Q4 (i) Panayam kay JelLoveLove
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
Iyong username ko ay hango rin sa pangalan kong Jell na dinugtungan lang ng Love Love kasi ang main genre ko sa pagsusulat talaga ay Romance. Lately lang ako nakapag-explore sa ibang genre but still, ang username ko ay hindi magbabago.
2. Ano o sino ang nagsisilbing inspirasyon sa iyong pagsusulat?
Ang mga nagsilbi ko talagang inspirasyon sa pagsusulat ay sina HaveYouSeenThisGirl, Marcelo Santos III, at si Alesana Marie. I have finished and collected most of their stories talaga. Iba yo'ng style nila sa pagsusulat, idagdag mo pa iyong galing nila sa pang-bitin para ma-engganyong magbasa ng mga susunod na Kabanata. Lately na lang dumagdag sa inspirasyon ko sa pagsusulat si TJ Monterde, SB19, at mga Kdramas. Iba rin kasi iyong kilig na naibibigay nila.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Siguro para sa akin, ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat ay yo'ng panatilihin yo'ng alab sa puso upang matapos ang isang kuwento. Yo'ng burning passion during the process of writing a story, 'pag hindi tinuloy-tuloy kasi eh hindi mo namamalayang bigla na lang nawawala hanggang sa hindi mo na siya matapos.
4. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Keep on writing that draft. Mas madaling itama ang mga mali ng mga naisulat na kaysa ibalik ulit iyong alab at ideya na pumasok sa'yo noon no'ng sinisimulan mo pa lang isulat 'yang sinusulat mo.
5. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
Walang hanggang pasasalamat sa inyo, mga mahal kong mambabasa. Wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung wala kayo. Utang ko ang lahat ng ito sa inyo. Sana palaging masarap ang ulam niyo. HAHAHAHHA. Mahal ko kayong lahat!!
PS. Sana magkita-kita tayo sa mga available time niyo.
FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:
1. One fun fact about me is I am a fan of SB19. Medyo lowkey na lang ngayon dahil na-busy na sa life pero 2019-2020 ang peak ng pagiging fangirl ko talaga. I am one of the admins ng SB19 Retweet Squad and SB19 Radio Team.
2. The very first novel I wrote was Tadhana na until now ay on-going pa rin. The inspiration behind that story are my classmates pa no'ng college so medyo matagal na. I'm planning to unpublish that story sa Wattpad then ibabalik ko na lang kapag tapos na or kung matatapos ko pa.
3. Another fun fact about me is I am an on-call voice over artist ng friend ko. Hahaha. 'Di ko alam kung fun 'yon pero kindly support his YouTube Channel para marinig niyo voice ko. RV Short Stories name no'ng YouTube Channel niya.
4. Some of my stories are based on real-life events and experiences. Merong sa'kin, meron ding from the experiences of my friends. Maliban lang do'n sa mga horror stories.
5. I almost quit writing stories multiple times. Pero every time na I'm on the verge of doing it, I will receive a comment from Wattpad, or random feedback from my friends, or even publishing companies posting writing contests. Parang ayaw ng universe na huminto ako sa pagsusulat. And here I am now; participating in an interview from Wattpad Ambassadors PH to be featured in the Wattpad Community Newsletter. Somehow, na-feel ko na may ambag at may importansya ako sa Writing Community. Thank you, Wattpad Ambassadors PH.
THEME: Magsulat ng kuwento na may tatlong elemento na babanggitin: traffic, fiesta, and childhood friend.
"Ano ba yan! Bihira na nga lang makapagbakasyon, traffic pa. Hay nako!" himutok ni Anna na nasa kalagitnaan ng kaniyang biyahe pauwi sa kaniyang mga magulang na sa probinsya namamalagi.
Pagkalipas ng kalahating oras ay tila hindi pa rin umuusad ang mga sasakyan. Naaasar na si Anna.
Kaya napagdesisyunan niyang kunin muna ang kaniyang cellphone sa bag upang manood sana ng mga videos panlibang pero saktong tumatawag ang kaniyang ina.
"Hello, ma?" wika ni Anna.
"Hello, 'nak? 'Nak, kung uuwi ka man dito sa probinsya, 'wag ngayong linggong 'to ha? Fiesta kasi sa mga kalapit nating bayan, mahihirapan kang dumaan kung sakali. Ingat ka palagi. 'Di ko na aksayahin oras mo, bye na," wika ng ina ni Anna sabay baba ng telepono.
Tila tumigil ang mundo ni Anna, hindi niya alam ang dapat niyang maramdaman dahil kung kelan siya nasa biyahe eh saka lang tumawag ang kaniyang ina at kung bakit ba kasi napagdesisyunan niya pang surpresahin sila.
BAD TRIP!
Sa sobrang okupado ng kaniyang utak, hindi namalayan ni Anna na umusad na pala ang mga sasakyan sa harap niya.
Bumalik na lamang siya sa ulirat nang...
*tok tok tok*
May isang matikas na lalaki na naka-unipormeng traffic enforcer ang kumatok sa bintana ng kaniyang kotse.
Lagot na!
pero teka...
"Jonathan?!" wika ni Anna sabay bukas ng bintana ng kaniyang kotse.
Ang kaniyang childhood friend na nagkataong...
...FIRST LOVE niya rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top