Confession 1
Habang pinagmamasdan ko ang ika-anim kong biktima na naglalakad patungo sakanilang bahay, ay napangiti ako.
Tila kumakalam na naman ang sikmura ko na pumatay ng tao.
Ang pangalan niya ay Amber Perez. 18 years old din katulad ko at ang interesante pa tungkol sakaniya ay, mag-isa lamang siya sakaniyang bahay.
Ipinatugtog ko ang isa sa mga paborito kong musika. Ito ay ang "Pathetique" Sonata by Beethoven.
I like listening to classical music. It's too relaxing for me and gives me the urge to kill. The sonata by Beethoven is somewhat dark, mournful, and a bit sinister that is why I like listening to it.
I turned up the volume from my ipod a bit more and followed the girl names Amber.
Huminto ako mismo sa tapat ng bahay niya at nakita ko siyang pumasok sa loob. Maya-maya ay nakita ko siyang dumukaw sa bintana ng kaniyang kwarto at nakitang umiiyak.
Kawawa.
Iyan siguro ang isip ng mga karaniwang tao kapag nakikita ang isang taong umiiyak.
Ngunit para sa akin, isa itong pagmamakaawa niya.
Nagmamakaawa siya na patayin ko na lamang upang mawala na ang lahat ng sakit na kaniyang nadarama.
At dahil mapagbigay ako, maswerte siya ngayong gabing ito. Sapagkat, bibilisan ko ang pagkitil sa buhay niya upang hindi na siya masaktan muli.
Pagkaraan ng ilang oras, nakita kong pinatay na niya ang ilaw ng kaniyang kwarto at ang tanging umiilaw lamang ay ang patay-sinding ilaw sa labas ng bahay niya.
Hindi naman mahirap ang pumasok sa loob ng gate nila dahil mababa lang ito at madaling pasukin.
My eyes gazed at her window. Nakabukas ito at hinahawi ng hangin ang kurtinang pula nito ng dahan-dahan.
Hindi rin mahirap ang umakyat sa kwarto nito sa taas kaya agad akong nakarating sa bukas niyang bintana.
She's sleeping. Itinuon ko ang mga mata ko sa mga litrato niya na nasa mesa.
I admit she's pretty, classy, and cheerful based on her pictures. That is why she's my perfect candidate for my killing rampage.
Tumungo ako sa kama niya at dahan-dahang pumaibabaw sakaniya.
Medyo basa pa ang kaniyang unan. Marahil ay dahil ito sakaniyang pag-iyak.
"Mapalad ka at ako ang magliligtas sa'yo," bulong ko sakaniya nang mailapit ko na ang bibig ko sa tenga niya.
Agaran kong itinusok ang matalim kong kutsilyo sakaniyang dibdib.
Napamulat ang kaniyang mga mata at nagkatagpo ang tingin namin sa isa't isa.
Nakita kong umiyak siya at bumubuga na ng dugo. Tumalsik ang dugo niya sa mukha ko. Sinamsam ko naman ang dugo niyang tumalsik sa bibig ko. Napakasariwa. Napakasarap.
Humihingal siya habang nakatirik ang mga matang nakatuon lamang sa akin.
"Ssshh...It's all going to be alright. I'm saving you from the pain." I said as I kissed her forehead.
Nang maramdaman kong hindi na siya gumagalaw ngunit nakakapit pa din ang kamay niya sa balikat ko kaya tinanggal ko na ito at itinuon ang tingin sa kaniyang dibdib na may saksak ng kutsilyo.
Idiniin ko pa ang kutsilyo hanggang sa maramdaman kong tumama ito sa pumipintig niyang puso. Mahina na ang pagpintig nito kaya alam kong malapit na siyang maputulan ng hininga.
Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng duguan niyang dibdib.
I took her heart and held it in the palm of my right hand.
It was still pumping. But it was faint.
Isinilid ko ang puso niya sa loob ng isang plastic na dala ko.
Tumingin muli ako kay Amber. Bakas pa sa mukha niya ang basang mga luha na tumulo kaya pinahiran ko ito gamit ang kamay ko.
"Hindi ka na iiyak ngayon Amber. I will take care of your heart from now on."
I kissed her forehead before I went down from her bed.
Tumungo ako sa bintana at lumabas mula rito. Umakyat ako sa bakod ng bahay niya upang makalabas.
Simula ngayon, hindi ka na muling luluha pa Amber.
〰️🖤〰️
"Amber Perez. We found her at 8:13 AM, May 5, 2020. Found dead inside her house—in her room. Her heart was missing when found. It was you who did this?"
Tumango ako sa lalaki na nagngangalang Arthur Cheng. Isa siyang detective at sa ngayon, siya ang nakikinig sa kwento ko.
"Amber Perez. Died at exactly 1:04 AM, May 5, 2020 inside her room. Her heart was took by me. For she was suffering. And I was there to save her." I said.
Ngumiti ako sakaniya at nakita ko namang nanindig ang mga balahibo nito. Patuloy lang siyang kumukurap habang binabasa ang murder case ni Amber Perez.
"Are you ready to hear the rest of my story? —No, let me rephrase that. Are you still man enough to hear my confessions?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top