September 2021 (iv) News From Around Wattpad
Ngayong buwan ng Setyembre, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!
---
AmbassadorsPH
Welcome to BER MONTHS, Wattpadders!
Sa ating September Write-a-thon Challenge, gawin nating inspirasyon ang ating mga magulang/guardian. Bawat isa sa atin ay hindi maikakaila na meron tayong bucket list na tinatawag. Paano kapag sa iyong bucket list ay isinama natin ang gusto mong gawin kasama ang iyong pamilya lalo na ang iyong mga magulang/guardian?
Kahit sino ay pwedeng maging guardian o magulang para itaguyod ang anak, kapatid o kamag-anak. Ano ang pinakagusto mong gawin kasama ang iyong pamilya? Paano mo gagawing memorable ang pinakauna sa bucket list mo kasama ang iyong pamilya at bilang pasasalamat na rin sa kanila?
Sa ating tema sa buwan ng Setyembre na "BEING A PARENT/GUARDIAN HAS NO GENDER" gumawa ng kuwento base sa natalakay sa itaas sa loob ng 500-1000 na salita.
Tandaan, ang bawat lahok ay susuriin base sa nilalaman, pagkamalikhain at balarila. Sa mga mananalo, tatanggap kayo ng Winner Certificates. At para naman sa lahat ng sasali, mayoon naman kayong Statement of Participation!
---
WattpadFanFicPH
Hello, mga ka-FanFic!
Napanood n'yo na ba ang bagong released na music video ng awit ng bandang Ben&Ben na Upuan starring Donny Pangilinan at Belle Mariano?
Oo! 'Di pa tapos ang aming pag-feature sa walang iba kun'di sa kinahihilingan ng mga fans ngayon na si Donny Pangilinan! And this time, kasama ang kanyang leading lady na si Belle sa kanilang hit series na He's Into Her.
Ngayong buwan ng Setyembre, tunghayin natin ang mga quote pics na naglalaman ng mga linya galing sa aming Donny Reading List at tayo rin makigulo sa pagbabalik ng Question of the Week.
Pero siyempre, hindi lamang iyan ang aming inihanda para sa inyo. Abangan n'yo rin ang collabaration ng WattpadFanFicPH at WattpadRomancePH. Ano kaya sa palagay n'yo ito?
Para sa iba pang detayle ukol rito, i-follow lamang ang aming profile na WattpadFanFicPH.
---
WattpadRomancePH
September na pero ang kasiyahan ay hindi pa ober! Dahil ngayong buwan, isa nanamang collaboration contest ang hatid sa inyo ng WattpadRomancePH at WattpadFanFicPH! Ang Mahalima Hanggang Huli ay isang prompt-writing contest kung saan ay susubukin namin ang inyong talento at kaalaman tungkol sa bandang SB19! Kaya naman kung tagahanga ka rin nila at isang A'Tin, ihanda na ang inyong baon na kuwento para sa pagkakataong manalo!
Bukod dito, muling nagbalik sa nakaraan ang RomancePH, at ngayon, sa Dekada 80 naman! Balikan ang trends noong '80s at bumuo ng kakaibang mga love story sa pamamagitan ng pagsali sa aming prompt-writing contest na Pag-iibigan sa Dekada 80s. Ihabol ang inyong mga akda hanggang Setyembre 25, 2021.
---
Wattys 2021
Mayroong mundo ng mga kuwento at nais naming mabasa ang sa iyo. Oras na para sumali sa The 2021 Wattys Awards!
Ang pagsusumite para sa Wattys ay mananatiling bukas hanggang sa ika-30 ng Setyembre ng 11:59pm EST (ika-1 ng Oktubre ng 11:59am sa Pilipinas). Tanggapin ang hamon at ipakita sa amin ang iyong kakayahan!
Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa eligibility requirements at iba pa, mangyaring bisitahin ang WattysPH profile.
Good luck, Wattpadders!
---
At dito na nagtatapos ang isyu para sa buwang ito. Umaasa kaming nag-enjoy kayo sa pagbabasa nito! Huwag kalimutang i-add ang newsletter na ito sa inyong reading list para makakuha agad ng mga updates sa mga susunod na isyu!
Happy Wattpadding!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top