Q4 (i) Meet the Community
Simula na naman ng panibagong quarter! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!
Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:
Wattpad Writers: Gelailah, SilentInspired, JoeyJMakathangIsip, childofyusaku, BangusBelly, JelLoveLove, acheloisly
Wattpad Ambassadors: codexoffate, kleriita
Halina't kilalanin natin sila!
***
WATTPAD WRITERS
Gelailah is someone who views love through rose-colored glasses. Her passion for comedy and romance led her to pursue writing as a hobby. One trait of hers is that she prefers to be spoiled with how a story ends— as you may not be aware, she has a strong fear and dislikes for sad endings. With an INJF-A personality, she can comprehend the emotions of others and form genuine emotional bonds and her sentimental dreams have led to her shallow tears and careless laughter.
Her first story ever written was Making Deals with the Billionaire, the first book in the League of Billionaires series.
>> I-click upang mabasa ang interview ni Gelailah <<
***
Sa likod ng alias na SilentInspired ay isang simpleng anak, kapatid, pamangkin, apo at kaibigan. Isa siyang Certified Public Accountant na mahilig mag sulat tuwing magulo na ang mundo sa paligid. Siya ay nakatira sa City of San Fernando, Pampanga, dalawampu't limang taong gulang at nag ta-trabaho bilang off-shore Accountant. Nag simula siyang mag sulat noong labing dalawang taong gulang siya, nag sulat para maging takas sa ingay ng totoong mundo. Hindi niya inaasahan na magiging malaking parte sa kanya ang pag susulat lalo na at ang balak niya ay kapag dumating ang araw na makatapos siya at mag trabaho ay bibitawan na niya ang lahat, pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin siya sa pag susulat, kahit anong alis niya ay bumabalik at bumabalik pa rin siya.
Ang pangarap niya ay makapagsulat ng mas malalim, mas makabuluhan at kakaibang kwento kung saan marami ang matutulungan at mas malawak ang maaabot nito.
>> I-click upang mabasa ang interview ni SilentInspired <<
***
Si JoeyJMakathangIsip o Joey Joy Lopez sa totoong buhay, ay isang anak, kapatid, kasintahan at isang kaibigan. Isa rin siyang published author. Siya ang nagsulat ng mga akdang 'Alas Tres', 'Memento Vivere', at ang 2019 best-selling book na 'Destiny Is A Bitch'. Nakapagtapos siya ng Finance sa University of Mindanao noong 2017. Minsan na rin siyang nakapag-edit ng iilang libro sa PSICOM Publishing. Kasukuluyan niyang mina-manage ang Jologs Bakeshop, isang family business sa lungsod ng Panabo at munisipyo ng Carmen. Libreng basahin ang kanyang mga akda sa sitong Wattpad.com
>> I-click upang mabasa ang interview ni JoeyJMakathangIsip <<
***
Si childofyusaku ay isang manunulat, mahilig sa pusa at kape, at marunong itong gumuhit. Nag-umpisa itong magsulat sa taong 2020 dahil gusto niyang ibahagi ang laman ng kaniyang puso't-isipan, action at romance ang madalas na genre ang ginagamit sa kanyang nobela. 2016 pa man ay nahiligan niyang magbasa, at sa kasalukuyan ay nangonglekta ito ng Wattpad books.
>> I-click upang mabasa ang interview ni childofyusaku <<
***
Si BangusBelly ay 5% writer, 5% reader, at 90% sleeper. Hindi siya palaging nasa Wattpad at binubuksan niya lamang ito kung sa tingin niya ay may gusto siyang salihang contest.
Hindi siya isang plotter kundi, isa siyang pantser. Hindi siya gunagawa ng outline. Karamihan sa mga kuwento niya ay direkta niya mismong sinusulat sa papel at hindi na pinagplaplanuhan pa.
Lumaki siya sa pagsasanay ng mga tinatawag ma toastmasters o magagaling na speakers. Naumay siya sa ideyang kailangang gawan ng outline ang mga bagay na sasabihin o isusulat upang mas lalong maging maayos ang mga ito. Nawalan siya nang ganang magsulat dahil sa ganoong sistema na nagparamdam sa kanyang nakakulong siya sa isang kahon at limitado lang ang mga pwede niyang sabihin base sa kalansay ng kanyang buod.
