November 2021 (i) Panayam kay estudyantexxx

1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat? 

From news writing to editorial writing, twelve years old ako nang unang mag-shift sa pagsusulat ng kuwento. Notebook pa gamit ko noon pero hindi ko natapos. Teen Fiction kasi tapos ewan, after chapter 5 nganga agad ako. Pagkatapos nu'n panay script writing na lang at formal papers. Nagtuloy 'yun hanggang mag-grade 8 ako. Nanalo ako ng 3rd place sa isang writing contest sa school tapos mga kasama ko pa puro seniors. Iyong script ko rin ay napili para sa isang play and another script for radio drama in celebration of Buwan ng Wika. 

Kaya naman nag-assume ako that moment na baka nga writing ang para sa'kin. Nagsimula ulit akong magsulat ng kuwento sa papel lang ulit.


2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito? 

Grade seven ako. Iyong kaklase kong lalaki, nagdala ng libro. Siyempre, mahirap i-resist ang temptation ng libro kaya tinanong ko siya at pinakilala na niya ang Wattpad. Tapos four years pa ang lumipas nang magsulat ako totally sa Wattpad. 

Jan 15, 2018 at graduating ng grade 10. 15 years old. Wala lang, naisipan ko lang ilagay sa Wattpad kasi—wala lang. Biglaang pagpapasya. Gusto ko lang may remembrance ako ng growth ko mula sa unang story hanggang sa kung kailan ako hihinto. 


3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit? 

Itong mga manunulat na ito, sa kanila ko naranasan 'yung ayokong ilapag ang libro nila. Kaya nila akong pagsabihing, bukas na ako magre-review. Sila rin ang dahilan kung bakit ako pumapasok ng puyat. 

Si Judith McKnaught kung sa romance. Ang ganda ng mga plot niya and what hooked me more into her works is how she writes her character's careers. Research kung research.

Sa Mystery naman ay si Dan Brown. Grade six at pagala-gala lang ako sa bahay nang makita ko 'yung Angels and Demons. JHS naman noong tinuloy ko ang ibang works niya. Sobrang hanga talaga ako sa mga plot ng story niya. Wala. Lagi kasing nandoon 'yung excitement na gusto ko kahit minsan kailangan ko pang humanap ng dictionary. 

Lastly, Bob Ong. Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino at Stainless Longganisa ang favorite ko sa kanya. Gusto ko pang kolektahin 'yung iba pa niyang libro pero wala na akong makita. Grade seven ako at ang naging drive para magtuloy sa pagsusulat kapag gusto kong mag-rant. 


4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? 

Too many to mention but current fave is HeadphonesAndLuck (HAL), a mystery writer. Right now, I am patiently waiting for updates of SMS Heptalogy. Basahin niyo na rin po, hindi po kayo magsisisi. 


5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito? 

Naglinis kasi ako ng account nitong nakaraan lang tapos nakita ko 'yung isa kong story under mystery sa draft. About iyon sa isang high school student na namatay, tapos bumalik sa unang araw ng klase na ang naaalala lang niya ay pinatay siya. Siguro mga 5 days ko nang sinusulat at nakakadalawang chapter pa lang ako.


6. Anong genre naman ang gusto mong subukang isulat sa hinaharap, at bakit? 

Kahit anong genre binabasa ko pero hindi ko talaga kayang magsulat ng Teen Fiction at Horror. Sa Teen Fiction, nasa planning stage pa lang ako pero may writer's block na. Sa Horror naman, hindi ko talaga alam kung paano. Kapag may free time na ulit ako, susubukan kong pag-aralan.


7. Paano mo nalalagpasan ang pagkakaroon ng writer's block? 

Gagawin ko lang kung anong gustong ipagawa ng katawan ko. Kung gusto niyang matulog, edi tulog tayo. Kung gusto niyang magbasa, susugurin ko lahat ng recommendation lists ko. Kung gusto niyang tumulala, edi tingin tayo sa kawalan. I let my mood decide for that.


8. Anong klaseng pananaliksik ang iyong ginagawa sa pagsusulat, at gaano katagal ang oras na iyong ginugugol doon bago mo tuluyang simulan ang iyong isinusulat? 

Walang masiyadong research noong nag-umpisa ako sa Romance maliban na lang sa mga business terms na madalas ay kailangan lang basahin at intindihin. Pero pagkatapos ko sa unang Gore story ko, medyo nahilig ako sa paggawa ng characters bago ang plot. Madalas half ganito si gan'yan, para maipakita ang cultural diversity, sinusuyod ko ang google para sa mga slangs, habits and such ng lahing iyon. Kung laking Pilipinas naman, mga physical characteristics lang. Isasama ko na rin syempre 'yung mga mga pwedeng rason sa behavior ng characters. 

Gusto ko kasi buo 'yung characters bago ako mag-proceed sa pagsusulat. That way, hindi ako mawawala kapag nag-narrate ako. Gusto ko kapag nagsimula na akong bumuo ng plot, kasama na iyong characters sa pagde-decide ng mangyayari. 

Wala ring specific time na itinatagal, basta hangga't tama or buo na 'yung characters. Tapos ayun, another research naman para sa plot HAHAHA.


9. Ano o sino ang masasabi mong nag-impluwensiya talaga sa iyo pagdating sa pagsusulat? 

Wala sa hinagap ko na magugustuhan ko ang pagsusulat. Never kong naisip na magsusulat ako. Kaya hindi ko alam kay Ma'am Cecil (English Teacher ko noong elem) kung bakit niya ako pinilit ilagay sa editorial writing. Sa kanya ko naranasan 'yung tama sa unang check tapos pagdating sa revision, namamali. Tapos hapun-hapon pa siya kung magbigay ng topic at bago umuwi, kailangan tapos na. Inabot pa nga ako ng malakas na ulan noon dahil hindi ko alam ang BANGSAMORO Islamic Group. Naisulat ko Bank sa Moro (lol) at ayun, pinaliwanag niya ang isyu. Iyong everyday drill niya, nakasanayan ko na kaya noong magbakasyon, hindi ako mapakali na wala akong nasusulat kahit na intro lang.


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat? 

Every story deserves to be read. Every writer deserves to be appreciated. But a writer who continuously exerts efforts to improve their craft deserves to be respected. 

Sulat. Basa. Aral. Improve. Accept constructive criticism. Understandable pa 'yung mga common mistakes sa unang tatlo mong stories pero kapag nasa fourth story ka na at ganoon ka pa rin, sorry pero baka magulat ka na lang mawala iyong mga readers mo. Araw-araw may lumalabas na story sa Wattpad. Nagbabago ang taste ng mga readers, nakakabasa sila ng ibang quality works. Kaya sana, habang nagbabago ang panlasa ng mga mambabasa, nag-iimprove ka rin. This is not only for yourself as a writer but also for your readers who stayed loyal to you.

Lastly, lahat tayo nagsimula sa 0 reads, votes and followers. Please don't use, wala namang nagbabasa as an excuse para mag-quit. Gawa ka ng paraan para may magbasa. Effective rin 'yung mabilisang update at huwag ka lang mawawala ng mahigit sa isang buwan (gaya ko XD). It's okay na makaramdam ng inggit. Like anger, envy is also an emotion between black and white. It can be your motivation or destruction. Kaya ang hindi okay ay ang may gawing masama dahil naiinggit. Everything takes time, walang shortcut sa success kaya galaw rin po tayo. Salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top