Ang Babae sa Booth

Isinulat ni: Paperpen

Si Chelsea ay isang highschool student at active president ng kanilang club. Palibhasa nasa posisyon, responsibilidad n'ya ang mga gawaing nakaatang sa kan'ya.

Ngayong buwan ng Nobyembre, mayro'n silang event sa school nila na may theme na Halloween Special. Abala ang lahat sa paghahanda para rito. Ang bawat club sa kanilang paaralang ay pabonggahan ng design dahil malaki ang premyong matatanggap nila sakali mang mananalo sila.

Ngayon, kasalukuyang nagdidisenyo sina Chelsea at ang mga kasamahan n'ya sa booth. Todo effort ang kanilang ginagawa dahil determinado talaga silang manalo sa contest na ‘yon.

Isang malaking booth na napapaligiran ng mga itim na tela ang kanilang itinayo sa loob ng paaralan. Puno ito ng mga nakakatakot na display gaya ng mga pekeng bungo at iba pang mga nakakatakot na mukhang nakikita sa TV.

“Kailangang manalo tayo sa patimpalak na ito. Hindi ako papayag na mauwi sa wala ang lahat ng ating pinaghirapan,” ang sabi ni Jane, ang vice president ng club.

“Huh! Umaasa pa kayong mananalo kayo. E kitang-kita naman sa designs kung kaninong booth ang mas lamang!” panunuya ni Gretta nang makalapit sa harapan ng booth nina Chelsea kasama ang dalawang kaibigan nito. Isa ito sa mga competitive student ng kanilang school. Gusto palaging nasa kan'ya ang spotlight.

Nilingon nila ang booth design ng mga ito na halos katapat lamang ng sa kanila. Totoo nga namang may laban ito ngunit alam n'yang confident din sila sa kanilang ginagawa.

“Tingnan na lang natin mamaya, Gretta,” nakangiting wika na lang ni Chelsea sa babae.

“Umalis na nga kayo rito! Nakakasira lang kayo ng mood namin e!” sabat ng member ng club na si Chloe.

“Haha! Whatever, losers! Let's go girls! Alam naman nating mananalo tayo over them.” Pinabayaan nila ang mga ito na umalis at ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa. Masasayang lang ang oras nila kung pagtutuunan pa nila ito ng pansin.

Makalipas ang halos isa’t kalahating oras ng pagdidisenyo, natapos na rin sila.

“Hay salamat! Natapos din! Sumakit ang likod ko ro'n ah!” untag ni Chelsea habang uminat-inat pa.

“May after-party raw mamaya. Punta tayo ha?” pag-anyaya ni Jane na makikita rin ang pagod sa mukha ngunit mababakas na excited sa party.

“Sige! Go ako d'yan!” tugon ng dalawa.

Matapos ang pag-aayos ay nagpalit na rin sila ng mga costumes nila at nag-umpisa nang maghikayat ng mga estudyante na bibisita sa booth nila.

Alas tres na ng hapon kaya't makikita na ang iba’t-ibang Halloween costumes ng bawat isa. Halos dumugin din ang kanilang booth sa kagustuhang magpa-picture ng mga estudyante.

Mababakas ang mga ngiti ni Chelsea sa kanyang labi ngunit unti-unti rin itong napalitan nang maramdaman n'ya ang kakaibang hangin na dumampi sa kanyang mga balat. Napayakap tuloy s'ya sa kan’yang sarili dahil nanonoot ito sa kanyang costume.

“Hindi n'yo ba naramdaman ‘yon?” tanong n'ya sa mga kasamahan n'ya habang balisa pa rin sa kan'yang nararamdaman.

“Ang alin?” Kunot-noong tanong ni Chloe.

“Ang kakaibang ihip ng hangin.”

“Ha? Wala naman kaming naramdaman ah saka mas uminit nga dahil sa siksikan ang mga estudyante e,” sabat naman ni Jane habang abala sa pag-a-assist.

Nagkibit-balikat na lamang si Chelsea dahil pagod na rin naman s'ya. Ngunit hindi pa man din s'ya nakakabawi nang mamataan n'ya ang isang bulto ng tao sa ‘di kalayuan.

Nakasuot ito ng kulay itim na itim at mahabang damit na umaabot na sa kan'yang mga paa. Mahaba ang mga buhok na nakalugay at nangingitim din ang ilalim ng mga mata. Gaya ng iba, nakapang-Halloween costume rin s'ya. Ngumiti ito sa kan'ya kaya't nginitian n'ya rin ito.

Lalapitan n'ya na sana ito upang yayain sa kanilang booth nang biglang napawi ang mga ngiti nito at unti-unting lumuha ng dugo. Nagimbal s'ya sa nangyari ngunit inisip n'yang palabas lamang ito.

