Chapter 27: Awaken

CHAPTER 27. AWAKEN

TAHIMIK si Yuri na nagbabalat ng kahel, kagigising lang niya mula sa pagkakaidlip, malaking tulong kasi ang pananatili ng mga kaibigan niya para hindi siya mapagod sa pagbabantay sa kaniyang kapatid.

Ilang beses man siyang sinabihan na umuwi at magpahinga, hindi siya nakinig. Kapalit ng pag payag ng mga itong manatili siya ay dapat lang na hindi siya magpapagod.

"Ginagawa mo ba 'yong daily check up mo Yuri?"Mayamayang tanong ni Kate.

Mag-aalasiyete na ng gabi iyon. Dahil may negosyo sila, si Kate lang muna ang kasama niya sa pagbabantay at si Jess at Anne naman ang naiwan sa Cafe. Ang asawa naman ay kaalis lang upang kumuha ng kan'yang damit at bumili ng pagkain.

Saglit muna siyang natigilan dahil wala siyang mahanap na isasagot sa kaibigan.

"Ayaw ko pa kasi..."nag-aalinlangan niyang sagot na nagbaba ng tingin.

"Ang totoo... ayokong malaman ang gender ng magiging anak 'ko,"patuloy niya.

"Ede sabihin mo sa doktor na 'wag sabihin sa'yo, ang importante ay nagagawa mo 'yong daily check-up,"napalabi siya at tumango.

"Mabuting isama mo si Ian para alam niya."

"Sige "

"Siya nga pala..."muli siyang napalingon sa kaibigan.

"Hmm?ano 'yon?"

"'Yong nangyari kahapon,"panimula nito.

"Bago mangyari 'yong aksidente...tumawag siya sa'min na darating na siya at nakarating na ng Pilipinas." Nilingon nito ang kapatid niya.

"Pati sa kondisyon mo... alam na'rin niya,"dahan-dahan mang pagkukuwento nito ay nagitla pa'rin siya.

Unti-unti siyang natigilan sa pagbabalat at bahagya tumagilid kay Kate."A-ano 'yong sabi niya?" Pigil ang lunok niyang tanong.

"Wala,"diresto nitong sagot. Tila alam nitong nakakaramdam siya ng kaba.
"Ang sabi lang niya... kailangan niyong mag-usap." Sabay baling ng tingin sa kaniya.

"Alam mong expressive na tao ang Kuya mo,"dagdag pa nito. "Sa pagkakataong 'to, hindi 'ko mahulaan kung anong iniisip niya dahil wala naman siyang ibang sinasabi sa'min, pero ang sabi niya..."

"Maghanda raw tayo,"dugtong nito. Awtomatiko siyang napasinghap ng hangin at sunod na bumuntong-hininga.

Napalingon siya sa natutulog par6in na kapatid.

"Matapos 'yong limang buwan...ngayon lang ulit kami magkikita,"biglang banggit niya.

"Tuwing nagkakalayo kami... pareho naming nararamdaman ang lungkot dahil namimiss namin ang isa't-isa. Tuwing nagkikita kami...pareho naming nararamdaman ang excitement at tuwa tuwing naiisip na magkakasama na kami ulit...simula pagkabata 'yon na ang nakasanayan naming samahan bilang magkapatid. Kaya itong nararamdaman 'ko ay nakakapanibago para sa'kin, narealize 'kong... ito ang unang beses na hindi namin ginustong magkita." Napababa siya ng tingin matapos magsalita.

"Hindi totoo 'yan,"putol ni Kate dahilan para lingunin niya ito.

"Alam 'kong pareho niyong gustong makita ang isa't isa, iba lang talaga ang sitwasyon ngayon dahil magkikita kayo dahil sa isang problema." Saglit siyang natigilan dahil totoo nga naman ang sinabi nito.

"Nalulungkot ako tuwing naiisip na problema lagi ang dala sa'kin ng anak 'ko... hangga't maaari ayokong naiisip ang gano'n. Tatanggapin 'ko ang galit niya kung meron man." Nilingon niya si Kate. "Pero hindi 'ko pinagsisisihan ang mga nangyari,"determinado niyang wika.

"Humingi kalang ng tawad, after all ikaw lang ang nag-iisang kapatid ng Kuya mo. Magagalit man siya ngayon, bukas makalawa tanggap na niya 'yan. Saka... paano niya kamumuhian ang sariling pamangkin?mag-isip ka nga!" Napailing siya at napangiwi.

