Epilogue

EPILOGUE

2 years ago...

"Yuli!Yuli!" Ni hindi madiresto ang pagsasalita ni Mrs. Chou habang paulit-ulit siyang tinatawag.

Kate is calling...

Nagkasabay-sabay naman ang mga 'to! reklamo niya sa isipan.

"Mommy..."Napalingon siya dahil sa pagtawag ni Yuna.

"Wait baby, malapit nang matapos si Mommy, okay?" Muli siyang humarap sa salamin at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Lipstick nalang, at tinapos na niya ang pag-aayos ng sarili.

"Kung bakit naman kasi hindi tumunog ang alarm-clock na 'yon e,"patuloy na paghuhurumintado niya .

Ede sana kanina pa siya naroon sa airport. Pauwi siya ngayon ng Pilipinas dahil ang gagang kaibigan, bigla nalang ikakasal.

Napailing siya nang maalala ulit ang nakaraan.

Hindi niya akalaing magkakatuluyan talaga si Anne at Rocky, si Jess naman at mukhang nahuhulog na'rin kay Aldrich, ewan lang niya kina Bry at Kate at mukhang walang sinasabi.

Muli na namang nagring ang cellphone niya kaya mabilis na niya itong kinuha at sinagot.

"On the way na'ko,"pagsisinungaling niya kahit nasa bahay pa'rin siya.

Napalingon siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Mrs. Jai, ang Yaya ng anak.

"Yes please, bring Yuna downstairs,"mahinang bulong niya rito.

"Kapag ikaw talaga maiwan ng eroplano!isusumpa ka talaga ng buong sisterhood, ikaw pa naman maid of honor!" Nakatabingi niyang inilayo ang cellphone sa tainga dahil sa tinis ng boses ni Kate.

Every year ata ay nag-eevolve ang boses nito, dati palaka lang iyon noon pero ngayon parang tunog dinosaur na.

"E, bakit naman kasi ako ang ginawa niyong maid of honor, e samantalang kayo ang nand'yan, tapos ngayon manunumbat pa kayo." Hindi siya nagpatalo at nakaismid na sinabi iyon habang sinisipat ang mukha sa salamin.

"Para sure na umuwi ka talaga!"sigaw muli nito, napangiwi nalang siya.

"Miss na miss niyo talaga ako noh?" Peke siyang ngumiti dahil nakatingin sa kaniya ang anak mula sa ibaba, sa labas ng bintana niya.

"Asa ka!" Napairap siya saka kinuha ang bag at hinila pababa ang kulay lilang maleta.

"Mrs. Chou!I'm going!" Paalam niya sa landowner.

"You sure to come back?"tanong nito, habang papalapit siya.

"I will see if I can make it,"alinlangang ngiti ang ginawad niya saka kinuha si Ion sa pagkakarga nito.

"Say bye bye to Mrs. Chou baby,"nakangiti niyang baling sa anak.

"Naja!"nakangiting usal nito at natawa naman siya.

"Hi Ion,"nakalimutan niyang nasa kabilang linya pa pala ang kaibigan.

"It's Ninang Kate,"wika niya sa anak.

Kahit hindi pa naman nabibinyagan ito. Balak sana niya pag-uwi na nga ng Pilipinas.

Naglakad na siya at nagtungo sa ibaba kung saan kanina pa naghihintay ang taxi na siyang maghahatid sa kanila sa Airport.

Naroon na rin si Yuna karga ng Yaya nito habang karga naman niya si Ion. Kinuha sa kaniya ang maleta at nilagay sa compartment saka siya pumasok.

Napabuntong-hininga siya ng mag-unahan na naman ang kambal na lapitan at laruin ang buhok niya.

Natatawa siyang sinalubong ang mga ito.

Yes, she had a twins. 'Yon ang sinabi sa kaniya ng doktor no'ng sa sandaling nagpaultra-sound siya. Ipinaalam lang din niya sa kapatid at mga kaibigan ang tungkol ro'n no'ng manganak siya no'ng last year February 4.

Hindi niya alam kung alam na iyon ni Ian. Yeah, mas naiisip niyang ipaalam iyon kay Ian, dahil kitang-kita niya ang pagkakahawig ng lalaking anak sa asawa. Asawa dahil hindi naman sila naghiwalay...kaya pinangalanan niya itong Ion Yves Watson, Yuna Dale Watson naman ang anak niyang babae.

O diba?isang gabi lang kambal agad?

"It's Tita Kate,"nagface-time na sila dahil gusto raw ni Kate na makita ang kambal.

"Sino pa ang gusto ng DNA test?e replika na yan e,"kagaya ng inaasahan ay gan'on ulit ang sasabihin nito.

"Sino ba ang nagsabi ng DNA test?"nakaismid niyang tanong.