“Huwag ka namang manakot nang gan'yan,” ang sabi n'ya kahit sa loob-loob nito ay kinakabahan na s'ya. Wala namang kibo ang babaeng kausap n'ya.

“Gusto mo bang pumunta sa booth namin?” nakangiting tanong n'ya. Hindi pa rin ito tumutugon kaya't unti-unti n'ya itong ipinagtaka.

“Halika na.” Natatakot man sa akto nito ay nilaksan pa rin n'ya ang loob n'ya. Ngunit mas lalo lamang nanindig ang mga balahibo n'ya sa sumunod na nangyari. Natanggal ang parehong mga mata nito at lawit ang lamang nakakonekta sa eyeballs nito. Sumirit tuloy ang masaganang dugo sa harapan n'ya.

“Aaaaaah!” Labis-labis na takot at kaba ang nararamdaman ni Chelsea na halos panawan na s'ya ng ulirat.

“Chelsea! Ano bang nangyayari sa ‘yo? Bakit bigla kang sumisigaw d'yan?” Nag-aalalang tanong ni Jane.

“May babae! May babae! ‘Yong mata n'ya!” Hysterical at halos maiyak na sumbong ni Chelsea.

“Babae? Nasaan?” Nang lingunin ito ni Jane, wala na ito sa harapan n'ya. Luminga-linga pa s'ya sa paligid ngunit hindi n'ya na ito makita.

“Wala naman ah. Saka kung mayro'n mang nananakot sa 'yo, natural lang ‘yon dahil Halloween ngayon o baka naman gusto lang magpapansin sa 'yo.”

“At ito? Ano ito?” tukoy nito sa pulang likido nagmantsa sa damit n'ya.

“Galing ito sa kan'ya, sa mga mata n'ya mismo.” Nanginginig na sagot n'ya sa kaibigan.

“Hay naku, Chelsea. Pagod ka na talaga. Mabuti pa maupo ka muna at magpahinga d'yan.” Ipinaghila s'ya nito ng bangko at inalalayang makaupo.

“Pero totoo ang sinasabi ko. May babae, matured ang itsura at sa kan'ya nanggaling ito.” Balisa at hindi pa rin mapakali si Chelsea na parang anumang oras ay makikita n'yang muli ang babae.

“Chelsea, imagination mo lang ‘yon dahil buwan ng Nobyembre ngayon at ‘yang mantsang nasa damit mo e pinturang dumikit lang ‘yan dahil sa ginamit natin kanina. Kaya sige na, magpahinga ka na muna d'yan.”

Napabuntong-hininga na lang si Chelsea dahil sa kabiguang mapaniwala ang kan'yang kaibigan. Siguro nga’y dahil sa pagod lang s'ya kaya kung ano-ano ang pumapasok sa malikot n'yang isipan.

Alas-sinco na ng hapon at wala nang tao sa mga booth. Oras na para magdesisyon kung sino ang mananalo. Excited na ang lahat sa resulta. Naghatol na kasi kanina ang mga judges habang nag-iikot ang mga ito at sinusuri ang bawat kalidad ng disenyo ng kada booth.

Kasalukuyan ngang nagkakabit na ng placer sticker ang mga judges. First to third placer and champion lamang ang kasama sa bibigyan ng award.

Una na nilang nilagyan ng 3rd placer ang katabing booth nina Chelsea. Nag-aabang ang bawat isa. Nanalo naman ng 2nd placer ang nasa pinakadulong bahagi na booth. At ngayon, 1st placer at champion na lang ang natitira.

Lumapit sa pwesto nina Chelsea at Gretta si Miss Reyes, isa sa mga judges at teacher nila sa paaralan. Hawak nito ang sticker badges na ididikit. Samantalang, kampante naman ang grupo nina Gretta at pinaghalo-halo namang emosyon ang nararamdaman nina Chelsea.

Maya't-maya pa, lumapit si Miss Reyes sa booth nina Chelsea upang ilagay ang sticker.

“Huh? I knew it!” bulalas ni Gretta na makikita ang ningning ng mga mata gayondin ang mga kasamahan nito. Kitang-kita naman ang pagkadismaya sa mukha nina Chelsea.

“Okay lang ‘yan. At least, nakuha natin ang 1st place.” Nagtapikan pa sila ng balikat upang pagaanin ang loob ng isa't-isa.

“Sandali,” wika ni Miss Reyes dahilan upang maagaw nito ang kanilang atensyon.

