Q4 (i) Panayam kay JoeyJMakathangIsip

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Wayback 2013, noong sobrang uso pa ang pagiging misteryoso ng mga Wattpad Authors, (shy type pa non ang nga authors, at medyo sinapian ni Bob Ong,, hahaha) madalas magtago ang mga manunulat sa Wattpad sa mga weird na penname. Nagsimula ako noon sa username na AkoSiKathangIsip, hanggang sa naging JoeyJMakathangIsip siya kasi kahit medyo may pagka-anonymous, gusto ko pa rin magiwan ng kaonting clue kung ano talaga 'yong real name ko. MakathangIsip siya kasi combination siya ng Makata at KathangIsip. Mahilig ako sa mga tula at sobrang hilig kong matulala at mag-day-dream kaya iyon ang naging username ko. Hahahaha.

2. Ano o sino ang nagsisilbing inspirasyon sa iyong pagsusulat?

Si HaveYouSeenThisGirl. Hindi ko ipagkakaila 'yon, sa mga stories niya ako unang umiyak, tumawa at tumambling. Nakapadaling sabayan ng mga stories niya at hindi ka malulunod sa mga malalalim na words. Kahit kino-consider na ngayon na error sa pagsusulat 'yong mga emojis, sobrang naging laking impact no'n para mas lalong mapadali ang pagintindi sa mga kuwento nita. Hindi akward ang stories niya ay parang nakikipag-usap ka lang sa bestfriend mo habang nagbabasa ka. II was just 14 years old way back then nang mabasa ko ang DNP. I'm 27 now. 13 years na pala ang lumipas, ang tanda ko na. *iyak* Special shout out kay Miss HaveYouSeenThisGirl. Laki ng impact mo po sa buhay ko. *iyak sabay tumbling*

3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

Pinakamahirap ay 'yong bigla kang sasaniban ng isang idea tapos maghahanap ka ng way para mai-record 'yon. Kahit nasa CR ka, kahit tumatawid, kumakain ng kwekkwek, hindo-hold up, nagbubuhos ng tubig sa nasusunog na bahay, pag may dumating na idea, kailangan mong hulihin 'yon or else, mawawala 'yon ng tuluyan.

4. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Huwag maging alipin ng pera. Side effect lang ang pera ng pagsusulat, hindi ito 'tong target mo kung bakit nanginginig ang mga daliri mo sa keyboard ng laptop, ng computer o ng cellphone mo. Nagsusulat ka dahil may gusto kang ibahagi sa mambabasa mo. Dahil may kung anong birtud ang isinilid sa utak mo na galing kay Lord. Layunin mong ibihagi 'yon sa iba at lalong-lalong na sa iyong sarili. Kung pera ang nasa isip mo kapag nagsusulat ka, hindi magiging maganda ang kinalabasan, at madalas, magiging mailap ang pera sa 'yo. Magsulat ka dahil gusto mong magsulat at dahil ito ay sining at may talento ka sa larangang ito. Alipin ka dapat ng sining, hindi ng pera.

5. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?

Huwag kayong maniwala sa akin. Mas maniwala kayo sa sarili niyo.


FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:

1. Madalas ko silang isulat kapag brown out.

2. Madalas ko silang isulat nang nakapikit.

3. Madalas akong nakikipagtalo sa aking sarili kapag nagsusulat.

4. Madalas, alam ko na ang ending simula pa lang ng kuwento, pinapahaba ko lang ang estorya para mas malaki ang word count at para mas makapal ang kapag naging libro at para na rin mas mahal ang presyo nang sagayon ay mas malaki ang royalty ko.

5. Madalas na lumalabas ang word na 'madalas' sa mga kuwento ko.

6. Siyempre, 5 fun facts lang.


THEME: Magsulat ng kuwento na may tatlong elemento na babanggitin: family secret, childhood friend, and business.

Kisame
By JoeyJMakathangIsip (Flash Fiction)

Isang araw, kung saan wala naman talagang araw no'n kasi umuulan, panandaliang napatulala si Claro sa kisame nang makita niya ang dalawang butiki na nagsi-sex sa roon.. Naaalala niya tuloy ang kanyang childhood friend na si Ana. Madalas nitong ikuwento sa kanya ang kung ano-anong bagay tungkol sa mga insekto at hayop. Matalino

ito at marami itong pa-trivia sa kanya tungkol sa mga ganitong bagay.

"Alam mo bang pinapatay ng mga babaeng gagamba ang kung sino mang lalaking gagamba ang magtakang makipag-sex sa kanila? Gayunpaman, gumagawa pa rin ng paraan ang mga lakaking gagamba para mabuntis ang mga babaeng gagamba. Madalas, kapag nagtatagumpay, nagpaparaya ang mga lalaking gagamba na patayin na lang sila pagkatapos nilang i-sex ang mga babaeng gagamba. Sa madaling salita, sa utak ng mga lalaking gagamba, mas mahalaga sa kanila ang sex kaysa sarili nilang buhay." Iyon ang huling trivia sa kanya ni Ana noong nasa Leyte pa sila.

Simula noong lumipar sila sa Cebu, hindi niya na ito nakita pa. May business sila rito. Sila ang may-ari ng mga bar rito na sa gabi lang nag-o-operate. Mayroon silang mga dancers na naghuhubad sa kalagitnaan ng mga shows. Patok ito sa mga lalaki, lalong-lalo na sa mga may asawang wala nang gana sa sex, kaya malakas palagi ang negosyo nilang ito.

"Hijo, labas ka na, may i-interview-hin ka pang bagong dancer," ani ng kanyang Stepmother na si Mercy pagkatapos kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto.

"Opo." Mabilis na tumayo si Claro at bago pa lumabas sa kanyang kuwato ay binigyan niya ng huling tanaw ang nag-si-sex na mga butiki sa kisame.

Huminga siya ng malalim at lumabas na. Sa sala, doon nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang isang pamilyar na babae na nakaupo sa sofa at nakangiti sa kanya.

"A-ana?" utal niyang bungad rito. "A-anong ginagawa mo rito?" dagdag niya.

Tumayo ito, lumapit sa kanya, yumuko at agad na ibinigay sa kanya ang isang papel.

Tinitigan ito ni Claro. Isang biodata.

"Mag-a-apply, Sir," namunulang pisngi na sagot ni Anna.

End.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top