Café Latte

Café Latte

'Smile even though your heart's dying inside. Kaya mo 'yan, Nesca!'

Nakaupo ako sa loob ng Koffee's and Keyk's na pagmamay-ari ng parents ng kababata ko habang gumuguhit sa sketchpad ko. Maya-maya, may lumapit na waitress.

"Your order, ma'am?"

"One coffee, please."

"Brewed ba o black coffee?"

"Creamy latte nalang. Thank you."

Abala ako sa paghahanap ng mapagkukunan ng inspirasyon nang mapabaling ang tingin ko sa maingay na kitchen counter.

"Ano 'yan?"

"Uh, Café Espresso."

"Alam ko. Bakit may starfish?"

"Latte art po tawag diyan, boss. Bulaklak sana 'yan kaso nagmukhang bituin."

"Mali naman kasi ang pagguhit mo, eh."

Yumuko ako nang mapalingon ang tumawag na 'boss' sa gawi ko at nagkunwaring tutok sa pagdo-drowing.

"Gayahin mo kasi ang coffeemate ko na ang obra, kalevel ang pagiging perfect ng napakakisig kong existence sa planetang ito. Hindi ba, coffemate!?" Hindi ko siya pinansin. Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa gilid ko.

"Nesca Felize Arrenaz." Hindi ako lumingon.

"Nescafe!!!" Nagpanting ang tenga ko at nilingon siya. Siya lang naman ang nag-iisang taong alam kong tumatawag sa'kin sa pangalang 'yon.

Kade Toffee Sandoval. Ang kababata kong nagkalat na naman dito sa cafe nila. 'Koffee's and Keyk's' actually came from his and his twin sister's nicknames. Sinimangutan ko siya.

"Toffee..."

"Awts! I'm so hurt, my Nescafe. Bakit hindi mo na ako tinatawag na Koffee?"

Humawak pa ito sa tapat ng puso niya na parang winasak ko iyon pero ngiting-ngiti naman ang mukha niya.

Napabuga ako ng hangin nang umupo siya sa tapat ko at nangalumbaba sa mesa habang nakangiting tinitigan ako.

Oh, well. Pastime niya yata ang pasulpot-sulpot sa buhay ko. Ang masama, hindi niya alam ang epekto niya sa sistema ko.

He looks so cool when he's acting snob and aloof but he's beyond dumbfounding and jaw-dropping whenever he smiles. Nakakaadik ang ngiti niya. Iyong tipong hindi ko na kailangan ng kape kapag inantok ako sa paggawa ng thesis dahil mukha niya palang ang masisilayan ko, buhay na buhay na ang hasang pati brain cells ko. Para siyang kapeng barako. Daig niya pa ang pinakamatapang na kape.

Nakakaadik, nakaka-ay ewan, basta! Hindi ako mahilig sa kape. Pramis. I prefer hot milk or chocolate. Pero tuwing tinititigan ko siya, parang paborito ko na ang ngiti niya.

Nagpatuloy nalang ako sa paggawa ng output ko sa Arts subject ko. Pero ilang segundo lang ay napatulala na naman ako habang inaalala ang childhood days namin. Mula sa kasungitan niya at kakulitan ko, hanggang sa mag-highschool kami at nagkapalit ng ugali dahil ako na ang laging nagsusungit sa kanya at inaasar niya naman ako sa pangungulit niya.

Napangiti ako sa kawalan.

"Please tell me how..." Tiningnan ko siya at pinangunutan ng noo. "...how to stop thinking about you."

"Huh?"

Tiningnan niya ako at tinuro ang mesa ko. "Focus on your drawing."

"Uh, okay."

"Are you thinking of someone?"

"Uhmm..." 'It's you, idiot'. Gusto kong isigaw iyon pero siyempre hindi ko gagawin. I just shrugged. "Sort of."

"Whoever he is, he's such a lucky guy."

"Huh?"

Kanina pa siya ganyan. Magsasalita na nga lang, iyong siya lang ang makarinig. Bahala siya sa buhay niya.

"Tumahimik ka na nga dyan. Huwag mo akong iniistorbo at baka masaksak kita ng lapis. Umuwi ka na rin dahil kailangan ka na sa inyo."

"Pa'no ba iyan, ayokong umuwi. Mas kailangan kita, eh."

