Confession


Jeremy is my best friend.

Siya ang unang-unang nakausap ko noong first day of class noong first year college ako. Madaldal siya, hindi nauubusan ng kwento, pala-tawa tapos ang hilig-hilig mag biro.

Aaminin ko, naging crush ko si Jeremy dati. Ang cute kasi ng dimples niya. Ang ganda rin ng ngiti niya. Naisip ko, ilang babae na kaya ang nagkagusto sa kanya nang dahil lang sa ngiti na yon?

Pero matagal nang nawala ang pagka-crush ko sa kanya. Simple admiration lang siguro ang naramdaman ko noon. Ngayon, parang kapatid na lang ang turing ko kay Jeremy. Kaagaw sa pagkain, ka-partner sa kalokohan, kasamang gumawa ng assignment, at ang taong una kong tinatakbuhan kada may problema.

Masayang magkaroon ng best friend. At masaya ako na si Jeremy ang naging best friend ko.

Sabi ng iba kong mga kaibigan, delikado raw magkaroon ng best friend na lalaki.

Paano kung ma-inlove ako sa kanya? Ang mga babae raw kasi ang daling ma-in love. At sa aming dalawa, ako ang pinaka delikado.

Pero tinawanan ko lang. Sabi ko sa kanila, safe ang relationship namin. Hindi ako maiinlove 'no. Parang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Hindi magbabago ang pakikitungo ko sa kanya.

Masyado akong positive.

Kaya hindi ko agad napansin na siya na pala ang nagbabago ng pakikitungo sa akin.

Third year college kami nang mapansin ko ang pagbabago ng pakikitungo niya.

Meron kaming swimming class noon. Doon sa swimming class namin, may isang dentistry student na naligaw at napasama sa klase namin.

His name is Brian.

Si Brian ang perfect example ng isang lalaking tall, dark and handsome. Kahawig niya si Piolo Pascual. Kaya naman ang mga babae kong mga kaklase, pinagkaguluhan siya.

At kung su-swertehin nga naman, sa swimming class namin siya naging kaklase. Edi wow, hello abs! Ang sarap niyang molestyahin gamit ang aking mga mata. Kasi aminado rin talaga ako, ang hot ng lalaking 'to.

At hindi lang siya basta hot, ang gentleman din niya. Nung panahong muntikan na akong malunod at siya ang sumagip sa akin, hindi ko maikakailang isa sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko 'yon. Para akong prinsesang nakahanap ng knight in shining armor.

Dahil doon sa pag save niya sa akin, naging close kaming dalawa ni Brian.

Madalas siyang nag h-hi sa akin pag nakakasalubong ko siya sa hallway. Lagi siyang naka-ngiti. May times na tumabi pa siya sa akin sa library.

At ewan. Kada nakikita ko siya, parang may kakaibang saya akong nararamdaman.

"Crystal, may gusto ka ba kay Brian?" ayan ang madalas na tanong ni Jeremy sa akin.

Nung una pabiro. Nung sumunod, pang-asar. Pero habang patagal nang patagal, nagiging seryoso na si Jeremy sa mga tanong niya.

"Hindi nga Crystal, may gusto ka ba sa kanya? Tingin mo ba may gusto rin siya sa'yo?"

"Ano ka ba Jeremy! Imposible naman 'yang sinasabi mo. Walang gusto sa akin si Brian. Friendly lang talaga siya."

"Eh ikaw? May gusto ka ba sa kanya?"

"E-eh?"

Tinitigan ako ni Jeremy sa mata. Seryosong-seryoso siya. At naninibago ako talaga sa kinikilos niya.

"Crush ko si Brian," pag-amin ko sa kanya.

Lumungkot ang itsura ni Jeremy pero agad din siyang ngumiti. Balik sa dating masiyahing Jeremy. Pero this time, alam kong pilit ang pagiging masiyahin niya. Ang awkward ng dating.

Alam kong may nagbago.

At ewan. Pakiramdam ko sana nag sinungaling na lang ako sa kanya.

Swimming class namin. Examination day. Maagang natapos ang exam kaya naman may free time kami para i-enjoy ang pag su-swimming.

Nagkukulitan yung mga boys kong kaklase doon. Napagtripan nilang mag laro. May maghahagis ng piso at paunahan sila sa pagkuha nung piso.

Kasali doon si Jeremy.

