1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
Akala nang nakararami ay Maxine Laurel ang totoo kong pangalan pero hindi talaga iyon ang birth name ko. Ang una kong username sa Wattpad ay pinkangel, hanggang sa napagtanto kong gusto kong maging tunog real name and username ko, kaya siguro no'ng mga taong 2016 ay pinalitan ko ang username ko sa Wattpad.
Ang totoo kong pangalan ay may initials na M.L., kaya nag-isip ako ng pen name na may initials rin na M at L. Gustong-gusto ko talaga ang name na Maxine ever since, tapos ang Laurel naman ay apelyido ni Denise Laurel (paborito kong artista noon).
2. Ano o sino ang nagsisilbing inspirasyon sa iyong pagsusulat?
Si Lord. Ang goal ko talaga sa pagsusulat, kahit mapa-horror man o love story, ipakilala si Lord sa mga mambabasa, whether sa loob ng story o sa acknowledgment page.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Ako kasi, isa akong emosyonal na tao. Kapag heartbroken ako, nahihirapan akong magsulat ng RomCom. Kaya siguro ang masasabi ko ay napakahirap minsan para sa isang manunulat ang ihiwalay ang sarili niyang emosyon sa kanyang isinusulat.
4. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Magbasa kayo. Lahat ng mga magagaling na manunulat ay nagsimula sa pagbabasa ng mga libro. Doon ninyo made-develop ang grammar at mga technical aspects ng pasusulat. Makatutulong din iyon para matagpuan ninyo ang inyong "voice" bilang isang manunulat.
5. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
Mahal ko kayo! Alam ko na wala akong solid reader, o 'yong group of readers, pero kahit kakaunti lang kayo ay napakahalaga ninyo sa akin. Maraming salamat sa suporta at pagbabasa ng mga akda ko. Maraming salamat sa pag-recommend ng mga isinulat ko sa ibang mambabasa.
May God bless you and keep you.
1. My favorite color is pink.
2. I love collecting pens, highlighters, and sticky notes of different sizes and colors.
3. Mahilig ako sa mga vampire stories, kaya ang una kong isinulat para sa Wattpad ay isang YA vampire story, ang LIRA.
4. Laging may tsokolate sa tabi ko tuwing ako ay nagsusulat.
5. Hirap na hirap talaga akong magsulat sa Filipino, kaya bago ko isinulat ang The Love Deal ay nagbasa muna ako ng maraming Filipino stories sa Wattpad, partikular 'yong mga stories ni Martha Cecilia na nasa Wattpad.
1. E-book o physical book?
Physical book, dahil masarap amuy-amuyin ang bagong libro. Hahaha!
2. Libro o pelikula?
Libro.
3. Forest o beach?
Beach. Mas maganda kasi ang view lalo na kapag sunset.
4. Book series o standalone book?
Book series. Madalas ay curious rin ako sa buhay ng mga secondary characters sa isang libro.
5. Dine-in or delivery?
Delivery dahil isa akong dakilang tamad lumabas ng bahay. Hahaha!
6. Magsulat sa kompyuter o magsulat sa phone?
Magsulat sa kompyuter. Nadi-disctract kasi ako kapag sa phone. Ang ending, naubos lang ang oras ko kaka-Facebook.
7. Sitcom o drama?
Sitcom tulad ng FRIENDS, Brooklyn 99, Big Bang Theory, at That 90's Show. Siguro mahigit 10 beses kong napanood ang buong series ng Brooklyn 99 pero hindi pa rin ako nagsasawa.
8. Maingay o tahimik?
Tahimik, pero may mahinang nackground music.
9. Magsulat sa umaga o sa gabi?
Sa gabi. Ang dami kasing utos ni Boss sa umaga. Hahaha!
10. Magbasa o magsulat?
Both!
Maraming Salamat, MaxineLaurel! 🧡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top