Chapter 20: The Bad News

CHAPTER 20. THE BAD NEWS!

Friday

"Mabuti naman ho at maayos lang ang lagay ninyo, sobra po kaming nag-alala dahil sa nangyari." Nakatunghay sa kanila sina Manang Ising, Neneth at Diosdado. Pareho naman silang napangiting dalawa.

"Thank you Manang,"sinserong saad niya na nilingon ang nakangiting si Ian.

Iba ang pakiramdam niya nang makauwi na sila. Parang do'n niya lang naramdaman ang pakiramdam na isang bagong kasal. Sa totoo lang, 'yon ang naiisip niya habang magkahawak-kamay silang naglalakad papasok ni Ian ng Mansion.

"Ay hala, maupo na muna kayo at magpahinga...may gusto po ba kayong ipaluto Ma'am?"tanong naman sa kaniya ni Manang Neneth na iginiya siya para maupo.

Nakakunot-noo niyang nginitian ang Ginang."Ayos lang po ako, kung tutuusin puwedeng-puwede na nga po akong tumulong sa pagluluto e,"aniya.

"Ay naku, 'wag niyo na munang isipin 'yon at ang importante ay hindi na ulit kayo mastress, mabuti nalang talaga at malakas ang kapit ng bata,"nakadaop ang parehong palad na usal ni Manang Ising nang sabihin iyon. Hindi niya mapigilang matawa sa naging reaksyon nito.

"Yeah, they are very strong...just like their Mom,"nakangiting singit ni Ian.

"Hehehe, naku pasalamat nalang talaga tayo sa diyos,"tuwang-tuwa pakisabay rin ni Mang Diosdado.

Natutuwa siyang pagmasdan ang mga ito, masarap sa pakiramdam na mayro'ng nag-alala para sa'yo mula sa malayo at kahit hindi rin naman kayo magkaano-ano. Masaya siyang malaman na kahit ilang linggo palang niya kasama ang mga ito ay mayroon na silang nabuong mabuting samahan, talagang masarap sa pakiramdam.

Tanghali na no'ng madischarge siya, kaya dapit hapon na'rin sila no'ng makauwi, hindi naman siya nagugutom dahil kumain muna sila bago umalis.

"Siya nga pala Ma'am, may tumawag po dito no'ng nakaraang gabi."
Biglang banggit ni Manang Ising na mabilis niyang nilingon.

"E, kasi nga po naiwan niyo 'yong cellphone niyo, pasensiya na po kung pinakialaman 'ko, tawag po kasi ng tawag, ayaw tumigil baka kako importante kaya sinagot 'ko na, tinatanong po kung nasaan kayo, hindi naman po namin nasabi kung saan dahil nga po nawawala kayo no'ng araw na 'yon." Umarko ang kilay niya at umawang ng bahagya ang labi, wala siyang ideya sa sinasabi ng Ginang.

Bago pa siya makasagot ay naunahan na siya ni Ian.

"Sino po ba ang tumawag?"curious nitong tanong. Binalingan niya nalang ulit ang Ginang dahil 'yon din naman ang itatanong niya.

"Ah, 'yong pangalan..."umastang nag-isip si Manang Ising.

Bago pa ito makapagsalita ay napabuntong-hininga nalang siya habang palihim na nakangiti. Naalala niyang ito rin ang nagsabi sa pagbisita ni Angel sa kanila. Pero hindi nito nagawang isaayos ang pangalan ng bisita, baka gano'n din ang mangyari ngayon.

"Yuwan po ata basta ang sabi niya kapatid niyo daw po siya,"awtomatikong nawala ang ngiti niya at nanlalaki ang matang tumingin sa Ginang.

"Who?"gulat niyang tanong.

Bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig.

"Your brother, hon?"tanong sa kaniya ni Ian na hinawakan siya sa balikat.

"Yeah, it's my e-elder brother,"parang tinakasan ng siglang sagot niya.

Parang nawala ang kalahati ng enerhiya niya kanina, nanlulumo siya sa narinig at hindi alam kung anong ang magiging reaksiyon.

