Chapter 15: Busted!

CHAPTER 15. BUSTED!

"So, he marry you because you carry his child, and you're pregnant?"

Tiningnan niya ang babaeng nakaharap sa kaniya.
"Angel..."mahinang usal niya sa pagkagulat.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon lalo pa't talagang nagulat siya sa biglang pagdating nito.

Kung saan-saan lang sumusulpot ang babaeng 'to.

"Surprised? didn't expect me here?"naruon na naman ang mataray nitong boses.

Hindi niya alam kung ano ang nakakairita sa presensiya ng babaeng ito dahil mabilis niyang naramdaman ang pag-iinit ng ulo.

"Anong ginagawa mo rito?" Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili, binabalewala ang pagkagulat kanina.

"Ian, sent me to give you this,"aniya na inilapag ang hawak nitong isang bouquet ng bulaklak at tatlong box ng pizza sa kaharap na mesa saka pinagkrus ang mga brasong tumitig sa kaniya.

Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil sa sinabi nito o kung matutuwa man ay hindi na 'yon nangyari. Nangibabaw ang inis niya dahil sa napakasama nitong mukha na tila ba napilitan lang na dalhin iyon sa kaniya.

At bakit nga ba siya pa ang nagdala niyan?si Ian ba talaga ang nagpadala niyan para sa'kin?ano na siya ngayon? delivery girl?

Nagkaroon pa tuloy siya ng duda roon.

"Day one, since I remember I met you, I was so annoyed seeing you always and everywhere with Ian. I never knew who you are, 'coz you just  came from nowhere and stole everything from me, and honestly? don't expect that because I insisted to get the present for you, doesn't mean I accept your appearance to our life." Tuloy-tuloy nitong sabi.

Tatlong beses siyang napakurap dahil kahit alin man do'n ay wala siyang naintindihan.

Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to?

"I hated seeing your face but I gladly have exception today, I didn't expect the new information I could discover here,"patuloy nito na binigyan siya ng isang nakakaasar na ngisi.

Nagsalubong ang kilay niya."Ano bang sinasabi mo?" Walang gana niyang tanong.

Ayaw niyang matunugan nito na nangangamba siya sa nalaman nito at higit sa lahat, ayaw niyang mapagtanto nitong tama nga ang mga nalaman.

Kung bakit naman kasi bigla-bigla nalang sumusulpot ang babaeng 'to! at take note hindi 'ko manlang napansin ang paglapit niya!sa sobrang taas ng takong nito unang apak palang siguradong malalaman ng mga makakairinig ang presensiya niya.

Nag-gigitara nga pala 'ko, engot Yuri.

"You know what I'm talking about, besides kanina pa'ko dito. Madali lang namang mahulaan na para kay Ian 'yang kantang ginawa mo hindi 'diba?"aniya.

Palihim niyang naikuyom ang mga palad at pilit na pinakalma ang sarili.

Pero e, ano naman kung buntis ako?e, asawa ko rin naman na si Ian.

"Oo, para sa asawa 'ko nga ang kantang 'yon, may problema ba?"nagpipigil niyang  sagot, pinagkadiinan ang salita.

"So, its true? totoo nga ang nalaman 'ko?"tuluyan siyang napasinghal sa sinabi nito.

Pake 'ko naman sa nalaman mo, psh.

"Pero wala pang isang buwan no'ng maikasal kayo, paano nangyari 'yon?!"inis nitong sabi na humakbang papalapit sa kaniya pero hindi siya nagpatinag at nakipagtitigan rin dito.

E sira pala ulo nito e, gusto pa atang idemonstrate 'ko kung paano kami bumuo ng bata.

Pero imbes na tarayan ay nginitian niya nalang ito.

"You know what angel, kaibigan ka naman ng asawa 'ko kaya nalilito ako ngayon kung bakit ganito ang reaksiyon mo na buntis ako, hindi ba dapat congratulation ang una 'kong marinig mula sa'yo?"nagbabakasakali siyang makukuha niya ito sa maayos na usapan.

