Chapter 10: Together Bonds

CHAPTER 10. TOGETHER BONDS

"Even that I did a lot of mistakes and having you in my life is unexpectedly, was the great thing happened to me. I'm so happy that I could only love you everyday and our baby. I want to create my own family and life with you, but I'm sorry that I have to hurt you this way, before I could realize this too late. I'm sorry that I have to break your heart before choosing loving and completing you, but I want you to know...I love you, and the whole world was fine when we bound to each other. I'm incomplete without you, please...say that you want me too...please Solemn..."

"Is she going to forgive him?"sumisinghot na tanong ni Yuri sa asawa habang tutok ang namumulang mata sa screen ng tv.

"I don't know," nagkibit-balikat si Ian. "I didn't watch this before, but I hope she will,"sagot ni Ian.

Napalingon siya ulit sa TV. "You think so?but he cheated, at masakit 'yon para sa babae,"sagot niya nang hindi nililingon ang asawa.

Hindi niya maintindihan kung bakit gano'n nalang ang epekto sa kaniya ng pinapanood na palabas. Siguro nga ay mababaw lang ang luha niya sa mga ganoong eksena.

"I know," hinawakan ni Ian ang kamay niya. "But thus everybody deserve a second chance?I mean, he made a mistake and everybody does. But the good thing is, he know how to make it up to her wife. He learned from it and you see it makes him a better person now,"sinulyapan niya si Ian nang ituro nito ang lalaking bida sa tv na nakaluhod habang nagmamakaawa.

Hindi siya nagsalita at muli lang napasinghot nang hindi manlang sumagot ang bidang babae na ngayon ay humihikbi na'rin.

"Are you going to finish the movie, hon?akala ko ba gusto mo mamasyal?your friends are having a good time already." Napapalunok siyang tumingin rito at umayos ng upo. Hindi niya alam kung kailan pa siya masasanay tuwing tinatawag siya nito sa gano'ong paraan.

"Sige, magshower kana, susunod nalang ako." Ngumiti siya habang pinupunasan ang mata. Nakangiti naman siyang tinanguan ni Ian. Mas hindi niya inaasahang muli itong lalapit sa kan'ya at hahalikan siya sa noo.

"Stop crying, okay?I'll be right back,"muling usal nito bago siya tinalikuran at nagtungo sa banyo.

Nakatulala niyang tinanaw ang pag-alis nito, nakakaramdam siya ng kakaibang tuwa sa puso niya tuwing may ginagawa itong isang bagay na mas lalong nagpapagulat sa kaniya. Dahil do'n ay muli  niyang sinulyapan ang screen ng TV.

"You don't have to answer it now, I'll be waiting patiently baby,I will...till you're ready to be mine again."

Muling sabi ng bidang lalaki, muli na namang napapahid si Yuri ng luha.

Tinapos niya ang palabas at hindi niya mapigilang maging emosiyonal ng dahil do'n. Matapos ng asawa ay sumunod siya, matapos ay saka sila sabay na lumabas at nakisali sa mga kaibigan na tila'y nagkakasiyahan na.

"Hey, ano ba?!can you stop it na?! b-bato!kanina pa'ko nababasa e!" hiyaw ni Anne na pilit na umiiwas kay Rocky na patuloy na binabasa ng tubig dagat.

"What's wrong miss Annie?you need some fresh water from the sea, kanina ka pa nakahiga d'yan. We're here to enjoy the water not the sun." Napahinto sila Ian at Yuri at sandaling pinagmasdan ang dalawang patuloy na nagtatalo.

"So what?pinagbabawal na ba dito ang pagsa-sun bathing?"mabilis na tumaas ang isang kilay niya dahil sa isinagot ni Anne.

Ito ang unang beses na nakita niya ulit itong magtaray.

"Hoy! kayong dalawa! 'wag nga kayong maingay at para kayong mga bata!"sunod nilang tinanaw si Kate dahil sa pagsigaw nito.

"You're too loud Kate, what's the problem?kanina ka pa irita,"biglang  lumitaw si Bry sa likuran ng kaibigan.

"Tss, you're the problem, and will you please back-off?hindi ka guwapo sa paningin ko ngayon kaya dumistansiya ka at baka masapol kita."

"Tss, no wonder you stayed single after 3 years." Hindi rin maalis ang pagiging masungit ni Bry.