"What's wrong hon? what's the problem?" Dahan-dahan niyang tiningnan si Ian.

"Hindi niya pa kasi alam ang tungkol sa'tin at ang pagbubuntis 'ko e,"nanghihinang bulong niya na muling bumuntong-hininga.

Hindi niya narinig na may sinabi pa si Ian kaya muli niya itong sinulyapan.

Magsasalita na sana siya nang bigla itong humarap sa Ginang. "Ano daw ba ang kailangan niya?"

Nakabuntong-hininga nalang niyang binalingan si Manang Ising.

"Wala naman po siyang ibang sinabi, tinatanong lang po niya kung nasaan si Ma'am baka ho nangangamusta lang."

"What did you say Manang?"nag-aalalang tanong na dagdag niya.

"Na...nawawala po kayo,"nag-aalinlangan nitong baling sa kaniya.

Biglang lumaglag ang panga niya dahil sa narinig.

Maging si Ian ay nakita niyang nakapandihawak na hinilamos ang mukha.

"Bakit...?"Halos walang tinig niyang naibulong 'yon sa hangin.

Nakapanglulumo sa katawan ang dala ng balitang narinig.

"Pasensiya na ma'am, nagpapanic na po kasi kami ng mga oras na 'yon e."

Napahawak siya sa sentido at hindi na'rin nakagalaw.

"Manang naman po e...akala ko ba pagpapahingain niyo'ko?"Mangiyak-ngiyak niyang reklamo.

Naitikom nito ang bibig at muli siyang bumuntong-hininga nang nakapalalim.

Anong gagawin 'ko?baka umuwi na'yon agad dito, O.A pa naman din ang isang 'yon.

"Uuwi raw po siya agad,"dugtong nito na mabilis siyang napaharap habang nanlalaki ang mata.

"Ano?!kailan?!"napatayo niya agad na tanong.

"Hon, calm down,"nararamdaman niya ang paghawak ni Ian sa balikat niya, tuloy ay napaharap siya rito.

"Ian..."baling niya sa asawa. "Hindi mo kilala 'yong kuya 'ko, sigurado akong magwawala 'yon kapag nalaman niya ang tungkol sa'tin at sa magiging anak natin,"kahit naghehestirya na siya ay pinanatili niya ang mahinang boses.

"Okay, just calm down we will get through with this. Stop worrying and stressing yourself it's not good for the baby,"natigilan siya saglit bago napagtanto ang sinabi ni Ian. Kaya huminga siya ng maluwag at pilit na pinakalma ulit ang sarili.

"Tama si Kate, dapat sinabi 'ko na sa kaniya noon palang e,"mahinang bulong niya na muling napaupo.

"Manang, Manong iwan niyo muna kami." Rinig niyang sabi ni Ian sa tatlo saka siya tinabihang maupo.

"Hon, what's wrong?if you're worried about your brothers reaction then we can explain our selves to him." Usal nito sa kaniya. Humarap siya rito pero hindi na'rin niya nagawang magsalita.

Tila habang patagal ng patagal ay nauubos ang enerhiya niya sa katawan. Bumuntong-hininga nalang ulit siya at sandaling pumikit.

"Ayoko lang madisappoint ang kuya ko ng gan'to..."usal niya mayamaya.

"Ilang taon kaming hindi nagkita at kahit malayo siya ay inaalala pa'rin niya ang kalagayan 'ko,"malungkot niyang patuloy at natahimik naman si Ian.

"Then I think we just have to convince him that we really want this marriage, that we both agreed to it."

"E, pareho naman na'tin talagang ginusto 'to,"wala sa sariling usal niya.

"What I mean is...we got married because we really love each other ever since, like we're really couples."Natahimik siya sa sinabi nito.

Hindi siya kumbinsido roon, kahit alam niyang mas mapapagaan no'n ang posibleng galit ng kapatid niya ay ayaw pa'rin niyang madagdagan ang naging kasalanan.