"Ginawa ni Ian 'yon para maconvince ka, kaya nga binigay ko sa'yo no'n bago ka umalis ng Pilipinas e,"napakunot-noo naman siya sa sinabi nito.

"Anong binigay?wala ka namang binigay ah!"

Nalilito siya sa sinasabi nito.

"Gaga,"pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan at hindi pa alam kung sino ang unang tatakpan ng taiga sa dalawang kambal niya.

"May mga bata rito." Inismiran niya ang kaibigan.

"Sorry," napangiti siya sa sinabi ni Kate.

Mayroon siyang mga napansin na pagbabago nito, mas palangiti na ito kaysa dati, vocal na'rin ito sa paghingi ng sorry. Siguro no'ng umalis lang siya o 'yong nagkaanak na. Pero alin man do'n, mas kumbinsido siyang dahil 'yon kay Bryan at pagkakamabutihan ulit nila.

"Pero binigay ko sa'yo 'yong brown envelope 'di ba?'yong sinabi kong share mo sa Shop?nakaipit do'n ang DNA test result, hindi mo ba tiningnan?"

Nangunot-noo siya at napanguso pa ng hindi niya nga nagawang tingnan iyon.

"Wala akong nakita e."

"Hay naku!ibig sabihin hindi mo nakita 'yong result?"

"Para saan pa?naniniwala na nga akong siya 'yong Ama."

"Mabuti naman."

"Psh."

"Si Ian ang best man,"biglang pag-iiba nito.

"Akala ko ba si Bryan?"

"Malay ko sa kanila."

"E ano naman?"

"Ikaw ang maid of honor."

"Tapos?"

"Bagay kayo."

Napangiwi siya."Kanina 'ko pa napapansing masaya ka, baka naman pag-uwi ko ikaw pala ang maid of honor at si Bry ang Best Man." Pinaningkitan niya ito.

"Tapos?"Tila hindi alintana nito ang parehong tono na sinabi niya kanina.

"Bagay din kayo,"natatawang sabi niya.

"Sasagutin 'ko siya kapag magkabalikan kayo,"nanlaki ang mata niya.

"Nanliligaw siya ulit?"hindi makapaniwalang tanong niya.

"Mommy!" Pagtawag ni Ion.

Mabilis siyang napabaling sa anak.
"Oh, sorry baby...what is it?"mahinhin niyang tanong rito.

"Ta...ta..."

"Kausap pa ni Mommy si Tata, okay?"

"Ta...ta,"nginitian lang niya ang anak ulit.

Abala naman sa pagdede si Yuna na karga ni Mrs. Jai.

"Oo,"doon lamang sumagot si Kate sa huling tanong niya.

"Kailan?"tanong niya.

"Need mo ba talaga ng exact date?"

"Psh, at bakit mo naman idedepende ang pagsagot mo sa kaniya sa aming dalawa ni Ian?" Pag-iiba nalang niya.

"Para hindi nakakaguilty."

"Siraulo,"mahinang bulong niya na nilingon pa ang mga anak na tulalang nakatingin sa kan'ya.

Natawa siya sa hitsura ni Ion na madumi na ang kamay at bibig dahil sa paglalaro nito ng laway. Kaya agad siyang kumuha ng bimpo sa bag at pinunasan ito. Maayos parin ang pagdede ni Yuna habang nilalaro ang buhok niya.

"Ayos lang, si Anne nga ikakasal na e."

"Guilty kaya rin 'yon, malapit na ngang hindi sagutin si Rocky e."

"Talaga?"

"Hindi."

"Psh."

Kailan 'ko kaya 'to makakausap ng normal?

"Handa ka bang makita siya?"muling tanong nito.

Napairap siyang tiningnan ang kaibigan."Nananakot ka ba?"

"Natakot ka ba?"

"Hindi,"direstong sagot niya.

"Ba't mo naitanong?"

"Alam mo, simula no'ng naiwan kita d'yan 'di na kita makausap ng normal." Prangka niyang sabi, ngumisi lang ito.

"Same as well, simula no'ng nanganak ka hindi na kita nakitang kumikilos ng normal,"matunog siyang tumawa sa pagbibiro nito.

"Sige, tinatawag na'ko ni Anne e."

"Paki kumusta mo nalang ako, say bye to Tita Kate babies,"ipinakita niya ang front camera sa kambal.

"Ta...ta." Kagaya ng paulit-ulit nitong sinasambit ay iyon lamang ang nasabi.

"Bye sweethearts!see you later!"

"Sige na babye!"paalam na niya saka binaba ang linya.

Nakangiti niyang kinarga at kinandong ang anak na lalaki saka hinalikan si Yuna. Hindi man niya sabihin pero randam niya ang kakaibang excitement na umuwi kasama ang kambal na anak. Lalo na ang makita at makilala nito ang amang si Ian.

