March 2021 (ii) Writing and Multimedia Tips
NAKAKALOKA! MAKAKABASA NA NAMAN AKO NG TIPS NGAYONG BUWAN!
Napansin mo ba ang mali sa mga pangnungusap sa itaas?
Para sa buwang ito, pag-usapan natin ang tamang paggamit ng mga unlaping naka- at maka-.
Kadalasan, sa ating pagsusulat, ating nagagamit ang mga unlaping naka- at maka- at hindi natin napapansin na mali na ang pagkakagamit natin sa mga ito. Katulad ng halimbawa sa itaas, madalas nating naisusulat ang mga salita bilang nakakaloka at makakabasa. Tayo ay nasanay sa pag-uulit ng ikalawang pantig ng salita (hal. nakakaloka).
Pero alam niyo bang hindi dapat ganiyan ang tamang pagsulat sa mga salitang ito?
Sa mga ganitong pagkakataon, ang unang pantig ng salitang ikinakabit sa unlaping naka- o maka- ang siyang dapat ulitin.
Halimbawa:
loka
Mali - nakakaloka
Tama - nakaloloka
asar
Mali - nakakaasar
Tama - nakaaasar
basa
Mali - makakabasa
Tama - makababasa
gawa
Mali - makakagawa
Tama - makagagawa
Ganito rin ang ating dapat pakatandaan sa mga unalaping nakapag- at makapag-.
Halimbawa:
tayo
Mali - makakapagtayo
Tama - makapagtatayo
taka
Mali - nakakapagtaka
Tama - nakapagtataka
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top