Crestfallen Rhapsody
Crestfallen Rhapsody
In your life, what is it that your heart desires the most?
Lahat tayo, iisang bagay lang naman ang hinihiling.
People may come on different colors, shapes and sizes but one thing we have in common, we all seek to be loved.
When you love, it is inevitable that you will get hurt in the process. It's like a cut, deep and painful. It will heal in time but the scars will never fade.
Si Tina.
Sino ba si Tina?
Tinamaan siya ng tinatawag na 'pag-ibig' mula sa ligaw na pana ni Kupido.
Tinago ang nararamdaman dahil takot na masaktan. Inabot ng tatlong taon bago nakaipon ng sapat na lakas ng loob para umamin sa crush niya.
Tinawanan lang kaya umuwing bigo at luhaan.
Tinapakan ang puso at pagkatao niya dahil iyon ang unang rejection na natanggap niya sa buong buhay niya.
Si Tina, tinamad na sa salitang 'love'.
Tinapos na niya lahat ng kahibangan niya.
Tinapon na rin lahat ng pictures na nagpaalala sa unang heartbreak niya kung gano'n nga bang matatawag ang pagsintang pururot niya.
Tinangka niya ring maglaslas ng pulso nang biglang naghiwalay ang parents niya at nabuntis ang ate niya nang hindi pinanagutan.
Nawalan siya ng kapatid at best friend pati future pamangkin nang mabaliw ito sa sobrang depression at namatay dahil uminom ng isang bote ng sleeping pills.
Pero hindi niya nagawang maglaslas. Tinangka niya lang. Takot kasi siya sa matatalim. Tingnan palang niya, mahihimatay na siya. Ang hiwain pa kaya ang sarili niya?
Lahat ng taong napapamahal sa kanya, kung hindi siya sinasaktan, iniiwan siyang nag-iisa at luhaan.
Minsan, pauwi na siya sa bahay nila nang makita niya ang papa niya. Ang lalaking una niyang minahal at pinahalagahan, ang taong una niyang naging idolo at tinuring na superhero, ayun at masaya kasama ang babae niya at ang... anak nila.
May iba pa palang prinsesa ang papa niya bukod sa kanilang dalawa ng ate niya. Ito pa naman ang modelo niya. Kaya lang, sa mga oras na iyon, anumang magagandang imaheng isiniksik sa isip niya mula pagkabata patungkol sa kanyang ama ay tila usok na naglaho at napalitan ng mapait na katotohanang nakalantad sa mismong harap niya. Kahit sulyap ay hindi ibinigay sa kanya ng kanyang ama.
Bilang anak, masakit sa pakiramdam ang kalimutan, balewalain at abandonahin ng sarili mong magulang.
Nasasaktan siya. Parang kahapon lang naman, masaya pa silang magkasama. Parang kahapon lang, nagmamahalan pa ang mga magulang niya at meron siyang buo at perpektong pamilya. Huwad lang pala ang lahat ng iyon. Pakiramdam niya, pinaglaruan siya ng tadhana. Ang saklap naman ng naging laro nito sa buhay niya. Nakakabaliw at napakahapdi.
Yung mama niya, iniwan na rin siya sa Tita niya at sumama na sa boyfriend nitong porendyer. Tinalikuran, iniwan, pinabayaan. Iyon siya. Bagay talaga sa kanya ang pangalan niya.
She wanted to resent her parents for being selfish. They just minded their own pain and forgot about their children. Ano na ang nangyari sa: "I will love you and cherish you all the days of my life. For better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health. Till death do us part" na laman ng wedding vow ng mga ito?
Gone by the wind? Faded through time?
Tinakbo na niya pauwi ang daan papuntang bahay nila sa labis na sama ng loob at hinanakit sa mga magulang niya. Nagmukmok siya at umiyak habang nakafetal position sa sulok ng kwarto niya. Niyakap niya ang mga tuhod at pinigilan ang sariling mapahikbi.
Nawalan siya ng magulang, kapatid at buong pamilya. Kailangan ba talagang siya lang palagi ang maiwang nag-iisa? Pakiramdam niya, walang sinumang nagmamahal sa kanya. She felt alone, abandoned and unloved.
"Pwede bang kahit ngayon lang, sana ako naman ang maging masaya?"
Yes, she desires for love happiness. Love that would not fade and vanish through time and happiness that will last for a lifetime.