"Payapa ang buhay ko ng wala ka, kung aalis ka ngayon ay baka pasalamatan pa kita." Ni hindi nilingon ng kaibigan niya ang binata.

"Tss, whatever."

"Tss."

Nag-iwas ng tingin si Kate at nakabusangot namang tumalikod si Bryan na bumalik sa cottage nila.

Natatawang nagkatitigan silang dalawa.

"Eto ba ang nag-eenjoy?"natatawang tanong niya sa asawa, napapailing itong sinulyapan siya.

"Somehow,"nakangiting aniya, natawa lang din siya.

"Guys!luto na ang steak!come one!taste it, ako nagluto!" Sunod  nilang nilingon si Jess na lumabas mula sa cottage.

"Is that the roasted steak?can I have some?I'm hungry." Naunang lumapit si Aldrich kay Jess na mukhang hindi sila napansin.

"Ahh, s-sige...pero b-baka hindi mo magustuhan ah,"biglang nawala ang kumpiyansa sa boses ni Jess.

"Nah, I trust my taste bud, besides, I trust your cooking skill." Ngumisi si Aldrich kay Jess, nakita niya ang palihim na pag ngiti ng kaibigan.

"Sige." Saktong napalingon ito sa gawi nila.

"Oh hi!Yuri!Ian!buti bumaba na kayo!nag-ihaw ako ng steak, come and taste it!"sigaw  ni Jess sa kanila.

Sabay silang nagkatitigan at napakunot-noo.

"Inihaw?"pareho nilang bulong at sabay na natawa.

"Hey!ano ba?!a-ano ba 'yan?!R-rocky?!damn!stop that!"  Nangibabaw na naman ang boses ni Anne patuloy ang pag-atras na ginagawa dahil patuloy pa'rin siyang binabasa ni Rocky.

Nakaawang ang bibig niyang tinanaw ang dalawa at napabuntong-hininga, hindi niya mapigilang mapa-iling dahil sa mga pinaggagawa nito.

"Guys! enough with that! let's eat first!"bago pa siya makapagsalita ay inunahan na siya ni Ian. Saka ito lumingon sa kaniya.

"Let's go?"

"Sige,"hinawakan siya ni Ian sa kamay at sabay silang naglakad papalapit.

"Ano ba?! you're getting annoying!kanina ka pa, ah!may gusto ka ba sa'kin?!panay ka papansin e!"galit na talagang sigaw ni Anne kay Rocky na siyang ikananoot-noo nila.

"Galit?"nakataas ang gilid ng labing tanong ni Jess sa kaniya nang tuluyan silang makalapit.

"Mukha nga oh." Natatawa siyang umiling habang pinagmamasdan ang kaibigan na makipagtalo sa binata.

"Bago yan ah." Umiiling na sabi ni Kate na lumapit din sa kanila.

Imbes na mag-alala ay mas lamang ang pagkamangha nila, dahil bibihira ngang makita nila itong nagagalit. Minsan pa nga noon ay gumawa talaga sila ng paraan para magalit ang kaibigan, kabilang na rito ang pagbibigay ng lahat ng gawain nila sa shop, at ang pagtutuka nitong siyang magserve sa mga customers at maghandle tuwing may problema o nag-aaway. Marami pang bagay pero hindi sila nagtagumpay, madalas lang kasi na palangiti si Anne at talagang mahinahon kung makipag-usap sa mga tao, kaya't itong nakikita nila ay talagang nakakapanibago.

"Wow, you're too fast lady ah...saan mo naman nakuha 'yang assumptions nayan?I'm always used to annoy people everytime and nagkataon ikaw ang napili 'ko,"natatawang sagot ni Rocky sa huling tanong sa kaniya ni Anne.

Mabilis na sumama ang mukha ni Anne at sinimaan ng tingin ang binata."I hate you!"sigaw nito, buong lakas nito iyong sinabi pero tila hindi naman iyong matatawag na pagsigaw dahil maging ang dating nito ay kalmado pa'rin kung pakinggan.

Napaawang ang bibig nilang tatlo, hindi makapaniwalang tiningnan ang gawi nito na papalapit na sa kanila. Hindi nila maiwasang matawa dahil sa mga nakikita.