Ako naman, nasa gilid lang ng pool at naka-upo habang pinapanuod ko silang maglaro doon.

Naramdaman kong may tumabi sa akin.

It's Brian.

"Hi."

Nginitian ko siya, "hi! Ba't ayaw mo sumali sa kanila?" tanong ko kay Brian.

Umiling siya, "ayoko. Mas trip kong makipag-kwentuhan sa'yo."

"T-talaga? Bakit naman?"

"Wala lang. Masaya ka kasi kausap."

"Ako?" tinuro ko ang sarili ko. "Naku hindi. Hirap nga akong mag start ng conversation eh. Si Jeremy ang masayang kausap. Ang daming kwento nun."

Napayuko si Brian, "hmmmm, sobrang close niyo talaga 'no?"

Tumango ako, "best friend ko 'yang si Jeremy eh!"

"Oohh. Ang swerte naman."

"Nino?"

Umiling siya, "wala. Masaya siguro kasama yang si Jeremy 'no?"

"Sobra. Naku mababaliw ka sa dami ng kalokohan niyan. Pagka-kasama ko siya, wala akong ibang ginawa kundi tumawa nang tumawa. Kaya nga pag nalulungkot ako, diretso agad ako sa bahay nila eh. Kilala na rin ako ng family niyan. At pare-pareho rin silang masarap kausap."

"Sobrang kilalang-kilala niyo na siguro ang isa't-isa. Buti hindi kayo nagkaka-in-love-an."

"Ano ka ba! Parang kapatid ko lang si Jeremy. Jusko hindi ko ma-imagine na ma-inlove sa kanya."

"Pero paano kung siya naman nagkagusto sa'yo?"

"Imposible 'yun. Ikaw talaga!"

"Hindi imposible 'yun. Maganda ka, mabait, matalino."

It's my turn para mapaiwas ng tingin at mapayuko. Pakiramdam ko nagaapoy ang mukha ko. Parang biglang nag init ang paligid.

Ano ba 'tong pakiramdam na 'to?

Bakit kailangan niya akong i-complement ng ganyan?

"Sus nambola ka pa," mahinang sabi ko sa kanya.

"I'm not," he told me seriously. Sa peripheral vision ko, aware akong nakatitig siya sa akin. "Kahit sinong lalaki, ma-i-inlove at ma-i-inlove sa'yo, Crystal."

Napalunok ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang lalabas 'to sa dibdib ko.

Shocks, ano ba 'to?

"Even Jeremy..." halos pabulong niyang sabi.

Nilingon ko siya. He's looking at me seriously. Ang hirap huminga kapag tinitignan ka ng ganitong ka-gwapong lalaki.

Oh dear.

"P-pero kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya."

Iniwas ni Brian ang tingin niya sa akin pero unti-unti ay nasilayan ko ulit yung maganda niyang ngiti.

Napa-ngiti na lang din ako.

Ayokong mag assume. Ayoko. Sabi nila kapag nag assume ka, mas masasaktan ka ng husto.

Pero yung ngiti na yun. Yung mga sinabi niya.

Oh God, nag aassume na talaga ako. Sana wag akong mabaril sa Luneta.

~*~

"Jeremy, what if sinabihan ka ng isang lalaki na maganda, mabait, matalino at lahat ng lalaki ay mabilis na ma-i-inlove sa'yo? Anong ibig sabihin nun?" tanong ko sa best friend ko habang nandito kami sa library at gumagawa ng assignment.

Inangat ni Jeremy ang tingin niya sa akin mula sa libro na binabasa niya. Nagpangalumbaba siya.

"Hmmm... hindi ko alam."

"Eh! Dali na! Ano nga?"

"Maraming pwedeng ibang meaning.."

"Tulad ng?"

Bumuntong hininga siya at ngumiti. Kitang-kita ko nanaman ang dimple niya na ang sarap pindutin.

"Sige na, tulad ng type ka niya. Ayan naman ang gusto mong marinig 'di ba?"

Napangiti rin ako.

"Talaga?"

He shrugged, "malay ko. Maraming lalaking babaero, Crystal. Mag ingat ka sa kanila."

"Hindi naman mukhang babaero si Brian."

"Siya ba yung nagsabi sa'yo nun?"

Tumango ako.

Hindi umimik si Jeremy at ibinalik niya na lang ang tingin niya sa librong binabasa niya. Parang naging gloomy na naman ang mood niya and I feel a tight knot in my stomach.