Ngayon pa nga lang ay hinahabol na siya ng konsensiya baka ikamatay na niya ang sobrang guilt. Isa pa, kailanman ay hindi pa siya naglihim sa kapatid...kaya mas lalo siyang naguguilt sa mga nangyayari.

Napayuko siya at pilit na nginitian si Ian.

"Hindi na'tin puwedeng gawin 'yon, dahil alam ni Kuya na kailanman ay hindi pa'ko nagjojowa, no'ng nakaraang buwan nga lang kami naghiwalay e, mas magiging komplikado 'yon."Ngumiti siya ng tipid.

"Sa tingin ko kailangan 'ko muna siyang tawagan,"aniya saka tumayo. Tumango lamang si Ian.

Bahagya siyang lumayo sa asawa. Ayaw niyang marinig nito ang pag-uusap nilang magkapatid. Medyo laitero kasi ang kuya niya at mahilig magbanggit ng mga nakakahiyang bagay nila noon lalo na no'ng mga bata palang sila. 'Yon ang way ng kuya niya para hindi nila maramdaman ang agwat kahit magkalayo na sila.

Habang tinatype ang numero ng kapatid ay ilang beses siyang bumuntong-hininga. Hindi niya tinatawagan ang kuya niya no'ng nakaraan lang dahil nga may sama ng loob parin siya rito. Pero dahil may nagawa siyang kasalanan ay nabalewala na iyon, ang rason nalang niya sa pag-iwas ng mga tawag nito dahil natatakot siya. Ayaw niyang patuloy na magsinungaling sa kapatid at patuloy na madagdagan ang guilt na nararamdaman.

Suminghap siya ng hangin bago pinindot ang call button.

Kasabay ng ilang rings ay unti-unti naring pamamasa nang magkaparehong palad niya. Mas lalo siyang kinakabahan habang iniisip ang mangyayari sa sandaling magkaharap-harap na sila.

Tuloy ay mas lalo siyang nanlumo nang biglang sumagi sa isip niya ang huling pag-uusap nila ng kapatid.

Flashback

"How are you there? sigurado ka bang ayaw mong sumunod dito?I can book you a ticket right away if ever you change your mind."

"I-I'm fine kuya, isa pa alam mo namang may business ako dito 'di ba?hindi 'ko naman pwedeng maiwan ang mga kaibigan ko dito," nakangiwi niyang sagot na nilingon ang mga nakabantay na kaibigan.

Lahat ng mga ito ay pinanlakihan siya ng mata, siguro ay naririnig din ng mga ito ang pasungit niyang sagot sa kapatid.

"Psh,"mahinang singhal niya na tumalikod sa mga ito.

Kahit labag sa loob niyang sagutin ang tawag ng kapatid. Fresh na fresh pa kasi sa utak niya ang ginawa nitong pang-iiwan at biglang pag-aasawa, kung hindi ngalang dahil sa mga makukulit niyang kaibigan ay hindi na naman niya sinagot ang tawag ng kapatid.

Narinig niya ang matunog na pagbuntong-hininga nito. "I just can't stop thinking of you. Nagi-guilty ako dahil naiwan kita riyan, pakiramdam 'ko lagi akong pinapagalitan nila Mama at Papa dahil napapabayaan kita, pakiramdam 'ko hindi 'ko nagagampanan 'yong pinangako 'ko sa kanila... I'm sorry." Natigilan siya dahil sa narinig. Bigla niyang naramdaman ang panglulumo sa at lungkot sa boses nito.

"Kuya..."siyang nasabi niya. Bumuntong-hininga nalang siya saka nagpatuloy.

Mamaya na ang sama ng loob Yuri.

"Ang dami na ng mga nagawa mo para sa'kin..." Pakiramdam niya ay nanunubig na'rin ang mga mata niya.

Kasi naman totoo e.

"Kung ano ang natapos at narating 'ko ngayon...'yon ay dahil kahit kailan hindi mo 'ko pinabayaan." Nakagat niya ang labi at pumikit. "It's just that, nasa tamang edad na'ko para kumilos para sa sarili ko naman."Huminto siya saglit."It's my turn to take a step on my own knees,"nakabuntong-hiningang dugtong niya.