Hindi tulad ni Kate, Jess at Yuri na mapapatakip ka talaga ng tainga tuwing ang mga ito na ang magsasalita o magagalit. Isa iyon sa mga bagay na kinaiinggitan ni Anne sa mga kaibigan, dahil hindi niya magawang sabayan ang angas ng mga ito, dahil kung siya ang magtatampo, mahirap paniwalaan kaya't hindi na'rin siniseryoso.

"Hoy ikaw Rocky!'wag mo ngang ginagalit itong kaibigan 'ko at bihira lang umusok ang ilong niyan, 'yong last time na nakita ko siyang magalit ay dahil do'n sa crush niyang hindi niya magawang umamin,"pambubuking niya sa kaibigan na mabilis lumingon sa kaniya, pinanlakihan siya nito ng mata.

Nagkibit-balikat na lamang siya at ngumisi sa isang tabi.

"Really?e, baka siya itong crush ako kaya siya nagagalit,"nakangisi sagor ni Rocky, mariing nakatutok kay Anne.

"Of course not!h-hindi ah!" Bumaling sa kaniya si Anne. "Yuri, what are you talking about?"nanlalaki ang mata nitong aniya, saka muling tiningnan si Rocky.

"And you!"nilingon ulit nito ang binata. "Sino namang hindi maasar sa'yo?e, m-mukha k-kang shokoy!n-nakakaasar ka!"muli silang namangha sa sinabi ni Anne. Nauutal nitong sinabi iyon ngunit hindi nila magawang mag-alala sa dalawa. Bagkus, ay mas lalo silang natatawa.

"Tama na nga 'yan, kumain nalang tayo, hayaan mo na'yan." Baling niya na lang sa kaibigan.

"Aish!at ikaw, bakit mo naman sinabi iyon sa kaniya?" Masama ang mukha nitong lumapit sa kaniya.

Saglit siyang natigilan saka nakapandiwahak ding hinarap ito.

"Aba!kailan ka pa nagalit sa'kin Anne?konti nalang talaga baka isipin kong may gusto ka narin do'n"singhal niya rito na mabilis na ngumuso.

"Hindi ah,"humina ang boses nito, ang pangkt na'yon?"rinig niyang bulong nito.

Natawa siya sa sinabi nito, bibihira niyang marinig itong may pangit na nasasabi sa isang tao. Kilala niya si Anne na siyang unang magpapaboost ng confidence sa isang tao, ang nakikita niya sa kaibigan ay malayong-malayo roon.

Kaya hindi niya mapigilang isipin na may kung ano itong espesyal na nararamdaman para kay Rocky, dahil ito ang unang beses na nakikita niya ang kakaiba nitong pakikitungo sa kaibigan ni Ian.

Nginiwian niya ang kaibigan."Guwapo rin 'yong crush mo dati pero gano'n din ang sinasabi mo sa'min noon,"pagdadahilan niya na tumaas ang isang kilay. Saglit itong natigilan bago nakakrus ang brasong ngumuso.

"Basta!nakakainis siya para talaga siyang bato!napakamanhid niya!"muling bulong nito, tinanaw ulit si Rocky at inirapan ito bago sila tuluyang tinalikuran.

Nagkatinginan silang magkakaibigan bago sabay na natawa, umiling lamang siya saka naupo sa tabi ng asawa, naroon na silang lahat sa isang cottage.

"It's tasty, huh?"komento ni Aldrich sa luto ni Jess.

"Thanks, kuha kapa,"nakangiting sagot ni Jess.

"Hon, you want to swim?"binalingan niya si Ian na naniningkit siyang nilingon. Ngumiti siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nilapad ng hangin.

"Later, kain muna tayo,"tugon niya na mabilis na tinanguan ni Ian.

"Magpapalit muna ako guys."Biglang paalam ni Anne, mabilis silang napalingon rito ng matanawan niya si Rocky na papalapit na'rin.

"What?bakit?" Nakakunot-noong tanong ni Jess.

"Eh nabasa ako e..."nasa inis ng boses ang tono nito pero nanatiling kalmado. Gano'n magalit si Anne kaya hindi rin nila magawang sumeryoso.

"Tss, natural lang na mabasa ka dahil naliligo tayo Anne,"sagot ni Kate na nilingon siya.

"Pero mamaya pa'ko maliligo.."nagpapadyak na sagot ng kaibigan.