Muli niyang naalala ang asawa. Sana lang...may parte sa puso niya na umaasang siya pa'rin talaga...na hindi siya nito kinalimutan...na hindi siya nito pinalitan...at talagang hinihintay siya nito.

Dahil maging siya...si Ian pa'rin talaga. Kahit na marami nang kalalakihan ang nagpakita ng interes sa kaniya, pero tuwing nalalaman nitong mayro'n na siyang anak ay biglang aayaw o hindi na magpaparamdam, kaya hindi na'rin siya umaasang may makilalang iba.

Sana lang gan'on si Ian sa pilipinas. Wala siyang masyado'ng alam tungkol sa mga kaganapan tungkol dito dahil ayaw niyang magtanong sa mga kaibigan, baka patuloy pa itong mag-isip ng kung ano. Isa pa, ayaw niyang dumepende ang mga ito sa kaniya, siya rin kasi ang nagi-guilty na papayag lamang ang mga ito na sagutin ang mga kaibigan ni Ian kapag maging okay sila.

Gusto niyang magkatuluyan ang mga ito na hindi sila ang nagiging basihan, kung ipagpalagay kasi na magkabalikan nga sila at muling maghiwalay din, parang gano'n din ang mangyayari sa mga kaibigan niya, maging ang relasyon ng mga ito ay maapektuhan.

Kaya hangga't maaari sinasabi niya at sinisiguro niya sa mga ito na ayos lang naman talaga sa kaniya.

Kaya nga uuwi siya para ipakita ang suporta niya kay Anne. Kahit na naroon pa si Ian. Hindi naman sa ayaw niya...ang totoo, isa 'yon sa dahilan kung bakit gusto na'rin niyang umuwi...ang makita na ulit ito.




"They're here!"malakas ang sabi at malapad ang ngiti'ng sumalubong sa kaniya ang mga kaibigan.

"Sinong bantay sa Shop?"agad na tanong niya na makitang kompleto ang mga ito.

Alas-dos ng hapon na sila nakarating at talagang napagod siya at napuyat.

Dumiretso na siya agad sa Coffee Shop, nagtayo na kasi ang mga ito ng Second Floor para raw maging multi condo niya, isa iyon sa mga ipinangsilaw ng mga kaibigan para umuwi na siya.

Hindi kagaya ng dati ay hindi manlang siya nakatanggap ng yakap sa mga ito. Dahil ang mga Gaga ay ang anak na niya agad ang pinagkadiskitahan at parang hindi manlang siya pinansin.

"Ede 'yong employees, nag hire na kami ng manager,"usal ni Kate na may hawak pang magazine.

"Grabe, ang gaganda ng mga anak mo Yuri,"usal ni Jess at napangiti siya ng todo nang sa wakas ay lapitan na siya ni Anne at yakapin.

"Syempre, cute ang nanay e,"sagot niya.

"Kaya naman pala hindi nag Mana sayo,"ngumiwi si Anne sa kaniya ito matapos siyang yakapin.

"Excuse me?"mataray niyang balik na si Kate naman ang lumapit sa kaniya.

"Nagmana sa Tatay, ang sabi kasi ni Jess ang gaganda, ang sabi mo ang cute mo, hahaha." Sagot ni Kate at napairap naman siya.

"Ang fresh mo ngayon ah, bagay sayo ang short hair, 'yan ba ang uso sa Korea?" Tanong ni Jess habang nakikipaglaro kay Ion.

"Eto ang hairstyle ni San chai," nakaismid niyang sagot.

"Nagmukha kang Dora,"inimiran siya ni Anne matapos sabihin iyon. Tuloy ay napatitig siya rito na sinulyapan din si Kate.

"What?"tanong ng mga ito.

"Sigurado kayong hindi kayo nagkapalit ng kaluluwa?"may pagdudang tanong niya sa mga ito.

Magkasabay itong nagkatitigan bago nagtawanan.

"Mga letse,"mahinang usal nalang niya.

'Yon ang nagbago sa kaniya. Nakokontrol na niya kung paano pahihinain ang boses para masabi iyon dahil nariyan ang mga anak niya.

"Pero bagay talaga sayo,"ani muli ni Jess.

"Alam 'ko,"balewala nalang niya at napaismid nalang ito.

"Siya nga pala, ito si Mrs. Jai, yaya ng kambal...Mrs. Jai...these are my best friends, this is Kate, Jess and Anne, the Bride." Nakangiti niyang pagpapakilala.

"Hi. "isa-isa itong kinamayan ng mga kaibigan.

Half Korean, half Filipina kasi ang Yaya niya, wala itong asawa pero sa Korea na tumira.

"Kahit ang Yaya fresh ah, kung sa Korea na'rin kaya ako tumira?"mahinang bulong ni Jess sa kaniya.

"Nakakaintindi ng Tagalog 'yan." Pinanlakihan siya nito ng mata.