Nagblush ako. Inirapan ko siya nang humalakhak siya. Huwag kayong mainggit sa'kin dahil sa totoo lang, sumasama ang loob ko. Alam ko naman kasing nantitrip lang siya.

Ayokong umasa. Mahirap na.
Baka matulad ako kay Aling Ising na sumasayaw at namumulot ng kung ano-ano sa gitna ng kalsada. Ang masama pa, baka ang pupulutin ko'y pira-piraso ng puso ko kapag tuluyan akong nahulog at nagpadala sa mga salita niya. Sino ba naman ako para magustuhan niya, hindi ba?

"Oh, ano na namang problema mo? Ba't ka nakaharang sa daan ko na parang nakalunok ng granada?"

Umagang-umaga kasi, kinulit akong dumaan sa cafe nila para daw sa surprise niya. Tsk. Papunta pa naman ako mamaya sa party ng kaibigan ko kaya nakawhite dress ako at doll shoes. Bigla siyang sumalubong sa'kin at napatulala bigla habang tinitingnan ang getup ko.

"Just by seeing you, my heart goes thump thump."

Biglang lumapit ang assistant niyang si Yale, ang alien of the year. Hindi yata siya ipinanganak sa earth para maintindihan ang mga bagay-bagay sa planetang ito.

"Tamtam?! What the fracking hill is that? New jargon? Just like petmalu, werpa and lodi?"

Tinapik siya ni Toffee sa balikat at madramang nagsalita.

"My friend, you who had just entered planet earth, that's the sound of a heart screaming an unexplainable love."

Hindi ko alam pero napangiti ako.

"Smile more often...it suits you."

Hay, Koffee. Wag kang banat nang banat. Tingnan mo pisngi ko, sobrang banat na sa kakangiti. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Sige na nga, papayagan ko na ang sarili kong kiligin at matuwa kahit ngayon lang. Tutal, malapit na ang birthday ko. Gift-to-self kumbaga.

"Ang ganda mo."

"Matagal ko nang alam 'yan."

"Pogi din ako." Ano'ng konek?

"Talaga? Hindi ko alam 'yan eh. Kelan ba 'yan nauso? Noong dawn of the planet of the apes o alien invasion? Meron pa pala silang kalahi na natira?"

Pero ang timang, tila walang narinig na nagpatuloy sa banat niya.

"Maganda ka gwapo ako... Bagay tayo."

"Bagay lang, walang tayo. Isa pa, dyosa ako, alien ka. Bumalik ka na nga sa pinanggalingan mong planeta." Nilagpasan ko siya. "Oh, bakit dinaig mo pa ang ngisi ni Joker?"

"Wala lang, kakasabi mo lang kasi kaninang bagay nga tayo."

Kumunot ang noo ko. Makaalis na nga at malilate na ako.

"Oh, nagtampo ka na agad? Saan ka pupunta?"

"Tsupi! May date ako."

Tila bulang naglaho lahat ng saya niya kanina at tila may dumaang sakit sa mga mata niya.

"Gano'n ba? Kanino naman?"

Nagulat ako sa malamig niyang boses. First time kong narinig noon 'to noong 1st year college ako at sinabi ko sa kanya na niyaya akong magdate ng crush ko. What's with him?

"Uh, magdidate ulit kami ng crush ko. Naalala mo si Zairan?"

"Tch. Makikipagdate ka na nga lang, sa mestisong bangus pa na 'yon."

"Anlaki ng galit mo sa kanya, ah. Inaano ka ba?" Inirapan niya ako. Nyaah?

"Kung pipili ka lang naman ng ipapalit sa'kin, sana iyong mapantayan man lang ang kagwapuhan ko. Insulto iyon sa taglay kong kakisigan. Nakakabanas."

"Ano ba talagang problema mo?!"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!"

"Ha? Bakit ako?!"

"Wala!"

Tumalikod na siya at tila batang inagawan ng kendi na nagtantrums. Ang ibig kong sabihin, pinagalitan niya bigla ang mga nananahimik na staff. Bakit biglang uminit ang ulo niya? Okay naman siya kanina. Lagpas-langit pa nga ang ngisi. Nagkibit-balikat ako at umalis.

♥♥♥

A week passed by like a blur. I noticed that he seems to be avoiding me since the last time we talked. I don't know but he suddenly became cold and distant. At least, only to me. He changed the way he acts around me.

