Chapter 19: The Undiscovered Lovers
CHAPTER 19. THE UNDISCOVERED LOVERS
"I'm sorry to hear what happened to you, and for coming here this late. No one informed me about the incident, not including this guy." Nakaismid na tinapik ni Rocky si Ian sa balikat.
"Tch, you're out of the country dre, what can you do?" humakbang papalapit si Aldrich para ngiwian ang kaibigan.
"Yes I am, but you're the one who's here but even you has no idea of what happened," sagot ni Rocky.
Hindi na nagawang makapagsalita ni Aldrich dahil totoo nga naman iyon. Sa halip ay nilingon niya si Ian na napapailing sa kanilang dalawa.
"I was renovating the bar, didn't I tell you before you go?"pasimpleng muling nilingon ni Aldrich si Rocky.
"Psh,"singhal ni Rocky na napalingon kay Bry na magkakrus ang brasong nakikinig sa kanila.
"What about you?where have you been?"tanong niya sa kaibigan. Hindi ito kumibo sa halip ay nilingon si Ian.
"Don't ask, I'm here already," walang interes na sagot nito.
Napabuntong-hininga si Ian na nagbaba ng tingin sa kaniya.
"Ayos lang naman kahit hindi agad kayo nakadalaw 'di ba?'wag niyo nang alalahanin 'yon,"singit niya.
Kanina pa kasi siya nakikinig sa usapan ng mga ito, na para bang big deal 'yong hindi agad nila pagdalawa sa kaniya kahit na sa totoo lang ay hindi rin sumagi sa isip niya na dadalawin siya ng mga ito.
Nang wala siyang mahagilap na sagot ay nag-angat siya ng tingin kay Ian na nakatitig sa kaniya.
"'Di ba?"baling niya sa asawa. Tipid itong ngumiti sa kaniya saka bumuntong-hininga.
"Fine,"anito.
Nakapamulsang hinarap ang mga kaibigan. Nangunot ang noo niyang nilingon sila Rocky na tila nakahinga ng maluwag.
Anong meron?
"But you'll get the half if you missed my calls again." Nakaturo ang usal nitong tugon sa mga kaibigan, mas lalong lumukot ang mukha niya.
"Anong half 'yan?"tanong niya sa asawa na nagigitla siyang nilingon.
"It's about the resort in Cavite," nakangiting sagot ni Aldrich.
"And the Farm in Ilocos," sunod niyang nilingon si Rocky.
"And the Island in Palawan too," dugtong pa ni Bryan.
"Ha?" Umawang ang labi niya dahil 'don. Wala siyang kaide-ideya sa mga sinasabi ng mga ito.
"It's a business thing hon,"nakangiting sagot sa kaniya ni Ian.
"Ah." Tumango-tango na lamang siya.
"Ang totoo niyan naasar lang 'yan dahil hindi namin nasagot 'yong tawag niya," dagdag ni Rocky na umastang bumubulong sa kaniya.
"Tungkol saan?"curious niyang tanong.
"Shut up, dork." Pasimpleng tinapik ni Ian si Rocky sa tiyan.
"He called us the night when you're missing. Flooding us of text if where's Angel's new house. I really thought they're gonna hang out that night—"
"I said shut up." Tinakpan ni Ian ang bibig ni Rocky at hinila naman ni Aldrich ang kaibigan palayo sa kaniya.
"Don't mind them, how are you?"lumapit sa kaniya si Bryan at hindi pinansin ang tatlo sa likuran.
"Uhm, okay naman na, salamat sa pagdating." Nginitian nalang niya ito at napapailing na nilingon ang tatlo na parang mga batang pinagtutulungan si Rocky.
"What really happened? totoo bang hindi si Angel ang gumawa no'n sa'yo?"mahinang tanong nito, saglit siyang natigilan bago magkakasunod na umiling.
"Hindi, siya pa nga 'yong gumawa ng paraan para makawala kami. Siya talaga 'yong pakay ng mga magnanakaw, nagkataon lang na pumunta ako ro'n," mahinang sagot niya, tumango lamang ito.
"That's good then, I hope you get well soon."
"Salamat ulit Bry." Ngumiti ito nang muling lumapit sa kanila ang tatlo.
"By the way, where's Annie?"biglang tanong ni Rocky na inilibot ang paningin sa paligid.
Napaawang ang labi niya sa kawalan ng sasabihin, o mas tamang hindi niya inaasahan ang sasabihin nito.
"N-nasa Cafe pa sila, mamaya pa ata sila dadalaw dito," naisagot na lamang niya.
"Why you're looking for her?" curious na tanong ni Bry. Napalingon silang lahat kay Rocky, mukhang hindi nito alintana ang itinanong kanina.