"Stop acting that we like each other, You know very well we don't. I've known Ian since we're kids and we're destined to each other. To be honest, ngayon taon dapat ang kasal namin but then you came and stole the bride post from me!"parungit nito. Napaawang ang labi niya dahil sa narinig.

Ikakasal dapat si Ian ngayong taon?

"I don't like you especially you're Ian's wife now. I'm sure you're just the other girl his going to loathe and dislike someday." Naririndi siya dahil sa narinig kaya naman muli niyang pinakalma ang sarili saka taas-noo itong hinarap.

"You know Angel, it's actually okay that you don't like me, not everyone has a good taste. And that thing about Ian that you're talking about, it's his decision, it's our decision until when we're going to stay together, not yours. So, you can get out of the line from it. Okay? "

"Stop making tortures on my head, I know there's something wrong about this marriage, and I promise I will find it out."

"It's generous of you for wasting your time with us, but do what makes you happy,"balewala niyang sagot.

Tinaasan siya nito ng kilay. "I will, and when I found out the real reason behind all of this, you should set yourself for what will happen next,"nambabanta nitong sabi.

Kagat ang labi niyang sinagot ito. "Then, tell me what will happen next, I want to get ready like what you've said,"wika niya habang may ngisi sa labi. Hindi niya ipinahalatang naapektuhan siya dahil sa sinabi nito.

Isang matalim na tingin ang natanggap niya mula kay Angel bago siya tinalikuran at pamartsang naglakad palayo.

"Whew!" Sipol niya matapos makaramdam ng relief matapos ang confrontation na iyon.

"Buntis ako at hindi dapat ako nagpapastress!"bulong niya. Nanghihina siyang napaupo.

Pero imposible iyon kung may mga tao paring naka paligid sa'kin katulad ng Angel na 'yon.

Tatlong beses siyang huminga ng malalim at napapikit habang pilit na pinakalma ang sarili. Hindi siya mapalagay at talagang binabagabag siya dahil alam na ni Angel ang tungkol sa fake marriage nila. w
Well, hindi naman fake iyon dahil totoong ikinasal sila at legit ang marriage certificate nila pero ang katotohanang arrange or set-up lang ang lahat. Iniisip niya ang maaring gawin ni Angel para halungkatin ang katotohanan, sana lang ay wala itong masagap na ikasisira nila. Wala siyang pakialam sa sarili niya pero tungkol sa reputasyon ni Ian ang inaalala niya.

Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa kantang ginawa niya ay nagkaroon ito ng ideya sa sitwasyon nila. Pero ayon naman dito ay nagdududa na ito noon pa man nang malaman nito na ikinasal na sila.

Sino naman kasi ang hindi magdududa sa isang taong, ultimate bachelor for life sa buhay pag-ibig and the second time around ay nabalitaan mo nalang na ikinasal na sa isang NBSB girl that supposed to be a stranger to him?

Nasapo niya ang noo dahil sa stress na dumadaloy sa sistema niya, hindi dapat siya nag-iisip ng kung ano-ano e.

Kailangan malaman ito ni Ian at Kate. Si Kate lang ang alam niyang makakapagpayo sa maaari at dapat niyang gawin, well si Ian ay dapat talaga iyong malaman.

Pero sa huli ay pinili niyang tawagan ang kaibigan at mamaya nalang niya kakausapin ang asawa pag-uwi nito dahil natitiyak naman niyang busy ito sa trabaho.

Mas convenient and flexible kasi ang time ni Kate ngayon dahil sigurado siyang nasa cafe lang nila ito.

"Kate?"bungad niya agad.

"Oh?napatawag ka?"

"Mayro'ng problema, puwede ka bang pumunta dito sa bahay mamaya?"agaran niyang sagot.

"Anong meron?"

"Tungkol sa marriage scheme namin ni Ian, I think someone knew about it. I mean, nag-alala lang ako na baka maghanap siya ng butas at siraan kami, especially si Ian. I really can't discuss this over phone, please I really need your help,"histerical niyang tugon.

"Okay, okay, just calm down, pupuntahan kita diyan."

