March 2021 (i) Panayam kay Ellena_Odde

1. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat? 

I think I wrote my first story "Hello Sh*tface" the same day I made a Wattpad account seven years ago. Sinulat ko lang ang first chapter for fun, sa isip ko, "Why not?" wala namang mawawala. 


2. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito? 

A very good friend shares the same hobby of collecting books with me. She talked about Wattpad in passing then, may nabasa ako online about a famous Wattpad story that was made into a book. Bumili ako ng libro kasi maganda ang reviews. Medyo nakakagulat at that time, the book was so raw, emoticons included. Still, na-curious ako sa app, baka may ibang stories na magugustuhan ko. I thought it was fun, you know, like writing stuff and letting people read under a pseudonym. Wattpad lang ang alam kong may active community back then na less ang prejudice sa quality ng writing. It was a new world. 


3. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit? 

Marami. Habang sinusulat ko ito, di ko maalala, OMG. So, mention ko na lang ang mga naging malaking impluwensya sa'kin. Binasa ko ang mga libro ni Danielle Steel back in high school, 'yon ang simula ng English novel frenzy ko. Then nabasa ko ang Bridgerton Series ni Julia Quinn years ago and had a historical romance fever. Oh yeah, sa ngayon, current fave ko si Lauren De Stefano, author ng The Glass Spare. I love the story so much. 


4. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? Sino o ano ito, at bakit?

Pilosopotasya. Tuldok. Tuldokism. Tuldokist. Her stories are anchored in realism. Natural ang dayalogo at ang daloy ng kuwento. Kaya may kirot, kasi may patama, like, not too far-fetched. For a writer, hirap akong mag-explain. Sorry. Her chill and open character (based on our online interactions and her posts/rants, kasi di ko pa siya naki-kidnap para magkakilala kami nang lubos) is a bonus. 


5. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito? 

 Maraming akong kuwentong tapos at kasalukuyang tinatapos. Pero, kung pipili ako ng isa, it would be my self-published book, MANDIRIGMA 173. I wrote the rough draft for a month, I think, kasi hinahabol ko ang deadline. But editing took way longer. I love all my stories, but MANDIRIGMA 173 hits different. Tungkol ito sa limang kabataang napili ng mga anito para sumali sa pa-contest ni Bathala sa mundo ng mga engkanto. Ang mananalo ay matutupad ang kahit anong kahilingan. The story centers at the various issues our youth faces today, at the same time, na-showcase ang lawak ng Philippine Mythology. Kaunti lang ang books about our myths and mostly under the radar, kaya sana mas maraming magbasa at magsulat nito. I mean, ang astig kaya ng Philippine Mythology. Sana marami pang magsulat related sa ating mga alamat. 


6. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat? 

Sure ka na ba sa pinasok mo? Welcome sa Kasamahan ng mga Masokista. Hindi lahat ng nasulat mo masusuklian ng pagmamahal. At kung masusuklian man ng higit sa inaakala mo, hindi 'yan perpekto. Accept criticisms and develop your craft. Matimbang ang may puntong puna kaysa papuri kung paghasa ng sining mo ang pinag-uusapan. Grow and don't forget to write responsibly. 


7. Kung bibisita man sa iyong bahay ang isang karakter mo, sino ito at bakit? 

Ella Conte. Mula siya sa kuwentong nasulat ko years ago, "Hindi Ito Ang Kuwento Ko," na kasalukuyang nakatago sa drafts ko. Gusto ko lang siyang ayain mag-Netflix at kumain ng fishball. Gusto ko lang sabihing hindi siya nag-iisa. She's probably one of the most tragic characters I ever wrote. Like, girl, I'm sorry I wrote you, but I love you very much. 


8. Nasabi mo sa iyong bio na isang inspirasyon mo ang mga sentimental songs. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang paborito mong sentimental song na pinapakinggan mo kapag ikaw ay nagsusulat? 

Depende sa genre at eksena ng sinusulat ko. Pero sa ngayon, itong tatlo ang inuulit-ulit ko. Ipanumpa Ko by Oh! Caraga, Slowmotion by Treasure, My Love Will Never Die by AG and Claire Wyndham. 


9. Ano ang iyong goal/s ngayong 2021 bilang isang Wattpad Writer at Star? 

Goal kong mag-aral ng creative writing para mas ma-improve ang mga sinusulat ko. I also want to learn more about editing and formatting. I want to go on a writing camp! Pero sa takbo ng mundo at sa sobrang busy ko, di ko alam saan isisingit ang mga gusto. So for more realistic goals: tuloy-tuloy na update sa Diana of Alcotta and Lizzie of the North. Then, matuloy ang I Am Momo. 


BONUS:

Fun fact tungkol sa'kin kahit walang humingi: 

1. Pagka-install ko ng Watty app for the first time, naisulat ko ang unang kabanata ng first ever story ko, "Hello, Sh*tface!" At that time, 'di ko na-imagine na ang trip-trip ko lang, to be published na. 

2. Ayokong magbasa ng thriller/horror, pero pangarap kong makapagsulat ng pinakamalupit na thriller sa point of view ng main villain. 

3. Mahilig ako sa anti-heroes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top