"Tss, kahit na nasa tamang edad ka na you will still be my baby sister, walang magpapabago n'on,"napasimangot siya.

Sabi na e!inaartehan lang ako nito dahil alam niyang magiguilty na naman ako!

Tuloy ay ang mga kaibigan niya ang binalingan niya at ang mga ito ang masamang tinitigan.

"Kuya!"naiiritang pagtawag niya.

"Tigilan mo na nga ang pagtawag sa'kin niyan!psh!ang tanda-tanda 'ko na e!"

"Paano 'ko tatanggapin na malaki ka na? hangga't hindi ka naikakasal ikaw pa'rin ang baby 'ko."

"Psh, ede magpapakasal na'ko."Wala sa sariling sagot niya. Bigla namang tumahimik ang nasa kabilang linya.

"Hindi minamadali ang pagpapakasal Yuri, hindi ka puwedeng basta-basta nalang magpatali sa isang tao ng hindi ka handa. Lalo na kung hindi mo ginusto ang pagpapakasal mo, ang pakikipag-isa sa isang tao ay hindi lang basta biro. Dapat pinag-iisipan at pinaghahandaan, kung ayaw mong magsisi sa bandang huli." Mas lalo siyang napanguso, ayon na naman ang kuya niya.

Talagang hindi nito palalagpasin na hindi siya mabigyan ng paalala tuwing nagkakausap sila. Kahit pa pabiro lang niyang sinasabi iyon, tuwing nababanggit ang pagpapaksal o pagpasok sa isang relasyon, lagi itong may sasabihin para ipaalala sa kaniya. Hindi niya ito masisisi dahil alam naman niya ang pinagdaanan ng kapatid sa nauna nitong relasyon.

"Ang seryoso mo naman kuya!"pagbabalik buhay niya sa usapan kanina.

"Syempre joke lang!psh!paano naman ako mag-aasawa ni hindi mo 'ko pinapayagang magboyfriend." Totoong nanunumbat siya.

"Noon 'yon dahil nag-aaral ka pa, 24 ka na naman ngayon kaya pumapayag na'ko." Biglang nagliwanag ang mukha niya.

"Pero dapat ay makilala ko muna 'yan bago mo sagutin ha."

"Psh!"naisinghal niya. Pero talagang natuwa siya sa sinabi nito.

"Bakit ikaw ikinasal ka agad na hindi mo sinasabi sa'kin?"pagbabalik niya sa usapan.

"'Di hamak naman na mas matanda ako sa'yo! I'm thirty years old, ayaw mo bang magkaroon na ng pamangkin?" Namangha siya sa sinabi nito, talagang gusto na nitong magkaanak, alam niya kung gaano kahilig ang kapatid sa mga bata.

Nakangiti siyang umiling. "Ayaw, dahil sila na ang magiging baby mo,"hindi niya akalaing sa tagal ulit ng panahon ay manunubalik ang pakikipag-asaran niya sa kapatid.

"Tss!ayaw na raw maging baby pero nagseselos naman, kahit kailan ang sama ng ugali mo!sarili mong mga pamangkin pinagseselosan mo?"ngumuso siya.

"Psh!bakit naman kasi kailangan pang maging mas maganda ang anak mo kaysa sa'kin!"

Buntis kasi ang napangasawa ng kuya niya nang maikasal ito. At kamailan lang ay nanganak na nga ang ate Brianah niya. 'Yon din ang dahilan ng pagtawag ng kuya niya ng ilang linggo niyaring iniiwasan. Nauna na niyang makita ang mga larawan dahil sa mga ipinadala nito.

"Aren't she's cute?may pagkakahawig nga kayo e no'ng maipanganak ka."

Tumaas ang kilay niya, ang kuya lang niya ang nakakaalam n'on dahil malayo ang agwat ng edad nila sa isa't-isa. No'ng mga sandaling napanganak siya, namatay din ang Nanay niya. At dahil 'yon sa panganganak sa kaniya.

