Her Kind of Fairytale
Her Kind of Fairy tale
Kasalukuyang nakaupo si Temi sa picnic mat kaharap ng beach habang umiinom ng iced tea. It was her first week of vacation in Italy. Actually, halos dalawang buwan na siyang naglilibot sa iba't-ibang beaches para magbakasyon. Summer na summer ngunit hindi siya mapirmi sa iisang lugar. She don't know the reason but her heart is as restless as her mind that's why she decided to take a long break. Maybe she could stay for a few days before leaving again. Her next stop would most likely be Palawan or Boracay.
"Arthemys Zeraphine Velarde." Nilingon niya ang nagsalita.
"Annyeonghaseyo, Temi." Her jaw dropped upon recognizing the handsome guy in front of her.
"Shinwoo?! A-anong ginagawa mo dito sa Venice?"
It's him, alright. Standing a few feet away from her looking like a kpop star-that is really the truth, was Shinwoo Park Demetri. Ang kababata niyang walang ibang ginawa kundi asarin siya. 'Ano'ng pakulo ng kalahating Koreano, kalahating tsonggo na 'to at sinundan ako dito?' Sa isip-isip niya. May pa-"paglaki ko, pakakasalan kita"-chorva pa itong nalalaman 10 years ago. Hah! Ang lakas ng loob nitong gumawa ng promise tapos iiwan siya para mag-aral sa ibang bansa. Hell!
Ang mas malala, 8 years ago biglang umuwi ang pamilya nito sa Hacienda Demetri para iannounce ang engagement party nila. She felt stupid. Sinong matino ang papatol sa mang-iiwan na sinungaling na paasa na--aaah, basta! Ewan. Idagdag pa na mukha itong playboy na totoy noon. Asar, ha. Tsk-tsk.
"Yoboseyo! It's nice seeing you too, Arthemys. Ako ang dapat nagtatanong niyan. What are you doing here?"
Mabuti sana kung ang sinabi nalang niya'y 'Masaya ako sa ating muling pagkikita' kaysa sa sarkastiko niyang 'hello'. She scoffed.
"Obvious ba? It's a beautiful summer. Well at least, before you came."
"Answer me nicely, lady."
She sighed and glanced at his furrowed brows.
"Nagbabakasyon ako. Enjoying the view and tourist spots in this place to relax. In simple words, nag-a-unwind. Duh!"
She rolled her eyes and refused to meet his gaze. Nakakahypnotize pa naman ang hazel eyes ng kaharap niya. Mahirap na.
'Ika nga, "everything that falls, breaks". So, if you fell, expect pain.
"Oh, come on, Arthemys. Alam naman nating pareho na antisocial ka. So, tell me what made the beautiful wallflower to emerge from her cave?"
"Fine! I was bored and my folks keep on controlling my whole d*mn life!"
"Since when did you learn to disrespect and disobey your parents?"
"And since when did you learn to care about me?"
"Umuwi ka na. Is this what the passed 8 years made you? Selfish and stubborn?!"
"Oh, I see. Eight years changed you a lot, too. Studying abroad didn't just made you a successful artist. You know what? It also taught you on how to be an arrogant jerk. Congratulations for passing with flying colors!" She sarcastically spat at him.
"Do not evade the topic. You didn't answer my question earlier. Why are you here?"
"Running away from you. Satisfied? Tch."
"Well, I don't care. I'm taking you home. My parents and yours are waiting and worrying about you for months, you know that?"
"Fine! Uuwi na ako. Atat masyado?"
"And by the way, I don't want to fetch again a runaway bride."
Nanlaki ang mga mata niya.
"What?! You took that stupid plan seriously?! Oh, y-you can't! I won't marry you!"
He just smirked.
"Try me."
****
8 years ago, Hacienda Demetri
Shinwoo and I were both young then. Nasa isang salu-salo kami sa villa nila dahil matalik na magkaibigan ang mga pamilya namin nang iannounce ang planong ipakasal kaming dalawa. Kakauwi lang noon nina Tito Rain mula sa US at gaya nang madalas mangyari, isinama nila ang bunso nilang si Shinwoo. Every summer kasi, umuuwi sila sa Pilipinas at pupunta sa amin para mag-dinner at magkamustahan sa villa. Tuwing summer din, kinukulit ako lagi ni Shinwoo at tuwing bakasyon, lalo yata siyang gumuguwapo.