“Nagkamali ako. Pasensya na.” Tila hindi nag-sink in sa mga utak nila ang sinabi nito dahilan upang manlaki ang kanilang mga mata. Sinundan lamang nila ng tingin ang babae sa paglipat ng badge sa kanilang booth. Mula sa booth nina Gretta ay napalipat sa kanila ang badge na champion.

“What?! This is impossible! How did this happen?!” Frustrated na tanong ni Gretta na halata ang pagkadisgusto sa mukha.

“Ija, totoong maganda ang booth n'yo but the way you bullied them earlier is not acceptable. So, we decided to deduct your points for your improper behavior during the contest. You knew that we should observe politeness not just on school, but wherever you are,” mahinahon ngunit ma-awtoridad na paliwanag nito.

“No! This can't be! Hindi ko matatanggap ito!” Masama ang loob na umalis si Gretta sa harapan nila ngunit masaya naman sina Chelsea sa nakuha nilang parangal. Gayunpaman, hindi pa rin maiwasan ni Chelsea na magkaro'n ng simpatya para kay Gretta.

“Congratulations!” pagbati sa kanila ni Miss Reyes.

“Salamat po! Maraming salamat po!” Taos-pusong pasasalamat ng club nila.

“Oh ano? Let's celebrate! Sa after-party gagawin ang picture taking at pagbibigay ng awards. Kaya tara na!” Labis na tuwang pag-akit sa kanila ni Jane.

“Sandali, magpapalit lang ako. Ang baho na kasi nitong damit ko e,” sabi ni Chelsea.

“Gano'n ba? Samahan ka na namin,” alok naman ni Chloe.

“Naku, hindi na. Kaya ko na ‘to. Mauna na kayo ro'n. Susunod na lang ako.” Tumango naman ang dalawa. Kumukunti na rin ang tao sa paligid dahil halos dumeretso na ang mga ito sa party.

Ngunit nasaan na kaya si Gretta? Bigla itong naisip ni Chelsea dahil bigla na lang itong tumakbo palayo. Baka naman dumeretso na rin sa venue.

Kinuha n'ya na ang mga gamit n'ya at dumeretso na sa banyo. Nagpalit lamang s'ya ng isang plain white dress at nag-retouch nang kaunti para naman presentable s'ya sa awarding mamaya.

Tinitigan n'ya ang sarili sa salamin bago ngumiti. “Congratulations sa club n'yo, Chelsea!” Matapos iyon ay kinuha n'ya nang muli ang mga gamit n'ya at akmang lalabas na ng pintuan.

Ngunit malakas na nagsarado ang pinto. Walang tao sa lugar na iyon kundi s'ya lamang. Kinutuban s'yang hindi maganda ang nangyayari kaya't mabilis n'yang pinihit ang door knob ngunit ayaw nitong magbukas.

Mukhang napagtripan na naman s'ya.

“Tulong! Tulungan n'yo po ako! Hello? May tao ba d'yan? Buksan n'yo po ito!” Kinalampag n'ya na ang pinto ngunit wala pa ring nangyari.

Maya-maya pa, biglang umihip ang napakalakas na hangin kahit kulong na kulong naman ang buong kwarto. Nanindig ang mga balahibo n'ya nang maramdaman ang presensya ng kung sino man sa likuran n'ya.

Hindi s'ya naniniwala sa mga aswang o multo ngunit sa nararanasan at nararamdaman n'ya ngayon, kumbinsido na s'ya. Nanginginig ang buong katawan n'ya at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan n'ya.

Nangingilabot man ay dahan-dahan n'ya itong hinarap. Gayon na lamang ang pagkagimbal n'ya nang muli n'yang nakita ang babaeng nakita n'ya sa booth kanina.

“S-sino ka? Ano bang kailangan mo sa akin?” Nilaksan n'ya ang loob n'ya kahit gusto n'ya nang himatayin nang wala sa oras.

“Mamamatay ka.” Dalawang salitang labis na nagpanginig sa buong katawan n'ya. Ang boses nito ay napakalalim na para bang lalaki at nagmula pa sa kailaliman ng lupa.

“Hindi ako natatakot sa 'yo!” Buong tapang na sigaw ni Chelsea ngunit mababakas na ang labis na pamumutla ng balat nito.

Tumawa lamang ang babae nang nakakarindi kasabay nito ang ay muling pagluha n'ya ng mga dugo.

“Pakawalan mo na po ako. Maawa ka po sa akin. Ano po bang ginawa ko sa inyo?” Naiiyak na tanong ni Chelsea.

“Ignorante!” Napaigtad s'ya sa pagsigaw nito at nakita n'ya ang madilim na awra nito. Napakatalim ng tingin nito sa kan'ya na parang anumang oras ay aatakihin s'ya nito.

“Mamamatay ka!” Muling pagsigaw nito kasabay ang mabilis na pag-atake sa kan'ya.