Having those wishes to come true is rare but maybe she's lucky enough or heaven took pity on her and grant her wishes. As cliché as it sounds, one day, love struck her like a thunderbolt and invaded her system like a hurricane. What hit her is the kind of love that she never experienced before.
♥♥♥
Kasalukuyan siyang nakaupo sa park nang may mamataang lalaking hindi nalalayo ang edad sa kanya na nakatayo di-kalayuan sa bench na inuokupa niya. Mukhang asar ang lalaki at tila pasan ang mundo sa sobrang seryoso ng ekspresyon nito pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito.
In fact, it just boosts his charm. Napako ang paningin ni Tina sa dibdib ng lalaki na bahagyang nakaexpose dahil sa nakabukas nitong polo. Ngunit hindi iyon ang nakaagaw sa atensiyon niya kundi ang kuwintas na suot nito. Kumikinang iyon at talagang sa mata niya tumatama ang nakasisilaw na repleksiyon.
Nang mapagmasdan niya nang mabuti ang hitsura ng estranghero, napahawak siya sa tapat ng puso niya dahil bigla itong kumalabog.
Ibinalik niya ang tingin sa lalaki na talaga namang makakapagpatulala sa sinuman. Mukha itong galing lang sa pakikipag-away dahil sa gusot sa damit at hula niya, natanggal na ang unang butones ng suot nito. Tila timang na pinag-aralan niya ang mukha nito at napaisip.
"Kamukha niya si ano, eh... Yung future boyfriend at hubby ko? Oo! Siya na 'yun, pramis!!"
Tinitigan niyang muli ang lalaki habang pinagpapantasyahan. Iniisip niya kung ano kaya ang pakiramdam ng makita sa malapitan ang mukha ng lalaki at mahawakan ito.
Hindi pa tuluyang nabubuo ang ilusyon niya nang makita niya itong naghubad ng polo. Imbes na takpan ang mata o tumalikod, natuod siya sa kinatatayuan at muntik nang himatayin nang masilayan ang katawan ng lalaki.
'Oh my god! Indecent Display of Perfection!', mahinang pagtili ni Tina kasabay ng paglinga sa paligid kung may iba pang nakakita ng masterpiece sa harap niya dahil kung meron, tutusukin niya ang mata at gawing fishball. Hah! Territorial yata siya.
Oo, inaangkin na niya ang makisig na estranghero. She doesn't share, arasso?!
At dahil malakas ang loob niya o sadyang makapal lang talaga ang mukha niya, lumapit siya at kinausap ito.
"Hoy, lalake! Alam mo bang ang sarap mo? Ang sarap mong kasuhan. Unjust Seduction of an Innocent! Sa katawan at mukha mong iyan, dito ka pa talaga rarampa sa harapan ko? Hustisya, please? Pakiusap lang, huwag! Mahina ang puso ko sa mga ganyan!"
Daig niya pa ang mga bida sa soap opera at kdrama dahil feel na feel niya ang pagsasalita at may pakumpas-kumpas pang kasama.
Tinitigan lang siya ng modern version ni Adonis at walang-salitang iniwan siyang nakatulala sa gilid ng fountain. Nang mahimasmasan, hinabol niya ang lalaki at sinabayan sa paglalakad. Patalon-talon pa siya at mahinang napapa-hum.
Ilang beses na lumiko ang kasama niya at ilang tawid sa parehong kalsada ang ginawa nila pero wala siyang pakialam. She was more than willing to go wherever he will be going. Kahit sa dulo ng universe o sa buwan, sasama siya.
Nainis yata ang kasama niya kaya tumigil ito sa paglalakad at nilingon siya.
"Who are you and why are you following me?"
"I'm here to reveal your destiny. Sino ako? Ako ang kapalaran mo," nakangiti niyang sabi at matapos ay nagbeautiful eyes.
Walang emosyon itong humarap sa kanya at nagsalita.
"Nakakatol ka ba, Miss?"
Kung ibang tao siguro ang sabihan ng gano'n, mapapahiya at maiinsulto pero hindi si Tina. Definitely not her. Imbes na mainis, kulang na lang maglulundag siya sa tuwa. Mahihiya pati si Joker sa lapad ng ngiti niya. Pakiramdam nga niya, nagpa-party na ang puso niya at may confetti pa.
Aba! Kinausap lang naman siya ng kanyang ultimate beau.
Exaggerated na kung exaggerated. Sa iyon na ang pagtingin niya sa lalaking ito, eh.
Hypocrisy is not her thing. Bakit pa niya idi-deny ang totoo at umarte, hindi ba?
