Overthinking Kills

          Si Vero ay isang babae na palagi niyang ramdam ang kawalang gana sa buhay. Paggising niya, bakas ang lungkot sa kanyang mga mata na may munglo. Walang gana siyang bumangon at humarap sa kanyang mahabang salamin. 

          "Ang panget ko," sabay malamyang hinawakan ang kanyang pisngi. Pagkatapos, hinawakan naman niya ang kantang tagiliran sabay pisil dito. "Ang taba-taba ko na, baka hindi na niya ako gusto dahil dito. Baka, humanap na siya ng iba, yung sexy talaga, at sobrang ganda." 

          Kinuha niya ang kanyang cellphone at ch-in-at ang boyfriend niyang si Kristian.

[Vero: Kris?]

          Ngunit, hindi agad nakasagot ito.

          "Sinasabi ko na nga ba! May iba na naman siyang kausap. Baka yung Tracy na namang 'yon," sabi niya na may halong pagkainis.

          Pumunta na lang si Vero sa kusina at kumuha ng isang pirasong tinapay at nagtimpla ng kape. Pagkatapos maghanda, umupo na siya sa mesa at muling nag-isip ng kung ano-ano.

          'Ano kayang ginagawa niya ngayon? Ok lang kaya siya? Malungkot ba siya? O nambababae na naman?!' saad ni Vero sa kanyang isipan.

          Nagpasya siyang kunin muli ang cellphone niya kahit wala pa siyang nagagalaw sa hinanda niyang almusal. Tiningnan ni Vero kung may mensahe na yung boyfriend niya, pero wala pa rin siyang natatanggap. Sa banas ni Vero, hinagis niya ang cellphone niya ngunit maswerteng bumagsak naman ito sa nakakalat niyang unan.

          "Ewan ko sa'yo! 'Wag mo na akong kausapin kahit kailan!" sabay sinubo nang buo yung tinapay na nasa mesa.

          Mayamaya, nanood na lamang si Vero ng TV. Sa palabas, nakita niya ang isang lalake na nilalandi ang kabit nito. Hahalikan na sana ng lalaki yung babae nang biglang pinatay ni Vero yung TV.

          "Bwisit! Wala bang matinong palabas ngayon?!" sabay biglang tumulo ang luha niya. "Bakit tumutulo na naman 'to?" sabay pahid niya ng luha sa kaliwang pisngi. "Wala lang 'to, Vero, ok? Nasa isip mo lang yung lahat ng 'to."

          Kaya, naisipan niyang kumuha ng panyo at magburda. Isa ito sa mga hilig gawin ni Vero sa twing nalulungkot siya. Nagpatugtog din si Vero ng mga instrumental songs kaya unti-unting gumaan ang pakiramdam niya.

          Gumagawa siya ng isang pulang rosas, simbolo ng pag-ibig sa isang tao. Ang kanyang maingat at mabusising kamay ay patuloy na binubuo 'yon hanggang sa tuluyan niyang natapos ito. Sa pagbuhol ng huling sinulid na kanyang ginamit ay siyang pagtunog ng doorbell nila.

          "Sino 'yan?" si Vero at itinabi niya muna ang tela pati pamburdang hawak niya sabay binuksan ang pinto. "Kristian!" at niyakap siya ng boyfriend niya.

         "Vero, sorry kung kita sinasagot sa chat, ha? Kasi, sinasadya ko talaga 'yon hahaha!" at agad siyang hinampas ni Vero. "Pero, eto, pambawi ko sa'yo," at inabutan niya si Vero ng isang kahon ng chocolates at isang pulang rosas. "Happy monthsary, Vero," sabay halik ni Kristian sa noo ni Vero.

          "Salamat. Nag-abala ka pa dito, hahaha!" at inaya niya yung boyfriend niya sa kusina nila.

          "Kumusta ka?"

          "Ayos lang," at nag-iba ng tingin si Vero sabay tinuro yung panyo na binurdahan niya. "Tingnan mo yun, ayan naman yung regalo ko sa'yo."

          "Talaga? Salamat!"

          Kinuha na ni Vero yung panyo at inabot ito kay Kristian. Labis ang tuwa ni Vero nang makitang nagustuhan 'yon ng boyfriend niya. 

          "Salamat, Vero. Ang ganda naman nito, ang galing mo talaga magburda!"

          "Syempre naman. Pero, sorry kung 'yan lang yung mabibigay ko, ha? Hindi naman kasi ako kasingyaman ng mga babae mo hahaha!"

          "Ano? Anong mga babae ka dyan? Nag-iisip ka na naman ng kung ano-ano, eh. Halika nga dito," at lumapit si Vero kay Kristian sabay niyakap siya nito. Kumandong si Vero habang yakap pa rin siya ni Kristian. "Ikaw, 'wag mong isipin na may babae ako. Loyal kaya ako sa'yo. Kaya, mahal na mahal kita."

          "Sus, bolero! Eh, hindi ko kasi maiwasan. Pero, susubukan ko, nilalabanan ko yung mga negative thoughts ko sa'yo kasi, mahal din kita," si Vero naman.

          "Yieeeee! Mahal ako ng taong mahal ko," sabay halik ni Kristian sa labi ni Vero at nagtawanan sila. Naghanda ulit si Vero ng almusal ngunit mas marami ng tinapay at may palaman ng keso. Nagtimpla din siya ng dalawang kape para sa kanilang dalawa.

          Hindi man maiwasang mag-isip ng labis, ngunit anumang kalabisan ay nakakasama. Mas maganda at magaan ang buhay kung pagagaanin mo ang iyong loob at gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa'yo. Mas masarap magmahal nang walang pag-aalinlangan at walang kawalan ng tiwala sa iyong minamahal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top