Confession 2

Lunes ngayon kaya may pasok na naman ako.

Habang nilalakad ko ang daan patungo sa eskwelahan namin, napapansin ko ang mga dumaraang mga estudyante.

They're happy. They're laughing with each other.

But I don't see the point of being happy through social interactions.

Nararanasan ko lang maging masaya tuwing kumikitil ako ng buhay. Nasisiyahan ako sa tuwing binibigyan ko ng kalayaan ang mga biktima ko mula sa sakit na kanilang dinaranas sa mapait na mundong ito.

Nang makapasok na ako sa loob ng school, tumungo agad ako sa aming classroom.

Same faces. Same plasticity. Same attitudes.

Nababagot ako dahil araw-araw kong nakikita ang mga mukha ng kaklase ko. Puro sila tawanan, kwentuhan at sigawan.

Minsan ko nang naisip na itipon silang lahat sa loob ng isang silid at pasabugin ito upang magkalat ang kanilang duguang katawan at magkahiwalay-hiwalay ito.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at ipinasak sa tenga ang earphones ko at nakinig ng music.

Maya-maya ay nakarinig ako ng boses ng aming guro. Kasama nito ang isang babaeng estudyante.

Transferee.

Tumungo na ito sa gitna at nagpakilala.

"H-Hi. I'm Ivory Blaise," she forced a smile at us.

The smile on her lips is fake. I know when it's real or not.

"Umupo ka sa tabi ni Mr. Mendez," the teacher pointed her index finger on the seat beside me.

Nagkatinginan kaming dalawa ng babae saka siya lumapit sa akin.

"Okay lang ba?" tanong nito saka umupo.

Hindi ko naman magawang sabihin na hindi kasi nakaupo na siya kaya ngumiti na lamang ako.

"Oo naman. I'm Ciel, by the way." I reached out my hand at her.

She looked at it first before looking at me.

I raised my eyebrow at her and then she began to smile. It was still a forced smile.

May itinatago siya at interesado akong alamin ito.

"Ivory. Nice to meet you Ciel,"she said as she took my hand and shook it.

Bigla na namang nakaramdam ako ng pagkatakam na pumatay. Makikita kong may itinatago siyang kalungkutan sa likod ng ngiti niyang pilit.

Pagkatapos ng klase, umuwi ako sa bahay at nagbihis.

Kinuha ko ang itim na leather jacket ko at isinuot. Tiningnan ko ang picture ng susunod kong bibiktimahin. Napakaganda niya ngunit napakalungkot ng kaniyang ngiti.

Tumungo ako sa bahay ni Michelle Marquez—ang ika-pito kong biktima. Dahil may kasama siya sa bahay niya, ang kaniyang boyfriend, mukhang magiging dalawa ang mabibiktima ko ngayon.

Ngumisi ako nang makitang hindi nakalock ang gate nila kaya diretso akong pumasok.

Hindi rin nakalock ang pinto ng bahay nila. Mukhang maswerte ako ngayong gabing ito. Tila nakatakda talagang mapatay ko ang dalawang ito.

Pumasok ako sa loob at nakarinig ng pag-iyak.

Tumungo ako sa sala nila at nakitang nanonood ng tv ang boyfriend nito na si Angelo Cruz.

Lumapit ako sa likuran nito. Tumatawa pa siya habang nanonood ng programa. Hindi niya pa napapansin na andito na ako sa likod niya, nakangising hinahanda ang pagpatay ko sakaniya.

Kinuha ko ang kutsilyo at isinilid sa leeg niya ng dahan-dahan.

"Ssshh..."bulong ko malapit sa tenga niya.

Naramdaman ko ang malalim na paglunok nito at pagtulo ng iilang butil ng kaniyang pawis.

"Naririnig mo ba ang pag-iyak niya?" tanong ko rito.

Naramdaman kong tumango ito kaya idinikit ko pa ang kutsilyo sa leeg niya at nagsimula nang tumulo ang dugo nito.

Ipinahid ko ang daliri ko sa dugo na nasa kutsilyong nakadikit pa din sa leeg niya at inilagay sa dila ko.

Masarap nga ang dugo ng tao. Napakasarap at malasa.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ko kayo pababayaan ni Michelle at tuluyan nang magiging masaya ang mga puso niyo at malaya na sa paghihinagpis."

Tuluyan ko nang idiniin ang kutsilyo sa leeg niya at naramdaman ko ang pagtalsik ng malapot na dugo nito sa sa kamay ko na nakahawak sa kutsilyo.

Sumisirit ang dugo nito at hindi tumitigil. Nagsisimula na siyang humingal at kinakapa ang duguan nitong leeg.

Hinayaan ko muna siyang maghinagpis sa sala nila at tumungo ako sa kwarto nila Michelle.

Nakarinig na naman ako ng paghikbi.

Tila may boltahe na tumatakbo sa mga ugat ko at nakaramdam ako ng pagkatakam ulit na kumitil dahil sa iyak ni Michelle.

Binuksan ko ang kwarto niya at naabutan siyang umiiyak sa sahig habang may mga basag na bote sa paligid.

Tumingala siya at nakita ako. Napatigil siya sa pag-iyak.

"S-Sino ka?" tanong nito saka kumuha ng isang bubog ng bote at itinutok sa akin.

"It's okay. I'm here." I smiled at her and gently walked closer to her.

Itinago ko ang kutsilyo sa likuran ko habang lumalapit sakaniya.

"Did he hurt you?" tanong ko sakaniya at nakita ang mga pasa nito sa mukha at sa magkabilang bisig niya.

Tumango siya at nagsimula na namang umiyak.

Napansin kong ibinaba na niya ang bubog ng bote at tumingin ng diretso sa akin.

Iginala ko ang kamay ko sa mukha niya at pinahid ang mga luha nito.

"Let me...help you."

Tumango naman ito kaya napangiti ako.

Unti-unti ko siyang inilapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Nagsimula na siyang humagulgol ng todo kaya inilabas ko na ang kutsilyo sa likod ko at isinilid sa pagitan namin at nakatutok sakaniya.

Agad kong idiniin ito sa tiyan niya kaya napabitaw ito at napaupo sa kama.

Salit-salitan ang pagtingin niya sa akin at sa kutsilyong nakadiin sa katawan nito.

"Magiging masaya ka na. Pangako iyan."

Hinalikan ko siya sa noo at naramdaman ko na namang tumutulo ang luha niya habang humihingal at kinakapusan na ng hangin.

Bago ako umalis sa bahay nila ay dinukot ko ang dalawang pagmamay-ari nila at isinilid ito sa isang plastic.

Your hearts will be safe with me and you'll be free from pain. And that's because of me.

〰️🖤〰️

"They were living together. Their relationship weren't happy and that is why I killed the both of them. Their hearts are now free from pain." I smiled at Detective Cheng.

He looked at me and his face was telling me, he is repulsed by what I just confessed.

They would never understand.

There is just one person who understand me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top