June 2021 (i) Panayam kay cleffhanger

1. Ano ang kuwento sa likod ng iyong unique na username? 

Hindi ko masiyadong pinag-isipan ang username na ito. Sadyang nakahiligan kong basahin noon ang cliffhanger na mga maikling kwento. Dahil ang pangalan ko nama'y nagsimula sa Cleff, dinugtungan ko na lang ito ng "hanger". Sa gayon, napaglaruan ko na lang ang tunog ng salita kaya naging cleffhanger.


2. Kailan ka nagsimulang magsulat ng mga kuwento? Ano ang nagtulak sa'yo na magsulat?

Naaalala ko pang nasa ika-anim na baitang ako noon. Nakahiligan kong gumawa ng scripts sa aming mga dula-dulaan sa klase at gusto kong mas maganda 'yong sa grupo ko. Gayunpaman, nagsimula na talaga akong maghabi ng maiikling kwento noong 2014, at nasa ika-walong baitang na ako no'n. Ang unang inspirasyon ko talaga ay 'yong kaibigan kong muntikan nang nag-drop out dahil sa familly issues. Inakala kong hindi na siya babalik kaya nagsulat ako ng komedya na hango sa pangalan niya. Nabasa pa 'yon ng buong klase dahil nakasulat lamang 'yon sa yellow pad. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko kung ano ang content no'n.


3. Paano mo natuklasan ang Wattpad, at bakit napagdesisyunan mong ilathala ang iyong mga akda rito? 

Una kong natuklasan ang Wattpad dahil sa kaklase kong may touch screen na cell phone noong Grade 9 kami. Tumama sa akin ang kuryusidad noong nakita ko siyang nagbabasa sa cellphone niya na hindi naman 'yong ebook style talaga. First time ko noong nalaman na may Wattpad pala at mas namangha ako noong nalaman kong ang binabasa kong ebook stories ay nasa Wattpad din.

Sa Wattpad ko napagdesisyunang ilathala ang mga akda ko dahil ito ang unang reading-writing app na natuklasan ko. Isa pa'y sa Wattpad ko talaga naramdamang kasapi ako sa isang pamilya ng mga manunulat at mambabasa, at dito ko natutunang i-build ang sarili kong mundo.


4. Sino ang iyong paboritong manunulat, at bakit? 

Kung sa classics ang pag-uusapan, numero uno sa akin si Jane Austin, dahil sa mga obra niyang parang dinuduyan ako sa alapaap sa lalim at lengthy ng mga salita. Gayunpaman, kakikitaan ng marubdob na emosyon lalo na 'yong Pride and Prejudice. Si Nicholas Sparks naman ang paborito ko sa panahon ngayon. Para sa akin, siya ang " the man" sa paghahabi ng mga romance na kwentong may himig ng realismo.


5. May paborito ka bang manunulat o kuwento sa Wattpad? 

Marami akong paboritong manunulat sa Wattpad, kagaya na lamang nina: RobThier, VeraHollins, AnnaTodd, TheBibicalSinner, at FGirlWriter. Isa sa kwentong hindi ko kailanman makakalimutan ay ang "Storm and Silence Series" ni Sir Rob. Ito ay isang kwentong siksik-liglig sa katatawanan, impormasyon sa Victorian Era, abentura, romansa, at iba pa.


6. Maaari mo bang ibahagi sa amin kung tungkol saan ang iyong kuwento, at gaano katagal mo nang isinusulat ito? 

Ang katatapos ko lang na kwentong naisulat at nailathala ay ang Shorty Short Tales. Ito ay koleksyon ng mga flash fiction na isinulat sa Ingles. Halu-halo ang tema at genre kaya maraming pagpipilian ang mga mambabasa. May tumatalakay sa bullying, gender critisicm, at iba pa na puno ng twists. Naengganyo akong gumawa ng sarili kong compilation dahil naintriga ako sa mga flash fiction na nabasa ko mula sa reading lists ng Wattpad @MicroBytes. Sobrang bilis ng pangyayari. Sinimulan kong magsulat noong Nobyembre 2020 at inilathala ko sa Wattpad noong Desyembre 2020 bilang bahagi sa tradisyon kong maglathala ng kwento tuwing Desyembre. Opisyal ko itong tinapos noong Marso na umabot sa 58 micro-tales.


7. Aming napag-alaman na nakapaglimbag ka na ng iyong libro, maaari mo bang ikuwento sa amin ang naging proseso nito? 

Opo, ang Shorty Short Tales ay naisalibro noong Abril sa ilalim ng Ukiyoto Publishing na nakabasi sa Canada. Nakita ko lang ang Sponsored post ng Ukiyoto Pub sa FB patungkol sa pagtanggap nila ng mga manuskrito. It piqued my interest kaya nagtanong ako sa kanilang gmail ad kung tumatanggap ba sila ng flash fic compilation, at agaran silang sumagot ng oo. Mabilis lamang po ang pangyayaring 'yon. Pagkatapos kong mag-submit after 2 days nag-reply sila na nakapasa ang aking manuscript at nag-contract signing na kaagad. The following days, ginawa na ang pag-finalized ng content at book cover. Sa ngayon, available na po ang Shorty Short Tales (ebook, flipbook, paperback, and hardback) sa Ukiyoto, Amazon, at Ukiyosk.


8. Kung bibigyan mo ng titulo ang kuwento ng iyong buhay manunulat, ano ito at bakit? 

"Gray Area" ang maibibigay kong titulo sa kwento ng aking buhay manunulat. It means a situation that is something unclear. Minsan kasi nawawala ako sa pace at nakakalimutan ko ang purpose ko sa pagsusulat. Anyway, hindi lang po sa pagsusulat kung 'di as a person, as a whole. 


9. Limang taon mula ngayon, bilang manunulat, saan mo nakikita ang iyong sarili? 

Limang taon mula ngayon, nakikita ko ang sarili kong nasa bahay pa rin nagsusulat tuwing free time ko haha. Siguro masaya akong nagsusulat ng bagong plot habang nag-che-check ng papers ng future students ko.


10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat? 

Huwag matakot sumubok. Kapag wala ka sa comfort zone mo, everything will turn out great because it'll guide you through the process of learning. To learn is to experience kumbaga. Unti-unting mag-explore sa kakayahan mo dahil ang paunti-unting hakbang na 'yan ay magiging malaking bahagi ng pag-unlad. Pare-pareho lang din naman tayong lahat na nangangarap. Basta ba masaya tayo sa tinatahak nating landas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top