"Ba't dimo agad sinabi!"hinampas siya ng kaibigan sa braso saka lumapit kay Mrs. Jai.

"Bakit hindi niyo sinabing nagtatagalog pala kayo?"tanong nito.

"Woy, ang sabi 'ko... nakakaintindi 'yan ng Tagalog, pero hindi siya marunong magtagalog,"sumama lalo ang mukha nito saka na lamang niya nilapitan ang mga anak na busy sa pakikipaglaro kay Anne.

"Kamusta ang prep sa kasal?"tanong niya kay Anne.

"Okay na, pupunta ako sa bahay mamaya....dadating ang stylist 'ko do'n e."

"Dapat nga nando'n ka na e,"tugon niya .

"Dumating ka e, syempre gusto kitang makita." Nakangiting sabi nito.

Napangiwi siya."Kaya naman pala mga anak ko niyakap mo kanina bago ako lapitan."

"Hindi tamang pagselosan mo ang mga anak mo." Lumapit ito sa kaniya karga si Yuna.

Naramdaman niya ang pagkapit ni Ion sa kaniyang paanan kaya nangingiti niya itong kinuha at kinarga.

"May regalo sila sa'yo,"nakangiting sabi niya .

"Talaga. ano 'yon?"

"Give it to Tata come one baby,"inginuso ni Yuri ang hawak na box ni Ion sa kamay.

Kinuha naman iyon ni Yuna at binigay kay Anne. Natatawa siyang tiningnan ang mga ito. Talagang nakakatuwa ang mga ito tingnan.

"Ah, thank you sweety,"muli nitong pinugpog ng halik si Yuna sa mukha, astang si Ion naman ang isusunod ay mabilis niya itong iniwas.

"Damot,"nakangusong bulong ni Anne.

"Ano 'to?"tuwang-tuwa nitong tinanggap ang white box na may gold ribbon.

"Bubuksan mo nalang e." Nguso niya, hindi na siya nito sinagot at binuksan na ang maliit na box.

Awtomatiko itong napangiti sa nakita. Isa iyong gold na kuwentas na may pendant na mukha ni Gong Yo.

"Hindi 'ko nakakalimutan ang sinabi mong gustong pagsalubong, tutal ikakasal ka din naman kaya isuot mo 'yan sa kasal mo bukas,"natatawang aniya.

"Ang sama mo, baka ayawan ako ni Bato nito e."

"Ede do'n natin malalaman,"ngumuso nalang ito at natawa pa siya nang humagikhik si Yuna at Ion habang pumapalakpak.

Nagtawanan sila dahil sa kacutetan ng mga ito.

"Diyan nalang Mrs. Jai"rinig niyang sabi ni Jess kaya naman ang mga ito naman ang nilingon niya .

"Siya nga pala, si Kuya Yuan ay darating na?"tanong ni Kate na lumapit at kinuha sa kaniya si Ion.

Napabuntong-hininga siya at naupo sa couch at doon nag-inat ng katawan.

"Bukas pa daw siya makakauwi mula sa Japan, didiresto siya dito agad, darating din si Ate Brianah." Patungkol niya sa asawa ng kapatid.

"Mabuti naman at makakarating din siya,"si Anne.

"Tumango siya. "Uuwi 'yon para sa'yo." Paniniguro niya.

Lingid sa kaalaman ni Yuri na nauna nang makauwi ang kaniyang kapatid at hipag. Palihim namang nagkatitigan ang mga kaibigan niya at napangiti.

Napapikit siya nang bigla siyang humikab.

"Bakit hindi ka muna matulog at magpahinga, baka napuyat ka sa kambal,"puna ni Kate.

"Si Mrs. Jai din puyat,"sagot niya.

"Kami lang muna rito, magpahinga kana, baka bukas kailangan mo pang magpagising,"si Jess naman ang nagsalita.

"Maaga na kaya akong nagigising ngayon,"pagtanggol niya sa sarili.

"Matulog ka muna, nasa kanan ang kuwarto mo."

"Sige,"saka siya muling tumayo at lumapit sa kambal at hinalikan ang mga ito.

Saka siya pumasok sa loob ng kuwarto at mabilis na nakatulog.



Nagmamadaling bumaba si Ian sa hagdan habang inaayos ang necktie at dire-direstong nagtungo sa sala at sinalubong ang kadarating lang na kapatid.

"How was it?"malapad ang ngiti'ng tanong niya. Natatawa naman itong yumakap sa kaniya.

"It's perfect,"sagot nito, hindi niya akalaing mas may ilalapad pa ang pagkakangiti niya.

"Chill, baka mapunit na 'yang labi mo,"tudyo nito at mas lalo siyang natawa.

Hindi niya maalis-alis ang ngiti sa labi. Kanina pa siya nakangiti, tinawagan siya kanina ni Kate na dumating na si Yuri kahapon kasama ang kambal. At aattend nga ito ng kasal ng akala niyang kaibigan which is ngayong araw.

