Q4 (i) Panayam kay SilentInspired

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Sa totoo lang ay natawa ako nang mabasa ang katanungan na 'to. Tuwing tinatanong ito sa akin ay hindi ko mapapagkaila na hindi ko masabi ng maayos kung paano dahil sa totoo lang ay wala itong malalim na kahulugan. Naaalala ko lang na noong labing dalawang taong gulang ako ay masasabi kong nasa corny era ako kung saan pakiramdam ko gusto kong bumalik sa pagiging inspirado. Isang taon pagkatapos mamatay ng ama ko ay nawalan ng kulay ang buhay ko, lalo na at daddy's girl ako kung kaya't wala talaga akong maramdaman noon, nag desisyon akong mag sulat para mag silbing outlet sa lahat ng hindi ko masabi kaya ko napili ang SilentInspired– bilang noong mga panahon na 'yon ay ginusto kong maging inspirado gaano man kadilim pa ang nangyayari sa akin.

Minsan ko ng ginustong palitan ito, gusto ko sana na gumamit ng mas ka-aya aya o hindi kaya iyong may malalim na kahulugan pero marami na akong naging kaibigan noon sa Wattpad na roon ako nakilala sa alias na iyon kaya nakapag desisyon ako na tanggapin na iyon.

2. Ano o sino ang nagsisilbing inspirasyon sa iyong pagsusulat?

Wala akong maisip na direktang sagot pero masasabi kong ang papa ko dahil noon ay marami siyang gustong magawa ko, gusto niya ay mag explore ako para malaman ko kung saan ang talento ko at nalulungkot akong maisip na hindi niya man naabutan ang parte ng buhay kong ito. Ngayon ay nag susulat ako hindi lang dahil hilig ko iyon kung hindi umaasa ako na balang araw ay makwento ko sa kanya ang mga ito.

3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

Generally speaking, sa tingin ko ay writer's block, dahil kapag nangyari iyon ay kahit anong pilit ng manunulat, wala talagang lalabas. Hindi man lang half baked, talagang wala talaga.

But to be specific, nahirapan ako noong dumaan ako sa adulting at marami ng nangyari sa buhay ko– dahil dito minsan na akong hindi naniwala sa mga sinusulat ko, kahit ako ay nako-kontra ko na ang mga salitang minsan ko ng sinulat. Pero sa huli, napagtanto ko na mahirap talaga kung gagawin mong isa ang isip mo sa sinusulat mo, mahirap ihiwalay ang sarili sa mga likha. Ngayon ay patuloy ko pa rin inaaral na ihiwalay ang sarili ko dahil hindi lahat ng karakter, hindi lahat ng kwento ay aayon sa paniniwala ko, ga'non din sa totoong buhay at kung gusto kong lumawak ang kaalaman ko ay kailangan ko iyon matanggap.

4. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Sa totoo lang, pakiramdam ko ay wala pa ako sa posisyon para mag payo dahil ako man ay natututo pa rin at malayo pa para pagkatiwalaan ang mga payo. Pero kung mag bibigay man ako, siguro ay kahit mahirap man, 'wag mong gawing motibasyon ang kasikatan para mag sulat. Realidad man na gusto natin makilala, mahirap mag simula kung iyon agad ang motibasyon mo dahil mahaba talaga ang lalakbayin para maging dalubhasa sa talentong ito. Siguro mas maganda kung maging motibasyon ang fulfillment sa bawat kwentong matatapos mo. Mag simula ng tama para sa pag asang magandang kahahantungan.

5. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?

Salamat. Kulang ang salita para masabi kung gaano kalaki ang pag papasalamat ko. Lahat ng OG readers ko ay alam kung gaano katagal ako nawala, it took I think more than three years– bago ako nakabalik ng totoo, iyong nag susulat na talaga dahil bumalik ang passion ko at alam ko na mahirap iyon para sa kanilang nag hihintay. Ako man ay mambabasa rin at alam ko na mahirap tuwing umaabot ng isang linggo o higit pa bago ma-update ang binabasa nating libro, paano pa kung maraming taon, kaya laking pasasalamat ko nang bumalik ako at nariyan pa sila.

Lagi kong sinasabi na I grew up with them at gusto ko pa na mas mag grow kasama sila, at gusto ko malaman nila na tuwing nag susulat ako, ang nasa isip ko ay para akong nag ke-kwento sa kaibigan ko. Salamat din dahil kahit marami akong pag kukulang at marami pa akong dapat matutunan, sa mindset man o sa mismong form ng pag susulat, iniintindi nila ako at pinagpapasensyahan. I have a lot of things to work on but they are really patient. Thank you.

Sana ay mas marami pang magagandang taon ang mabuo namin at naway makita at marinig pa nila ang mga kwentong nasa isip at puso ko pa lang. Susubukan kong hindi sila mabigo at patuloy kong pag hihirapan na makapag sulat ng mga kwentong papasok sa puso nila.

Salamat. Mahal ko kayo.


FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:

1. Ang A Sky Full of Stars ay isa sa mga kwentong pampalipas oras ko lamang noon, a breather, hindi ko inaakalang tatangkilikin pero nagulat ako na isa iyon sa pinakaminahal nilang kwento ko.

2. Noong nag sisimula pa lang ako sa Montgomery Series, si Adrianna ang pinakamalayo sa ugali ko, noong naka limang kwento na ako sa series na ito ay siya na ang pinakakatulad ko. Pero ngayon ay mas Avery na ako mula sa bagong series ko na Treacherous Heart.

3. Ang Free Fall ay nagkaroon ng three revisions dahil sinusulat ko iyon noong panahon na nag mahal ako, nabigo, at nakapag move on. Kaya ako nawala ng tatlong taon at pasulpot sulpot lang noon dahil habang sinusulat ko ito noon, iniisip ko kada linya na sinusulat ko ay "bakit ko pa to sinusulat, di naman totoo,". Pero okay na ako ngayon kaya patapos na rin ito. Masasabi kong pinakamahirap ito sa mga nasulat ko dahil sa bigat ng emosyon sa kwento mismo.

4. May mga kaibigan, pamilya at kakilala ako na ginamit ko ang pangalan sa mga kwento ko.

5. Mas nakakapag sulat ako noong wala akong karanasan sa pag-ibig, mas nahirapan ako noong mayroon na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top