May 2021 (i) Panayam kay JosevfTheGreat
1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?
Nagsimula akong magsulat noong 11 years old ako, kahit sa mga notebook ay sinusubukan kong magsulat ng kwento ro'n. Ang nagtulak magsulat sa akin ay 'yung mga writers din noon na patok na patok, somehow ay na-inspired ako sa kanila to write. Sina Ate Deni (Haveyouseenthisgirl), Ate Aly (Alyloony), Ate Hanna (hannalove), Mercy_jhigz, Jonaxx, and a lot more.
2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito?
Na-discover ko 'yung Wattpad dahil kay Ate Deni at Ate Aly. Dahil sa movie ng Diary ng Panget at 'yung advertisement ng My Prince ni ate Aly sa TNT ata 'yon dati. Napagdesiyunan kong do'n din isulat, dahil may pakiramdam akong mas maipagpapatuloy ko ang pagsusulat dahil nando'n din ang mga nag-inspired sa akin magsulat.
3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit?
Dati, ang mga paborito kong writers ay sina Ate Deni, Ate Aly, Ate Hanna, Mercy_Jhigz, Ate Eydee, Ate Seeyara, at Jonaxx. Ngayon gusto ko pa rin naman silang lahat, pero mas naging favorite ko na si Ate J, ate Heartlessnostalgia, Ate Eloisa Madrigal, at ate Nina. Kasi natutuwa ako sa way nila mag-narrate ng story, at sa ganda ng mga plots nila. Na-iinspire ako magsulat lalo kapag sila nakikita ko.
4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? Sino o ano ito, at bakit?
Yung mga na-mention ko sa question number 3, 'yun din po sila. Wala kasi akong favorite writer na wala sa Wattpad since rito ko rin nasimulan ma-expose sa writers. Sa stories marami akong favorite, pero gusto ko talaga yung Lucid Dream ni Ate Aly. Kasi we have the same perception about life. Life can sometimes be tough, right? But don't run from imperfections, embrace it. With that, no matter how chaotic this world could be, you'll still find a way to cope up with it.
5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito?
Ang mga kwentong sinusulat ko ay naka-focus sa genre na Romance-Comedy. 'Yung mga old stories ko ay talagang mapapasapo ka sa noo mo sa sobrang daming lapses, pero hindi ko alam kung bakit siya bumenta. Pero sa ngayon, ang aking series na La Grandeza Series ay pumapatok din ngayon sa mga mambabasa dahil sa nakakaaliw, nakakakilig, nakaka-iyak, at nakaka-inspired na tema. Naka-focus kasi siya sa social issues, family fraud, political, and how our reality can be really dirty. Pero sa dulo pinapakita ko na marami pa ring magagandang bagay na nangyayari sa buhay natin na dapat nating mas pagtuunan ng pansin. Sinusulat ko 'to, mostly kapag hindi ako busy, ay 1-3 months lang.
6. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Palagi akong natatanong ng ganitong tanong, at ang palagi ko lang sinasabi ay huwag mong gagawing inspirasyon ang reads at votes, or any kinds of exposure. Dahil panigurado ay ma-di-discourage kang magsulat. Just keep writing, be inspired! Maraming ways to be inspired, find the fire. Don't compare rin yourself with other writers. We have different paths to take, your path is not their path. You have to focus on your growth, be open for corrections, and never stop writing. Then the glitters will just eventually come at you. Time will come. Just don't stop.
7. Saan ka kumukuha ng inspirasyon sa mga pangalan ng iyong mga karakter?
Maraming nagtatanong nito sa akin, pero nakakatawa kung saan ko ito kinukuha. Kinukuha ko ito sa brands ng mga gamit namin sa bahay tapos iju-jumble ko to make a new word. Or hindi kaya ay kumukuha ako sa internet ng pangalan, mostly for second names.
8. Kung ang La Grandeza Series mo ay isang kanta, ano ito at bakit?
Siguro, The Truth Untold by BTS. Kasi gusto kong ipakita sa mundo, gamit ang story na 'to, na maraming mali sa mundo, maraming imperfections. To the point na maraming tao ang nawawalan ng gana mabuhay, o hindi kaya ay kino-conceal nila 'yung totoong sila just to fit in. Gusto kong ipakita sa kanila, gamit ang La Grandeza Series, na mahalaga sila, na hindi sila made-define ng mga pagkakamali nila, na kaya nilang matupad 'yung mga pangarap nila sa buhay. One thing for sure, NO ONE CAN EVER CLOSE A DOOR THAT GOD HAS OPEN TO YOU.
9. Ano ang inyong Writer's Kryptonite or ang weakness mo bilang isang manunulat?
Oh, nahihirapan ako magsulat ng mystery/thriller dahil unang mga chapters pa lang nare-reveal ko agad yung mangyayari. Nahihirapan din ako sa fantasy, pero somehow ay mas kaya ko siya if magta-try ako kaysa sa mystery.
10. Kung makauusap mo ang sarili mo noong ikaw ay baguhan pa sa pagsusulat, ano ang maipapayo mo?
Maging open ka sa criticism, huwag kang matakot ma-correct dahil dadalhin ka no'n sa mas magandang daan. You're doing good, you're on the right path... just don't stop writing. Huwag kang titigil sa pagsusulat kahit na anong struggles ang kaharapin mo.
11. Paano mo nababalanse ang iyong oras sa pagsagot ng mga requests ng iyong mga readers at sa pagbibigay oras sa pagsusulat ng iyong kwento?
Nababalanse ko naman 'yun depende sa gusto ko pa rin. Kahit mag-request sila, at hindi ako pabor ay hindi ko pa rin gagawin. Nagsusulat ako ng kwento depende sa free time ko.
12. Bilang isang manunulat, ano ang iyong spirit animal? Bakit?
Lion and Cat. Kasi I can be brave, and fight for what I believe in. But somehow I can be soft, and clingy as a cat. The same goes with my writing journey. I can be Lion in the way that I want to prove something from my stories, the relevant and common things that some people tend to neglect. I can be a cat, because I always touch every people's heart. I want to inspire them.
13. Gaano ka katagal nagre-research para sa mga bago mong kwento?
Depende po sa profession. Especially the Lawyers, ang hirap talagang magsulat ng court scenes, at i-analyze yung mga kaso. Kaya depende sa mood kung kailan ko siya gustong aralin. Pero talagang nag-aaral ako nang mabuti para maging maganda at tama yung ilalagay ko sa story ko.
14. Ilang oras ka nagsusulat kada araw?
If I started writing at 5 PM matatapos po ako ay 10 PM. Depende po sa dami ng word count, dahil mostly ay 2.5K-5K po ang word count ko. Minsan nga nag-eexceed pa sa 5K kaya talagang inaabot ako ng alanganing oras.
15. Kung hindi ka nagsusulat ngayon, ano ang gusto mong gawin? Bakit?
Kung hindi ako nagsusulat ngayon, siguro ay content creator ako sa Youtube or Tiktok? Bata pa lang kasi ako na-enganyo na ako sa gano'ng glitters. Na parang maraming nagiging successful sa simpleng ginagawa nila. I want to be like that... I will still work hard, but I want it to be simple.
16. Ano ang iyong favorite childhood book? Maaari mo bang ibahagi ito?
I can't recall my childhood book. Dahil no'ng bata ako ay hindi ako mahilig magbasa kaya hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko rito sa pagsusulat, at pati na rin sa pagbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top