"I'm just wondering," kibit-balikat nitong sagot.
"Wondering? it doesn't make any sense." Umismid si Bry at napailing naman siya.
"What? it's true, I'm just wondering cause she's her friend." Turo nito sa kaniya. "Natural lang naman na dapat nandito siya hindi ba?"palihim siyang natawa dahil sa pagpapaliwanag nito.
"Then why you're being particular?why not Kate or Jess?" Maging si Aldrich ay napataas ang kilay nang maitanong iyon.
"E, siya 'yong unang naisip 'ko, anong problema niyo?"halatang napipikon na sabi ni Rocky.
"So iniisip mo siya?"nanunudyo ang boses na tanong ni Ian.
"Psh!hindi 'yon katulad ng iniisip ninyo, okay?"
"E, ano bang iniisip namin?"sabay-sabay na tanong ng tatlo. Napaawang ang labi niya at bahagyang natawa.
"Shut up, I know your thinking, wala akong gusto sa kaniya, okay?wala," anito na piningot ang ilong sa inis.
Hindi niya maintindihan kung bakit imbes na malungkot sa sinabi nito ay nakaramdam siya ng tuwa, siguro dahil nakikita niyang taliwas sa sinasabi ni Rocky ang totoong nararamdaman nito.
Biglang natawa ang tatlo kaya hindi na'rin niya napigilan ang sariling makisabay.
"Tss, don't be too obvious,"si Bry.
"You know what?dahil sa sinabi mo, napaisip tuloy ako, hmm?"si Aldrich na umasta pang nag-iisip, halatang iniinis ang kaibigan.
"Shut up! andito pa naman si Yuri,"namumula nitong turo sa kaniya. Nagigitla siya bago palihim na natawa. "Nakakahiya sa kaniya 'yang ginagawa ninyo!"patuloy nito. Napapailing nalang siya, ayaw man niyang mag-assume, para sa kaibigan ay natutuwa talaga siya.
Bigla niyang naalala niya ang mga ginawa ni Rocky no'ng nasa vacation palang sila. Ang tahasan nitong pagsasabi ng saloobin kay Anne, lahat 'yon ay nakikita niya at naipagkukumpara na ngayon sa mga kilos ni Rocky. At dahil assumera nga siya ay gusto niyang sabihing may pagkagusto na'rin ito sa kaibigan niya, at gusto niyang magdiwang para kay Anne.
"Chill, masyadong mainit ang ulo mo, ngayon kalang ata napikon." Nagsalita si Ian na napapailing rin.
"Calm down, kung ayaw mong isipin namin ang dahilan ng pagkakagan'yan mo." Hindi niya inaasahang maging ang asawa ay magagawang makipag-asaran pa kay Rocky, na alam niyang ang kaibigan rin niya ang tinutukoy ng mga ito. Masaya siyang malaman na kung sakali ang dalawa ang magkakatuluyan ay suportado nilang lahat ang mga ito.
"Let him be, I bet his gonna lose his property the moment I set betting about his love life this year." Nakapamulsang lumayo si Aldrich malapit sa pinto.
"Mind you own property, a**hole!"sa halip na singhal na balik ni Rocky, natawa lang si Aldrich.
"Baka naman kasi natatakot, dahil alam niyang wala siyang pag-asa,"direstahan iyong sinabi ni Bryan. Mabilis siyang napalingon kay Rocky na saglit na natigilan.
"Huh, anong wala?psh, no one can resist the charm of Rocky Lee." Umayos ito ng tindig at taas-noong hinarap ang mas matangkad na kaibigan.
"Ede inamin mo ngang may gusto ka sa kaniya, " singit ulit ni Aldrich mula sa likuran.
"Sinabing wala e!"sigaw ni Rocky rito nang biglang bumukas ang pinto. Lahat sila ay nagugulat nang makita kung sino ang bagong dating.
"Anong nangyayari rito?"kunot-noong pumasok si Anne na may dalang isang paper bag.
"Annie,"mahina ngunit rinig niyang bulong ni Rocky na tila naestatwa sa kinatatayuan.
Gusto niyang matawa at bigyan ng korona ang kaibigan, nang makita palang ang hitsura ni Rocky sa bagong dating ay natuldukan na ang pag-aassume niya, talagang may gusto ito sa kaibigan niya.
"Anong nangyari sa'yo? Bakit sumisigaw ka?"mahinahon nitong tanong. "May nakapagsabi sa'kin na may natutulog na pasyente sa kabilang room,"aniya. "'Wag kang masyadong maingay dahil umaabot ang boses mo roon."
