Chapter 23:The Night When They First Met
CHAPTER 23. THE NIGHT WHEN THEY FIRST MET
"Why don't you take a rest, hon?instead of doing all this things, the maid can do it anyway." Pangatlong beses nang pangungumbinsi ni Ian kay Yuri na talagang pinangatawanan ang pagluluto sa kusina.
Kanina pa niya itong kinukumbinsing magpahinga na lamang pero sadyang matigas nga ang ulo nito.
Ba't niya ba iyon nakakalimutan?
"Maayos naman na'ko, kahit kahapon pa ay mabuti na ang pakiramdam 'ko, saka hindi naman ako masyadong mapapagod nito, nand'yan sila Manang para alalayan ako,"sagot nito na sinulyapan lamang siya at itinuon ulit ang paningin sa pagkakalkal ng kung ano sa loob ng ref. Kasalukuyan siyang nakaupo sa stool at Nakapangalumbaba sa ibabaw ng countertop habang pinagmamasdan ito.
Dahil sinabi niyang uuwi si Ianah at katulad nang sinabi nito no'ng nasa Vacation sila, ipaghahanda ni Yuri ang kapatid. Gustuhin man niya ay nag-alala siya, lalo pa't iba na ngayon ang sitwasyon at may dumagdag pang iisipin nila.
He know that his wife has been thinking a lot of random things, but then he can't do something about it.
Ngumiti si Yuri ng malapad upang muling kumbinsihin si Ian na ayos lang naman siya, alam niya kasing hindi ito kumbinsido.
Oo may kaunting kaba siya na nararamdaman, nasa isip din kasi niya na baka hindi siya magustuhan ng kapatid ni Ian.
Syempre nais niyang maging maayos din ang pakikisama niya sa kapatid ng asawa, kung noon siguro na una pa lang silang nagsasama ni Ian ay hindi niya ito gaanong proproblemahin, pero dahil minahal na niya ang asawa at pormal na siyang naging parte ng pamilya, marapat lamang na maging maayos din ang relasyon niya maging sa kapatid o natitirang pamilya nito.
"Fine,"anang asawa, dahilan para mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya.
"Ano ba ang paborito niyang pagkain?hmm, she's from Paris kaya usually mga french dishes ang mga natitikman niya. So, I think mas mabuting Filipino foods ang ihanda natin dahil sigurado ako namiss niya ang mga 'yon,"suhestiyon niya na sunod namang binalingan ang pagbubukas ng mga cabinet at pagtitingin kung ano ang maaring isama niya sa pagluluto.
"She's more into desserts, anything that taste's sweet, she always ask that request whenever she returns from Paris," sagot ni Ian.
"Talaga?"namamanghang tanong niya.
Tumango ito. "Masarap nga 'yan lalo na't mainit ngayon—ah!"biglang napaayos ng upo si Ian nang tila mayroon na siyang naisip.
"Okay, alam 'ko na ang gagawin 'ko." Excited pa niyang dagdag. Hindi tuloy maiwasan ni Ian na mapangiti habang pinagmasdan si Yuri.
"What do you decided to cook then?"pa na tanong ni Ian.
"Hindi naman masyadong pagluluto pero Mango float ang balak 'kong gawin, simpleng-simple lang." Ngiti'ng ngiting aniya.
"Yeah, it sounds delicious," komento ng asawa. Mas lalo tuloy nadagdagan ang kumpiyansa niya sa sarili.
"Oum, masarap talaga 'yon! naalala ko paborito din 'yon ni kuya at no'ng ex-girlfriend niya dati hihi." Bumungis-ngis siya matapos 'yon pa ang naalala.
"Baka kasamang umuwi ng kuya mo ang asawa niya, why did you think the favorite of his ex-girlfriend instead?"
"Psh, hindi naman kasi 'to para sa kanila kun'di para sa kapatid mo, saka naalala ko lang sila dahil sa Mango Float," nakanguso niya agad na pangangatwiran.
"Okay,"tumango-tango na lamang si Ian.