Napabuntong-hininga siya. "Ede magpatuyo ka d'yan, at mamaya kana maligo,"sabat na lamang niya dahil nakatingin sa kaniya si Kate. Alam niya ang mga gano'ong tingin ng kaibigan.

Alam kasi nito na mas pinakinggan siya ni Anne, mas nagiging kalmado ito lalo kapag siya ang kaharap ng kaibigan. Kasunod niyang narinig ang pagbuntong-hininga ni Anne kaya naman nakahinga na'rin sila ng maluwag.

"Do you want me to join you Annie later?if you don't know how to swim I volunteer to teach you, otherwise I'm here to give you CPR." Sa kasamaang palad ay muli na namang lumitaw si Rocky, naka nude top at may dala pang surfing board habang nakashades at nakapandihawak.

"E, kung ikaw kaya lunurin 'ko?"siya na ang nagsalita na mabilis itong inirapan.

Nginisihan lang siya ng binata.
"I don't need your help, for your information I am one of the top swimmers when I was in college,"kalmadong sagot ni Anne.

"Really?so does it mean, you're infavored of giving me CPR than me who volunteered to do it?"nakangisi muli nitong tugon, alam na alam talaga kung paano mang alaska.

"What?"nagsalubong ang kilay ng kaibigan niya, hindi nakuha ang biro ng binata. "Can you just stop initiating things? I can't believe you are like this."

"I'm sorry." Hindi mawala ang nakangising mukha ni Rocky. "I can't help it,"kibit-balikat nito. "I can't understand, but I can really see you as my future something, I can't also guess what is it,"patuloy nito.

"Future something? thing?your really thing, huh?just shut up Rocky,"nakita  niyang umirap ang kaibigan, mukhang seryoso na ito sa sinasabi.

"Then kiss me." Nakapangalumbabang sagot ni Rocky, walang kaano-anong sinabi nito iyon.

"What?!"gulat na sagot ni Anne. Maging sila ay nagkatitigan din.

"Why would I'd do that?"kamangha-mangha ang pagiging kalmado ni Anne sa gano'ong sitwasyon.

"Because you want me to shut up, and the only way to do that is to cover by your kissable lips,"kaswal at parang hindi manlang nag-alinlangang tugon ni Rocky. Lahat sila ay napaawang at hindi makapaniwala.

"You're gross!"hindi makapaniwalang sabi si Anne na sinuyod din sila ng tingin.

"You're so mean Annie,"umaktong nasaktan si Rocky na humawak pa sa dibdib.

"It's Anne, you idiot!"alam niyang seryoso na ang kaibigan kaya tumayo na siya.

"Guys can you please stop it na?and you!" Binalingan niya si Ian na nahinto pa sa pagkain ng steak. Nagugulat itong itinuro ang sarili.

"Me?"

"Oo, ikaw." Nakataas ang dalawang kilay niyang sagot.

"Why me?what did I do?"kinakabahang tanong nito na umayos ng tayo.

"Psh!"nilingon niya si Rocky. "Suwayin mo 'yang kaibigan mo at baka pareho 'ko kayong pag-umpugin!"singhal niya saka muling naupo.

"Tss, hoy Rocky Lee!" Mabilis nitong binalingan ang kaibigan. "Tigilan mo na nga 'yang pang-aasar mo at pati ako nadadamay dito." Rinig niyang pagsasalita ng asawa.

"Tch," umiling lang si Rocky. "Wala ka pala e, UNDER...ARAY!"hiyaw nito nang biglang batukan ni Ian.

"Mananahimik ka or isasauli kita sa magulang mo?"banta ng Asawa.

"Fine, I'll stop." Nakasimangot na nag-iwas ng tingin si Rocky sa kaibigan. Pareho pa silang nagkatitigan dahil sa narinig.

"Aba, sino ba ang magulang nito at natakot bigla? sabihin mo sa'kin Ian at ako na magsusumbong,"nakataas ang kilay niyang singit.

"Tss, hindi alam ng parents niya na nandito siya sa Manila dahil ang alam nila ay nasa state siya at inaasikaso ang business nila, kahit na ang totoo ay iniwan niya 'yon sa uto-uto niyang secretary at binibigyan lang siya ng update nito,"si Bry ang sumagot.

"Then, bakit ka nandito Rocky?baka magalit nga ang parents mo sa'yo kapag malaman nilang nandito ka," ani Jess.