Lahat sila ay natawa dahil sa diresto nitong pagsasalita, siguro nga'y pagdating kay Rocky ay nag-iiba ang pakikitungo ni Anne. Sa totoo lang, gusto niyang matawa ng malakas.
"Sorry," napapahiyang sagot ni Rocky na naibaba ang paningin bago tumingin sa mga kaibigan at palihim itong simaan ng tingin.
"Ba't ngayon ka lang?"itatanong na sana iyon ni Rocky nang biglang humakbang si Anne papalapit sa kaniya. At dahil nahaharangn siya ni Rocky ay mistula itong nakipagpatintero sa daan, balak kasi siyang lapitan ni Anne pero nakaharang si Rocky.
Napakunot-noo silang lahat nang matagal iyon ng ilang segundo.
"Anong eksena 'yan?"hindi niya mapigilang bulungan ang asawa na nakibit-balikat rin.
"Ano bang nangyayari sa'yo?"pagbasag ulit ni Anne sa saglit na katahimikan, si Rocky ang kausap. Kakatwang sa mahinahong paraan iyon sinabi ng kaibigan.
"Bakit?" kunot-noong tanong ni Rocky. Lahat sila ay natahimik at tutok na tutok sa dalawa.
"Huh?anong bakit?"kunot-noo rin ni Anne bago nagbaba ng tingin sa paanan ni Rocky at suyurin ang kabuuan nito mula paa hanggang ulo.
"Uhm, dadaan ako, puwede bang tumabi ka r'yan?"mahinahon nitong sabi. Lahat sila ay palihim na natawa.
"Sorry,"napapahiyang tumabi si Rocky bago lumapit sa kaniya si Anne.
"How are you girl?ako na muna ang nauna dito dahil naiwan si Kate at Jess sa Cafe, ang daming customers e." Nakangiti nitong hinawakan ang kamay niya kaya napangiti siya.
"Ayos lang, okay na'ko, baka bukas madischarge na nga'ko, e," malapad ang ngiti'ng tugon niya sa kaibigan.
"Bakit?"nagtataka nitong tanong sa reaksyon niya. Sinenyasan niya itong mas lumapit pa sa kaniya, nagtataka man ay sumunod ito.
"May gusto ka ba kay Rocky?"walang alinlangan niyang tanong. Nanlalaki ang mata nitong mabilis na lumayo.
Ang O.A naman nito.
"Huh?uhm-w-wala ah,"nahihiya nitong sagot na nakaagaw ng atensyon ng iba pa.
"What's wrong?"tanong ni Rocky na sumilip sa kanilang dalawa.
"W-wala, 'wag kang mag-alala hindi ka namin p-pinag-uusapan," utal-utal na sagot ni Anne, gusto niyang mag facepalm.
"What?so pinag-uusapan niyo 'ko?"mas lalo siyang natawa sa sinabi ni Rocky.
Talaga namang... taguan ba ito ng feelings?Psh.
Hindi na lamang siya sumagot at nakinig sa dalawa.
"S-sinabing hindi e,"lumingon sa kaniya si Anne na halatang kinakabahan.
"Psh wala, masyado kang ususero!"sagot na lamang niya sa binata na sinenyasan pa itong lumayo.
"Uhm, d'yan muna kayo, ha? Yuri gurl, bili lang ako ng drinks mo, n-nakalimutan ko kasi," aniya na aligagang nag-iwas ng tingin. Muli nitong dinala ang hawak na paper bag kanina at tumalikod sa kaniya.
"Wait Anne, ikaw lang?"tanong niya.
"Oo, don't worry, sa ibaba naman meron, e."
"Isama mo na si Rocky para may kasama kang magdala," biglang suhestiyon niya. Nakangiti niyang pinagmasdan ang panlalaki ng mata ng kaibigan.
"Oo nga, wala namang ginagawa 'yang si Rocky dito kaya buti pa Rock samahan mo na si Anne," dagdag ni Aldrich. Nginitian lamang niya ang binata.
"What are you still doing man?join the lady," seryosong singit ni Bry. Sa pag kakataong iyon ay walang nagawa ang binata.
"Psh, wait until I return." May pagbabanta sa tono na sagot ni Rocky bago binalingan si Anne.
"Let's go Anne." Baling nito sa kaibigan niya.
Panibagong gulat ang nararamdaman niya, sa palagay niya ay 'yon ang unang beses na tinawag ni Rocky si Anne sa totoong pangalan nito.
"S-sige." Kitang-kita niya ang pag-aalinlangan nang maisagot iyon ng kaibigan. Nakangiti niya lang itong tinanguan.
This is for your own good sa isip niya ay nasabi niya iyon sa kaibigan.
