September 2021 (i) Panayam kay penless_scribbler
1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang?
Taong 2016 nang naging opisyal akong Wattpad Ambassador at dati akong kabilang sa Content Discovery Team pero magmula noong 2018, sa Engagement Team na'ko nabibilang.
2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador?
Bilang parte ng Engagement Team, sinisigurado namin na updated kami sa mga ganap sa loob at maski labas ng Wattpad Community. Sa gayon, mas ma-cater namin ang mga wants and needs ng mga Wattpad writers and readers. Bukod dito, kami rin ay nag-iisip at nagsasagawa ng prompts at iba pang initiatives sa kanya-kanya naming hinahandle na Wattpad Profiles upang mas lumawak ang sakop at engagement ng mga ito.
3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador?
Napagdesisyunan kong maging isang ganap na Wattpad Ambassador no'ng naengganyo akong makita ang mga dati kong kakilala na ngayo'y mga matalik ko ng kaibigan na Ambassadors no'ng Wattpad Summer Meet-Up 2016 at ang kanilang kinaaabalahan. Naisip ko, nais ko rin magbigay serbisyo para sa Wattpad community nang walang hinihinging kapalit tulad nila at makalipas ang ilang taon ng pagiging isang Wattpad Ambassador masasabi kong tunay ngang nakakatuwa ang makatulong kahit sa maliit na bagay at makitang masaya ang mga Wattpad writers and readers.
4. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad?
Sa katunayan, 'di ko rin natitiyak. Hindi talaga ako organized as a person. Noon pa man, on the spur of the moment ako magsawa ng tasks o kung anuman. Bale, kung kailan ako makakaramdam ng motivation o ng inspiration, do'n pa lamang ako kikilos with 100% effort pero 'di rin sa point na maabutan na ng deadline. Gayon pa man, masasabi ko lang ay worth it talaga paglaanan ng oras ang pagiging isang Wattpad Ambasador. Pinili ko 'to kaya papanindigan ko. Ganu'n lamang ka simple.
5. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador?
Kahit saan ka pa na parte sa mundo kung kayo'y may iisang hangarin, kailanman hindi magiging hadlang ang inyong mga diperensya. Laking tuwa ko dahil sa Wattpad Ambassador Program, mas lalong naging bukas ang aking isipan sa bawat pananaw at opinyon ng aking co-Wattpad Ambassadors at maski sa mga nakakasalamuhang kong Wattpad writer and/or reader. Dahil sa kanila, mas lalo ako nag-gogrow as a person at nag-nunurture.
6. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?
Masasabi kong it's both fun and professional at the same time. Professional dahil hindi mapagkakaila na pormal pa rin ang mga isinasagawa ng bawat isa pero syempre, hindi mawawala ang fun na aspect dahil isama-isama mo ba naman sa iisang team ang mahilig magbasa o magsulat o mag-fangirl/fanboy sa isang kilalang Wattpad writer? Hindi ba? At higit sa lahat, ang Wattpad Ambassador Program sa kabuuan ay caring at nurturing dahil ang mga Profile Leads at Senior Ambassadors o maski ang mga nasa higher up na position, tinitiyak nila walang maiiwan o makakaramdam na wala silang boses. Lahat ay belong sa iisang pamilya na may iisang layunin at iyon ay panatilihing positibo at ligtas gamitin at i-enjoy ang mundo ng Wattpad.
7. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasa?
Dahil sa pagiging Wattpad Ambassador ko, mas dumarami ang mga na-didiscover kong "gems" o mga kwento na para sa akin ay hindi ko siguro madadaanan bilang ordinaryong mambabasa sapagkat dati, kokonti lamang ang genre na kinahihiligan ko. Bukod dito, mas marami rin akong natutunan na rules at technicalities sa pagsusulat professionally na siyang isinasaip ko tuwing magbabasa o magsusulat.
8. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador?
Walang duda ang pagtulong sa pag-handle ng Wattpad x Bliss Books Event noong Septyembre, 2019. Grabe. I still could vividly remember it and it feels surreal. Bakit? Dahil no'ng nagsimula ako maging isang Wattpad Ambassador, lagi lamang akong #stayathome kada may Wattpad events sa Manila dahil sa Cebu ako nakatira pero no'ng particular na event na 'yon, for the first time, nakita at nakasama ko ang mga co-Wattpad Ambassadors at natulungan sila maging successful ang event and it just pains me, since dahil sa pandemic, baka matagal-tagal pa ulit magkaroon ng face-to-face Wattpad event *fingers cross*
9. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community?
Hindi mapagkakaila na hindi mawawala ang pagkakaroon ng kritisismo sa kung anuman na gawain o bagay at bilang isang Wattpad Ambassador, hindi ko hinahayaan na maging hadlang ang mga ito upang mas magbigay pa ng maayos at mabuting serbisyo para sa Wattpad community. Ang mga ito ang siyang nagiging motibasyon ko para mas ma-improve ang aking sarili at makatulong sa abot ng makakaya ko upang maisakatuparan ang mga layunin ng Wattpad Ambassadors Program para sa komunidad nito.
10. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap?
Para sa aking tinuturing na pamilya sa Wattpad Ambassador Program, hindi man ako ganoon ka-ingay at pasalita pero nais kong malaman niyo na sobra ko kayong naaappreciate at kung hindi dahil sa inyo, siguro ang Wattpad experience ko ay hindi magiging kasing makulay at masigla ngayon.
At para naman sa mga nagbabalak maging Wattpad Ambassador, ang masasabi ko lang sa inyo ay huwag kayo paghinaan ng loob. It takes confidence and determination to make your dream become a reality. At kung kayo'y tunay talagang may passion para tumulong sa kapwa niyo Wattpader, nothing should stop you. Kaya apply na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top