Nakaayos na ang reception at handa na rin ang simbahan para sa gaganaping seremonyas, kung saan rin sila ikinasal ni Yuri.

"They're on their way,"usal pa niya habang tinitingnan ang text ni Kate sa kaniya.

"What about Yuri?"tanong ni Ianah.

Nangingiti siyang sumagot.

"Probably still asleep,"natatawang sagot niya.

Alam niyang kanina pa siya nakakaramdam ng kilig, bagaman hindi 'yon pangkaraniwan para sa isang lalaki.

Pero ang alam lang niya, tuwang-tuwa ngayon ang puso niya.







*Knock *knock *knock

Napangmulat si Yuri at dahan-dahang kinusot ang mata habang kinakapa ang kama umaasang mahahawakan ang kambal katulad ng nakasanayan niya.

Pero daglian din siyang napabangon nang hindi ito madama. Napabuntong-hininga siya ng mapagtantong nasa Pilipinas na nga siya.

*Knock *knock *knock

Nakapikit siyang napalingon sa pinto saka sumilip sa labas ng bintana. Nakaramdam siya ng kaba ng makitang maaraw na sa labas.

Awtomatiko niyang kinuha ang cellphone at nanlalaki pa ang mata niya nang malamang ala-siyete na.

"Sheettttt!!!!!"malakas na bulalas niya na hinablot ang cellphone at parang batang tinalon ang ilang dipa saka dali-daling pumasok sa banyo at nag toothbrush.

Patakbo siyang ulit na lumabas at pinagbuksan na ang kanina pa na kumakatok.

Mabilis na nagsalubong ang kilay niya na hindi niya makilala kung sino ito.

May hawak itong white dress na pinapakita sa kaniya, maari ang susuotin niya. Nabawasan ang pagmamadali niya kanina sa sobrang ganda ng disenyo nito, sakto ang haba at medyo fit din.

Napakunot-noo siya dahil sa disenyo nito ganito ba talaga ang suot kapag maid of honor? naitanong niya sa isip.

It's a tube Cursit style dress na may ilang center piece, it may be simple but it could be elegant whoever wore it.

Ang inaasahan niya ay mag-iiba sila ng kulay kahit pa nga maid of honor siya, pero baka ito nga ang napiling theme ng kaibigan niya.

"Ms. Kate sent this dress for you, we should get ready ma'am,"ani nito sa kaniya.

"Yeah, sorry pero asan nga pala sila?"mariing tanong niya.

Hindi manlang siya ng mga ito hinintay, 'wag nitong sabihing nauna na ito sa venue?ni hindi niya mahagilap ang mga anak.

"Nauna na po sila, kayo nalang po hinihintay,"sagot ng isang mukhang hair stylist na kakapasok lang .

"What?!"hindi niya mapigilang bulalas.

Bakit nila ako iniwan?!

Hindi siya makapaniwala sa narinig.

Nagmamadali siyang ulit pumasok at nagshower. Ni hindi niya nagawang mag rush shower ng ganito kabilis sa tanang buhay niya.

Halos masayang pa ang lotion na kinuha niya dahil sa pagmamadali, tuloy ay napadami ang nakuha niya.

Ginawa niya ang lahat para maipahid iyon sa buong katawan niya. Lahat din ng hindi niya nalalagyan noon ay nalagyan niya sa pagkakataong iyon.

Lumabas siya ng banyo ng nakaroba habang nakatapis ng tuwalya ang buhok niya.

Mabuti nalang at nagpamanicure at pedicure na siya bago pa man siya makauwi ng pinas. Humahangos siyang muling lumabas ng kuwarto at naupo sa malaking salamin at nang maayusan na siya.

Hinihingal pa siyang naupo, pakiramdam niya pinagpapawisan na siya. Blinoblower ang brown at maiksi niyang buhok kaya habang ginaagawa iyon ay kinuha niya ang cellphone at idinial ang number ni Kate.

Gusto niyang pagalitan ang sarili, mukhang nakauwi nga siya pero malalate naman siya sa kasal ng kaibigan! Ang pagkakaalam niya ay alas-otso sisimulan ang mesa, pero heto pa siya at kagigising lang.

Hindi kulang ang tulog niya dahil napasobra pa nga, nararamdaman din niya ang sariling gutom dahil hindi niya naalalang nakakain siya kahapon. Mula alas-tres hanggang alasiyete!jusme!kailan pa naman din kasi niya naalala na nagkaroon siya ng kompletong tulog simula no'ng manganak siya.

Isa pa, talagang hindi siya nakatulog sa loob ng eroplano dahil gising din ang mga anak. Kung di man si Ion ay si Yuna naman ang gising, salitan sila kaya hindi rin sila nakatulog ng maayos pareho ni Mrs. Jai.

