Q1 (i) Panayam kay Chelsea_13
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
Simple lamang ang pinanggalingan ng username ko na Chelsea_13 : Pangalan ko + paborito kong numero. Noong una kasi wala naman talaga akong balak magsulat kaya hindi na ako nag-isip pa ng mga kagayang nauuso ngayon na mga username na may pagkamysterious o may hidden meaning. Gumawa lang talaga ako ng account dito sa Wattpad para makapagkomento sa unang nabasa ko rito (at isa sa mga naging paborito) na gawa ni ate SGwannaB na She's Dating the Gangster. Hindi ko 'to masyadong pinag-isipan at diretsong pangalan ko lang ang ginamit ko (Although, Chel-seya ang tamang bigkas nito at hindi Chel-sy). Yung 13 naman, kagaya ng nasabi ko, paborito ko itong numero dahil Swiftie rin ako (hanggang ngayon) at paboritong number ito ni Taylor Swift haha. Hindi ko na binalak pa itong palitan kahit na nagsimula na akong magsulat dahil dito na ako nakilala ng mga naging kaibigan ko.
2. Ano o sino ang nagsisilbing inspirasyon sa iyong pagsusulat?
Bata pa lamang nag-susulat na ako ng mga short stories sa diaries ko. Being an only child with nobody to talk to at home made me engrossed in books and writing stories. Naubusan na ako noon ng babasahin noon kaya nagsulat ako ng sarili kong babasahin. Noong nag-uumpisa na akong makakuha ng mambabasa rito, sila na ang naging inspirasyon ko sa pagsusulat (shoutout to my baby dragons! Salamat sa suporta!). They inspire me to keep on striving and become a better writer.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Kawalan ng oras at realidad ng buhay.
Sa lahat ng oras na wala akong ginagawa ay may bago akong ideya na naiisip, at mga scenario na naeexcite akong isulat, ang problema lamang talaga ay ang oras na maisulat ito. Hindi naman kasi lahat ng manunulat (kabilang na ako dito) ay ito ang pangunahing kabuhayan/natatanging pinagkakaabalahan. Kaya kahit gustuhin ko man maghapon na magsulat ay hindi ko ito kayang magampanan dahil ang realidad ng buhay ay may mga bagay pang kailangang unahin at harapin.
4. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
'Wag kang mapressure na makipagsabayan sa iba. Lagi mong tatanungin ang sarili mo, kung ano nga ba ang dahilan mo kung bakit ka nag-umpisang magsulat. Dahil ba gusto mong sumikat? Maging kabuhayan ito? To beat boredom? Always go back to the reason why you first started to write. Lalo na sa mga panahong napanghihinaan ka na ng loob dahil sa walang nagbabasa ng gawa mo at parang kumakausap ka na lang sa pader. Ano naman ngayon kung walang nagbabasa? Basahin mo ang sarili mong gawa, o ipabasa mo sa mga kaibigan mo para madagdagan ang read count kung 'yon talaga ang gusto mo (don't be guilty, it's normal and it's a valid reason). Just remember that if you truly love writing, having no readers should not stop you from doing what you love. Write. Just write!
5. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
I always say this to them whenever I can: I love you. Volim te. Thank you for staying.
I know, hindi ako ang pinaka-active na writer dito sa platform. Sobrang nabusy na ako sa life outside of writing na minsan na lang makapag-update. I feel sorry for my loyal readers who keep on waiting for me and I understand why some left, but still, for the ones who stayed...maraming salamat ng sobra. Thank you for not giving up on me. Thank you at binibigyan niyo pa rin ng chance, oras at pagmamahal ang mga inilalabas kong obra.
I swear, I will always give you exciting stories whenever I can. Maraming salamat ulit.
1. I don't do outlines.
Kapag kasi natapos ko na ang buong story sa isip ko, tinatamad na akong isulat siya. Para siyang nagiging matrabaho for me at tinatanggalan niya ng saya ang pagsusulat para sa akin. Nawawalan na ng thrill at excitment. And ayoko rin maglagay ng restrictions sa sarili ko. I want to have a complete freedom when I'm writing dahil dito ko lang naman na-eexercise ang tunay na kalayaan dahil sarili kong mundo ito.
Kaya kung ano man ang maisip, ayun ka agad ang isusulat ko. If may loophole, I'll make sure I'll figure it out naman so okay lang na walang outline.
2. Follow-up with number one: Miski ako, I do not know where my stories will go. Hinahayaan ko ang characters na magdesisyon sa mangyayari sa kanila. Yes, may general idea ako kung paano magsisimula pero 'yung laman ng story, characters ko na ang bahala. That's why I will only know the ending once I'm writing it na. This makes writing an exciting activity for me. Para akong naglalaro ng chess with my characters. Pagalingan kami ng gagawing move. Patalasan ng isip. Pagalingan lumusot.
3. VINCENT started because I wanted to write a love triangle. Simpleng story lang dapat 'yan. Cliche. Habulan. Napagod ang utak ko matapos ko isulat ang Bad Girl For A Girlfriend, kaya balak ko sana magsulat ng chill lang. Ang kaso somewhere down the line lumawak ang mundo nila. Nagkaroon na ng story about forbidden love, family wars, and I injected some SciFi and Mystery elements into it na. Ayun, dami ko tuloy dinamay na masaktan. Haha!
4. Madaldal ako! (Halata ba? Miski sa mga sagot ko rito ang dami kong pinagsasabi! Haha!)
5. I am a Gemini. Madali akong mabored. Minsan kailangan ko may 10000x na ginagawa, minsan gusto ko na lamang maging patatas na nakahiga sa kama. Siguro kaya nagustuhan ko rin ang pagsusulat. Ang dami kong maaaring gawin at maging buhay sa mga mundong ginagawa ko.
Belle and Kendrick
(Bad Girl For A Girlfriend Flash Fiction)
"Belle? What happened?"
Kendrick greeted me wearing the white turtleneck pullover we bought last week and jeans that looked good on him. He had just landed an hour ago from his business meetings with Reed and his other childhood friend abroad, but he didn't look fatigued at all.
"I just missed you...I thought we wouldn't be celebrating Christmas together."
Napabuntonghininga ako at agad na nagpakalunod sa yakap na inalok niya. It's been weeks since we last saw each other. I have been longing for his comforting warmth.
"I wouldn't miss this for the world," he whispered, leaning closer and peppering me with kisses. "How's my Love?"
"Heto at stressed! How come you still look so gwapo after a long flight? What's in your genes?"
Narinig kong tumawa si Ken at inangat ang mga kamay upang hawakan ang mga pisngi ko. I welcomed his warm hands against my cold skin.
"Well, it's a family secret, Love. Marry me and I'll tell you."
I pouted as my face turned red. Kendrick let go and reached for the paper bag I hadn't noticed he was holding when he entered the condo. He was smiling from ear to ear as he handed it to me.
"Did you make this?" I exclaimed, amazed by the handmade wooden miniature grand piano when I opened his gift.
"Yeah. I remembered that you like this song." Kinuha niya muli ito sa akin at may ipinihit sa ilalim bago magsimulang tumugtog ang Kundiman. "Merry Christmas, Belle. Sana magustuhan mo."
Maraming Salamat, Chelsea_13! 🧡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top