Nasa fourth year high school na ako samantalang graduating na siya sa college. Habang nakaupo kami sa hapagkainan kasama ang buong pamilya, tingin siya nang tingin sa'kin. Panay ang irap ko sa kanya samantalang ngingisingisi lang siya. Bigla nalang kaming napansin ng papa niya at papa ko na matalik na magkaibigan.
"Apollo, ngayon ko lang napansin. Dalaga na pala si Temi at napakagandang bata. Bagay na bagay sila ng anak kong si Shinwoo, hindi ba?"
"Oo nga, Pare. Bakit kaya hindi natin sila ipagkasundo tutal boto naman ako sa bunso mo para sa aking unica hija. Ano sa palagay niyo?"
Nabitiwan ko ang hawak kong tinidor habang nasamid naman si Shinshin. Umugong tuloy ang tawanan at tuksuhan sa hapagkainan lalo na nang tumango ang mga mama namin at sumang-ayon sa plano.
Arranged marriage in the 21st century, seriously?! Alam kong may lahing koreano sila at Espanyol naman ang mga ninuno ko pero... kelan pa ba sumunod sa lumang tradisyon ng pagpapakasal ang pamilya ko?!
"Ayoko po, papa!!"
Nagulat ang lahat sa bigla kong pagtutol.
"Bakit hija, hindi mo ba gusto ang anak ko? You are a match made in heaven!"
"Pero Señor ...."
"Ouch naman, Pingping! Nirireject mo ba ang aking kagwapuhan? Pangit ba ako para maging asawa mo? Ayaw mo ba sa kakisigan ko?" Pabirong sumabat ang tinamaan ng magaling na shokoy. Inirapan ko siya at pinanlakihan ng mata.
"Hoy, huwag ka ngang mag-ilusyon!! Nalulukring ka na ba? Ang bata ko pa para magpakasal sa'yo!? Labing-anim na taon pa lang ako no! Kung ikaw lang naman ang mapapangasawa ko, salamat na lang. Ni hindi mo nga kayang panindigan ang salita mo."
"Uy, grabe ka! Ang sakit naman sa puso. Ano ngayon kung ako ang pakakasalan mo? Ayaw mo?"
"Neknek mong shokoy ka! Tingnan mo nga ang sarili mo. Nineteen ka na totoy ka parin. Babaero ka rin kahit ang totoo mukha kang momma's boy. Wala akong balak maging babysitter ng tulad mong isip-bata at crybaby!"
Mukhang napikon siya dahil bigla siyang sumimangot at nagwalkout. Tatawa tawa lang ang mga magulang namin na naaaliw sa nasaksihan.
♥♥♥
At ngayon, mukhang hindi lang biro ang sinabi ng mga magulang nila noon. Dahil natagpuan nalang niya ang sarili na nasa loob ng eroplano pauwi sa Pilipinas kasama ang lalaking hindi na yata niya nagawang alisin sa kanyang puso simula noong sampung taon palang siya. Hindi parin siya makapaniwalang ikakasal siya sa lalaking ito.
Pasimple niya itong sinulyapan mula sa sulok ng kanyang mata at pinag-aralan ang hitsura.
'In fairness, lalo yatang gumwapo ang kumag. Hindi na siya mukhang totoy. Ang ganda ng katawan, daig pa ang mga modelo sa magazines. Sabagay, sikat na bokalista lang naman siya ng Filipino-Korean boy band na " The Switchers". Kainis!'
Paano niya ito aalisin sa sistema niya kung para itong batang naglalaro lang na habol nang habol sa kanya at tila tuwang tuwa pa sa ideyang ikakasal sila? It doesn't make sense! Is he going to make her believe in false hopes again? Does he intend to keep his promise or is it just because of their parents?
Aaminin niya, minahal na nga niya ito noon pa. Kaya nga tuwing summer, lihim siyang natutuwa kapag nandoon ito sa villa nila kahit pa sabihing inaasar lang siya nito palagi.