Talagang nakatunghay lang siya at pinapanood ang bawat kilos na ginagawa ni Yuri. "Uhm, what about your brother? aren't you going to prepare anything for him?" Nagsimula siyang magtanong kamakailan.
Tumitig sa kaniya si Yuri at hindi agad nakasagot, dahilan para saglit silang matahimik pareho. Ngumiti na lamang siya kahit hindi rin siya sigurado kung may mali ba sa tinanong niya.
"Kahit kasi ipagluto 'ko pa siya ng paborito niyang pagkain, alam 'kong sasama pa'rin ang loob niya." Puno ng panglulumong saad nito na nagbaba ng tingin.
"I know but...still, we can't ignore the fact that he's coming. It's been a while since you seen each other, right?"sa halip na tanong na lamang niya. Hindi niya inaasahang matatawa ng bahagya si Yuri dahil sa sinabi niya.
"Five months, hindi pa nga nangangahalati ng isang taon," natatawang patuloy nito, umawang ang labi niya dahil sa narinig.
"I thought it's been years..." Naibulong niya.
Natawa ito. "No'ng nakaraan lang kasi siya nadisteno sa Amerika dahil sa trabaho, at dahil kasal na siya wala siyang choice kung hindi mag migrate do'n, hindi naman ako puwedeng sumama dahil andito ang trabaho 'ko at hindi 'ko basta-bastang maiiwan ang mga kaibigan "ko."
"This is the first time na nagkahiwalay kayo?"muling tanong niya, mabilis na tumango ang asawa.
"Gano'n kami kalapit ni Kuya,"pagbanggit nito. "Kasi simula pa no'ng bata kami, kami nalang 'yong magkasama. Maaga kasi namatay 'yong parents namin tapos habang nag-aaral siya nagtatrabaho din siya. Alam mo ang sipag-sipag ng kuya ko na ultimo gabi ay ginagawa niyang araw dahil nagtatrabaho pa'rin siya. Kaya bilang kapalit, nag-aaral din ako ng mabuti, nirereject ko lahat ng mga manliligaw 'ko dahil naniniwala akong madidistract lang ako sa pag-aaral at mahahati ang priorities 'ko, para makaiwas ay iniwasan 'ko na rin." Natahimik at tumango-tango na lamang siya.
"Kaya mas lalo akong nag-aalala, nagkalayo lang kasi kami ng ilang buwan nauwi na'ko sa ganito." Mapaamang siya at hindi na naman nakapagsalita.
Parang may kung anong lumukob na naman sa kaniya, ramdam na talaga niya ang pagbabalik ng nakaraan.
Totoo ngang walang sikretong hindi nabubunyag, pero nais niyang hilingin na sana 'wag lang muna ngayon dahil hindi pa siya handa.
Yuri is busy mixing at nang pagbubukas ng mga condensed milk, she's busy putting the layers of grahams habang nakikipagkuwentuhan rin kay Ian.
"Pero kung ano man ako ngayon, syempre hindi ko pinagsisisihan 'yon. Lalo pa't nakilala kita at magiging Ina na'ko soon," Nakabawi at maaliwalas na pagdurugtong ni Yuri. Inaamin niyang naibsan no'n ang pag-aalalang nararamdaman niya.
Sa ilang sandaling pag-uusap nila ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mapait na ngumiti at tumango bilang pagsang-ayon. Ang pangamba at matinding guilt ay muling bumabalik sa kaniya, hindi niya magawang sabihin at aminin kung ano talaga ang nangyari ng gabing 'yon.
"You never mentioned about this, but still I want to ask. Bakit ka pumunta sa Bar that time?"ginawa niyang natural ang ekspresiyon ng maitanong 'yon.
Nangunot ang noo at nagtataka si Yuri na nag-angat ng tingin kay Ian.
"You mean that time we first met at the bar?"paniniguro niya, kalmadong tumango si Ian.
"Oh...that time, nagalit ako kay Kuya. Well, hindi naman 'yong as in sobrang galit, siguro nagtampo or nabadtrip lang." Kibit-balikat pa niya.
