Chapter 2 - Her Painful Betrayal

Naiwan akong tulala habang pinagmamasdan ang likod ng papalayong si Oskay. Hindi ko maintindihan kung bakit galit siya sa akin, kung bakit tinawag niya akong manloloko at traydor.

Matagal akong nanatiling nakatayo kahit na naririnig ko ang sigaw ng mga taong naghahanap sa akin. Gustuhin ko man, hindi ko maikilos ang aking mga paa. Naramdaman ko na lang ang marahang pagdantay ng kamay sa balikat ko. Nang lingunin ko, si Ninong iyon.

"Iha, kanina ka pa namin tinatawag. Ba't di ka sumasagot?" tanong ni Ninong. May himig pag-aalala sa boses niya.

Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. Walang lumabas na tinig sa bibig ko nang tangkain kong magsalita. Pinigil ko ang umiyak pero lalong umagos ang masaganang luha nang makita ko ang lungkot sa mga mata ni Ninong.

"Why are you crying? Is it because of Oskay?" tanong niya.

Tango lang ang naging sagot ko. Totoo naman. He is the reason why I am crying, his abrupt leaving and his parting words...his hurtful words.

"Look, I know this must be hard for you, but he needs to leave. You're his friend, right?"

"I- I thought I am," sagot ko sa pagitan ng paghikbi.

Hinawi niya ang mga luhang muling umibis sa pisngi ko. Bahagya siyang ngumiti. "So you want what is best for him, 'di ba?"

"Y-yes," mahinang sabi ko.

"It's probably best for him to go back to his real home."

"Why does it have to be so sudden, Ninong?" litong tanong ko.

Pumihit siya paharap sa direksyon kung saan ko huling nakita si Oskay. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya. "I believe it's urgent, family emergency."

"It doesn't have anything to do with me?" Gumaralgal ang boses ko kaya kinagat ko ang pang-ibabang labi para mapigil ang panginginig nito.

"Of course not! Why would you think such a thing?" mariing tugon niya.

"J-just a thought."

Humarap siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tumitig siya sa akin nang diretso. "Listen. Don't ever blame yourself. It's not your fault, okay?"

Tumango lang ako. "I want to go home."

Inakbayan ako ni Ninong sa balikat at iginiya pabalik sa mansyon. Hinanap ko si Mommy pagpasok na pagpasok ko sa loob.

"Oh, Darling, are you okay?" Hinawakan ni Mommy ang pisngi ko. Napuna niya ang bakas ng luha roon.

Kumurap-kurap ako. "I'm okay, Mom. Can we go home?"

Nagtatanong ang mga matang sumulyap siya kay Ninong.

"Her friend, Oskay, left. Ngayon niya lang nalaman," paliwanag ni Ninong.

Niyakap ako ni Mommy at tinapik-tapik ang likod ko. "People drift in and out of our life. That's the hard reality of life and we should learn to accept it and try to move on."

Naghimagsik ang kalooban ko. Yes! Friends come and go, but do they need to rip your heart apart when they leave?

Hinawakan ako ni Mommy sa baba nang hindi ako kumibo. "Hey! Marami ka pang kaibigan, 'di ba? And I'm sure, madadagdagan pa 'yon! So, cheer up!"

Niyaya ko uli siyang umuwi na. Mabuti na lang, pumayag siya at wala na rin siyang masyadong itinanong.

Mabigat ang loob na natulog ako nang gabing iyon. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang walang katotohanang bintang ni Oskay.

Traydor!

Traydor!

Traydor!

Tila may punyal na sumasaksak sa dibdib ko tuwing naaalala ko iyon. Kinimkim ko ang aking sama ng loob. Wala akong pinagsabihan ni isa, dahil nahihiya akong malaman ng iba na may nagparatang sa akin na isa akong traydor.

Makaraan ang ilang linggo, nagtungo uli kami kina Ninong. Tulad ng nakagawian ko, pumunta ako sa hardin at umupo sa damuhan sa ilalim ng punong acacia.

Ginulantang ni Sophia ang tahimik kong pagmumuni-muni. Mas matanda siya sa akin ng higit tatlong taon. Marahil iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya naging kaibigan. Bukod doon, saksakan din kasi siya ng arte. Dalawa lang ang hilig niya, magpaganda sa sarili at magpapansin sa mga lalaki.

"Buti naman at wala na rito ang Oscar na 'yon." Nakaismid na lumapit siya sa tabi ko. Nakahalukipkip ang mga braso niya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa damuhan at pinagpag ang likod ng pantalon ko. Sumulyap ako sa kaniya. "Why are you so angry with him? Did he do something to offend you?" kunot-noong tanong ko.

"Just looking at him offends me!" paasik na sabi niya.

"What! Aren't you being harsh?"

"Napaka-ambisyoso kasi. Ang lakas ng loob makipagkaibigan sa 'yo!" Umarko ang isang kilay niya.

"I don't see anything wrong if he's my friend. Saka mabait naman s'ya, lagi akong tinutulungan sa mga assignments ko," pagtatanggol ko kay Oskay. Kung tutuusin, hindi ko kailangang gawin iyon.

"There's nothing wrong! You don't really know how to choose a friend, do you? He's just using you and you're letting him! Dapat alam n'ya kung saan ilalagay ang sarili dahil utusan lang s'ya rito!" inis na sabi niya.