"Bye na nga!" Bumabalik ulit ang lungkot niya habang inalala na siya ang dahilan ng pagkakamatay ng Nanay niya. Ayaw niyang mahulaan na naman iyon ng kapatid.

"Oy, tatawag ulit ako next week tandaan mo 'yan." May pagbabantang anito.

"Oo na!oo na!"

"Ayaw mo bang makita ang pamangkin mo?"

"Nakita ko na siya sa picture, psh."

"Selosa"

"Hindi noh-

"Okay, take care sis."

"Aish Kuya!"

"Bye!love you!"

"Psh!"

At nawala na ito sa linya.

Kahit kailan, kapag nararamdaman ng kapatid niya na ibaba na niya ang linya ay lagi siya nitong nauunahan.

Pero sa kabila no'n ay naramdaman niya ang pag gaan ng pakiramdam.

End of flashblack



Tuwing maalala niya ang huling pag-uusap nila ng kapatid at ang mga paalala nito, mas lalo siyang nakokonsensiya. Her brother was even blaming himself for leaving her alone even she knew to herself that what he did is more than enough to thanked of.

Hindi lingid sa kaalaman niya ang kagustuhan din nitong isagawa ang dream wedding nilang magkapatid para sa kaniya, at ang makadalo at maihatid siya sa altar sa mismong kasal niya. Mula paman noon ay 'yon na ang bukang bibig at pangako sa kaniya ng kapatid.

Pero ngayon...

Wala na...

Nasira na ang lahat...

At dahil 'yon sa isang pagkakamali...

Hays...

Napatingin ulit siya sa Cellphone, ring lang iyon ng ring hanggang sa huminto iyon.

Napakunot-noo siya.

Bakit hindi sinasagot ni kuya?

Napalingon nalang siya sa asawa na nag-aabang sa kaniya.

"Hindi niya sinasagot,"wika niya.

"Maybe he's busy right now."

Hindi siya kumbinsido roon, dahil kung siya ang tumatawag isang ring palang ay sinasagot na nito.

Hindi niya mapangalanan ang kakaibang kaba sa katawan niya, parang mayamaya lang ay kung ano ang mangyayari.

"Look, maybe let's just wait for his call. Kung ayaw mong magsinungaling I'm ready to face the consequences...no matter what." Hinawakan siya ni Ian sa magkabilang pisnge at napatango naman siya.

"Let's rest for now, baka mastress ka lalo." Hindi na siya nagprotesta dahil 'yon talaga ang kailangan niyang gawin, ayaw na din niyang ilagay sa alanganin ang anak.

Huminto siya saglit nang igigiya siya ni Ian patungo sa kuwarto.

"Mas gusto 'kong magstay sa veranda,"wika niya. Tumango ang asawa at hinawakan siya sa beywang at iginaya sa labas.

Naupo siya sa upuan at mas lalong napabuntong-hininga.
"Do you want me to sing a song?"muli niyang nilingon si Ian. Napakaaliwalas talaga ng mukha nito kahit kailan.

Hindi niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang hitsura at kabuuan ng mukha nito. Mula pa kanina ay nararamdaman niyang nag-alala at kinakabahan na'rin ito. Hindi lang pinapahalata sa kaniya, nasanay na siya ron dahil ganitong-ganito din ito no'ng naroon pa sila sa Hospital. Nakangiti nalang siyang tumango-tango.

"Wait for me, I'll be back." Napapikit siya nang maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa kan'yang noo bago siya tinalikuran.

Habang pinagmamasdan ang likuran ni Ian ay gustong maluha ni Yuri.

"I'm sorry kuya for having another big mistake," wala sa sariling usal niya.

"But for having him...I'm happy that I made a mistake on that night, if ever I had the chance to change the past. I would still choose to meet him that night,"mapait ang ngiti'ng bulong niya sa sarili.

"Because just like him...it was the best mistake of my life..."

Muli siyang nagbaba ng tingin sa lumalaking tiyan.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top