Q4 (i) Panayam kay BangusBelly

1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Si BangusBelly ay mahilig pumapak ng sinigang na bangus at ang tiyan ng bangus ang kanyang paborito. Gaya ng bangus belly, nais niyang iparanas sa kanyang mambabasa ang init, linamnam, at lambot ng kanyang mga akda.

2. Ano o sino ang nagsisilbing inspirasyon sa iyong pagsusulat?

Hindi mahalaga sa kanya ang kasikatan o mga premyo sa mga patimpalak sa larangan ng pagsusulat. Nais niya lang gumawa ng nga kuwentong hihikayat sa mga taong balikan ang kanilang hilig sa pagbabasa. Ang layuning maibalik ang mga tao sa silid-aklatan lalo na ang magsulat ng sarili nilang mga kuwento ang kanyang mga inspirasyon.

3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

The ability to learn; to be teachable. Para kay BangusBelly, ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging alipin ng panitikan ay ang tanggapin ang katotohanan na marami pa silang kailangan matutunan. At ang nagtagumpay sa larangang ito ay ang mga taong handang matuto. Naniniwala siya na tanging ang mga umaasenso ay ang mga taong sabik sa pag-asenso.

4. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Minumungkahi niyang laging sumali sa mga call for submissions and let proper editors correct your mistakes and teach you how to write properly, sa ganoong paraan kasi siya natuto. At upang masukat kung gaano na kahusay magsulat, mahilig sumali si BangusBelly sa mga writing contest at prompts.

5. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?

"Magsulat gamit ang puso," ito ang lagi niyang payo. Hinihikayat niya na lagyan ng mabuting aral ang kahit na anong kuwento, maging gaano ma ito kaikli o kasimple.


FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:

1. Mas mahilig si BangusBelly na magbasa ng Western books kesa Wattpad books.

2. Pinipili niya ang mga taong kinakausap niya sa internet dahil maraming mapagsamantalang tao.

3. Mayroon siyang one strike policy.

4. Friends to lovers and paborito niyang trope na isulat

5. Horror and paborito niyang basahin..


THEME: Magsulat ng kuwento na may tatlong elemento na babanggitin: family secret, childhood friend, and business.

Ghost Writer

"Huwag kang masyadong nakikipag-usap sa akin at baka pagdiskitahan ka rin nila." Nakabusangot sa harap ko ang childhood friend kong si Sophia.

"Hanggang kelan ba probation mo?" tanong ko. Nahuli kasi siya kamakailan na gumagawa ng project essay ng ibang tao. This almost kicked her out of school.

"Six months pa." Panay ang lingon niya sa paligid, inaaral kung may nanonood ba sa amin. "Pumasok ka na sa klase mo Calumn! Kapag may nakakita sa'yong kinakausap ako, baka sabihin nilang nagpapagawa ka rin ng project"

Nagbuga ako ng mainit na hangin palabas sa ilong ko.

"Sumama ka nga sa 'kin. This place doesn't deserve you." Hinila ko siya hanggang sa makalabas kami ng Westampton.

"Saan tayo pupunta?"

"Dadalhin kita sa tatay ko."

"Kay Mang Piping? Sa squatter's area?"

Tinawanan ko na lang siya. Panay ang nganga niya nang bigla kaming pumasok sa isang puting van .

"Calumn? Gagahasain mo ba ako?"

"Baliw, hindi!"

Narating namin ang isang maliit na warehouse. Binuksan ko ang gate.

"I'll let you into our family secret. We used to own a publishing company and we also print our work. Nagpapanggap lang akong mahirap to prepare me for the life ahead."

"High ka ba?"

"Hindi 'no! Seryoso ako!"

"So ano ang ginagawa ko rito?"

"Gusto mo ba akong tulungan sa business namin? Gagawa ka ng mga libro. Dito, hindi masasayang ang mga talento mo. Kikita ka pa."

For the first time, in a long time, I saw her smile as tears slowly fell down her eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top