"Bigla niya nalang kasi sinabing aalis na siya, ni hindi pa nga kasi ako nakakamove-on sa biglaang pag-asawa niya tapos aalis siya at hindi naman ako kasama. And I thought being drunk that time will change everything and will stop him, gusto 'kong maguilt siya na ganito magiging buhay 'ko kapag umalis siya. But then, I regret it dahil umalis pa'rin talaga siya. I knew to myself na hindi naman ginusto ng kuya 'ko 'yon so tinanggap 'ko na. Kaya ngalang huli 'ko nang narealize 'yon dahil nando'n na'ko sa bar na 'yon. Nagkataon lang siguro na bar ng kaibigan mo ang napuntahan 'ko. Hindi 'ko kasama ang mga kaibigan 'ko no'n kaya ako lang mag-isa, dahil hindi naman ang mga 'yon papayag na magpakalasing ako, kung alam siguro nila ede sana hindi ito nangyari." Nagbaba siya ng tingin sa sariling tiyan.
"Hehe, pero do'n din naman kita nakilala 'diba?so ayos nalang din." Nakangiting pagtatapos niya, nanatiling tahimik si Ian.
"Oo nga pala, I'm so drunk that time na hindi 'ko na naalala ang ibang nangyari, paano ba tayo nagkakilala?"dagdag na tanong niya.
Nagigitla si Ian na umayos ng upo bago nag-iwas ng tingin. Hindi niya iyon napansin dahil kasalukuyang nakatuon ang atensiyon niya sa paghuhulma ng layers at paglalagay ng topings.
Kinapa ni Ian ang sarili sa tanong ng asawa. He pull himself together trying to remember the last scene where he meet Yuri for the first time.
"Uhm,"he cleared a throat before continuing.
"We had a celebration that time, so I go there to see Aldrich, no'ng una hindi kita napansin. You were at the bar counter and busy arguing with one of the bartender. You keep on insisting to let you fill more glass of scotch which you look obviously drunk so I stop the bartender to give you one more." Paunang pag kukuwento niya, habang nakikinig ay abala din si Yuri sa paggawa ng dessert.
"Then nagalit ka sa'kin dahil pinigilan kitang uminom," natatawa pang pagdurugtong niya.
"Well, siguro maiintindihan 'ko ang sarili 'ko dahil pakialamero ka,"singit ni Yuri sa kabila ng pagkukuwento niya. Napangiwi na lamang siya bago nagpatuloy.
"And when you look at me...you look so innocent and soft. I remember how red your face on that night, halatang hindi ka palainom." Napangisi siya.
"At sinamantala mo naman? tsk tsk tsk, 'di porke mukha akong inosente ay dinala mo na agad ako sa kuwarto." Pahapyaw na pagbibiro nito.
Saglit naman siyang natigilan sa pagsasalita, nakangiti si Yuri nang sabihin iyon. Alam naman niyang biro lang iyon pero pakiramdam niya ay may ibang laman ang sinabi ng asawa.
"I-I'm not like that..."mahinang usal niya. "Saka hindi naman gan'on ang nangyari," Pagtatama pa niya.
Natigilan si Yuri sa ginagawa at nakakunot-noong sinulyapan si Ian dahil sa sinabi nito.
"A-anong nangyari?" Nagtatakang tanong niya.
Saglit munang natigilan si Ian bago nagpatuloy.
"Naniningkit kang tumingin sa'kin. And then you started telling stories like what you did to your high school teacher. Na you basted him kasi ang tanda na niya para manligaw sa'yo, and you have your super crush looking Korean classmate na naging M.U mo pero hindi kayo nagkatuluyan kasi ayaw sa kaniya ng kuya mo. That you did everything for your brother but he ended up leaving you behind. I honestly don't pay attention that time because I don't know you, but I just realized it now na even I'm not looking at you. I still remember your words and presence, it's quiet remarkable and unforgettable," wala sa sariling usal niya na tinapos ang pagkukuwento nang nakangiti.
"Anong nangyari pagkatapos?"patuloy na tanong ni Yuri.