“Aaaaaah! Tama na!” Pinakiramdam ni Chelsea ang sarili. Wala namang kakaiba ngunit isa lamang ang nasisiguro n'ya, wala na s'yang makita at naramdaman n'ya ang sunod-sunod na pagpatak ng malapot na likidong nagmumula sa kan'yang mga mata.

Kinapa n'ya ito at mas lalong nanlumo sa kanyang napagtanto. Wala na ang pares ng kanyang mga mata dahil kinuha na ito ng babae habang ninanamnam ang mga ito.

“Tama na po. Maawa po kayo sa akin. Pakawalan n'yo na po ako.” Kasabay ng pagtulo ng dugo ay ang pagtulo rin ng mga luha n'ya. Wala na s'yang makita at puro kadiliman na lamang ang naaabot ng kan'yang paningin.

Hindi s'ya pinakinggan ng babae dahil tuwang-tuwa pa ito sa kan'yang kalagayan. Mabilis itong lumapit sa kan'ya at naramdaman n'ya ang mahigpit na pagkakasakal nito sa kan'ya. Pumapalag si Chelsea ngunit hindi n'ya kayang tapatan ang lakas ng babae.

Naramdaman n'ya na lamang ang paghiwalay ng kan'yang dila sa kan'yang bibig. Agad na dumanak ang masaganang dugo at nalasahan n'ya ito.

Nanghihina na si Chelsea at tila binigay na. Wala na ring boses na lumalabas sa kan'yang bibig at tanging pag-ungol na lang ang kan'yang nagagawa.

Lupaypay s'yang binitiwan ng babae. Wala s'yang iniisip ng mga oras na ‘yon kundi ang mga mahal n'ya sa buhay. Nalulungkot s'ya dahil hindi man lang n'ya magagawang makapagpaalam sa mga ito. Kung ito man ang huling pagkakataon n'ya, nawa’y may humanap ng katarungan para sa kan'ya.

At sa huling pagkakataon, tuluyang dinukot ng babae ang kaloob-looban ng lalagyan ng eyeballs n'ya. Wala nang buhay si Chelsea. Nakahandusay na ito sa sahig, punong-puno ng mapupulang likido ang buong katawan n'ya at mababakas ang takot sa mukha nito.

Malawak namang nakangiti ang babae habang pinagmamasdan ang hitsura n'ya.

“Nakapaghiganti na rin ako pero hindi pa ito sapat. Papatayin ko kayong lahat na lumapastangan sa akin! Hahaha!” Umalingawngaw ang halakhak nito sa buong kwarto na parang nauulol na aso. Mababakas ang galit, poot, at pighati sa kan'yang boses tanda ng kan'yang mga hinanakit.

Lingid sa kanilang kaalaman, ang babaeng ito—si Matilda—ay naghahanap din ng hustisya at katarungan ngunit hindi n'ya nakamtam kailanman.

Minsan na s'yang nanalo sa contest at hindi ito nagustuhan ng mga katimpalak n'ya na s'yang nagtulak upang gawin sa kan'ya ang isang karumal-dumal na krimen—ang tanggalan s'ya ng mga mata. Hindi pa nakontento ang mga ito hanggang sa tuluyan s'yang bawian ng buhay ng mga taong sakim at halang ang bituka.

Sa labis na kalungkutan at kagustuhan ng anak n'yang babae na mabigyan s'ya ng katarungan, nakipagkasundo s'ya sa kadiliman upang buhayin ang katawan ng kan'yang ina. Ngunit, hindi gano'n kadali ang lahat. Kaluluwang buhay lamang ang kayang ipagkaloob nito sa kan'ya. Makakamit lamang n'ya ang pisikal na katawan ng kan'yang ina sa pagkitil ng buhay ng mga lumapastangan sa kan'ya. Ito ang kasunduang ibinigay sa kanila ng kadiliman na dapat nilang sundin.

Kaya naman, patuloy si Matilda sa paghahanap ng hustisya upang makamtam ang kan'yang mortal na buhay. Kasabay ng mga ginagawa n'yang ito ay ang pagsumpang kamatayan ng bawat estudyanteng mananalo sa mga patimpalak sa loob ng paaralang iyon.

Bumukas ang pinto at bumungad sa kan'ya ang nakangiti n'yang anak. Lumapit ito sa kan'ya at niyakap s'ya na parang batang matagal nang nangungulila sa presensya ng kan'yang ina.

“Malapit na, Mama. Malapit na nating makamit ang hustisya.”

“Salamat, Gretta. Susunod ka na, Anastacia Reyes.”

Date Started: November 1, 2024
Date Ended: November 5, 2024

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: