Q3 (i) Panayam kay LenaBuncaras

1.  Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Elena Buncaras, o Lena0209/LenaBuncaras sa Wattpad, ay isang freelancer editor at book designer. Author ng ilang self-published books at traditionally published books mula sa Lifebooks at Sensation Press. Nagtapos siya sa kursong may kaugnayan sa pagtatayo ng negosyo. Taga-Caloocan at tumutulong sa ilang author na mag-release ng kani-kanilang mga libro.

2. Ano o sino ang nagsisilbing inspirasyon sa iyong pagsusulat?

Deadlines. Mga free at paid reader. Mga post online. Maraming inspirasyon, depende sa araw at mood kung kailan dadalawin.

3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

Pinakamahirap na siguro ang pagma-manage ng oras. Kung may pag-aaral pang ginagawa o may trabaho, mahirap mag-manage ng oras kung kailan makakapagsulat. Masuwerte kung maraming oras para dito. Mahirap kung wala. Kasi kapag wala, madalas, nakakawala rin ng ganang magsulat lalo kung pagod ang utak.

4. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Ang sipag sa pagsusulat, madalas ay mahirap makuha. Maraming tinatamad dahil walang reader, walang time, walang matinong idea na existing kung kailan gusto mong magsulat. Malalaman mo naman kung para sa iyo talaga ang pagsusulat kapag kaya mong magpatuloy kahit ikaw na lang ang nagbabasa ng gawa mo. Kasi calling mo 'yon. If hindi mo calling ang pagsusulat, try other hobbies.

5. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?

Salamat sa pananatili kahit lampas na tayo sa isang dekadang nasa Wattpad. Hindi ako magtatagal dito at hindi dadami ang laman ng Wattpad account ko kung hindi rin dahil sa mga reader ko.


FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:

1. Pinakamahabang series ko ang Alabang Boys Series na may 20 full novels and 55 short stories.

2. Hindi ako fan ng romance genre kaya isa ito sa mga weakness ko as a writer.

3. Nagsulat ako ng novel kung bakit hate na hate ko ang smut. Pero may smut akong book sa NBS haha!

4. Favorite characters ko sina Clark Mendoza at Leopold Scott kaya laging sila ang biktima ng mga heavy plot ko.

5. Parang premonition moments ko ang writing. Marami akong nasulat na chapters na biglang nangyayari sa akin sa totoong buhay makalipas lang ang ilang araw.


THEME: Magsulat ng kuwento na may tatlong elemento na babanggitin: family secret, childhood friend, business.

Sabi ni Mac-Mac, masarap daw ang luto ng nanay ko. Mula bata pa lamang kami, doon na sila bumibili sa amin ng ulam. Laging pinipilahan ang karinderya namin. May-ari din ang tatay ko ng apartment at sa amin madalas bumili ang mga nakatira sa amin.

"Ang sarap talagang magluto ng mama mo, Ted!" sabi niya.

"Paborito kasi niyang magluto para mabusog kayong lahat."

Sabado nang dumating ang bagong tenant sa third floor. Ang ingay kahit bago pa lang. Lalaki ang nagrerenta. Nasa tatlumpu ang edad at malusog.

Makalipas lang ang ilang araw, nakapagtayo na siya ng sarili niyang kainan sa kabilang kanto. Humina ang negosyo namin.

"Ted, mas masarap daw ang luto ng nakatira sa apartment ninyo. Pero dahil kaibigan kita, dito pa rin ako sa inyo bibili ng ulam."

Masaya ako na kahit may kakumpitensiya, pinili pa rin ni Mac-Mac na sa amin bumili.

Isang linggo matapos magbukas ang tindahan ng bagong tenant nina Tatay, nagsibalikan agad ang mga dating sa amin naman talaga bumibili ng ulam.

"Mukhang sandali lang 'yong bagong kainan, ah," dinig kong sabi ni Mang Teryo.

Hindi kasi papayag si Tatay na malugi ang negosyo ng nanay ko dahil lang sa kompetisyon.

Puno ngayon ang ref. Marami pang parte ng bagong tenant ang hindi pa napaghihiwa-hiwalay, pero nagamit na ang ibang parte ng katawan niya bilang rekado ngayong tanghalian.

"Ang sarap talaga ng ulam dito sa inyo. Wala pa ring tatalo!" sabi ni Mac-Mac.

"Masarap talaga rito. Special ang recipe ni Nanay, eh," sabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top