Ngunit nang sinubukan niya muling magsulat nang hindi gumagawa ng outline, doon niya muling nahanap ang pagmamahal sa pagsusulat dahil mas ramdam niya ang paglipad ng kanyang mga imahinasyon.
>> I-click upang mabasa ang interview ni BangusBelly<<
***
Si Jell Dela Cruz o JelLoveLove sa writing world ay nagsimulang magsulat noong high school pa lamang siya matapos makapagbasa ng mga kuwento ni Denny at Alesana Marie, idagdag pa ang mga Love Stories on Videos ni Marcelo Santos III. Marami na siyang naisulat na kuwento sa Wattpad at tatlo rito ay naging libro na, ito ay ang Sticky Notes, Rain Coffee na under ng isang Anthology, at ang Paupahan na under rin ng isang Anthology. Matagal niya ng pangarap ang maging isang manunulat, hindi man kasikatan ngunit ang mahalaga para sa kaniya ay may nagbabasa. Malaki ang kaniyang pasasalamat sa Panginoon, kaniyang pamilya, at mga kaibigan na walang mintis ang pagsuporta sa kaniyang pangarap.
>> I-click upang mabasa ang interview ni JelLoveLove <<
***
Si zaxhira ay isang simpleng manunulat sa Wattpad na ang palaging motto ay "turning my thoughts into ink." Nagsimula siyang magsulat sa Wattpad noong Setyembre 2021, kung saan isinulat niya ang kanyang unang akda na "Pursuing Her." Isang rehistradong may-akda sa NBDB, mayroon rin siyang iilang akda na nakalathala under collaboration. Sa ngayon ay patuloy siyang nagsusulat ng kanyang mga ongoing stories, lalo na ang kanyang Bisaya Collaboration na "The Alluring Waves". Si zaxhira ay patuloy na umaasang maibahagi ng maayos ang mga salitang palaging gumugulo sa isipan at makapagbigay inspirasyon sa nakararami.
>> I-click upang mabasa ang interview ni zaxhira <<
***
Nasa walong taong gulang lamang si Acheloisly nang matuklasan niya ang talento sa pagsusulat ng mga kwento. Sa murang edad ay hilig na niyang magbasa ng mga pambatang aklat. Ang unang manunulat na kanyang hinangaan at unang naging inspirasyon sa pagsusulat ay si Ginang Ofelia E. Concepcion kung saan madalas niyang makita ang pangalan nito sa mga librong lagi niyang binabasa noong bata pa lamang. Sa paglipas ng mga taon ay patuloy pa rin niyang hinahasa ang anggking galing hanggang sa matuklasan niya ang mga online platform kung saan niya maaaring maibahagi pa ang kanyang talento. Sa kasalukuyan ay nananatiling hinuhubog ni Acheloisly ang kanyang imahinasyon at mga kamay upang makapaglatha pa ng maraming nobela sa hinaharap.
>> I-click upang mabasa ang interview ni acheloisly <<
***
WATTPAD AMBASSADORS
Si Amethyst, ang utak sa likod ng username na codexoffate, ay isang manunulat mambabasa na may hilig sa mahika, alamat, kasaysayan, mitolohiya at mga kwentong may temang tadhana. Ang kanyang Wattad username ay pinagsamang salita mula sa "codex", na ang ibig sabihin ay sinaunang kasulatan, at "fate" na sumisimbolo sa tadhana o kapalaran - mga temang makikita sa kanyang mga akda. Mula sa mga maikling kuwento hanggang sa mga novella, ang kanyang mga likha ay magdadala sa mga mambabasa sa mahiwagang mundo ng pantasya.
>> I-click upang mabasa ang interview ni codexoffate <<
***
Si kleriita, o mas kilala sa pangalang Claire, ay naniniwalang lahat ng nilalang ay may mga kanya-kanyang istorya. Mahilig bumili ng mga libro na alam niyang matagal pa itong babasahin. Nagsusulat ng kwento base sa takbo ng kanyang imahinasyon, dahil doon kaya nagsimula siya sa genre ng fantasy. Ngayon, nililibot na niya ang iba pang genre katulad ng Science Fiction, Chiklit, Action at Romance.
>> I-click upang mabasa ang interview ni kleriita <<
***
The team behind this quarter's newsletter: PrincessThirteen00, Hopelesswings, loveisnotrude, and TheGirlLookingAtYou.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top