Brownout

          Ako si Lucille. Hobby ko palagi ang mag-browse sa newsfeed kasi, wala lang, wala lang akong magawa. Kung ano-ano lang ang nakikita ko rito tulad ng mga balita, memes o kahit anong trending ngayon. 

          Minsan ay nakiki-marites pa ako sa comment section. Merong mga seryosong nagko-comment o troll lang. Kapag merong opinion na sa tingin ko, mali para sa'kin, nakikisabat din ako. Kasi, wala, trip ko lang makipagbardagulan hahaha!

          Hanggang sa dumating yung time na mainit na yung usapan, saktong biglang nag-brownout dito sa bahay. Literal na ang init tuloy dito. Hindi pa'ko tapos makipag-debate sa taong nakausap ko kanina, tapos biglang namatay yung wifi namin. Bwisit, ang panget ka-bonding!

          Wala tuloy akong magawa ngayon. Sana, ngayon ko lang na 1% na lang yung cellphone ko. Anytime, pwede na dead-bat kaya, wala rin talaga akong magagawa.

          Nilibot ko yung buong kwarto ko. Sobrang makalat pala. Kaya, sinimulan kong magligpit ng mga gamit at maglinis. Habang naglilinis ako, may ilan akong mga gamit na importante sa akin. May mga memories ito mula sa pamilya ko, mga kaibigan ko, at sa crush ko hehe. Ultimo balat ng biscuit na kinainan niya, nung tinabi lang niya sa desk niya, tyempo ko pang kinuha pagkaalis niya haha! Kaya, natuwa ako nung nakatabi pa pala ito sa kwarto ko.

         Pagkatapos kong maglinis, naisipan ko naman na mag-drawing. Hobby ko rin kasi yun, pero rare ko nang gawin. Aside sa pa-scroll-scroll lang ako sa FB, mas inuuna ko yung mga assignment ko, kesa sa hobby kong mag-drawing. Kaya, masaya ako na na-try ko ulit mag-drawing. Kahit anong sketch lang, kung ano lang yung makita o maisipan ko bigla i-drawing, 'yun na yung ginagawa ko.

          Habang nagdo-drawing ako, naisip ko na, tama lang pala mag-brownout, 'no? Kasi, una, makakahinga ka muna sa mga nangyayari online. Hindi ka muna mai-stress sa kahit anong issues. Tapos, napansin kong doon sa pag-online, nauubos na nga yung oras mo, parang wala ka pang productivity. Hindi ko mai-improve yung skills ko sa drawing, kung sinasayang ko lang palagi yung oras ko sa online. Saka, yung mga bagay na hindi natin masyadong napapansin, napapansin na natin. 

          Hindi naman sa gusto ko, palagi na lang ganito, na brownout. Hapon na, pero, brownout pa rin dito sa amin. Kundi, kahit hindi man mag-brownout, na-realize ko na, dapat pala mas magbigay tayo ng oras sa mga importanteng bagay, kaysa sa mga hindi masyadong makabuluhang gawin tulad ng pag-scroll sa FB.

          Kaya, nang sa wakas ay nagkakuryente na kami, hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras, at gagawin ko na yung mga bagay na sa tingin ko, mas mahalaga at makatutulong sa atin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top