Nagtawanan ang lahat nang tuluyang sumara ang pinto.
"Tingnan na'tin kung hindi magkaaminan ang dalawang 'yon,"nakangising wika ni Bryan.
Napapailing siya nang magkaniya-kaniya ng appir ang tatlong natira.
Nagpahinga si Yuri ng buong araw, maayos naman na ang lagay niya. Pagsapit ng hapon ay dumalaw din sila Jess at Kate, maging si Angel ay muling dumalaw at ibinalik sa kaniya ang notebook. Kung tutuusin hindi na'rin niya naman kailangan iyon, mas gusto niyang baguhin ang kanta.
"Salamat, mag-iingat kayo," muling paalam niya sa mga kaibigan nang magsimula itong magkaniya-kaniya ng uwi.
"Ikaw naman?"baling niya kay Ian.
"What about me?"kunot-noong lumingon sa kaniya ang asawa.
"Hindi ka pa ba uuwi?umuwi ka na muna at magpalit ng damit, hmp ambaho muna," puna niya na inamoy ang asawa.
Kailangan niya pang magkunwari para maniwala ito sa sinasabi niya.
"Am I?"tanong nito na inamoy ang sarili.
Gusto niyang umiling bilang sagot pero pinigilan niya ang sarili.
"Hehe joke lang, pero umuwi ka na talaga,"pangungumbinsi niya.
"Nah, I'm good," pagtanggi nito. "Ayos lang na mangamoy basta kasama kita," nakangiti nitong sabi na pinagkatitigan siya.
Napanguso siya at nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang pigilan ang sariling magpakawala ng sobrang lapad na ngiti dahil sa sinabi nito, masyado kasi siyang halata. Kung sa K-drama niya siguro narinig iyon ay kanina pa siya nagsisigaw at nagtatalon sa tuwa, pero dahil nasa kama siya ay ang kumot ang kinuha niya at kinagat ito.
"Kapag mangamoy ka talaga r, iiwanan kita,"pananakot niya matapos makabawi. Nawala ang ngiti nito at kumunot ang noo.
"You're not going to do that. Ikaw nga amo'y medisina, naghanap ba'ko?"seryoso ang mukha nito ng sabihin iyon.
Juk lang naman e.
"Psh, wala ka naman kasing mahahanap na ibang katulad ko," sa halip na tugon niya.
"That's right," biglang lumiwanag ang mukha nito. "Dahil nag-iisa kalang na Amazona,"bumungisngis ito pagkatapos kaya nauwi sa masamang mukha ang namumula niyang reaksyon kanina. Awtomatiko niyang hinampas ito sa balikat.
"Ouch!see?"
"Psh, 'wag kasing matigas ang ulo mo, baka magkasakit ka rin n'yan, magpalit ka na ng damit do'n."
"Hon, walang nagkakasakit sa hindi pagligo." Ngumiti ito na tila maganda ang ideyang 'yon.
"Pero bumabaho ka kapag hindi ka naliligo,"kontra din niya. "At kapag bumaho ka, aayawan ka ng asawa mo, iiwasan ka at hindi kana tatabihan, gusto mo 'yon?"patuloy niya. Hindi niya alam kung bakit patuloy siyang nakikipagtalo sa usaping iyon.
"I'll call Manang to lend me some clothes. Then, I'll take my shower here, okay?"lumapit ito sa kaniya at isiniksik ang ulo sa bandang dibidib habang yakap siya ng mahigpit.
Nag-aalinlangan siyang gumanti dahil hindi pa'rin siya naliligo.
Pareho naman kami e, so ayos lang.
"Inaantok ka na ba?"tanong niya. Nakapikit itong tumango.
"Dito ka na mahiga." Inginuso niya ang espasyo sa tabi niya. "Tabi tayo, maluwag naman ito kaya kasya tayo,"patuloy niya. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya bago siya tumango.
"Are you sure the hospital won't mind this?"diskumpyado nitong tanong, umiling naman siya.
"Mind their own business," nakaarko ang kilay niyang sagot saka sila sabay natawa.
Umayos siya at umusog ng konti upang magkasya sila ng asawa.
"Finally, we can go home tomorrow,"bulong ni Ian nang makahiga sila pareho. Nakangiti siyang tumango.
"Matulog na tayo, bukas ipagluluto kita,"nangingiti niyang sabi nang maramdaman niya ang paghalik ng asawa sa kaniyang noo.
"Good night."
"Good night."
"I love you,"napa-angat siya ng tingin rito nang makitang nakapikit na ang asawa.
"I love you too,"dinampian niya ito ng halik sa labi at tuluyan na silang natulog.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top