May 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips
Para sa buwang ito, ating talakayin ang dialogue tags.
Ano nga ba ang dialogue tags? Ang dialogue tags ay mga salitang inilalagay sa unahan, dulo o gitna ng mga diyalogo. Ito ay kadalasang gumagamit ng mga salitang nagpapahiwatig ng pakikipag-usap o komunikasyon (sabi, bulong, sigaw, atbp.).
Halimbawa: "Mahal na mahal kita..." mahinang bulong ni Ysmael.
Sa halimbawang ito, ang mahinang bulong ni Ysmael ay ang tinatawag nating dialogue tag. Dahil maaaring ilagay ang mga dialogue tag sa iba't ibang parte ng pangungusap, iba't ibang bantas ang ginagamit para dito at nag-iiba rin ang tuntunin para sa paggamit ng malaking titik.
1 - Kapag nasa Unahan ng Pangungusap
Bulong ni Ysmael, "Mahal na mahal kita..."
Tandaan:
- Lagyan ng kuwit pagkatapos ng dialogue tag.
- Simulan sa malaking titik ang mismong diyalogo.
- Tapusin ang diyalogo gamit ang angkop na bantas ngunit isama ito sa loob ng kudlit/apostrophe.
2 - Kapag nasa Dulo ng Pangungusap
"Mahal na mahal kita," mahinang bulong ni Ysmael.
"A-anong sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Lea.
"Mahal na mahal kita!" sigaw naman niya.
Tandaan:
- Ang mga bantas ay nasa loob pa rin ng kudlit/apostrophe.
- Ang mga pangungusap ay hindi dapat magtapos sa tuldok. Ito ay pinapalitan ng kuwit.
Halimbawa: "Mahal na mahal kita." mahinang bulong ni Ysmael. - MALI
"Mahal na mahal kita," mahinang bulong ni Ysmael. - TAMA
- Kahit na nagtatapos ang pangugusap sa kuwit, tandang pananong o tandang pandamdam, ang dialogue tag ay magsisimula sa maliit na titik maliban na lamang kung ang simula nito ay isang pangalan. Halimbawa: "Mahal na mahal kita!" Ysmael shouted at the top of his lungs.
3 - Kapag nasa Gitna ng Pangungusap
"Ano'ng gagawin ko," tanong niya, "kapag iniwan na niya ako?"
Tandaan:
- Maglagay ng kuwit sa loob ng kudlit bago ang dialogue tag. "Ano'ng gagawin ko," tanong ni Mae, "kapag iniwan na niya ako?"
- Maglagay ng kuwit pagkatapos ng dialogue tag ngunit hindi dapat ito nakalagay sa loob ng kudlit. "Ano'ng gagawin ko," tanong ni Mae, "kapag iniwan na niya ako?"
- Maliban na lang kung nagsisimula ang dialogue tag sa isang pangalan, ito ay palaging magsisimula sa maliit na titik.
---
Ang paglalagay ng graphics sa isang kabanata ay maituturing na kakaibang karanasan sa Wattpad. Ito ay nagbibigay ng ibang lebel ng pagkamalikhain, at pinahihintulutan ang mga manunulat na ibigay sa mga mambabasa ang kabuoang mood ng kuwento hindi lamang gamit ang mga salita, maging sa paraan ng visual effects. Subalit, ang paggamit dito ay hindi dapat basta-basta para mas malaki ang epekto nito sa mga mambabasa. Ngayong buwan ng Mayo, ipakikita namin sa inyo ang mga angkop na paraan sa paggamit ng mga graphics sa inyong mga kuwento upang tumugma ito sa inyong gawa.
---
Banners
Ang mga chapter banner ay maaaring gamitin sa iba't ibang rason. Maaaring iparating lamang nito kung anong kabanata na ba ang kuwento o ipakita ang pamagat o tagline. Ngunit importanteng pakatandaan na ang background nito ay dapat maging tugma sa iyong kuwento.
1. I-type ang 'banners' sa search bar at makikita mo ang iba't ibang sukat at istilo ng mga banner. Piliin ang sa tingin mo ay pinaka-angkop sa iyong kuwento.
2. Kapag nakapili ka na ng tamang sukat at istolo, pumili ng naaangkop na background. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng 'replace' feature na magpapahintulot sa iyo na i-access ang mga libreng imahe sa Canva o sa gallery ng iyong phone.
3. Ang susunod sa pinaka-importanteng dapat tandaan ay ang tamang kulay at font para sa iyong kuwento. Ito ay dapat na umangkop sa genre ng iyong kuwento.
---
Dividers
Ang mga scene divider sa isang kabanata ay maaaring maging simple lamang tulad ng mga asterisk o maaari din namang i-upgrade sa tulong ng mga graphics.
1. Para dito, kakailanganin ng manipis na manipis na sukat kaya ang kailangang i-search ay 'headers' na magbibigay ng maninipis na mga template. Pumili ng isa at tanggalin ang lahat ng mga disenyong nandoon upang magkaroon ka ng isang blangkong canvas. Pagkatapos, i-tap ang 'plus' sa ibabang kanang bahagi upang makapagsimula na sa pagdidisenyo.
2. Piliin ang 'elements' at sa search bar, i-type ang 'dividers' upang makakuha ng iba't ibang klase ng dividers na maaari mong gamitin. Muli, maghanap ng magiging angkop sa iyong kuwento, pabalat at banner.
3. Kapag maayos na ang iyong divider, i-save ang iyong disenyo sa pamamagitan ng pag-click sa 'save as image' at ito ay handa na upang mailagay sa iyong kuwento.
---
Mood Boards
Ang mga mood board ay maaaring magtakda sa tono ng isang kabanata, tauhan, magkapares, o isang setting sa pamamagitan ng ilang mga larawan, color scheme, at pati na rin ang tamang font.
1. I-search ang 'mood board photo collage' at makakikita ka ng iba't ibang templates na maaari mong gamitin.
2. Piliin ang naaangkop sa iyong tauhan o kuwento (hal. ang isang soft beige theme ay hindi babagay sa isang horror na kuwento)
3. Kapag nakapili ka na ng angkop na template, paglaruan ang mga litrato, kulay at mga salita upang umayon ito sa aesthetic na nais mong ipakita sa iyong mga mambabasa.
---
At dito nagtatapos ang Writing and Multimedia Tips sa buwan na ito. Nawa'y nakatulong ito sa inyong pagsusulat. Hanggang sa susunod na isyu!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top