June 2021 (i) Panayam kay ivojovi

1. Ilang taon ka nang Wattpad Ambassador at saang team ka kabilang? 

Magtatatlong taon na ako bilang isang Wattpad Ambassador at kabilang ako sa international Engagement team. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Ambassador? 

Isa po akong profile lead sa tatlong English profiles. Isa sa mga gawain ko ay maka-plano kasama ang team ano ang magiging mga aktibidad sa isang profile sa isang linggo o buwan. 


3. Bakit mo napagdesisyunang maging Wattpad Ambassador? 

Umabot sa punto ng aking Wattpad writing journey na naging inactive ako dahil naging okupado ako sa trabaho. Dahil gusto ko pa rin maging konektado sa Wattpad, naisipan kong sumali sa ambassador program. Kapag di ako makapagsulat sa mga oras na iyon, masaya na ako na nakakatulong ako sa komunidad. Isa na rin yung makilala ang mga panibagong kaibigan. 


4. Paano mo napagsasabay ang pagiging ambassador at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad? 

Lagi naman pinapaalala na tumulong sa sariling kakayahan. Kaya ko nagagawa yung mga gawain kasi alam ko kung hanggang saan aking limitasyon. 


5. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging ambassador? 

Simple lang naman yung mensahe - "Be kind, always." Ang magkaroon ng pakikisama at may mahabang pasensya sa kapwa ambassadors at sa mga mambabasa. Isang halimbawa, hindi natin maiwasan na may mga makukulit talagang mambabasa lalo na kapag hindi nila maayos nababasa yung guidelines ng isang contest. Kahit paulit-ulit yung tanong, kailangan mo pa rin sagutin nang maayos.

6. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad Ambassadors?

Mapapa-"Sana all" ka na lang talaga. Sana yung ibang kompanya parehas din ng working environment sa Wattpad Ambassadors. Dito ko naramdaman na may halaga ka. Naaalagaan nila yung well-being mo. Kaya nagiging positibo ang karanasan mo kapag ka trabaho mo ang mga Wattpad Ambassadors. 


7. Paano nakatutulong ang iyong pagiging ambassador bilang isang manunulat o mambabasá?

Bilang manunulat, dito mo makikita ang galing ng mga aspiring writers sa pamamagitan ng pagsali ng mga writing contest. Nagbibigay din ito ng inspirasyon sa akin dahil nakakakuha ako ng ideya kung paano rin mabigyan ng kahulugan ang isang writing prompt. Isa na rin itong paraan makilala ang komunidad ng mga manunulat at mambabasa. 


8. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging isang Ambassador? 

Noong nagsimula pa lang ako bilang ambassador, hindi ko akalain na suportado ka ng mga tao sa team. Nanibago ako sa kapaligiran ko at ng dahil doon nawala lahat ng kaba ko. Isa din sa mga nagustuhan ko ay ang pagkakataon na makausap ang Wattpad staff - mapasali man sa kanilang exclusive workshop/seminar o hihingi man sila ng tulong/opinyon para mapabuti ang Wattpad. Ito ang mga oportunidad na makukuha mo sa pagiging isang Wattpad ambassador. 


9. Bilang isang Ambassador, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa ating ginagawa para sa buong community? 

Malaking bahagi dito ang pasensya. Huminga muna nang malalim bago sasagot sa mga kritisismo. Ipaliwanag nang maayos at dapat handa ka pa rin tumulong kahit nakabitaw ang ibang Wattpaders ng masasakit na panalita. Minsan kapag di mo kaya hawakan, pwede mong maitaas ang concern sa team lead. 


10. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa lahat ng Ambassadors o payo sa mga nais mapabilang sa atin sa hinaharap? 

Isa sa mga layunin ng pagiging isang ambassador ay handa kang sumuporta sa komunidad at tumulong para mapabuti ang positibong karanasan sa Wattpad. Importante yung komunikasyon sa team. Mas magiging epektibo ang working environment mo kapag bukas ang loob mo sa iyong mga kasama. Siyempre 'wag kalimutan mag-enjoy kasama ang Wattpad community :)   

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top