish all my unfinished business in this world and then kill me. I know you want to kill me," wika nito at napangisi sa akin.
Hindi pa ako nakatatagpo ng isang taong nagawa pang ngumisi kahit na kaharap na niya ang isang mamamatay-tao.
"You're insane," mahina kong saad at umiwas ng tingin sakaniya. Alam kong ganoon din ako pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito umasta ang babaeng ito.
"Yes, I guess I am. Pero hindi din naman tayo nagkakalayo diyan Ciel. We're both insane. In fact, we're both the same." Lumapit siya at hinawakan ang buhok ko at hinawi ang buhok na tumatakip sa mga mata ko.
Nagkatitigan kaming dalawa nang ilang segundo at nakaramdam ako ng pagbilis ng kabog ng dibdib ko. May naaalala ako sa kaniyang mga mata.
Inilahad niya ang kamay niya upang matulungan akong tumayo.
Hindi ko ito tinanggap bagkus ay tumayo ako sa sarili kong sikap.
"So are you accepting my offer? In fact, this is a win for you kasi may willing na patayin mo na lang, 'di ba?" tanong nito at inilahad ang kamay niya bilang pagtanggap ko sa inaalok niya.
Tiningnan ko ang nakaabang niyang kamay pagkatapos ay tumingin ako sa mga mata niya. Nakita ko namang tumagilid ang kaniyang ulo at tinaasan ako ng kilay.
"You'll thank me for tomorrow, Ciel Mendez. I'll make sure of that." Rinig kong wika niya bago ako tumalikod at umalis doon sa kinaroroonan niya.
Hindi ko magawang maintindihan kung bakit ganoon ang inakto niya sa harap ko. Ni hindi ko makita sakaniya ang takot o pangamba. Tanging walang emosyon niya lang na mga mata ang nakita ko.
Napasabunot ako sa sarili nang matanto kong hinayaan ko pa siyang mabuhay ngayon. Hindi ko alam kung bakit ko hindi ko kinitil ang kaniyang buhay kanina.
Kaagad ako na pumunta sa bahay at tumungo kaagad sa aking kwarto. Pumasok ako sa cr upang maghilamos at maligo.
Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Naaalala ko ang mga mata ko ngayon sa mata ng babaeng gumugulo sa isipan ko ngayon. Walang emosyon at walang laman ang kaniyang sarili.
Binuksan ko ang gripo at hinugasan ang tumuyong dugo sa mga kamay ko. Kinuskos ko ito ng marahas dahil hindi kaagad matanggal ang natuyong dugo.
Nararamdaman ko na din ang hapdi sa mga kamay ko dahil sa marahas kong pagkuskos dito pero ininda ko ang hapdi dahil may bumabagabag pa sa isipan ko.
Humilamos ako ng aking mukha at napahampas ng malakas sa dingding sa gilid. Sinuntok ko ng marahas ang sementong dingding at nang tingnan ko ang kamay ko, namumula ito dahil sa lakas ng pagkasuntok ko.
Napapikit ako nang makita ko na naman ang sarili ko sa salamin.
Her eyes. The expression in her eyes. The emptiness in her eyes.
I once had those eyes.
Napasabunot ako sa buhok ko at naalala ko na naman ang pilit kong kinakalimutang tao na labis ko nang isinusumpa na huwag nang bumalik pa.
Ang dating sarili ko.
Naaalala ko na naman ang sarili ko sa mga mata ng babaeng iyon.
〰️🖤〰️
"How did you manage to build up an alibi for that crime?" tanong ng detective at inayos ang mga papel na nasa kaniyang harapan.
Hindi nito magawang tumitig ng diretso sa akin, marahil ay dahil sa pagkasuklam sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit ganito ang pagtrato niya sa akin.
"I have my ways, detective. I always get away from being caught in a murder." Ngumisi pa ako ng napakalaki at nakita ko namang umigting na ang mga bagang ni Detective Cheng at nakakuyom na ang kaniyang mga kamay.
Confessing my crime wasn't easy. If only I am still that ruthless murderer from before, it could've been easy.
But now that it's all fucked up, I have to bend the truth a little bit just to protect someone.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top