'Grabeh! Ang saya saya ko!!! Kinausap niya ako. Yiiieeehhh! Akala ko hindi niya ako papansinin ever. Achievement ito!' Nangingiti niyang sinundan ng tingin ang papalayong bulto nito at lihim na kinilig.
"We will meet again, my Romeo." Hahakbang na sana siya palayo nang matigilan siya at napatampal sa kanyang noo.
"Ay, tanga! Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya. 'Di bale na nga, kung talagang para kami sa isa't isa, magkikita ulit kaming dalawa. Aja!"
Akala ni Tina, iyon na ang pinakamasayang sandali sa buhay niya. Hindi pa pala. Muntik na siyang mamatay sa sobrang tuwa nang madiskubre niya nang sumunod na araw na sa parehong unibersidad pala sila nag-aaral. Muntik lang. Hindi pa siya pwedeng mamatay dahil hindi pa sila nagkakakilala at nagkatuluyan ng kanyang sinta.
Tristan Eros "Tres" Del Fierro.
Iyon ang buong pangalan nito. Kaya pala nakathree-point shot agad ito sa puso niya.
Fourth year student ito kagaya niya at ambassador ng engineering department sa university nila. Sikat din ito dahil captain ng varsity team at vocalist ng isang banda sa school nila.
Gano'n na ba katagal ang pagpapakaermitanya niya sa loob ng kanyang kuweba at ngayon niya lang ito nakilala?
Graduating na pala siya sa college nang hindi niya namamalayan. Para siyang zombie na biglang nabuhay matapos masilayan si Tres. Lagi niya itong sinusundan mula noon at inalam niya ang schedule nito pati na ang daily routine.
Kahit malayo ang Engineering department mula sa building nila, ang journalism department, araw-araw pa rin siyang pumupunta para masilayan ang kanyang sinisinta.
"Get out of my sight, will you?"
Gaya ng madalas mangyari, iyon ang paulit-ulit nitong litanya sa kanya tuwing nahuhuli siyang nang-iistalk kung hindi "Stop following me".
"Will you just please stay away from me and get out of my life? Bumalik ka nga sa kung saanmang lupalop ng kalawakan o planeta ka nanggaling."
Sanay na siya sa mga ganitong linya at mas lalong sanay na siyang iwanan at itaboy palayo kaya hindi na tatalab ang ganoong istilo sa kanya.
Get out of my life daw.
Ibig sabihin, tanggap na nitong parte siya ng buhay nito? Yieeeh! Nginitian niya lang ito nang ubod tamis.
"Paano ba 'yan, I always belonged to your heart. So, don't blame me if I always find myself coming back to you."
Napabuntong-hininga na lang si Tres at napailing-iling.
"What am I gonna do with you?"
"Gawin mo akong girlfriend mo."
Napahawak na lang ito sa batok. Hindi na niya pinigilan ang sarili na titigan ito. Aba, gustong-gusto niyang gawin iyon matagal na. Ngayon lang niya ito nasilayan nang gano'n kalapit kaya sasamantalahin na niya ang pagkakataon.
"Give that love to yourself first and let the right time give love to you."
Masyado siyang natulala sa mukha nito kaya hindi na naabsorb ng utak niya ang mga sinabi nito.
Napakurap siya nang abutan siya nito ng butones mula sa bulsa ng suot nitong uniporme. Naalala niyang iyon ang butones na mula sa nasira nitong polo na suot nito noong unang beses nilang magkita.
"Why me?"
"Ha? Why not you rin, 'diba?"
"I mean, bakit ako ang napili mo?"
"Alam mo, hindi ko rin alam. Siguro temporary insanity lang 'to kaya hayaan mo nalang akong pestehin ka habang hindi pa ako nauuntog. Naisip ko kasing kung walang magmamahal sa'kin, ako nalang ang mamimigay niyon 'diba?"
"If only you knew..." Pabulong na sambit ni Eros. Napanguso si Tina.
"Magsasalita ka na nga lang, iyong tipong langaw lang ang makakarinig. Aanhin ko 'to?" Aniya matapos kunin ang butones sa nakalahad nitong kamay.
"Sa'yo na lang 'yan. Basta ba huwag mo na akong susundan."
"Eh, bakit?"
"Hindi mo na kailangang maging isang weirdong stalker, okay?"
Ginulo pa nito ang buhok niya bago tumalikod at naglakad palayo habang nakapamulsa. Hindi siya sigurado pero ngiti nga ba ang nakita niyang gumuhit sa labi nito bago ito tumalikod sa kanya at naglakad palayo?
Ano'ng ibig nitong sabihin sa huli nitong sinabi? Napasimangot siya. Ayaw na yata nitong sinusundan-sundan niya palagi.
"Hindi ko na kailangang maging stalker niya? Eh, sa iyon lang ang alam kong paraan para makita siya."
Sinulyapan ni Tina ang hawak niya.
"Aanhin ko naman ito? Makakain ba 'to? Medyo may pagkaweird pala itong si Tres, ano? Buti na lang guwapo at talented," aniya sa isip.
Ibinulsa na lang niya ang butones. Aba, first gift yata 'yon na natanggap niya mula sa 'apple of the eye' niya. Ipapalagay niya talaga 'yon sa isang box o 'di kaya'y sa isang glass jar at idi-display.
Ngayon lang siya nagkaroon ng interes sa isang bagay o sabihin na nating tao kaya wala nang makakapigil sa kanya kahit si Tres pa mismo.
"Ah, basta! He's the one for me. Hindi ko siya tatantanan hanggang sa ma-realize niya na mahal niya rin ako. Wag siyang choosy at pakipot! Dahil ako, sisiguraduhin kong mapapasaakin ang puso niya at buong kaluluwa. Kung kailangang kaladkarin ko siya, gagawin ko at sabay kaming pupunta sa happy ending naming dalawa."
Kung noon ayaw na niyang buksan ang puso at sarili niya para sa iba, iba na ngayon. Kung kailangang paliparin niya ang baboy at gawing square ang buwan...pag-iisipan muna niya. Pipinturahan na lang pala niya ng puti ang uwak. What she really wanted to say is, she will do everything for her wishes to become possible.
Kahit nakakahilo ang magbasa ng libro, pinag-aralan niyang maging isang bookworm para lagi niyang makasama si Tres kahit isang oras lang sa library nila. At hindi niya inasahang maienjoy niya ang pagbabasa dahil nadadagdagan yata ang katalinuhan niya.
Noon, ayaw na ayaw niya sa mga lugar na maraming tao. Nang makilala niya si Tres, nakikipagsiksikan, nakikipagtulakan at nakikipagsigawan na siya sa mga fans at cheerers ng basketball team nila sa auditorium para lang mapanood itong maglaro.
He may be the captain of the team but for Tina, he's the MVP of her heart and the Center of her life.
Hindi siya mahilig sa musika pero natutunan niyang makinig sa mga kanta. She learned how to appreciate the melody of the songs. Bumili pa siya ng mp3 player kahit puro kanta lang naman ng banda nina Tres ang laman.
Para kay Tres, natuto siyang mag-adjust. She learned how to discover her limitations and hidden capabilities. He's the one who made her try to get out of her comfort zone and enjoy the real beauty of the outside world.
Well, that is just one of the things that love could do. It could make you appreciate simple things and love things you hated before. It can even make you look like a fool and do stupid things you never expected you would.
Para kay Tina, kahit ang simpleng pagtingin lang ni Tres sa gawi niya ay katumbas na ng kaligayahan niya. Kuntento na siyang alam nito ang existence niya sa mundo. At hindi siya titigil hangga't hindi niya nahuhuli ang mailap nitong puso.
Stalker na kung stalker. Desperada na, feelingera at makapal ang mukha kung gano'n nga ba ang matatawag sa kanya.
Siya kaya si Sentina Dimagiba, wala siyang inuurungan lalo na kung ang poging nilalang na ito ang kanyang magiging kaligayahan. Gaya ng kanyang apelyido, hindi siya matitibag at hindi siya susuko.
Sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay, ngayon pa ba siya uurong? Naranasan niya ang maiwan, masaktan at mag-isa.
Being alone is one of her normal routines. But because of those, she learned how to stand on her own feet and work hard for the things she wanted. Now that she found someone who made her forget about the wounds caused by her family, she will do everything to win his heart.
Wala siyang pakialam kung magmukha siyang naghahabol. Ano ngayon?
Para sa kanya, walang destiny dahil naniniwala siya sa kasabihang, "Hindi ka hihintayin ng forever at mas lalong hindi ito lalapit ng kusa sa'yo. Dapat ikaw mismo ang maghabol at paghirapan ang lahat upang maabot mo ang sariling "happy ever after" ng kwento mo. Arasso?"
~♥~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top