Napayapa lang siguro ang isip niya dahil nariyan ang mga kaibigan niya at alam niyang babantayan nito ang mga anak niya.

"Hello?"sa wakas ay sinagot na nito matapos ang limang rings.

"Where are you?bakit hindi niyo 'ko ginising?I over slept already Kate!bakit niyo naman ako iniwan dito?!"reklamo niya sa kaibigan.

Pinanatili pa'rin niya ang normal na boses kahit naiinis na siya partikular sa sarili.

"Oh!sorry, nakalimutan ka namin! Don't worry, I sent the dress, make-up artist ang hairstylist there, and'yan na ba sila?"napaawang ang labi niya sa sinagot nito.

"Okay that's offending, kinalimutan niyo'ko?how about my children?"

"They're with us, kumalma kalang, okay?the ceremony is going smoothly, relax."

Paano siya marerelax?

Paggising niya ay late na siya!Wala pang katao-katao at siya lang ang nasa bahay! tapos malalaman niyang iniwan na siya?sinong hindi maiinis do'n?

"Get your make-up and dress on, then the driver is on his way there. You can still attend the wedding, it couldn't be start without you, okay?"

"Okay, thank you ah sa assurance...I feel special na hindi sila magstart ng wala ako,"sarkastiko niyang sabi.

"Of course you're the maid of honor."

"Yo'n na nga!ako ang maid of honor pero ako pa ang late!daig 'ko pa ang bride!"

Napapikit siya ng tawanan lang siya nito.

"I said relax!okay, andito na ang groom, babye!"

"What?!"hindi na iyon narinig ni Kate dahil pinatayan na siya ng Gaga.

Swear it masasakal niya ang kaibigan mamaya kapag umiyak si Anne sa harap niya na nalate siya. Psh!

Pinakalma nalang niya ang sarili dahil kitang-kita niya ang pangungunot-noo ng mukha niya dahil sa kaharap na salamin. Malakas siyang bumuntong-hininga at suminghap ng hangin. Saka nagpinta ng ngiti sa labi.

Magiging okay din ang lahat.

Mabilis na natapos ang hairstylist dahil maiksi naman ang buhok niya kaya hindi ito mahihirapan. Matapos ang halos 30 minutes ay natapos narin siyang ayusan. Panibagong minuto ulit ang ginugol niya para sa pagpapalit ng damit.

Nang maisuot ito ay dinampot lang niya ang sling gold bag at nakapaang tinakbo ang hagdan pababa dala sa kamay ang silver white 3 inches stilettos.

Kagaya ng sinabi ni Kate ay naghihintay na roon ang driver niya. Pero hindi niya inaasahang makikita kung sino ito.

"Good morning Ma'am Yuri,"nakangiting bati sa kaniya ni Manong Diosdado.

Naiilang siyang ngumiti bagaman masaya siyang muli itong makita.

"Ano hong..."natigilan siya sa sasabihin saka tumingin sa puting kotse.

Tiningnan pa niya ang likuran nito baka may ribbon pero mabuti at wala.

Akala ko paman...

"Ah, kayo po ang maghahatid sa'kin?"nakangiting tanong niya na sinuot na ang sapatos.

"Opo, si Ma'am Kate ang nagpadala sa'kin."

"Ah,"tumango-tango nalang siya ng pagbuksan na siya nito.

Sa loob ng kotse ay pinakalma niya ang sarili, hindi puwedeng makita siya ni Ian na mukhang stress.

Dapat kapag balikbayan ay mukhang fresh!

Napailing nalang siya sa naisip. Bahagya lang siyang nakaduwang sa bintana dahil ngayon lang niya ulit na kita ang Pilipinas.

Mas dumami ang gusali at doon niya lang napansin na mas marami ng nakatayong Cafe at Salon. Mabuti at marami pa'rin silang customers. Nakakamiss ang ganito.

"Mas lalo po kayong gumanda Ma'am,"biglang usal ni Mang Diosdado, naiilang siyang ngumiti.

"Talaga po?"kinikilig niyang sabi. Kahit kailan kasi hindi siya nito sinabihan na maganda noon.

"Opo, sigurado akong mas lalong magiging masaya si Sir pag nakita kayo,"agad din itong tumahimik.

Pero hindi napawi ang ngiti niya sa sinabi nito. Palihim niyang ipinalangin na sana gano'n nga ang tingin nito.

Hindi manlang kasi ito nagparamdam sa kaniya pagkabalik niya ng pinas. Hindi nga niya alam kung alam na nitong nakauwi na siya.

"Malapit na po tayo,"ani muli nito, tumango na lamang siya.

Pagkarating niya ay nais muna niyang makita ang kambal, hindi niya nakita ang dalawang anak pagkagising niya kanina.