"To be honest, hindi naman 'yon 'yong iniisip kong problema,"nasabi niya. Nakinig naman si Kate.

"Kung hindi 'yong katotohanan na nadissapoint 'ko siya at ang sarili 'ko..."patuloy niya.

Nakita niya ang pag-iling ni Kate kaya nangunot-noo siya. Bumuntong-hininga ito bago siya nilapitan.

"Kasasabi mo lang na hindi mo pinagsisisihan ang mga nangyari, kung gano'n hindi mo nadissapoint ang sarili mo...dahil ang totoo, iniisip mo lang 'yong mga taong nag-aabang lang para may maipuna sa'yo,"hindi siya nakasagot sa sinabi ni Kate. Napababa siya ng tingin at may napagtanto.

Tama nga ito...

"Isa pa...bakit mo naman maiisip na nadissapoint mo sila?anong bang paki' nila?wala silang ambag sa buhay mo kung tutuusin, kami ngang kaibigan mo na tanggap ka...sila pa kaya na hindi mo kakilala?" Natahimik siya sa sinabi mo.

"Look..."humarap sa kaniya si Kate.

"Focus on your own goal and priorities, kung hindi mo priority ang pagboost ng ibang tao sa'yo set them aside. Let them think what they want...all you have to do is do nothing, be nothing...para wala silang napapala sa'yo,"mahabang sabi nito.

Hindi niya alam kung mapapagaan no'n ang nararamdaman niya o matatawa siya sa mga pinagsasabi nito.

"Bakit nga naman kasi nagretiro ka sa pagiging abogado?" Pag-iiba niya sa usapan.

Ito naman ang ngumiwi at muling bumalik sa puwesto kanina.

"Boring na." Mataray itong bumuntong-hininga saka ngumisi.

"Saka pinagbigyan 'ko lang si Dad, ang Cafe talaga ang priority ko...pumayag naman siya dahil alam niyang do'n ako masaya." Wala sa sarili siyang napangiti.

"Kung gano'n, support kita d'yan," nakangiting tugon niya, sabay silang napangiti.

Mas matanda sa kanila si Kate, ang totoo siya lang ang pinakabata. Hindi sila magkakabatch pero hindi 'yon naging hadlang para maging magkakaiba sila hanggang ngayon.

"By the way, kamusta naman kayo ni Ian?" Muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya mapigilang mapangiti.

"We're good,"natutuwa niyang sagot.

"Bilang mag-asawa masaya ako na wala kaming pinagtatalunan, ang totoo...hindi 'ko talaga ineexpect na siya ang makakatuluyan 'ko."

"Ako rin,"sagot nito, hindi niya inaasahan kaya sabay pa silang natawa.

"Kahit na busy siya...sinisiguro niyang may oras siya para sa'kin at sa magiging anak namin,"umupo siya para ipagpatuloy ang pagkukuwento.

"No'ng una...ayoko talaga sa ideyang naisip mo, pakiramdam 'ko kasi... magiging patapon ang buhay 'ko kung habang buhay akong magpapatali sa isang taong hindi 'ko naman mahal. Pero no'ng sabihin ni Anne na bakit hindi nalang namin totohanin, doon ako napa-isip...naisip kong siguro 'yon lang 'yong dahilan para hindi ako magsisi at malungkot, pero no'ng sinubukan 'ko...bangayan lang kami ng bangayan... hanggang sa masanay na'ko na nand'yan siya, at maisip 'ko na...makakaya 'ko ang lahat kapag nand'yan siya at nararamdaman 'ko ang presensiya niya... malaking jackpot nalang talaga na mahal din niya'ko." Napabuntong-hininga siya at napangiti.

"I'm happy for you..."mayamayang wika ni Kate. Nginitian niya ang kaibigan bilang ganti.

"Ang totoo kung bakit 'ko sinabing magpakasal kayo kahit puwede ka naman niyang sustentuhan kahit di kayo nagpapakasal...dahil nakikita 'ko kung paano siya tumingin sa'yo...kahit nalaman 'kong womanizer si Ian. Pakiramdam 'ko swak na swak kayo sa isa't-isa...siya marami na siyang naging experience sa mga babae...ikaw naman...halos wala pa dahil never kapang nagkaboyfriend. Napicture 'ko sa isip 'ko na magiging masaya kayo sa isa't-isa kung kayo ang magkakatuluyan, dahil nakikita 'ko Yuri...ikaw ang magpapabago kay Ian sa pagkahilig sa babae...at siya ang tutulong sa'yo para maging open ka sa lahat ng bagay, ang maexplore mo ang mga bagay na hindi mo naranasan no'ng minsan kang naging teenager,"hindi niya inaasahan ang sasabihin ni Kate.