Isa lang ang alam niya. Takot siya. Takot na siyang umasa at pagod na siyang masaktan sa ideyang balewala ang feelings niya dahil mukhang puro trip lang ang alam ng hinayupak na tsonggong ito. Hindi siya makapaniwalang minsan niyang napanaginipang ikinasal silang dalawa. Nangyayari iyon tuwing papalapit na ang summer. Kaloka!
Pagkatapak nila sa Villa, sinalubong siya ng kanyang mga magulang. Nag-alala talaga ang mga ito sa dalawang buwan niyang pagkawala--err pagtatago.
"Papa..."
"Save your explanations for now, darling. We understand. Bata ka pa at nalilito. Why don't you have a tour at the garden with your fiancé? Para naman mas makilala niyo ang isa't isa. Eight years kayong hindi nagkita, right?"
"Opo, papa."
She couldn't say no. After all, she loved her parents and being the only child has its perks.
As if on cue, biglang sumulpot si Shinwoo out of nowhere na parang kabute. Excited pa itong naglalakad sa tabi niya. Pasimpleng tinitigan niya ang masayang mukha nito. She still loves him, yes. There's no point in denying that fact. Pero ayaw niyang maging isa sa mga dahilan na masakal ito dahil sa kasal na pinlano ng parents nila. Gwapo ito, every girl's dream guy. Someone whom any girl would kill and die for. Mukhang gustong gusto din nito ang nangyayari na dahilan kung bakit hindi niya alam kung ikakasama ba ng loob niya o ikakatuwa ng puso niya. Totoong pinangarap niya rin ang makasama ito habangbuhay. Masakit lang talaga isiping dahil lang sa parents nila kaya siya nito pakakasalan. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang luha niya.
"Arthemys, are you okay? Hey. Why are you crying?" Nag-angat siya ng tingin at nasalubong ang gwapong mukha nito na puno ng pag-aalala. Tumibok nang mabilis ang puso niya. Ito ang dahilan kung bakit ang Dali niyang nahulog sa lalaking ito, eh! Lagi na lang kasi nito ginagawa ang mga bagay na nakakapagpatibok sa puso niya.
"Shinwoo... You don't have to do this. You don't have to--to force yourself in marrying me!" Bigla niyang naibulalas ang nararamdaman bago pa man niya mapigilan ang sarili.
"What? I am not!"
"If this is about our parents, don't worry. I'll talk to papa and end this wedding craze. Ayokong itali ka sa buhay na hindi mo gusto. At mas lalong ayaw kong itali ka sa piling ko at magdusa sa kalungkutan dahil hindi ako ang iyong mahal!"
Tuluyan na siyang napahagulhol.
"Stop saying that. Why would I suffer if that's my ultimate wish and happiness?"
Tiningala niya ito. Sinalubong niya ang mga mata nitong puno ng pagmamahal na nakatitig sa kanya.
"I could have said no if I wanted but I didn't. I could've refused that night; didn't you think of it?"
"Yeah, why didn't you?"
He caressed her tear-streamed face lovingly.
"Why would I if being with you was my greatest dream? I promised you remember? Ikaw ang dahilan kung bakit nagsumikap ako dahil gusto kong patunayan sa pamilya natin na kaya kitang alagaan. Pakakasalan kita dahil mahal kita. Bonus lang talaga na parents natin mismo ang nanguna. I love you, Arthemys. And I will marry you. Tumutol man ang buong mundo. No one can stop me. Not anyone. Not even you."
♥♥♥
It was a beautiful summer in June. Arthemys stood at the middle of the balcony while staring at the celebrating crowd in the garden. She's wearing a beautiful white gown and a smile is painted on her lovely face.
Nilingon niya ang katabing asawa na walang sawang binubulong sa kanya ng paulit-ulit kung gaano siya nito kamahal at kung gaano ito kasaya.
She smiled and leaned against his chest while he hugged her from behind.
She couldn't ask for more. She's happy and thankful to God for the gifts she has.
Now who says, fairy tales exists only in fictional books?
Because once in her simple and ordinary life, there is a dream.
There is magic.
There is love.
A fantasy.
A wish.
A dream came true.
And once in her life, she had her kind of fairytale.
A beautiful tale with her very owned prince charming, who made her summer dream come true.
~♥~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top