Sa totoo lang, nanibago ako. Mas sanay kasi ako sa makulit, madaldal at palangiting si Koffee. Tuwing nandoon ako sa shop niya, parang hangin lang ako kung dadaandaanan niya.

Dati, nakatayo na agad siya sa pintuan para salubungin ang pagdating ko. Pero ngayon... Bigla siyang aalis sa counter kapag papasok ako at doon siya sa kusina magkukulong.

Namiss ko ang pangungulit niya at pagbibigay niya lagi sa'kin ng kapeng may hugis puso at cupcake na laging may design na couple. Pinaghirapan niya talaga ang pangungulit sa patissier nila na turuan siya ng latte art at magbake. Para sa'kin daw kasi. Iyon ang lagi niyang sagot at dahilan na kahit kailan, hindi ko maintindihan.

Bakit naman siya mag-ieffort na matutunan ang mga bagay para sa'kin 'di ba?

Haay. It's my birthday today. Cold parin siya. Actually, masama ang loob ko dahil hindi siya pumunta. Pinahatid niya lang ang pinangako niyang cake para sa'kin.

Dito ako dumiretso sa cafe nila at di nga ako nagkamali dahil para siyang tangang nakatulala sa counter kaya hindi niya napansing kanina pa ako nandito at pinagmamasdan siya.

Kanina pa siya pabalik-balik mula sa counter at tapat ng pintuan. Parang naghi-hesitate kung lalabas o hindi. Tapos bigla niyang sinabunutan ang buhok niya at napu-frustrate na umupo. Lumapit ako.

"Ehem.... Ahm, K-koffee? Wala man lang bang happy birthday mula sa'yo?"

Tila hindi makapaniwalang tiningnan niya ako.

"A-anong ginagawa mo dito? You should be home, celebrating."

"Wala lang. Wala ka kasi."

"What?!"

"Boring d'un dahil MIA ka. Parang tulad ng gaano kaboring ang buhay ko kung wala ka." Napakagat-labi ako. Akala ko pa naman matutuwa siya pero tila nadagdagan ang lungkot niya.

"Umuwi kana."

"B-bakit?! Gusto ko ng kape, eh. Dali!" I whined. He sighed and went to the kitchen counter. Nangalumbaba ako sa mesa at tiningnan ang bawat galaw niya while trying to figure out the reason for his unusual behaviors these past few days.

"O, kape mo."

Nadismaya ako kasi walang kahit anong design. Plain coffee lang. Hindi ko alam pero parang gusto kong maiyak. Bigla kong ininom ang kape nang hindi niya ako pinansin o tiningnan man lang.

"Awtsuu! Ang ineeeet!!"

At tila doon niya lang ako binalingan at natatarantang inabutan ng tubig.

"Bakit ba ang clumsy mo!? Hindi ka kasi nag-iingat."

"Ikaw kasi eh! Nakakadistract. Hindi mo ako pinapansin."

He ruffled his hair and looked at me with tired eyes. Mukha siyang stressed na stressed at frustrated. Bakit kaya?

"Haay. Sige na nga. I'm not mad at you if that's what you think. I just need to take a break from all of this and to have time in sorting things out to myself, especially my feelings and what I feel for you."

Hayan na naman siya, eh. Saying things that makes me think and hope for something between us. I sniffled.

"Why are you doing this? I mean, bakit mo ba talaga ginagawa ang lahat ng 'to?"

He cast a frustrated look towards me while scratching his nape.

"Do I really have to spell it out?"

"Spell out what?"

Tila nanggigigil na kinurot niya ang ilong niya at inipit ng mga kamay niya ang mukha ko.

"Oh, damn! I love you, okay?! I love you because sometimes you're so stupid and slow. But you know what? I found it cute. I love you because you made me realize how to work hard for something I long to have. You're the one who made me come out of my comfort zone and realize things. Things I shouldn't ignore. You made me realize that I can't always get what I want. Like... how I couldn't have your heart."

I was dumbfounded. Actually, nakanganga ako habang tulalang nakatitig sa mukha niya. Totoo ba 'to? He also feels something for me? I was about to smile and tell him about how I feel for him too but I stopped. Kung kelan kasi handa na rin akong umamin saka naman gumuhit ang lungkot sa gwapo niyang mukha.

"I look like a stupid fool, ayt? I was once too proud and full of myself. But when it comes to you, I feel insecure and never enough. I guess, this is what I got as my karma for making many girls cry." Nalito ako.