"Sa tingin mo?"namamanghang tanong niya.

Nakangiti itong tumango...

"Alam mo minsan talent 'ko ang magpredict ng future ng ibang tao...at masuwerte ka dahil minsan 'ko ng nakita 'yon sayo... pangalawang beses,"walang halo nitong pagmamayabang dahilan para mamangha siya.

"Pangalawang beses?ano 'yong una?"

"'Yong una kitang nakita at una tayong nagmeet, naramdaman 'ko no'n na magiging kaibigan kita,"natatawang sagot nito.

Bigla siyang nakaramdam ng tuwa sa sinabi ni Kate. No'ng una niya kasing nakilala si Kate, wala itong halos na kaibigan...that time hindi rin niya pa kilala sila Anne at Jess.

Napapangiti siyang umiling-iling.

"Sige, naniniwala na'ko sa'yo,"nakangiting wika niya.

"Wala ka namang choice e,"nginiwian siya nito at sabay silang natawa.

"Aughhh...."awtomatiko silang napalingon sa likuran nang makitang kumilos si Yuan.

Mabilis nila itong nilapitan, nag-alala niyang tiningnan si Yuan hanggang sa unti-unti itong magbukas ng mata.

"Kuya,"naisambit niya.

Unti-unti itong tumingin sa kaniya, namumungay ang mga mata.

Mabilis na nangilid ang luha niya na hinawakan ang kapatid sa kamay.

"I-I'm sorry,"naluluha niyang sabi.

"Shhh, Yuri....calm down...I will call the doctor,"pang-aalo sa kaniya ng kaibigan, tumango siya dahil sa huling sinabi nito bago siya tinalikuran at lumabas.

Agad siyang naupo sa tabi ng kapatid, pinagkatitigan ito.

Mayamaya ay bumukas ulit ang pinto at pumasok si Doc. jvan.

Agad nitong chineck ang five senses ng kapatid bago siya tiningnan.

"He's okay now, you don't have to worry Mrs. Watson,"papahinang-papahinang sabi nito nang banggitin ang apelyido ng asawa.

Napatayo siya at nakangiting hinarap ang doktor.

"Thank you so much Doc, for doing everything you can and for checking my brother from time to time,"abot-abot ang pasasalamat niya rito.

Nagbaba ito ng tingin sa kaniyang t'yan bago siya salubungin ng tingin.

"It's my job, and it's my pleasure to help someone in needed,"nakangiti siyang tumango bago binalingan ang kapatid na nakatingin sa kaniya.

Mapupungay ang matang nakipagtitigan siya sa kapatid...hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon.

"He may stay here for another 2 weeks, but 1 week in afternoon he'll be fine. I just suggest that for his full recovery, and please...don't make any unnecessary movement para hindi masyadong magalaw ang sugat...anyway I'm happy to say that the wound is quickly regaining,"nakangiti nitong tinapos ang sinasabi.

Muli niyang tiningnan si Yuan matapos sulyapan si Doc. Ivan, hindi parin ito nagsasalita kaya walang siyang nagawa kun'di ngitian ito. Napabuntong-hininga na lamang siya nang hindi manlang nagbago ang reaksiyon ng kapatid.

Napatingin siya sa side table nang magring ang cellphone at nakita ang nakarehistrong pangalan ng asawa.

Agad niya itong kinuha at sinagot. "Hon?"sagot niya.

"Hon, I'm gonna be late but just for minutes. I have to drop by in Del Watson, I have to check and fix something there, is that okay?"bahagya siyang napangiti at nahihiyang nilingon ang nakikinig na doktor sa kaniyang harapan.

"'Wag kang mag-alala, ayos lang,"sagot niya.

"By the way,"nilingon niya si Yuan. "Gising na si Kuya,"hindi matatawaran ang ngiti niya ng sabihin iyon.

"Yeah?it's a good news t-then."