"Sige"

"Isasama 'ko ba sila?"

"Uhm, okay." Nakapikit niyang sagot.

"Sige, mamaya na lang."

"Sige, bye."

"Bye."

*Tot

Muli siyang napaupo at doon lamang naalala ang ipinadala ng asawa. Nakabuntong-hininga niyang pinakalma ang sarili at pilit na ibinalik ang ngiti kanina. Inabot niya ang isang boquet ng red roses at  inamoy-amoy iyon.

Binalingan naman niya ang pizza box at napailing nalang dahil sa dami nito.

"Gusto niya ata akong tumaba eh, ang dami nito,"mahinang usal niya nang may maalala.

"Psh!oo nga naman, masyadong marami ito kung para sa isang tao lang na kakain kaya ibibigay ko ang iba kina Mang Diosdado at kina Manang, sigurado akong matutuwa sila nito." Tumayo na lamang siya. Kukunin na niya sana ang notebook ng mapagtantong nawawala iyon.

"Teka asan na 'yon?"linga-linga siyang nagmasid at hinanap ang notebook sa upuan maging sa ilalim ng mesa pero wala siyang nakita.

Napahinto siya nang may maalala, lumapit sa kaniya si Angel kanina habang nakikipagtalo sa kaniya.

Posible ka 'yang kinuha niya ang notebook 'ko?pero bakit niya naman kukunin iyon?wala ba siyang sariling notebook?psh! imposible naman kasing biglang maglaho iyon dito, ano 'yon naglakad?!

Muli siyang napaupo dahil sa sobrang stress na talaga.

Ano naman kasi ang gagawin niya sa notebook 'ko?doon ko pa naman sinulat ang kantang ginawa ko para kay Ian.

"Right!"biglang bulalas niya na napatayo.

Ang kantang ginawa 'ko, posibleng 'yon ang rason kung bakit niya kinuha ang notebook 'ko, pero bakit?para saan?

Napakagat-labi siya ng muling may maisip, habang kinakanta niya ang lyrics ng ginawa niya, ay narinig ni Angel ang kanta at lyrics no'n at doon niya nalaman na buntis siya at...

Gagawin niyang ebidensiya iyong lyrics na nakasulat do'n?

Nasabunutan niyang ang sarili sa sobrang inis.

"Hindi pwede! kailangan 'kong mabawi iyon!"bulong niya at dali-daling pumunta sa taas at kinuha ang susi at nagbihis at muling bumaba at sumakay sa kotse.

"Mang Diosdado, paki buksan po ang gate," Utos niya.

"Saan po kayo pupunta ma'am?bakit wala po ang driver ninyo?"

"Manong kaya 'ko pong magdrive, nagmamadali po ako, bilis po paki buksan ang gate!"muling utos niya.

Nag-aalinlangan man ngunit sinunod nito ang sinabi niya.

"Manong, ano po ba ang kotse ni Angel?'yong babaeng bumiseta po kanina-kanina lang."

"Ahh, red po Ma'am, bakit po?saan po kayo pupunta?"

"May pizza po do'n sa Veranda, magmeryenda nalang po kayo babalik ho agad ako," paalam niya at nilisan ang lugar.

"Ma'am!alam po ba ni Sir?"sigaw ng matanda pero hindi niya na iyon inintindi at itinuon ang atensyon sa daan.

Siguro naman hindi pa 'yon nakakalayo.
Huminto muna siya sa main gate sa entrance ng village nila at tinawag ang security guard.

"Bakit po Ma'am?"

"May tanong lang po ako, saang direksyon po nagpunta 'yong may-ari ng kulay red na kotse? kanina-kanina lang po, may nakalimutan po kasi siya, may ibabalik lang ako,"mabilis niyang paliwanag, napatango naman ito.

"Sa kaliwa po Ma'am, kadadaan nga lang po kaya maabutan niyo pa po siya."

"Maraming salamat,"agad siyang umalis at agad na pumihit pakaliwa.

Kailanga'ng maabutan niya ang babaeng 'yon.