"He's really dead, he's not allowed to go back there until he didn't get married, stupid reason,"sagot ni Aldrich na napapailing.

"What?sa lagay niyang 'yan?magpapakasal siya?e, pa'no naman siya magkakagirlfriend e, wala siyang ginawa kung hindi mang-asar ng babae," bulong ni Anne na mahina man ay narinig nilang lahat. Mukhang sinadya talaga nitong iparinig iyon kay Rocky.

"Malamang, hindi naman kasi girlfriend ang hinahanap 'ko." Nakangising sumagot si Rocky kay Anne.

Nagsalubong ang kilay ng kaibigan niya. "You mean...you're looking for a boyfriend instead?"pahinang-pahinang tanong ni Anne sa binata.

Natawa saglit si Rocky bago paisa-isang hakbang na nilapitan si Anne.
"You're poorly judging my choice, I'm not looking for my girlfriend..."binitin nito ang sasabihin nang makalapit na sa kaibigan niya. "Because I'm looking for my Wife,"anito.

Hindi niya mapigilang umawang ang bibig, hindi niya rin mapigilang mamangha kay Rocky, hindi niya alam kung saan nito kinukuha ang lakas ng loob para magsabi ng gano'n sa harap maraming tao, lalo na't sa harap nila mismo.

Umalis sa harapan ni Anne si Rocky at bumalik sa dati nitong puwesto, alam niyang natigilan ang kaibigan dahil sa ginawa ng binata.

Kung sila nga e, pa'no pa kaya ito?

"He actually had a fiance," sabad mayamaya ni Bryan. "But it ended up cheating on him so endgame mag-isa siya at mabubulok dito sa pilipinas,"nakangising anito.

"What the hell guys?"angil ni Rocky, masamang tinitigan si Bryan. "Bukingan ba 'to ng buhay?sabihin niyo lang at nang makalista na'ko ng sa inyo,"asar na balik nito.

"Sa lagay niyang 'yan, broken siya?"mahinang tugon ni Anne.

"Bakit? ano bang lagay 'ko Annie?" Biglang pinalambing na tanong ni Rocky kay Anne.

"Wince,"mataray na sagot ni Anne, hindi nila inaasahan.

"He was born to annoy people, that's his living,"singit ni Ian.

"Obviously,"pagsang-ayon ni Anne.

"Don't worry Annie, kapag wala na talaga akong choice ikaw nalang ang ihaharap ko sa altar,"nakangiting ani Rock, tila seryoso sa sinasabi.

"And what?" Pinagtaasan siya ng kilay ni Anne. "Ako ang pakakasalan mo?"sarakastikong ani ng kaibigan.

"No," ngumisi nang nakakaloko si Rocky. "Ikaw ang ipangungumpisal 'ko bago maglaslas dahil papatayin ako mg parents 'ko kapag hindi ako nakabalik sa states." Ayon na naman ang mapang-asar na tono ni Rocky. Natawa silang lahat maliban kay Anne na masamang masama ang tingin sa binata.

"And'yan na naman kayo, tumigil na kayo, okay?kumain na tayo,"sabat niya dahil baka kung saan pa mauwi ang pagtatalo ng dalawa, sumunod naman ang mga ito.






"Ikaw lang ba talaga ang nagmamanage ng resort na'to Ian?"bigla ay tanong ni Jess sa kalagitnaan ng pagakain nila.

"Yes, but since I also have my business in Manila, I leave this to my manager whom also close and friend of mine,"kaswal na sagot ni Ian.

"I admire how he manage this,"komento ni Kate.

"Tss," matunog ang pagsinghal ni Bry, ang kaso siya lang ata ang nakapansin no'n.

"Yeah, so I let him take care of the management because I know he can, doon siya magaling,"nakangiting patuloy ni Ian.

"I want to meet him, is that okay?"si Kate.

"Of course,"nagtataka man ay tango ni Ian.

"Remson had a wife already, right Ian?"biglang singit ni Bry, hindi nila inaasahan.

"May gusto ka bang palabasin?"seryoso nang tanong ni Kate kay Bry, nagigitla pa. Nagkamali siyang hindi nito pansin ang pagsinghal kanina ng binata.

"Wala naman,"kaswal na tugon ni Bry, sarkastikong nakangisi.

Nararamdaman nila ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya mabilis niyang siniko si Jess.

