Q4 (i) Panayam kay kleriita

 1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?

Mahigit dalawang taon na akong Wattpad Ambassador. Unang taon ko ay nasa Outreach team ako pero nalipat ako ngayon sa Reader's team.

2. Bakit mo napagdesisyonang maging Wattpad Ambassador?

Napagdesisyonang kong maging Wattpad Ambassador para makatulong sa ibang mga aspiring writer na madiskubre ang kanilang mga gawa. Writer din ako kaya alam ko ang pakiramdam na mahirap ipakilala o ilahad sa mga magbabasa ang kanilang mga gawa, lalung-lalo na kung ito ay maganda ang laman ng kwento.

3. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte ng pagiging Ambassador?

Pinakamasayang parte ng pagiging Ambassador ay madiskubre ng kakaibang plot gawa ng mga writer na, sana dumami ang pa ang magbasa ng kwento.

Pinakamahirap na parte ay balansehin ang oras sa katulad ko na pumapasok sa opisna at sideline sa bahay, bukod pa sa pagiging panganay sa magkakapatid kaya kailangan may schedule na nakalaan para magawa ko ang aking tungkulin bilang Ambassador.

4. Maari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?

Noong under pa kami ng Outreach team at mayroon pang private message sa Wattpad. Trabaho ng Outreach team ay bigyan ng positive message sa author about sa kanyang story. Mostly ang mga minemessage ko ay international aspiring author. Natuwa ako every time na may magrereply sa'kin para magpasalamat sa'kin dahil na-discover nila ang kanilang story.

5. Ano ang iyong mensahe sa lahat ng Wattpad Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?

Mag-enjoy lang sa paghahanap at pagrereview ng mga story. Sa una lang siya nakakalito dahil sa mga rules pero masaya siya. Grab niyo 'tong opportunity na 'to para makilala niyo pa ang iba pang Wattpad Ambassadors hindi lang dito sa Philippines pati na rin sa buong mundo.


FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:

1. Bago ako maging Kpop lover, naging Jpop lover ako kakanood ng anime.

2. Iced coffee at ice cream lang ang nagpapasaya sa'kin.

3. After ko i-publish ang story ko sa Wattpad, either ongoing story or complete, may nagiging kaibigan or nakikilala ako na, same na same ang pangalan sa character na sinulat ko.

4. Dahil mahilig ako manood ng anime noong bata pa 'ko, nagsimula ako isulat ang unang story ko which is "ZODIAC PROTECTORS" kasi na-inspire ako sa anime na "Katekyo Hitman Reborn"

5. Mahilig ako magbasa about sa Cosmos.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top