Lagot ka talaga saki'ng babae ka!ang yaman-yaman mo magnanakaw ka pa?!

Ilang beses siyang napabusena sa kada kotse at sasakyang humaharang sa kaniya. Sino mang nadadaanan niya ay maiisip talagang nagmamadali siya dahil halos paliparin na niya ang kotseng minamaneho sa sobrang pagmamadali. Mabuti nalang ay diresto lang ang tanging daan na tinatahak niya kaya hindi rin siya nahirapan na hanapin ang sasakyan ni Angel.

Nakatuon ang buong atensyon niya sa daan, hindi niya na naisip ang sitwasyon  at sariling kalagayan dahil sa sobrang pagmamadali. Iisa lang ang nasa isip niya sa mga sandaling iyon, ang kagustuhan na mahanap ang baliw at magnanakaw na babaeng 'yon at mabawi ang notebook niya. Napangisi siya nang tuluyang makita ang Red Mazda MX-5 nito.

Sinundan lamang niya ito, hindi siya masyadong dumidikit at nagpapahalata. Bigla pa siyang napakapit ng mahigpit sa manibela nang biglang sumakit ang puson niya at nang muntikang pagkahilo.

BEEEEEEPPPPPPPPPP

"Sh*t!!"malakas na bulalas niya nang muntikan nang mabangga ang kasalubong na itim na kotse.

Biglang nanindig ang balahibo niya nang mapagtanto ang muntikan ng mangyari. Bigla siyang napahinto sa pagmamaneho at nakatulalang pinagmasdan ang mga sasakyang nilalagpasan siya.

Nahawakan niya ang sentido at sunod naman ang tiyan, dumagundong ang tibok ng puso niya dala ng sobrang kaba. Bigla niyang naisip ang kalagayan ng anak kung muntikang na siyang napahamak, doon lang niya napagtanto kung gaano ka delikado ang ginagawa niya lalo na't sa kondisyon niyang iyon.

Napalinga siya sa labas at hinanap ang kotse ni Angel nang bigla na naman siyang nakarinig ng sunod-sunod na busena sa paligid. Doon niya lang napagtantong nakaharang siya sa daraanan ng mga kotse sa likuran niya. Agad niyang pinakalma ang sarili at muling pinabuhay ang makina at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Protect my child Lord, please guide me and protect me on this.

Tuluyan siyang bumaba ng kotse nang marating ang isang bagong village at matagumpay na nakapasok roon.

Saglit muna siyang natigilan sa loob ng kotse, mariin siyang nakatingin sa pinasukang bahay ni Angel. Inilinga niya ang paningin sa paligid at halos wala siyang makitang mga taong dumaraan, tanging ang pulang Van lamang mula sa malayo ang natatanaw niya, doon niya naisip na malaki ang pagkakaiba nito sa village nila kung saan siya nakatira.

May pag-aalinlangan siyang pumasok, maaring magkadaop palad sila ni Angel. Bagaman wala siyang balak na umatras ay iniisip pa'rin niya ang kalagayan ng sarili, hindi siya puwedeng magpadalos-dalos dahil maaring ikapahamak niya iyon.

Nakapikit niyang isinandal ang batok sa upuan, tahimik siyang nanalangin bago muling nagmulat at nagdesisyong tuluyang bumababa.

Kailangan pa'rin niyang gawin iyon. May tiwala siyang hindi siya pababayaan ng diyos. Isa pa, kokomprontahin lang naman niya ito, walang ibang mangyayari.

Dahil halos walang tao ay tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob. Kunot-noo niyang tiningnan ang nakabukas na gate, hindi niya alam kung matutuwa siya roon o magtataka. Gano'n pa man ay hindi nalang niya iyon pinansin at tuluyang pumasok sa loob.

Tatlong beses siyang kumatok nang marating ang pinto.

Saglit siyang naghintay, hanggang sa may magbukas no'n. Sinalubong niya ng isang ngisi ang nagtatakang si Angel.

"Yuri?what are you doing here?"

"Hello thief."

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top