September 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips

Paano Bumuo ng isang Protagonist?

May iba't ibang uri ng tauhan ang mga kuwento. Ang protagonist o bida ay ang nagdidikta ng buong kuwento. Marami ring ibang tauhan na kung tawagin ay secondary characters o mga pangalawang tauhan. Ang mga tauhan na ito ay tumutulong sa protagonists, o kumokontra sa kanila upang maintindihan ng mga mambabasa kung bakit ganoon ang bida.

Kaya naman, kailangan mong pagbutihin ang paghubog sa iyong protagonists upang mas maintindihan sila ng mga mambabasa at mga pangalawang tauhan.

Ang Protagonist ay Dapat Magkaroon ng mga Kapintasan: Wala naman talagang perpekto, hindi ba? Kaya bakit ka bubuo ng isang tauhan na talagang sobrang bait at hindi relatable? Ang pinakamagandang mga tauhan ay umaahon mula sa mga pinagdaanan nila, at ang mga kapani-paniwalang tauhan naman ay may mga kapintasan gaya na lang ng mga tao sa totoong buhay. Kabilang sa iba't ibang uri ng kapintasan ay:

Pisikal na mga Kapintasan: Kabilang dito ang itsura, mga kapansanan, mga abnormalidad at iba pang kondisyon na maituturing na pisikal na kapintasan. Halimbawa, ang pagiging utal, mga peklat mula sa pagkasunog ng balat, o 'di pagiging tuwid ng paglalakad. 

Mga Kapintasan sa Pag-uugali: Ang pinakanakaeenganyo na mga tauhan ay ang mga kapintasan sa pag-uugali. Ang mga katangian na ito ay nakaaapekto sa pag-uugali at aksyon ng mga bida. Halimbawa, mayabang sila at hindi inaamin ang kanilang mga kamalian, minamaliit ang kahit na sinong sa tingin nila ay hindi nila kasing-talino, isang mapagpanggap na relihiyoso na hindi isinasagawa ang kanilang mga pangaral, nagagalit agad dahil sa simpleng bagay, hindi nag-iisip nang tama at mahinahon.

Mga Magagandang Kapintasan: Hindi lahat ng kapintasan ay masama. Ang ibang kapintasan ay maaaring maging cute o kamahal-mahal. Maaaring masama ang kanilang ginagawa, pero mayroong magandang mithiin. Ngunit, kung sobra ang pagkakagawa na ito sa isang kuwento, maaari itong maging nakaiinis. Halimbawa, walang preno sa pagsasabi ng puna o masamang balita, perfectionist, nagnanakaw mula sa mayaman pero ginagamit ito para tumulong sa mahirap, naninigarilyo pero gustong itigil iyon, clumsy, o mayroong social anxiety at nerbyoso sa harap ng maraming tao.

Ilahad ang kanilang Pisikal na Mundo Nang May Detalye: May iba't ibang estilo upang mapukaw ang isang karakter. Karamihan sa mga manunulat ay nagpo-pokus sa pisikal na anyo o hitsura. Madami ding malikhain na pamamaraan para maipakilala ang mga karakter sa pamamagitan ng mannerisms o sa kanilang pananamit. Tandaan, kahit na maliit ang mga detalye kung ito ay makabuluhan para mabigyang buhay ang karakter, makatutulong ito sa mga mambabasa sa kanilang imahinasyon at pag-ugnay sa kanila.

Ang Protagonist ay Dapat May Character Arc Palagi: Kagaya ng nabanggit kanina, walang perpekto. Kaya naman may lugar upang linangin ito, hindi ba? Dahil dito, ang karakter ay dapat sumailalim sa kurso ng pagbabago sa kuwento. Ang pagbabagong ito ay tinatawag na character arc. Ang pagbabago ay hindi nangangahulugang mangyayari ito nang biglaan bagkus ay dapat ipakita mo ang progreso ng pangyayari sa simple pero matalisik na pamamaraan. Bagama't nasa iyo ang desisyon kung sinong karakter ang ayaw mong baguhin, ang desisyon na ito ay dapat maipakita mo nang kusa.

Ang Protagonist ay Dapat May Malakas na Backstory: Ang pag-uugali ng tao ay produkto ng kanilang gawain. Sa parehong paraan, ang flaws o kapintasan ng karakter ay palaging produkto ng mga pangyayari sa nakaraan. Halimbawa, ang lalaking protagonist ay lumpo at gumagamit ng walker upang makalakad. Ngayon, mababa ang kumpiyansa niya sa sarili at may malalang anger issues. Dito uusbong ang tanong. Bakit mababa ang kanyang kumpiyansa sa sarili? Bakit siya may anger issues? Anong nangyari noon? Ang mga sagot sa mga katanungang ito ang magiging paraan upang mapanatili ang mga mambabasa sa mga karakter at mahubog ang karakter nang mabuti.

Buuin Ang Mga Protagonist na Sumasalamin Sa Iyong Mga Interes: Binibigyan mo ng maraming oras ang lahat ng iyong mga karakter lalo na sa protagonist. Kaya naman walang duda na makukuha ng protagonist ang ilan sa iyong mga interes. Huwag kang matakot na mamuhunan sa iyong protagonist para sa inyong pamilyar na mga katangian ngunit laging unahin ang katotohanan na ang iyong karakter ay dapat nanggagaling sa tagpuan kung saan mo ito binuo. Sa gayon, ang mga interes at kahiligan ay dapat hindi biglaan o out of the blue. Dapat umaayon ito ng mabuti sa tema na sinimulan mo.

Piliin nang Maayos Ang Tagpuan ng Protagonist: Ang pinakamalaking pagkakamali ng isang manunulat habang binubuo ang protagonist ay ang pagpili ng maling tagpuan. Halimbawa, kung ang iyong protagonist ay isang doktor, ang pangunahing tagpuan dapat ay sa ospital at hindi sa kanyang bahay o coffee shop. Pag-aralan ang mga propesyon at kung paano pinatatakbo ng mga tao ang ganitong propesyon. Ang pangunahing conflict ay dapat nagsisimula sa tagpuan. Katulad ng babaeng protagonist na nakilala ang isang lalaki sa ospital na nabanggit kanina, ang protagonist ay isang doktor kaya ang karamihan ng oras sa kwento ay dapat nasa hospital dahil ang mga doktor ay may abalang iskedyul.

Bigyan ang mga Mambabasa ng Access sa Kanilang Inner Conflict: Isang paraan upang maiugnay ang mambabasa sa karakter ay ang paggamit ng internal monologue. Ibig sabihin nito ay maipakita mo ang saloobin ng karakter habang nasa isang sitwasyon. Ito ay isang paraan upang maipakita ang inner conflict ng isang tao, ang kanilang mga motibasyon, opinyon, at pagkatao. Ang internal monologue ay isang malinis na paraan upang maihatid ang mensahe tungkol sa tagpuan, mga kaganapan, at ibang mga karakter sa mga mambabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top