Hindi nga yata ako marunong pumili ng kaibigan. Look what he did to me! Pero mali na hamakin niya si Oskay.

"Mommy always tells me not to look down on people who's less fortunate than you are." Medyo nangangatog na ang tuhod ko. Hindi kami malimit mag-usap at ngayon lang din ako nakipagtalo sa kaniya.

"That's why you're always taken advantage off! Anyway, he's no longer a concern because I've taken care of him." Ngumisi siya, parang may bagay na nagpasaya sa kaniya.

Lumiit ang mga mata ko. "What do you mean?"

Nakita ko siyang nagkibit-balikat. "Pinahiya ko lang naman siya."

"Pinahiyang paano?"

"Pinagsabi ko na bastardo s'ya!"

Kumabog ang dibdib at nanlamig din ang mga kamay ko. Alam ko na ako lang ang pinagsabihan ni Oskay tungkol sa magulang niya. May nabubuong hinala sa isip ko at unti-unting lumilinaw na sa akin ang lahat. "Pa'no mo nalaman ang tungkol do'n?"

"Narinig ko!" Umirap siya at umakmang tatalikod na sa akin.

Mabilis na hinawakan ko siya sa braso. "Saan mo narinig?"

"Hindi na mahalaga kung saan!" Sinubukan niyang bawiin ang braso niya.

Nagdilim ang paningin ko. Siya ang dahilan kung bakit galit sa akin si Oskay. Nakatanggap ako ng masasakit na salita dahil sa kaniya. Marahil silakbo na rin ng damdamin kung bakit sinunggaban ko siya. Hinatak ko ang buhok niya. Sumigaw siya nang malakas.

Nagpambuno kami at nagpagulung-gulong sa damuhan. Sinikap kong mapunta sa ibabaw niya. Nagtagumpay naman ako dahil halos magkasinglaki na kami noong panahon na iyon. Hindi siya gaanong katangkaran kumpara sa akin na mas matangkad kaysa sa mga kaedad ko.

Pinaghahampas ko siya. Dala siguro ng pagkabigla at takot sa inasal ko ay napaamin ko siya. Nalaman ko na habang nagkukuwento si Oskay tungkol sa kaniyang pagkatao, nakalapit sa amin si Sophia nang hindi namin namamalayan.

Nababagot daw siya noon at nagpasyang hanapin ako. Ang talagang pakay niya ay alamin kung saan ang hang-out ng nakatatanda kong kapatid, si Kuya Luke. Matagal na siyang may gusto sa Kuya ko, ngunit hindi naman siya pinapansin ng huli. Matapos mapakinggan ang lahat, umalis siya sa lugar na iyon nang hindi namin nahalata.

Habang umiiyak na nagkukuwento siya ay pinagtagpi-tagpi ko ang buong pangyayari mula noong marinig niya ang usapan namin hanggang sa bumalik siya sa mansyon at magsumbong kay Ninang. Humigit-kumulang ay ganito ang tagpong naglalaro sa isipan ko noong nag-uusap sila ni Ninang.

"Iha, kanina pa kita hinahanap. Sa'n ka ba nagpunta?" tanong ni Ninang kay Sophia.

"I just went for a walk," sagot ni Sophia. "Do you have any plans for today, Tita?"

"Nothing definite. I think I'm going to take it easy. Perhaps do some reading. Mukhang bored ka yata?"

"Hmm...," kunyari ay nag-iisip si Sophia. "Nasalubong ko 'yong boy n'yo, Tita. How well do you know that guy?"

"You mean Oscar? He's the son of your Tito's friend, 'yong tumulong sa Tito mo no'ng muntik na siyang mahold-up sa Cotabato. Why are you asking?"

"Wala lang, Tita. I thought he was an orphan," saad ni Sophia.

"That's what I thought."

"Nope. Apparently, buhay pa ang father niya. I heard from somewhere that his father left them. Pamilyadong tao na pala. Obviously, they're misleading us. Bakit kaya?" malisyosang tanong niya.

"I don't know why." Tinitigan nito  si Sophia. "I'll leave you for a while. I just remember I need to make some calls."

Napag-alaman ko rin na hindi lang kay Ninang niya sinabi ang tungkol dito. Pinagkalat niya rin ito sa iskul sa unang araw pa lang ng pagbubukas ng klase.

Bumalik lang ang katinuan ko nang dumating ang mga umawat sa amin. Hinila nila akong palayo kay Sophia at tinulungan nila itong tumayo. May mga marka ng galos at kalmot sa braso at bisig niya. Wala siyang natamong sugat sa mukha dahil maagap na tinakpan ng kamay niya ito.

Pinagsisihan ko ang nagawa ko sa kaniya. Hindi ko alam na kaya ko palang manakit ng kapwa. Iyon din ang unang pagkakataon na nakita ko ang malaking disappointment sa mukha ng mga magulang ko.

Kahit masama ang loob, pinilit ko pa ring intindihin si Oskay. Ang rason ko, he was acting on a pre-conceived notion na may iba akong pinagsabihan ng nalalaman ko sa pagkatao niya. Subalit kahit anong dahilan ang ibigay ko, nasasaktan pa rin ako. What hurts the most was his belief that I betrayed him. I didn't let him down, but he did by not believing in me.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top