"Someone called me that time, then you suddenly disappear in my side. Ang sabi ng bartender ay umalis ka raw dahil gusto mong magsayaw, and nakita nga kitang nakikipag-agawan ng puwesto sa dance floor. You keep on pushing everyone to move away because you're going to dance and have fun. I don't know, but I have that feeling that you need me and I have to help you, kasi siguro ako ang una mong nakausap...and I consider myself that were connected to each other the moment you speaked with me." Mas bumaba ang tono ng boses niya.
"I tried to ask you where you live and all...pero wala kang ginawa kung hindi ang ngumiti sa'kin at purihin dahil ang guwapo 'ko,"napapailing pa niyang patuloy.
Namula sa pagkapahiya si Yuri, nais niyang patigilin ang asawa sa pagkukuwento dahil pakiramdam niya unti-unti nang nawawala ang dignidad niya.
Jusko Yuri, anong pinaggagawa mo sa buhay mo?
Nahihiya man ay hinayaan na lamang niyang magpatuloy ang asawa dahil nais niyang malaman ang mga nangyari.
"So I have no choice but to ask Aldrich let you stay on his inn, we usually stay on his Bar kaya nagpagawa na'rin kami ng mini pad where we can stay. I let you in para makatulog kana, hindi ka'rin kasi kilala ng mga taga bar na nando'n dahil 'yon ang unang beses na nakita ka nila. We tried to open your phone pero nakalock din. You see...I let you stayed in my own room and leave you there," huling sabi niya. Napakunot-noo si Yuri sa sinabi niya.
"You leave me there? then how did we..."hindi naituloy ni Yuri ang balak sabihin dahil naiilang siyang banggitin ang bagay na 'yon.
"Binalikan kita..."Ian continued. "But when I saw you... you're..."
*Bzzzz *Bzzzz
Hindi na nagawang ipagpatuloy ni Ian ang balak na sabihin dahil muling nagring ang cellphone niya.
Napasinghap si Yuri at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Tumayo si Ian para sagutin ang tumatawag na si Ianah.
"Okay na'to, ilalagay 'ko nalang sa freezer," wika ni Yuri, tumango naman siya saka sinagot ang kapatid.
"I'm kind'a going to be late. I was bound with traffic right now. Pshh! this is why I dislike Philippines to live with." Pasinghal nitong usal, bakas na bakas ang irita sa tono.
"It's okay, were also preparing something here so take your time,"sagot niya.
"Preparing, huh?parang gusto 'ko na tuloy umuwi d'yan, naexcite ako bigla."
"Tss, stay there sister, let us also take our time."
"Fine, but it's getting hot here. Nakaturtle neck coat pa naman ako and I'm getting sweaty."
"If you're going to keep on complaining, you can't really live here, kaya ka naiiwan ng mga ex-boyfriends mo e."
"How dare you?"
"Tss, later sister, Bye."
"Humanda ka sa'kin mamaya—"
*Tot
Siya na ang nagpatay ng linya.
Muli siyang bumaling sa asawa pero naabutan niya itong nakakunot-noo at may kausap din sa telepono.
Nanghihina itong ibinaba ang cellphone at tumingin sa kan'ya.
"What's wrong?"takang-tanong niya na nilapitan ito.
"Si K-kuya..."
"What about him?"
"N—nasa hospital siya." Nagsisimula na itong umiyak.
"W-what?"tameme siyang tumingin sa asawa.
"What happened?"naguguluhan niyang tanong.
"Naaksidente siya." Nagmamadaling hinubad ni Yuri ang apron saka naglakad palabas ng kusina.
"Wait hon, I'm coming with you."Agad siyang sumunod.
"Manang kayo na ang bahala sa Mango Float, aalis kami." Baling ni Yuri kay Manang Neneth.
"Ah Ma'am—"
"I'm going to take care of her, kayo na bahala rito,"si Ian ang sumagot nang dali-daling lumabas si Yuri.
Patakbong sumunod si Ian at nagtungo sa garahe.
"Hon, slowdown. Saang hospital siya dinala?"
"Kung saan din ako naconfine, Ian please bilisan na'tin!"
"O-okay, don't worry."
Mabilis silang sumakay at umalis upang magtungong Hospital.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top