"Mm,"tumango-tango siya habang nakababa ng tingin kay Yuan. Nakalimutan na niya ang doktor na nasa harapan niya.

"Is that your husband?" Napalingon siya sa kaharap.

"Oh I'm sorry doc, yes it's Ian,"tabingi ang ngiti'ng sagot niya.

"Nah, it's okay."

"Hon?is that Ivan?" Muling naibalik ang atensiyon niya sa kausap sa kabilang linya. Gusto niya ring pagalitan si Ian dahil sa sinabi nito, nag-aalinlangan tuloy niyang tiningnan ulit ang doktor at sumenyas upang bahagyang lumayo.

"Hon it's doc Ivan, anong Ivan ka d'yan?"mahinang bulong niya rito.

Dahil iba ang naging dating ng pagtatanong nito sa kaniya kanina.

"Forget about what I said earlier, I'm going there right now,"mas lalong nagsalubong ang kilay niya.

"Akala ko ba may gagawin ka pa?"

"Forget it, I'm going there, bye love you."

*Tot

Napaawang ang labi niyang tiningnan ang sariling cellphone, hindi niya maiwasang magtaka sa inasta ni Ian. Para bang nagmamadali ito at kung ano ang gustong maabutan matapos niyang ipaalam ang presensiya ng doktor.

"Is there anything problem Mrs. Watson?"awtomatiko niya itong nilingon at muling nilapitan.

"Ah...nothing doc,"naisagot nalang niya.

"Okay,"nakapamulsa itong tumagilid sa kaniya kaya binalingan na lamang niya ang kapatid.

"Kuya, are you okay?may kailangan ka ba?" tanong niya.

Pero kagaya kanina ay hindi ito nagsalita, tumitig lang ito sa kaniya ng ilang segundo saka bumaling sa iba. Sa pagkakataong 'yon ay naramdaman niya ang lamig ng pakikitungo nito.

Napaismid nalang siya nang maisip na kagigising ngalang nito ay nagsusungit na agad.

Uupo na sana siya nang bigla bumukas ang pinto. Lahat sila ay awtomatikong napalingon dito. Nakakunot-noo niyang tiningnan si Angel na humahangos na pumasok.

"Angel?what are you doing here?"gulat niyang tanong na napalapit rito.

"Where's Ian?how is he?"hinihingal nitong tanong, mas lalong siyang naguluhan.

"Si I-ian?b-bakit?may nangyari ba?"

"Where is he?"

"What do you mean?"

"What do you mean by what? I'm asking if where is he!"biglang lumakas ang boses nito.

"He's not here,"nagpipigil niyang sagot.
Pero hindi maalis sa isip niya ang pagtataka.

"Why you're looking for him?" Muling tanong niya. "How could you asked me that kind of question? he's with you!how come you didn't know about his whereabouts?!"galit nitong balik sa kaniya, hindi niya inaasahan.

"I don't understand you Angel,"pinakalma niya ang sarili at pilit na itinago ang namumuong inis sa loob.

Ayaw niyang bumalik sa puntong ituturing na naman nilang karibal ang isa't isa.

Nagtataka pa'rin kasi siya sa biglaang pagsulpot nito, mas lalo rin siyang nagugulahan sa sinasabi nito, bigla tuloy siyang nakaramdam ng pag-aalala para sa asawa.

"I was told he's in the hospital, anong nangyari?"

"What?!"gulat niyang tanong.

"You don't know?!what kind of wife you are?!"biglang sigaw nito, natigilan siya.

"Angel, that's too much."Pumagitna si Kate.

"What?!"inis nitong baling sa kaibigan.

"Anong what? can't you see yourself?why don't you explain yourself for being here in the first place...calmly,"si Kate.

"How can I calm down knowing something bad happened to Ian?"

"I appreciate your concern about my husband Angel,"singit niya. "But will you please calm down because I've just talked to my husband over phone call a minute ago,"nagtitimpi paring sagot niya.

Natigilan ito saka wala sa sariling nagbaba ng tingin sa lalaking nakahiga sa kama.

Dahan-dahang nilapitan ni Angel ang nasa hospital bed  at napapahiya nang makumpirmang hindi si Ian iyon.

Natuptop niya ang bibig at napapahiyang tumingin kay Yuri.

Bumuntong-hininga si Yuri bago muling nagsalita.

"Sino bang nagsabi sa6yo na naaksidente si Ian?"tanong niya.

