September 2021 (i) Panayam kay AnakniRizal
1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?
Nagsimula ako noong grade three. Naengganyo ako sa mga bond paper sa sari-sari store namin, ang sarap kasi sulatan. At saka mahilig kasi ako manood noon ng mga lumang pelikula, kaya 'yung unang writing style ko noon ay talagang pang-script.
2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?
Natuklasan ko 'yung Wattpad sa isang online friend na nakilala ko sa isang Korean TV show group na sinalihan ko noon. Nag-decide ako na magsulat sa Wattpad dahil pakiramdam ko mas mababahagi ko sa mas marami 'yung mga kwento ko kaysa sa notebook lang nakasulat.
3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?
Madami! Anong category ba? Haha. Kung sa Pilipinas na fiction writer si Eliza Victoria (Don Palanca winner) at Bob Ong talaga ang mga idol ko, idagdag pa sina Eros Atalia, Candy Gourlay, Bebang Siy. Mga OG writers na nagpalaki sa'kin ay sina Aira Ledesma, Martha Cecilia, at marami pang ibang pocketbook writers na nakalimutan ko na. Ang dami kong binanggit, sorry naman!
4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? Sino o ano ito, at bakit?
Madami na akong nabasang classic Wattpad stories na Tagalog pero ang isasagot ko rito ay 'yong Avah Maldita. Kasi binigyan ako ng confidence ng kwento na 'yan na lumaban para sa sarili mo, nakaka-empower (I was fifteen noong una kong nabasa 'yon). At idagdag pa na naging close friend ko 'yung author nito hanggang ngayon.
5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito?
Madami akong ongoing pero 'yung pinaka-focus ko ay 'yung Dalaga na si Remison. Sa totoo lang ay ito ang first kong try na magsulat ng teenfic romance na may literal na coming of age or pagdadalaga. Nagsimula 'yung story sa mismong birth o childhood ni Remison hanggang sa pagtanda niya at mae-encounter niya 'yung mga karaniwang nararanasan ng mga dalaga, kaya talagang relatable siya. Pero may plot twist ako rito, secret na lang muna 'yon haha.
6. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Keep writing! Cliche na advice pero 'yan talaga ang salvation ng mga writers kung may dream sila nag maging published author o kung ano mang tuktok ang gusto nilang marating. Hindi pwede 'yung pa-cute lang tayo rito, kasi may ibang platform para riyan. Kaya tayo naging writers para magsulat at i-express 'yung mga sarili natin, kaya remember din yung gasgas ng advice na "Write to express not to impress." :)
7. Para sa iyo, ano ang pinakaimportanteng elemento ng pagsusulat ang kailangan ng isang manunulat?
Siguro para sa'kin hindi siya technical in terms of writing, kumbaga 'yung attitude towards writing ang mismong pinakaimportante para sa'kin kasi sa tingin ko 'yung mismong skill nade-develop yan as you continue to write. The real challenge is to keep writing despite of your circumstances, doubts, disencouragement, and so on. The will to write is the key.
8. Paano mo ginagawa ang mga plot at karakter ng iyong mga kwento?
'Yung plot nag-uumpisa 'yan sa prompt like ng mga "what if scenarios", minsan nauuna 'yung character as prompt, like what if may isang tao na ganito and out of that ay makakaisip ako ng plot. Madalas plot ang nauuna sa'kin pero bago ko 'yon masulat kailangan mahanap ko agad ang tamang karakter para sa plot na 'yon.
9. Paano mo ginagamit ang social media bilang isang writer at Wattpad Star?
Malaking tulong ang social media sa pagpopromote ng mga published books and malaking bridge din ito para makipagcommunicate sa mga readers.
10. Para sa iyo, anong parte ng kuwento ang pinakagusto mong sinusulat?
Simula at climax. Parehas exciting para sa akin kaya 'yan talaga ang pinakagusto kong part.
11. Sino sa mga karakter mo ang maihahalintulad mo sa sarili mo?
Kung 'yong past self ko ay si Jill Morie, parehas kaming palaging nababahala sa hinaharap. Pero ngayong kasalukuyan at medyo englightened na ako sa maraming bagay, siguro parehas kami ni Cole from Wake Up, Dreamers dahil may pagka-philosopher ang outlook namin sa buhay.
12. Sino ang paborito mong kontrabida sa kwento mo? Bakit?
Siguro si Memo from Mnemosyne's Tale kasi napakacunning niya, at literal siyang diyos from his past life kaya astig.
13. Pwede mo bang ibahagi sa amin ang iyong writing process?
Ang present kong writing process nagsisimula na sa outline ng idea na gusto kong mangyari sa isang chapter, hindi naman 'yon detailed, parang naka-bullet 'yong mga ideas and then kapag nag-type na ako, hahayaan ko lang mag-flow yung story based sa outline. Minsan hindi ko rin naman naususunod yung outline kaya ina-adjust ko na lang yung ibang events for the next chapter.
14. Para sa iyo, ano ang pinakamagandang paraan para mapahusay ang iyong pagsusulat ng kwento?
Magbasa. Iyon talaga ang isa sa the best kasi nae-expose ka sa form of writing ng ibang author na mas maraming alam kaysa sa'yo. Kaya sorry sa mga writers na nagsasabi na hindi sila nagbabasa, para sa'kin ay hindi 'yon sign ng humility. Kasi parang pag hindi ka willing magbasa, hindi ka willing matuto and mag-explore ng marami pang bagay para rin mapagbuti yung pagsusulat mo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top