"Jeremy?"

"Hmm?" sagot niya nang hindi man lang ako tinitignan.

"Ayaw mo ba kay Brian?"

Hindi siya umimik.

"Ayaw mo ba siya para sa'kin?"

Napa-buntong hininga si Jeremy.

"Natatakot lang ako na baka saktan ka niya, Crystal."

Napangiti ako, "thank you Jeremy ah? Kasi nag-aalala ka sa akin."

"Best friend kita eh," malungkot niyang sabi. "At mahalaga ka sa akin."

"Okay. Ganito na lang. Sama ka sa amin ni Brian. Manunuod kami ng sine bukas."

"Lalabas kayong dalawa? Kelan niyo pa pinlano yan? At bakit? Close na ba kayo? Kilalang-kilala mo na ba siya, Crystal?"

"Ano ka ba. Lagi natin nakakasama si Brian sa swimming class!"

"But still!!"

"Kaya nga sasama ka sa amin 'di ba? Para kilatisin mo na rin siya kung pasado ba o hindi?"

Napahilamos si Jeremy sa mukha niya.

"Nanliligaw na ba sa'yo ang mokong na 'yun?"

Umiling ako, "hindi. Pero siya ang nagyaya na lumabas kaming dalawa."

"Bakit daw?"

"Ang tagal na raw niya kasing gustong panuorin yung movie na yun eh wala siyang kasama."

"Eh baka naman gusto ka niyang ma-solo. Maka-istorbo pa ako sa inyo."

"Hindi 'yan! Tsaka sabi naman niya kung gusto ko raw, isama kita."

"Sus. Sinabi niya lang yun para 'di ka ma-ilang."

"But still, in-offer pa rin niya 'di ba? Sama ka na best friend! Please? Hindi mo naman ako matitiis eh. Please?"

Napa-buntong hininga ulit siya, "sige na nga. Ngayon lang 'to ah?"

"Yay! The best ka talaga!"

"Libre mo ah!"

"Oo naman!"

At ngumiti na rin siya.

~*~

"Alam mo ang gaga mo," sabi sa akin ni Kath—pinsan ko—nang ikwento ko sa kanya ang mga nangyari. "Girl, why so manhid? Jeremy likes you!"

"Hindi! Ano ka ba. Best friend ko lang siya 'no!"

"Pero best friend nga ba ang tingin niya sa'yo?"

"Protective lang siya sa'kin, Kath."

"Sus. Protective. Yung kada pinaguusapan niya si Brian, umiiwas siya? Nasasaktan yun kasi type ka niya!"

"Hindi nga. Imposible nga yun!"

"Wag masyadong manhid pinsan. Baka nasasaktan mo na si Jeremy."

Napabuntong-hininga ako.

"Eh paano nga kaya kung may gusto siya sa akin?"

"Edi ang haba ng hair mo. Papable ni Jeremy eh!"

"Hindi yun Kath. Paano kung masira ang friendship namin? Ayokong mawala si Jeremy sa'kin."

Napa-buntong hininga si Kath, "kaya delikado talaga magkaroon ng best friend na lalaki. Hindi man ikaw ang na-inlove, maaring siya naman."

~*~

Halos hindi ako pinatulog ng mga sinabi sa akin ni Kath.

Si Jeremy? May gusto sa akin?

Imposible talaga. Paano mangyayari yun. Halos magkapatid na ang turing namin sa isa't isa.

But still...

Oh god. Sana mali ang sinabi ni Kath. Sana mali siya ng hinala. Sana overprotective lang talaga si Jeremy sa akin.

Sana. Sana.

Ayokong mawala ang best friend ko sa akin.

I texted him kung ayos lang ba talaga sa kanya na sumama sa amin ni Brian. Sabi naman niya, sasama na siya dahil nag-aalala rin siya sa akin at isa pa, hindi niya kayang tanggihan ang libreng sine at lunch.

Napangiti na lang ako.

I am overthinking.

Of course walang gusto sa akin si Jeremy. Itong si Kath talaga mahilig lang mag bigay ng mga meaning sa bagay-bagay.

Wala. Wala siyang gusto.

Kinabukasan, halos sabay kaming dumating ni Jeremy sa mall kung saan kami manunuod ng sine. Wala pa si Brian. Mukhang na-traffic ang isang yun.