Napalunok siya nang maalala ang pagbisitang ginawa kanina sa bahay nila Ian.

Earlier...

"Ma'am, Angel napadalaw po kayo?"It was Manang Ising if she's not mistaken.

She gaved her a warm smile before answering. "Hi Manang, I'm here to see Ianah I heard she got home yesterday and I have to see Ian, I didn't see him in Del Watson. I have to inform him that my Father has arrived and his presence is needed in the company right now,"nakangiting sagot niya.

"Ay naku po Ma'am, wala po rito si Sir,"unti-unting nawala ang ngiti niya at umayos ng tayo bago muling tiningnan ang Ginang.

"What?where is he then?"

"Nasa hospital po  "Mabilis na nanlalaki ang mata niya sa narinig.

"What?!how about Yuri? where is she?!"

"Syempre naroon din po sa Hospital nagbabantay,"hindi niya napigilang takpan ang bibig at nanlalaking tiningnan ang Ginang.

"Why? what happened?!"bulalas niya.

"Naaksidente po kasi si-

"Oh my god!"natuptop niya ang bibig at hindi na tinapos ang sasabihin ng Ginang saka dali-daling bumalik ulit sa sariling sasakyan.

"So I immediately got my way here,"napapakamot nitong tinapos ang pagkukuwento.

Napapikit si Yuri at hindi alam kung ano ang magiging reaksyon.

Hindi niya alam kung matatawa siya kay Angel dahil sa kaO-Ahan nito na hindi manlang muna pinatapos si Manang Ising sa pagsasalita at agad na nagtungo sa Hospital.

O maiinis dahil sa mga pinagsasabi nito sa kaniya kanina dahil sa sobrang pag-alala para sa asawa.

O mababadtrip dahil hindi niya maiwasang isipin ang dahilan ng pagkakaganito nito...

Na may pagtingin pa'rin ito kay Ian kahit na sabihin pa nitong kaibigan nalang sila.

"I-I'm sorry,"nagbaba ng tingin si Angel at wala siyang nagawa kun'di ang magpasensiya at idaan nalang sa buntong-hininga ang hinuha.

"But, where is he now?"mahinhin na nitong tanong.

Gusto niyang kumalma, ayaw niyang magsalita sana dahil pakiramdam niya ay nakikipagplastikan nalang siya kay Angel. Sa pagkakataong iyon ay nanghihinayang din siya sa pagkakaibigan na no'oy unti-unti ng nabubuo sana.

"He's on his way here,"sagot niya na lamang pero daglian ding napatingin sa katabing doktor ng marinig niya ang pagtawa nito.

Nagsalubong ang kilay niya maging ang mga taong naroon.

"Excuse me?who are you?" Napapailing ang tingin niya kay Angel dahil sa pagtataray na tanong nito kay Doc. Ivan.

"Uhm, Angel he is Doc Ivan Eunro, Doc this is Angel...g-good friend of my husband,"wala siyang pagpipilian kundi ang ipakilala ito, nanatiling nasa tabi si Kate.

"So you mean, friend of your husband?so you're not friends?" Nakangising tanong sa kaniya ng doktor, hindi siya agad nakasagot.

"Just kidding,"anito bago pa siya makasagot saka binalingan si Angel.

"I like the scene its kinda amusing." Tumatawa itong muling tumingin sa kaniya.

"By the way, I have to go, excuse me ladies,"hindi na niya nagawang ngumiti nang tuluyan na itong naglakad palabas.

"That bastard!"mahina man ay rinig niyang singhal ni Angel.

Napabuntong-hininga nalang siya na tumingin sa kapatid.

"Hihintayin mo pa ba siya?" Si Kate ang nagtanong kay Angel.

"Kung gusto mo pang sabihin kay Ian ang sadya mo, alam na niya ang tungkol sa bagay na 'yon." Pagsasalita niya na bahagyang tumagilid upang harapin si Angel.

"Okay..I...I think I have to go...m-may kailangan pa pala akong gawin..uhm...I hope your brother get well soon Yuri."

"Thanks Angel." Tipid niyang ngiti.

"I...I have to go."

"Take care."

"Kate?"

"Ingats "

"Thank you." Bago ito tuluyang umalis. Awtomatikong napatingin sa kaniya si Kate.

Nagkibit-balikat na lamang siya at hinayaan na maglayag ang isip.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top