"Koffee..." He laughed humorlessly. Tila batang nag-emote siya at isinubsob ang mukha niya sa mesa.

"Don't mind me. Ganito ako kapag heartbroken. Well, sa'yo lang naman." He sighed. "Tanga ako. Kagaya ng katangahan mong inumin ang kapeng alam mong mainit. Pero parang mas tanga nga yata ako dahil kahit ilang beses na akong napaso, gustong-gusto ko paring ipagpatuloy at ulit-ulitin hanggang sa maging akin ka."

"Ano?! Y-you really love me?"

"Matagal na. Simula noong mga bata pa tayo. Pero mukhang kahit kelan, hindi mo ako pagtutuunan ng atensiyon. Kaya nga dinadaan ko nalang sa pagpapacute at pangungulit ang lahat para kahit paano ay mapansin mo ako."

"T-talaga? Ba't di ko alam?"

"Obvious na ang pagpapansin ko, Wala pa ring epek. Hindi ko alam kung manhid ka o sadyang tanga lang."

Napakamot ako sa ulo. "Ah, pareho. Manhid ako kasi hindi ko pinansin ang nararamdaman mo at tanga ako kasi, ako mismo ang pumipigil sa sarili kong maniwala at mahulog sa'yo."

"What do you mean?"

"Alam mo, tama ka. Bagay tayo. Pareho kasi tayong manhid at tanga. Manhid ako dahil kahit obvious na ay pinilit kong balewalain at hindi bigyan ng pansin ang mga pagpaparamdam mo. Tanga dahil pinipilit kong huwag mahulog sa'yo gayong matagal na akong lunod na lunod sa pagmamahal sa'yo."

Tila magic words ang sinabi dahil automatic na naging maliwanag ang mukha niya at gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya. Mababanaag rin ang kasiyahan sa mga mata niya habang nakatitig sa'kin.

"Hay, sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga pumapalya ang powers ng charm at kakisigan ko!" Napailing nalang ako. Hindi na talaga mawawala ang kayabangan niya sa katawan. Tumayo siya at niyakap ako.

"Koffee?"

"Hmmm...?"

"Thank you for loving me this much since we were kids."

"Nah. Thank you for making me fall for you."

"Sorry din kasi matagal ka na palang nasasaktan nang dahil sa'kin."

"Well, it was all worth it. Mas masarap pala sa pakiramdam na makuha ang bagay na mahirap kunin."

Napalingon ako sa labas at nakita ang pinsan kong naglalakad habang nakasimangot dahil bumibida na naman ng concert sa kalsada ang boyfriend niya.

"Tingnan mo si Kuya Thunder kung anong ginagawa sa sobrang pagkainlove sa pinsan kong bitter."

"Bakit, ano bang ginagawa niya?"

"Napapakanta, napapatula, napapasayaw at napapasigaw." Binalingan ko siya. "Eh, ikaw?"

"Wala."

"Ano, tititigan mo lang ako?" He smiled.

"Oo." Nadismaya ako sa sagot niya. Ang manhid into. Tsk.

"At bakit?"

"Kasi tuwing tinititigan kita, lalo akong nahuhulog sa'yo. At habang patuloy akong tumitingin sa'yo, mas lalo kitang minamahal." Kinuha niya ang kape ko at ininom habang hindi inaalis ang tingin sa'kin. "Parang kape lang. Habang tumatagal, lalong sumasarap. At habang hinihintay mong hindi na masyadong mainit, mas nakakaadik inumin."

I smiled while he held my hand and mouthed, "I love you."

♥♥♥

In love, you'll never know what would happen unless you try and put your heart at stake. Parang kape lang. Hindi mo malalaman at maienjoy ang lasa nito kung hindi mo titikman at susubukan. Minsan, mapapaso ka kung minadali. Kaya matutong maghintay dahil may tinatawag na 'tamang panahon'. And believe me, mas overwhelming iyon.

I am just a simple girl living in this vast world. And I am thankful because I'm so lucky to be loved by a special guy. Dahil sa dinami-dami ng tao sa mundo, kaming dalawa ang pinagtagpo. We may never know what lies ahead but one thing's certain. No matter what happens, we will not let go of each other's hands.

Forever may be nonexistent but I don't need it anyway. Because a lifetime with him is already enough.

~♥~

Most people can't start their day without a cup of coffee.
How 'bout you? What's your coffee story?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top