"Nakatulog ka? Mukhang excited ka eh," naka-ngiting sabi ni Jeremy sa akin. Maganda na ulit ang mood niya ngayon.

Hay thank you Lord.

"May eyebags ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Ang laki!" natatawa-tawa naman niyang sabi. "Excited ka talaga 'no?"

Nginitian ko lang siya.

Jusko. Kung alam niya lang na siya ang dahilan kung bakit halos hindi ako nakatulog kagabi.

"Sorry ah? Makikisingit pa ako sa date niyo," sabi ni Jeremy.

"Ano ka ba! Ako kaya nagyaya kaya 'di ka singit."

He gave me a genuine smile.

"Hi guys! Sorry I'm late!"

Napalingon kami pareho sa nagsalita. Nakatayo na sa gilid ni Jeremy si Brian.

He's wearing a v-neck black shirt and maong pants. Sobrang simple lang pero wow, ang hotness overflowing!

I smiled at him.

"Okay lang! Halos kakarating lang namin!"

He gave me a bright smile then tumingin siya kay Jeremy.

"Buti nakasama ka, pre," sabi niya rito.

Tumango lang si Jeremy without looking at him. Naging seryoso na ulit ang aura niya.

Ayaw niya ba talaga kay Brian?

"Bili na akong ticket," sabi ni Jeremy at tuloy tuloy siyang nag lakad papunta sa bilihan ng ticket.

"Tignan mo 'tong si Jeremy. Sabi nang ililibre ko siya, sukat umuna siya ng punta doon."

Ipinatong ni Brian ang kamay niya sa ulo ko at nginitian ako, "don't worry about it. Libre ko na kayong dalawa," then he winked at me.

Pinuntahan ni Brian si Jeremy. Ako naman, sabi ko, ako na bibili ng popcorn at drinks naming tatlo.

Gusto ko rin kasing magusap yung dalawa. Gusto kong makausap ni Jeremy si Brian at makita niya na okay si Brian at hindi siya katulad ng iniisip niya.

"Halatang may gusto sa'yo si Jeremy."

Oh shut up Kath! Ano ba! Hanggang sa imagination ko naririnig ko ang boses mo!

Matapos kong bumili ng popcorn, pinuntahan ko na yung dalawa sa labas ng cinema 4 kung saan kami manunuod. Nakita ko naman sila na nakatayo na doon at iniintay ako.

May hawak na phone si Jeremy at abalang-abala ito sa kung ano man ang ginagawa niya sa phone. I saw Brian trying to make a conversation pero tanging tango lang ang sinasagot ni Jeremy sa kanya.

Ano ba 'to? Ba't na t-tense naman ako sa dalawang 'to?

Jeremy naman eh! Please naman. Sana umayos ka!

Sana mali ang hinala ko. Please. Patunayan mong mali ang hinala ko.

"Tara?" sabi ko sa dalawa.

Napatingin sa akin si Brian and he's face lit up.

"Let's go!"

Naunang naglakad si Jeremy papasok ng sinehan. Nauna rin siya sa pag upo. Tatabihan ko na sana siya kaso biglang gumitna sa amin si Brian at siya ang naupo sa tabi ni Jeremy.

He looked at me and then he winked.

Mas lalo akong na tense.

Halos hindi ako makapag-concentrate sa pinapanuod naming movie. Iniisip ko si Jeremy. Gusto ko siyang kausapin pero nasa gitna naman namin si Brian. Gusto kong tanungin kung bakit tumahimik na lang siya doon. Gusto ko makiusap na God, please, sana mali ang hinala ko. Please please please.

"Nilalamig ka?" bulong sa akin ni Brian.

Tinignan ko siya at umiling.

"Hindi. Okay lang ako."

"Sure? Nakatayo balahibo mo sa braso oh," sabi niya then he traced my arm using his index finger.

Parang mas lalong tumayo ang balahibo sa braso ko dahil parang kinuryente ang katawan ko sa hawak niya.

He smiled at me.

"Nag dala ako ng jacket."

May inilabas siyang jacket sa backpack niya at iniabot niya sa akin.

"Thank you, Brian."

"You're welcome."

Biglang tumayo si Jeremy.

"Saan ka pupunta?" natatarantang tanong ko.

"CR," matipid na sagot niya at nag excuse siya.

Dahil hindi ako mapakali, nag excuse rin ako kay Brian at sinabing mag C-CR lang din ako.