Nakaramdam siya ng sobrang pagkamiss sa dalawa. Kahit no'ng nagtatrabaho siya sa Korea, gustong-gusto agad niyang umuwi dahil sabik na sabik siyang makita ang mga anak at makalaro ang mga ito.

"Andito na po tayo Ma'am," dali-daling lumabas si Mang Diosdado at pinagbuksan siya.

"Ako na ho,"aniya na siya na mismo ang nagsira ng pinto.

Mabilis niyang namataan si Anne na nasa labas na ng pinto ng simbahan. Nakasira na ang pinto at nakatalikod ito sa kaniya . Maingat siyang naglakad papalapit rito na tila may kausap pa sa telepono.

"Anne!"pagtawag niya. Awtomatiko siya nitong nilingon.

Napakunot-noo siya ng mapansin na hindi pa'rin nakasuot ang Belo nito.

Gusto niya ring ngumiwi, maganda ang suot na dress ni Anne, pero gusto niyang umismid dahil nga dress lang iyon... gusto niya tuloy mahiya na parang mas maganda pa ang dress na suot niya.

"Yuri girl!I'm so happy na nandito kana! finally we can start!"

"Ah, hinihintay niyo 'ko?"nakatabingi ang bibig niyang tawa.

Parang may mali.

"Anne, 'yan ba yo'ng dress mo?"nakangiwi niyang tanong.

Pero imbes na makunot-noo ito ay tumawa lang ito.

Bipolar. Ang yaman-yaman ni Rocky hindi manlang pinagown ang kaibigan niya.

Mamaya masasampulan niya ito.

"Halika na bilis!"hinila siya nito at halos matisod pa siya ng patalikurin siya nito at patayuin sa unahan.

"Teka anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong niya nang magsimula itong ikabit ang belo sa kaniyang likuran.

"Anne?anong nangyari?!"nagtatakang tanong niya. Pero matapos ay seryoso siyang pinaharap ni Anne.

"I'm so happy for you!sana ito na talaga yo'ng time para sa'yo. I always wish the best for the both of you!"nangingilid ang luha nitong niyakap siya na para bang proud mama.

Saka nito iniwan ang isang bouquet ng roses at patakbong umalis. Sinundan pa niya ito ng tingin ng makita si Rocky na sinundo ito. At tuluyang pumasok sa kabilang side at daanan ng simbahan.

Wtf?!

Nanlalaki ang mata niya at talagang naguguluhan siya. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at idinial ang number ni Kate.

Pero kasabay no'n ay ang biglang pagbukas ng pinto. Literal na umawang ang bibig niya dahil sa sobrang gulat.

"Anong nangyayari?"hindi niya magawang isan'tinig ang tanong na iyon nang makita ang lahat ng tao na humarap sa kaniya.

Doon din nagsimulang pumaalingaw-ngaw ang pamilyar na kanta

Intro:
They say, When you make the biggest mistake ever,
something good comes from it,
And I don't know if I should believe it

Dahan-dahan ang pagkanta at talagang nanindig ang balahibo niya dahil sa sobrang gulat.

You're the cause of my sin
But can you be my right mistake?
I'm thinking a lot
What should I put here
Do I feel regrets for the past we makes?
But I'm happy with the results we've made
So I'm writing this to be the proof of my plague...

Hindi niya alam kung saan nila nakuha ang lyrics at kopya ng kantang sinulat niya. At dahil nangingilid na ang gilid ng mata niya, naging malabo na'rin ang paningin niya sa mga taong naroon.

Saka siya diretsong tumingin sa lalaking nakatayo sa harap ng altar.
Nagsimula siyang maglakad ng dahan-dahan nagg biglang lumapit ang kapatid sa kaniya.

"Kuya?"gulat niyang sambit pero naluluha itong tinitigan siya.

"You made your promise," nakangiting sabi nito.

Tumango-tango siyang suminghot as they started to walk through the aisle.

Chorus:
You are the sinful one....
I am part of none...
We made the wrong take...
But we're happy among it..
Should it be the best mistake?
Tell me do you agree with it?

Sumisinghap siya dahil sa sobrang gulat. Pinahiran niya ang namasang pisnge at pinagkatitigan ng mabuti ang lalaking nakatayo sa harap niya.

Doon mas lalong nangilid ang luha niya ng maging malinaw ang paningin.

Akala niya kung ano ang bitbit nito, mga anak pala niya...hindi...mga anak nila.

Karga nito si Yuna habang nakahawak naman sa kamay niya si Ion, nakamini tuxedo din ang anak kagaya ng kaniyang papa. Doon lang din niya napansin na pareho din sila ng dress ng babaeng anak. Mas lalo siyang naiyak.

Cause when I woke up in the room, unknown
And seeing you for the first time in my morn
You didn't know because you're in your doze
I did screamed when I knew what happened
I felt the shaking because I was dead, when you waking
Well, that's the first time when I see you naked...