"Ah-uhm, b-bakit nga ba hindi 'ko alam ang lugar na 'to, noh?noong nagtry k-kasi kaming magbook ng resort for vacation last time dito sa Batangas ay wala kaming nakita sa internet,"agad na singit ni Jess.

"This is a former private resort, we just opened to public last year because of peoples demand,"tugon ni Ian, kagaya nang nabanggit nito sa kaniya kanina.

"I see, matagal rin naman 'yong nagbalak kami mag outing dahil busy sa trabaho,"nakangiting sabi ni Anne.

"Sana nahanap niyo agad 'to, ede sana mas maaga tayong nagkakilala." Bigla ay sabat ni Rocky.

"Hindi ka ba talaga titigil sa pang-aasar?"mabilis na sumama ang mukha ni Anne.

"What?I'm just saying, masyado ka namang seryoso." Ayaw talaga papigil ni Rocky sa pang-aasar.

"Dahil seryoso ang usapan, tapos bigla ka mag gaganiyan,"mahinang sabi ni Anne, ngumuso naman ang binata.

"I'm just saying na sana maaga tayong nagkakilala 'di ba?ano naman nakakaasar do'n?"

"Because you keep on connecting yourself to me."

"Bakit?ayaw mo ba?"nakangising tanong ni Rocky.

"A.YAW." matigas na sagot ni Anne. Natawa siya nang makita ang pag busangot ni Rocky.

"Arte nito, 'kala mo naman sobrang ganda." Nanlaki ang mata niya, tiyak niyang narinig iyon ni Anne.

"I heard that!"reklamo ni Anne, ngumusi si Rocky.

"Dahil sinadya ko talagang iparinig sa'yo,"tugon nito. Umirap naman si Anne.

Napapailing siyang bumuntong-hininga. "Guys, will you stop that? naririnig kayo ni Yuri, it can cause stress to her, it's bad for the baby,"singit ni Ian.

"Ede 'wag kayong makinig!"sabay na usal ng dalawa na mabilis nagkatitigan.

"Psh,"napangisi siya. "Ah gano'n? kailangan sabay?"siya na ang nagsalita, mabilis ang mga itong tumiklop.

"Let's just eat,"awat ni Aldrich.

Nang sa wakas ay matiwasay silang nakakain, everyone is full especially that they enjoyed it. All the foods are delicious, accompanied by little chitchats and tantalize, kahit maya't maya ang bangayan nila Kate at Bry, at pang-aasar ni Rocky kay Anne.

Kinagabihan ay nagsimula na silang maglakad-lakad, matapos magpahangin ay nilibot nila ang tanawin at ang magagandang senaryo sa loob ng Isla.

"Let's go over there." Turo ni Yuri sa bandang dulo ng Isla habang hila-hila ang asawa.

"Hon, wait!be careful baka matisod ka." Nag-aalalang sumunod si Ian.

"Pa'no naman ako matitisod? e, naka paa nga lang ako." Nagbaba siya ng tingin sa paanan saka nginiwian ang asawa.

"Tss, just be careful, maabot din na'tin 'yon, 'wag tayong magmadali,"umiling si Ian na napakamot sa buhok.

"Come!" Hindi niya ito pinansin.

"Ang ganda talaga dito..."bumuntong-hininga siya habang inililibot ang paningin sa paligid.

"Just like you." Naramdaman niya ang pagsunod ni Ian, dahan-dahan niya itong nilingon. Tuloy, ay muli niyang naalala ang pangyayari kahapon.

"Psh," ngumiwi siya. "Pareho-pareho lang naman ang sinasabi mo, wala bang iba d'yan?"nakaismid niyang tugon. Saglit itong natawa saka umastang nag-iisip.

"Sexy pregreet?"patanong na tugon ni Ian, mabilis na sumama ang mukha niya.

"Sa sitwasyon kong 'to?sexy?'wag mo nga akong pinagloloko!"angil niya.

"But your sexy in my eyes, that's only matters,"seryosong sagot ni Ian.

Saglit siyang natigilan dahil sa sensiridad na nakikita niya sa mga mata nito, hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa sinabi nito.

oh diba?haba ng hair ko?

Naglakad-lakad pa'rin sila sa buhangin nang abutin ni Ian ang kamay niya. Napapalunok siyang nag-angat ng tingin rito at napipilitang ngumiti.