"Jeremy wait!" tawag ko sa kanya nang makita kong palabas na siya ng cinema 4.

"Uuwi na ako, Crystal," he told me while avoiding my gaze.

"Bakit? Ba't ka uuwi? Jeremy, what's wrong?"

Bumuntong hininga siya at nagulat ako nang may namumuong luha sa gilid ng mata niya.

"J-Jeremy...?"

"Akala ko kaya ko, hindi pala Crystal. I'm sorry."

Nanikip ang dibdib ko.

Ano 'to? Ano 'to?

"Jeremy...naguguluhan ako."

Tinitigan niya ako sa mata at ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabila kong braso.

"I need to tell you something."

Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

Bakit parang ayokong marinig kung ano man ang sasabihin niya?

"Please look at me."

Hindi ko siya magawang tignan. Natatakot ako.

"Crystal please..."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Crystal, sorry kung tinago ko sa'yo 'to. Sorry kung hindi ko sinabi agad. Wala akong lakas ng loob dahil ako mismo, hindi ko kayang tanggapin. A-ang hirap pala pigilan?" his voice broke.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa kisame at pilit na pinipigilan ang mga luha na gustong lumabas sa mata niya.

"Crystal, actually... I—I'm.."

Napapikit ako. Ayokong marinig.

"I'm a gay."

Biglang napamulat ang mata ko.

"What?!"

"Okay," huminga siya ng malalim. "Bisexual ako. And I also like Brian."

Hindi ako makapag salita. Naka-nganga lang ako sa harap niya. Hindi ko alam ang ire-react ko.

Oh my god.

Hindi ito yung inaasahan ko. But still--! But still!!

"Dati pa ako may gusto kay Brian, Crystal. High school pa lang kami. Pareho kami ng school na pinasukan nun yun lang hindi niya ako kilala. At never naman akong umasang mapapansin niya ako. Paano naman siya magkakagusto sa isang tulad ko 'di ba? Yun lang, ang sakit pala kasi nakikita kong gusto ka niya. You're my best friend at mahalaga ka sa akin. Pero sorry, sorry, sorry. Hindi ko kayang sumama sa inyo. Masyadong masakit eh. Sorry Crystal. Sorry..."

Napatakim na lang ako ng bibig.

Teka. Nag l-loading ang utak ko.

Teka lang. Paanong..,,?

"Kaya ba ayaw mo akong kausapin?"

Napatingin kami bigla ni Jeremy sa gilid nang marinig namin ang boses ni Brian.

"N-narinig mo?" tanong ni Jeremy sa kanya.

Tumango si Brian at lumapit siya sa amin.

Napapalo si Brian sa noo niya at tumingin din sa kisame.

"God, all this time I thought you like Crystal."

"Hindi. Ikaw ang gusto ko. Wag kang mag-alala, hindi ko kayo guguluhin ni Crystal," sabi ni Jeremy without looking at him. "Una na ako."

Tinalikuran na kami ni Jeremy pero nagulat ako ng biglang hawakan ni Brian ang braso nito para mapigilan siya.

"Wait Jeremy."

"A-ano pa bang gusto mong malaman Brian?"

"Jeremy."

Hinila ni Brian si Jeremy paharap sa kanya.

"I like you too. Dati pa nung highschool tayo. Yes, naka-move on na ako sa'yo nung college. Pero nung naging magkaklase ulit tayo sa swimming class, bumalik na naman ang feelings ko sa'yo. Tapos ayaw mo pa akong pansinin. Akala ko galit ka sa akin because you like Crystal."

"What? What? No. You're lying!" umiling si Jeremy. "Imposible. Paanong ikaw--? Sa-akin--?"

Mula sa braso ni Jeremy ay unti-unting bumaba ang kamay ni Brian hanggang sa hawak-hawak na niya ang kamay ni Jeremy.

"It's true. I like you. I really do."

Unti-unti akong umalis sa harapan nilang dalawa. For sure hindi na nila namamalayan dahil masaydo nang naka-tuon ang atensyon nila sa isa't-isa.

Hindi ko alam kung nakahinga ba ako ng maluwag o mas nanikip ang dibdib ko.

But I'm pretty sure, na ngayong araw....

...mawawalan ako ng love life pero magkakaroon naman ang best friend ko.

- End -



Hi guys! Do you want me to write this story in Jeremy's point of view? XD Hahahaha


Yes?

No?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: