Virama
Nagtipon kaming lahat sa isang aplikasyon na kung tawagin ay Zoom. Handa na silang makinig sa akin.
"Magandang hapon sa lahat!" malugod kong pagbati. "Ang ating tatalakayin ay tungkol sa virama. Sinong nakakaalam ng kahulugan nito?"
"A-ako po, M-ma'am!" utal na sagot ni Alice dahil sa usad-pagong na koneksyon.
"Ako na lang, Ma'am," singit ni Maria. "Pamatay-patinig," walang gana niyang sagot.
"Mahusay!" masigla kong tugon. "Karagdagan, mahalaga ang virama upang makumpleto ang isang salita. Halimbawa, kung sa B17 ay Pilipina ang pagbaybay, sa B17+ naman ay magiging Pilipinas dahil dito," paliwanag ko. "Sino sa tingin ninyo ang nagpasimuno nito?"
"Si-"
Naudlot ang sasabihin ni Kara nang biglang may humagulgol na sanggol.
"Nakakainis ka! Ikaw sana ang nagbabantay sa anak ko ngayon!" rinig naming sabi ni Kiara at bigla niyang pinatay ang kamera.
"Si Francisco Lopez ang nagpasimuno-"
Biglang nawala ang koneksyon dito at agad akong nakaramdam ng init ng kutsilyo sa likuran ko.
"Paalam, Patricia," sambit ng isa sa aking mga estudyante na minamahal ko ring anak bago ako kapusan ng hininga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top