Ang iba nilang magkakaibigan ay nasisiguro nilang naliligo na ngayon sa dagat at buysit na buysit sa presensya ng mga kalalakihan, bahagyang nangiti si Yuri.
Hindi gano'n ang normal na trato ng mga kaibigan niya lalo na si Anne, nasisiguro niyang Inlove ito, at gaya ng dati pinipili nitong maging mataray para itago ang tunay na nararamdaman lalo pa't mukhang lokoloko itong nagugustuhan niya.

"What are you smiling at?"napalingon siya sa tanong ni Ian, nakangiti siyang nagkibit-balikat.

"Nothing, I'm just happy," sinsero niyang sabi, mabilis na napangiti si Ian dahilan para mas hilahin siya papalapit dito.

Nagulat siya sa biglaan nitong paghila dahilan para mapahawak siya sa dibdib ng asawa.

"I'm happy too..."saad nito. Nangingislap ang mga mata habang tinitingnan ang kabuuan ng mukha niya.

"Hihi, I'm thinking about our friends, they're obviously enjoying kahit na puro bangayan sila,"nag-aalangan at natatawang dagdag niya. Nakita niya ang unti-unting pagkawala ng ngiti nito

"Y-yeah, uhm I remember Bryan, si Kate pala 'yong kinukuwento niya na amazona niyang ex,"pilit ang tawa na kuwento ni Ian, hindi  niya tuloy magawang sumabay at napanguso na lamang.

"What?"takang-tanong ni Ian sa reaksyon niya.

"Kaibigan ko kasi 'yang sinasabihan mo e,"umirap na lamang siya at bumaling sa iba.

"I know, dahil pareho kayo." Sa pagkakataong iyon ay alam niyang natatawa si Ian kaya bahagya siyang nauna rito.

"I'm just kidding hon." Humabol ito sa kaniya.

"Ewan ko sa'yo!"nauna na siyang maglakad at hindi na lamang ito pinansin.

"Wait, honey it's just a joke."

Masama ang mukha niyang hinarap ito

"Anong sabi mo?horny?!"nakangusong sigaw niya. Imbes na maalarma ay mas lalong tumawa si Ian.

"Honey, you're being funny,"natatawang anito.

"Ano nakakatawa do'n?" Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.

Nagsisimula na siyang mairita rito. Ewan niya, unti-unti niyang nararamdaman ang pamimigat ng kalooban.

"I didn't say horny, I called you honey." Hawak ang tiyan nitong tumawa, hindi pinansin ang pag nguso niya.

"Psh!"singhal niya rito bago niya tuluyang iniwan.

"Wait hon!"

"Bakit horny dinig 'ko?"nahihiyang bulong niya sa sarili.

Nagtuloy siyang maglakad-lakad hanggang sa makabalik sila sa resto bar kung saan naroon ang iba pa niyang kaibigan.

"Where's Ian?" Salubong sa kaniya ni Bry, pero tinapunan lang niya ito ng tingin at hindi na sinagot.

"Oh?anong nangyari sa inyo?"dinig niyang tanong ni Bry na natitiyak niyang si Ian ang kausap na bago ring dating, pero hindi niya narinig na tumugon ang asawa.

"Aba'y, anong masamang hangin ang nasinghot ninyo at hindi na kayo nakapagsalita?" Ubos na agad ang pasensiyang usal ni Kate sa kanila, napabuntong-hininga lamang siya.

"Nothing, I think Yuri is just tired,"pagpapaliwanag ni Ian, hindi naman siya kumibo.

Pakiramdam niya ay naubos ang enerhiya niya at pati ang pagsasalita ay kinakatamaran na niya. Alam niyang hanggang ngayon ay ramdam pa'rin niya ang hiya sa sarili dahil sa mga sinabi sa Asawa. Hindi niya alam kung bakit gano'n ang dinig niya pero bukod do'n ay naiinis siya kay Ian, dahil pakiramdam niya ay pinagtitripan na naman siya nito.

"Hon?let's go back to our room, magpahinga ka na muna,"presinta ni Ian pero tinapunan lang niya ito ng tingin saka tiningnan ang iba pang kaibigan na nag-aabang ng isasagot niya.

"Sige,"sagot niya saka tumayo.

"Mauna na muna kami,"paalam niya sa mga kaibigan, tumango ang mga 'to saka sila umalis.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top