Takbo
Si Laila ay balak bumili ng gamot sa pharmacy disoras ng gabi. May sakit kasi ang nakababata niyang kapatid kaya, kailangan niyang bumili ng gamot na makakapagpababa ng lagnat.
Sa paglabas niya, ay dala-dala niya yung cellphone niya na may flashlight. Yun na ang nagsisilbing liwanag niya sa saglit na daan na dinaanan niya. Pagkatapos niya malampasan yun, may mga ilaw naman na mula sa streetlights.
Habang naglalakad siya, napansin niya na may dalawang lalaki na naninigarilyo sa tabi. Agad kumabog ang puso niya at hindi niya maintindihan kung bakit. Nakaramdam kaagad siya nang hindi maganda. Tapos, nakita niya yung isang babae na may hawak na shoulder bag na dumaan sa balak niya sanang daanan. Naobserbahan niya yung 2 lalaki at mukhang nagsenyasan sila sabay lingon saglit dun sa dumaan na babae. Kaya, sinunod ni Laila yung instinct niya at umatras na lang mula sa dinaanan niya. Naisipan niyang umuwi na lang sa bahay at idaan na lang muna sa natural na paraan yung paggamot sa kapatid niya. Mas gugustuhin niyang maghanap na lang ng alternative way para matulungan niya pa rin yung kapatid niya, kaysa malagay naman sa peligro ang buhay niya.
Samantala, ang babae naman ay nagngangalang Recca. Si Recca ay galing pa sa school niya, dahil may panggabi siyang klase mula sa college. Kaya, madalas ay ginagabi na siya palagi sa pag-uwi.
Sa paglalakad niya, hindi niya napansin na may nagmamasid na pala sa kanya. Etong mga lalaki na naninigarilyo kanina sa gilid na nakita ni Laila. Wala siyang kamalay-malay na sinusundan na pala siya ng lakad ng mga ito. Pero, naririnig naman na ni Recca ang yabag ng mga paa nito, kaya sinubukan niyang mabilis lumakad. Sa pagbilis ng paglakad niya, ay lalong bumibilis din yung tunog ng mga yabag sa likuran niya. Doon na siya nakaramdam ng takot at agad na tumakbo nang mabilis. Sa pagtakbo niya ay nakita niya ang mga lalaking pinandidilatan siya ngayon at mukhang naglalaway na sa kanya. Kaya, sobra-sobrang takot ang nararamdaman ni Recca ngayon at tumatakbo siya ngayon para sa buhay niya. Tumatakbo, sa daan kung saan siya, at ang dalawang lalaking humahabol ngayon sa kanya, ang mga tao lang doon sa daan. Naiiyak na si Recca at humihingi ng saklolo pero, pakiramdam niya, walang nakakarinig sa kanya. Kaya, patuloy lang siya sa pagtakbo.
"Miss, wala ka nang matatakbuhan pa! Makukuha ka rin namin hahahaha!" sigaw ng isang lalaki habang hinahabol ngayon si Recca.
"Yari ka sa amin kapag naabutan ka namin! Pagpipyestahan ka namin!" sigaw naman ng isa kaya, mas lalong natakot si Recca sa mga pinagsasasabi nila.
Takbo lang nang takbo at iyak lang nang iyak ngayon si Recca. Paulit-ulit siyang nagdadasal habang tumatakbo at inaalala niya yung pamilya niya na siguradong nag-aalala na ngayon kasi, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Recca.
Hanggang sa biglang nabuhayan ng pag-asa si Recca at nakakita siya ng isang bukas na police station. Agad siyang pumasok doon at mabuti, may mga pulis na naroon sa loob.
"M-may, h-humahabol po, s-sa akin," natataranta na hindi makahingang pagsasalita ni Recca at agad lumabas ang mga pulis. Nakita nila na tumatakbo na palayo yung mga lalaking nanghabol kay Recca at ngayon ay hinahabol na sila ng mga pulis.
Samantala, tinanong ng babaeng pulis kay Recca kung anong nangyari. Kinwento niya lahat nang mangiyak-ngiyak siya, at gusto na niya kaagad makita ang pamilya niya. Kaya, agad na kinontak ng pulis ang pamilya niya. Makalipas ang ilang minutong paghihintay, ay dumating na nga ang pamilya ni Recca at agad niyang niyakap ang mga ito. Yung pulis na yung nagkwento ng buong detalye kaya nagagalit tuloy ngayon ang pamilya ni Recca, lalo na ang tatay niya.
"MGA GAGONG YUN, HA?!" sigaw ng tatay ni Recca at pinapakalma naman ito ng nanay ni Recca.
"'W-wag na po kayong mag-alala, tay. Ayos na po ako, salamat at nakita ko na po kayo," sabi ni Recca kaya, muli tuloy siyang niyakap ng pamilya niya.
Samantala, ang mga lalaking tumakas ay dikalaunan, nadakip din ng mga pulis at nakulong na sila.
Natutunan ni Recca na hindi na masyadong magpagabi, at hindi na niya tatapusin pa yung buong panggabi niyang klase, o kung hindi man maiiwasan ay mag-aya na ng makakasama. Dahil na-trauma pa siya sa nangyari, ay hatid-sundo na siya palagi ng ama niya.
Nawa'y hindi tumulad ang mga lalaki sa mga humabol kay Recca. Dahil kahit gabi pa, kung walang manyakis at 'di respetado ang mga lalaki sa babae ay walang may mangyayaring masama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top