Q3 (i) Panayam kay CouncilXean

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?

Isang taon na akong Wattpad Ambassador, at sa loob ng panahong iyon ay napakarami kong natutunan at naranasan. Nabibilang ako sa Reviewers' Team, kung saan ang pangunahing tungkulin ko ay magbasa at magbigay ng feedback sa mga kwento ng ibang manunulat. Mahalaga ang papel na ginagampanan namin sa pagtulong sa mga bagong manunulat na mapabuti ang kanilang mga akda at sa pag-promote ng kalidad na nilalaman sa Wattpad community.

2. Bakit mo napagdesisyonang maging Wattpad Ambassador?

Napagdesisyonan kong maging Wattpad Ambassador dahil nais kong makatulong sa ibang manunulat at maging boses para sa mga minoridad, lalo na ang komunidad ng LGBTQ+. Sa pamamagitan ng pagiging Ambassador, nagkaroon ako ng pagkakataon na magbigay ng suporta at gabay sa mga bagong manunulat, at isulong ang pantay na representasyon sa mga kwento at tema sa platform. Mahalaga para sa akin na makita at marinig ang mga kwento ng mga tao mula sa iba't ibang sektor ng lipunan, at nais kong mag-ambag sa paglikha ng isang mas inklusibo at maunawaing komunidad sa Wattpad.

3. Ano ang pinakamasaya at pinakamahirap na parte ng pagiging Ambassador?

     Pinakamasaya: Ang makasalamuha ang mga kapwa ko Ambassadors at makakita ng mga natatagong potensyal ng ibang manunulat.

     Pinakamahirap: Ang maglaan ng sapat na oras upang tumulong dahil sa aking trabaho. Kailangan ng time management upang matugunan ang mga responsibilidad bilang Ambassador habang binabalanse ko ang oras sa trabaho at personal na buhay.

4. Maari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?

Isa sa hindi ko makalilimutang karanasan mula nang maging isang Ambassador ay ang makita ang malasakit at suporta ng mga kapwa ko Ambassadors sa isa't isa. Hindi maiiwasan ang pagbabago, at may mga pagkakataong nakakalungkot at mahirap tanggapin. Gayunpaman, sa mga panahong iyon, nakita ko kung paano kami nagkakaisa at nagtutulungan.

5. Ano ang iyong mensahe sa lahat ng Wattpad Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?

Alam kong hindi biro ang maging isang Ambassador, pero gawin nating inspirasyon ang isa't isa at ang mga pangarap ng bawat manunulat sa Wattpad. Ang pagiging Ambassador ay nangangailangan ng dedikasyon at tiyaga, pero sa kabila ng lahat ng hamon, tandaan natin ang halaga ng ating ginagawa para sa komunidad. Ang bawat ambag, gaano man kaliit, ay may malaking epekto sa paghubog ng mas magandang lugar para sa lahat ng manunulat at mambabasa.


FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:

1. Ang nobela kong 'The Fearless Leader' ay isang pagpupugay sa aking dalawang paboritong Korean BL Series, tulad ng "Semantic Error", at "Light on Me".

2. Nagsimula akong magsulat noong 2012 bilang pagdiriwang ng pagtanggap sa tunay na ako, bilang miyembro ng LGBTQ+ Community.

3. Bukod sa pagsusulat, nahihilig din ako ngayon sa paglalaro ng mobile at PC games.

4. 2012 ako unang gumamit ng Wattpad.

5. INTJ-T ang MBTI Pesonality ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top