Bumaling siya sa mga tao at doon niya nakita ang kompletong mga kaibigan.

Sa kabila ang mga babae niyang kaibigan, nakita niya si Ianah na nagpupunas ng luha. Maging si Ate Brianah niya at ang dalawang anak na babae nito ay naroon din. Sa kabila naman ay ang mga kaibigan ng kaniyang asawa. Nginitian niya ang lahat na naroon.

Mas lalo siyang naluluha, saka niya itinuon ang buong paningin sa kaniyang mag-ama. Nakadaop ang palad ni Yuna na nakatingin sa kaniya. Si Ion na man ay nakalabas na naman ang gilagid at ngiting-ngiting nakatingin sa kaniya. Natuwa siyang pagmasdan ang mga ito.

Chorus:
You are the sinful one
I am part of none
We made the wrong take
But we're happy among it
Should it be the best mistake?

Tumingin siya ng diresto kay Ian. Hindi niya akalaing sa paglipas ng dalawang taon ay mas may ikaguwaguwapo pa ito. Nakikita niya na'rin ang namumula nitong ilong.

Hindi niya mapangalanan ang sobrang saya.

Hindi niya akalaing pag-uwi niya ay ito ang sasalubong sa kaniya, hindi niya alam kung paano ng mga ito hinanda ang lahat na hindi niya nalalaman. At kailan pa dumating ang Kuya niya?nagkaayos na'rin kaya sila ni ate Ianah?

You were the jerk of my life,
For me you are the hopeless man alive,
I did cursed you for one day but you are the man of my child
That's why you're the groom while I'm your bride,
That's when our journey starts to fly...

"You have wait long enough,"hindi na niya namalayang nasa harap na pala niya si Ian at kinakamayan ang kapatid niya.

"Thank you."

"You can now call me Kuya,"hindi niya akalaing makikita pa niya sa gano'ong eksena ang kapatid at si Ian.

"Thanks Kuya,"abot langit ang pasasalamat ni Ian.

Kitang-kita niya ang pangingislap ng mga mata nito. Saka ito tumingin sa kaniya.

Chorus:
You are the sinful one
I am part of none
We made the wrong take
But we're happy among it
Should it be the best mistake?

Nakatitig siya kay Ian habang pinapakinggan ang liriko ng kantang sinulat niya mismo.

Hindi niya naiisip na sa ganitong eksena sila ulit magkikita ng asawa. Yes, asawa ...hindi sila naghiwalay. Oo nagkalayo...pero alam niya sa sariling balang araw ay may babalikan pa siya.

Ibinaba nito si Yuna at kinuha naman ni Kate. Kinuha rin ni Yuan si Ion saka siya inabutan ng kamay ni Ian.

You asked me if I regret this thing for lifetime,
That's when I started thinking why you came to my life?
Days passed I stayed confused thinking you as my man now
Till I woked up one morn, I was smiling for nothing else

Nanginginig niyang tinanggap iyon saka ito hinarap.

Pareho silang masayang lumuluha.

"Nobody ever said life was easy...they just promised that it would be worth it...can I say that it worth my wait?"nangingilid ang luhang tanong nito sa kaniya.

Naluluha siyang tumango. Baka pag magsalita siya, pakiramdam niya maiiyak lang siya ng sobra.

"Yuri...my only Wife." Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. "Can you tell me what happened to the man and woman in the Movie?"tanong muli nito.

Hindi niya akalaing maalala pa nito ang pinanood nilang palabas no'ng nasa Batangas sila. Hindi nito alam ang naging wakas dahil siya lang ang nakatapos no'n, mas lalong nangilid ang luha niya.

Tumango siya bago sumagot."The man was forgiven....and they married again with their two child,"halos pumiyok pa siya nang sabihin iyon sa harap ng mikropono na parehong hawak nila.

Outro:
I was scared
'Cause it was disgrace
Who would love me?for I am naîve?
We put a fight you're annoying to my eyes
But you came to me and you confessed the first
What would I do...but to love you too...

"Then can we both marry again and happily live with our twins forever?"matapang na tanong nito kahit halata na ang pag-iyak dahil sa panginginig ng boses.

Batid niya sa mga sandaling iyon ay nag-iiyakan na rin ang mga tao.

"Yes we can,"suminghap siya ng sabihin iyon.

At wala sa sariling tinanggal ang Belo at hinawakan ang asawa sa pisnge at masuyo itong hinalikan. Mabilis na gumanti ang asawa ng halik at pinalupot ang kamay sa kaniyang likuran patungong beywang.

Hindi na nahintay ang pare'ng ianunsyo ang seremonyas.

Nakaawang ang bibig nilang parehong pinakawalan ang isa't isa. Nangingiting sinabayan ni Yuri ang liriko ng kanta.

"Then the best mistake...
So be it the rest..

𝗧 𝗛 𝗘 𝗘 𝗡 𝗗.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top